Share

His Monster
His Monster
Author: Miss Peculiar

Chapter 1

"Sigurado ka na ba dito V?" Malungkot na tanong ni Aiden sa kambal na si Ava, ngumiti naman sa kanya ang kapatid saka tumango

"Okay...mukhang hindi na talaga kita mapipigilan, pero sana wag mo kaming kalimutan" malungkot na saad nito kaya naman hindi napigilan ni Ava ang maiyak

She faced her twin then held the both of his hands "At bakit ko naman gagawin yon ha? Bakit ko naman kakalimutan ang pamilya ko? Lalong lalo kana Aiden" mangiyak ngiyak niyang sabi then all of a sudden, niyakap siya ng kapatid

"I'm gonna miss you V...kahit medyo baliw ako, hindi ko pa din kaya na malayo sayo...you're my other half kaya masakit para sakin to, pero like I said kanina sa bahay, kung saan ka masaya, dun din ako" napangiti naman si Ava sa sinabi ng kapatid kaya mas hinigpitan niya ang yakap rito.

Oo at medyo siraulo ang kapatid niya pero kakambal niya pa rin ito kaya kung sino man ang pinakamasasaktan sa gagawin niya ay siguradong si Aiden yon.

"S-Salamat Aids...pangako aalagaan ko ang sarili ko, hinding hindi ko hahayaan na may manakit sakin, pero kailangan mo rin ipangako na aalalagaan mo sila Daddy, lalo na si Mom"

"Of course, I will take care of them, aalalagaan ko sila para hindi ka na rin mag alala...wag mo na din isipin si Vera at Alistair dahil hindi ko sila papabayaan" mas lalo namang napahagulgol si Ava nang marinig ang pangalan ng bunso nilang mga kapatid

Sina Vera at Alistair, kambal din ang mga ito saka limang taong gulang palang kaya mas lalo siyang nasasaktan.

Pero wala na siyang magagawa dahil buo na ang desisyon niya.

"S-Salamat..."

"No problem, you're my sister and I will always support you" saad nito saka pinunasan ang luha niya gamit ang daliri nito

"Now don't cry na, baka biglang dumating si Mom at pagalitan ka nanam—"

"Miss Ava?" Aiden was cut off when Ava's PA Andrea knocks

"Come in" She replied then her door opens showing her very nervous PA

"Miss Ava, hinihintay na ho kayo ni Ma'am Amanda sa labas" kinakabahang sabi nito kaya naman napa buntong hininga nalang si Ava, sigurado kasi siyang pinagalitan nanaman ng nanay niya si Andrea

"Okay sige, pakisabi susunod nako" with that, tumango na si Andrea saka muli silang iniwan na magkapatid

"Mukhang napagkadiskitahan nanaman ni Mom ang PA mo ha...anyway, bumaba ka na, maghihintay ako sa likod, doon lang ako sa kotse ko para anytime na lumabas ka ay makaalis na tayo agad"

"Okay sige...mauuna nako" she said then her brother nods.

Pagkalabas ni Ava ng dressing room ay sumalubong agad sa kanya ang mga co-models niya na may malalaking ngiti sa mukha

"Hi!" Bati ng isang modelo sa kanya, nginitian niya naman ito saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Ngayong gabi ang final walk niya as a model kaya medyo kinakabahan siya, lalo't iilan lang nakakaalam na mamamaalam na siya sa publiko, kaya nga natatakot siya sa magiging reaksyon ng nanay niya e dahil wala naman itong alam sa gagawin niya.

Pagkarating niya ng backstage ay nilapitan siya ng best friend niyang si Lauren na isa ring modelo, malungkot itong ngumiti sa kanya bago siya niyakap

"Ava...mamimiss kita" sabi nito habang yakap yakap siya, tinugon naman iyon ni Ava

"Me too...mamimiss din kita Lauren" She said in a sad tone, maya maya pa ay naramdaman niya ang pamamasa ng balikat niya

"B-Bakit kase kelangan mo pang umalis e...m-mawawalan na tuloy ako ng best friend" iyak nito sa balikat niya

"Ano kaba? Hindi ka mawawalan ng best friend no! Kahit naman aalis ako, hindi ko pa rin kakalimutan na may maganda akong kaibigan na gaya mo" nagawa pa nitong magbiro pero mukhang hindi effective dahil tinapik siya ni Lauren sa braso

"Ikaw babae ka! Akala mo hahayaan kitang kalimutan ako? Nagkakamali ka no! Ako lang dapat ang best friend mo wala ng iba!" Singhal nito sa kanya habang umiiyak kaya naman muli siyang niyakap ni Ava

"Of course I won't forget you silly...e ikaw lang naman yata ang kaibigan kong maganda pero saksakan ng ingay e"

"Aba't ika—"

"Ava thank god dumating kana! Kanina pa ko naghihintay sayo! Alam mo bang halos mabingi nako sa Mommy mo kakahanap sayo ha? Halika na nga't mg ready kana" it was her manager, bakas din sa mukha nito ang pagkataranta kaya hindi na siya umangal

"Hay nako Ava, yang mommy mo talaga kung maka-talak daig pa ang rapper, pagalitan ba naman ako kanina kase daw hindi kita hinahanap...kung pwede lang na mag-resign ginawa ko na e, pero syempre di ko gagawin yon dahil ikaw ang pinakamahalagang alaga ko" masayang tugon nito tapos kumindat pa, hindi niya tuloy maiwasan ang ma-konsensya e

Hindi niya din kasi sinabi rito ang tungkol sa plano niya kaya nakakalungkot talaga

"Pagpasensyahan niyo nalang si Mommy ah? Ganon lang talaga yun"

"Oo alam ko naman yun...ganon siya kasi hindi niya na-achieve ang mga na-achieve mo ngayon nung panahong sikat pa siya" dere-deretsong sabi nito at kahit ayaw makinig ni Ava, wala na siyang nagawa dahil totoo naman yon

Noon bata pa kasi ang mommy niya ay hindi nito naipagpagpatuloy ang pangarap niyang pagmomodelo dahil maaga siyang nabuntis sa kanila ni Aiden.

Kaya nga siguro ganon nalang ang pagkagusto ng Mommy niya na maging model siya e, para naman kahit hindi niya nagawa yon ay magawa naman ng anak niya kahit papano.

Kaya lang kasi hindi naman iyon ang pangarap niya, ang totoo nga niyan ay ayaw niyang ma-involve sa publicity, dahil ang gusto niya lang ay makapagtrabaho sa isang malaking kompanya.

Pero hindi niya yon nagawa dahil sa murang edad ay sinabak na agad siya ng nanay niya sa harap ng camera, at the age of five ay na-feature na siya sa mga commercials, magazines at marami pang iba.

Tapos nagsimula rin siyang umarte sa edad na pito kaya kahit gusto niya ng normal na buhay ay hindi posible. Sa murang edad rin ay hindi niya naranasan ang makapaglaro sa labas gaya ng ibang bata dahil at young age ay busying busy na siya sa mga trabaho.

Kaya nga ganon nalang ang pagkasabik niyang makalabas nung bata pa siya, pero alam niyang hindi pwede dahil baka dumugin siya ng mga paparazzi

By sixteen naman ay sumabak na siya sa runway, at dahil sikat ang mga magulang niya, madali lang siyang nakapasok, ni hindi na nga siya nag auditon pa, basta't nagpasa lang ng mga pictures niya.

Pero ngayon pagod na siya, she's finally had enough, gusto niya nang makawala, makalaya at magawa ang gusto niya.

Ngunit alam niyang mahirap iyon lalo't kilalang kilala siya sa buong mundo, so she came up with the stupidest idea that has ever comes on her mind

And that is to change

And by mean of change is, magpapalit siya ng anyo

And no, hindi siya magpaparetoke ha??

Magdi-disguise lang siya para hindi na makilala pero syempre nonsense ang pagdi-disguise niya kung hindi siya magpapalit ng pangalan diba?

Crazy, right? Pero wala na siyang choice e, kaya she has to go with it and be the new version of herself.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status