Mabilis na lumipas ang panahon parang kailan lang noong pinag usapan nila ang patungkol sa nakatakda nitong pagpapakasal. Laking pasalamat niya na rin na hindi pa nagpakita sa kaniya ang mapapangasawa. Kung mangyari man iyon ay siguradong hindi niya pa rin alam kung paano ito pakikitunguhan.
Abala siya sa kanilang plantation. Tumutulong sa kanilang manggagawang mag harvest ng mga tanim. Kasalukuyan silang nasa ilalim ng matinding sikat ng araw ngunit hindi niya ininda ito. Masaya silang nagtutulong- tulong upang mapabilis ang kanilang gawain.
Kasalukuyan siyang tumatapas ng mais nang tinawag siya ni Rita ang anak ni Aling Rosa at Mang Berting.
“Senyorita inom po muna kayo ng tubig,” mahinahong saad nito sa kaniya at mayuming ngumiti.
“Salamat Rita sana ay hindi kana nag abala pa.” Masayang tanggap niya sa tubig at inumpisahing ubusin ito. Ramdam niya rin ang kaginhawaan noong dumaloy ang tubig sa kaniyang lalamunan.
“Walang anuman po iyon Senyorita. Tungkulin po naming pagsilbihan kayo at sa katotohanan ay nahihiya po kami sapagkat tinulungan niyo kami. Sayang po ang kutis niyo Senyorita.” Nahihiyang hayag ni Rita habang kinikilatis ang balat nitong namumula.
“Bilang tagapamahala nang Haciendang ito tungkulin kong alamin ang ginagawa ng bawat isa. Kailangan ko ring pagdaanan ito para nama’y may kaalam ako sa mga gawain ng ating mga trabahador.” Ngiting tugon niya habang inililibot ang tingin sa mga kasamahang maligayang ginagampanan ang tungkulin.
“Kay bait niyo po Senyorita Kristen sana lahat ng mayayaman at nasa pedestal ay katulad niyo. Iniisip at isinasaalang- alang ang kapakanan ng kanilang sinasakupan bago ang pansariling kapakanan.” Malugod at taos pusong sambit ng dalaga.
“Maraming mabubuting tao Rita at kailangan mo lamang buksan ang iyong mga mata upang makilala sila. Ang iba sa kanila ay itinatago lamang ang kabaitan sa masungit at prangkang pagkatao. Mayroon ring tahimik lamang at hindi palaging inaanunsiyo ang kabutihan. Ang iba ay tinatabunan lamang ng panghuhusga ng mga taong nakapalibot sa kanila sapagkat hindi nila makuha ang ninanais nilang benepisyo.” May ngiti kong pahayag at inayos ang sombrero nito.
“Kaya ikaw kahit na masama ang mundo o ang mga taong nakapaligid sa iyo lagi mong piliin ang maging mabuti. Laging magpatawad at maging maunawain. Isipin mo na ang bawat isa ay may kabutihang nakapaloob sa kanila hindi lamang nila alam kung paano ito gamitin at ipakita sa iba.” Masuyo at sinserong turan niya sa dalaga na hindi maalis ang tingin sa kaniya.
Bilang tugon sa kaniyang sinabi, mabilis na tumango- tango ang dalaga at maramdaming ningitian siya.
Umabot sila ng ilang oras bago matapos ang pagtabas sa maisan. Mabilisan itong binuhat ng mga lalaki at isinakay sa truck na nakaabang. Habang ang mga dalaga at ang mga kakabaihan ay tumungo sa papag kung saan naroon si Aling Rosa na naghahanda para sa kanilang tanghalian.
Ang kinaroroonan ng papag ay hindi masayadong mainit lalo pa at nasa ilalim ito ng malaking puno ng akasya.
Marami ang nakahaing pagkain rito. Lahat ay paniguradong masarap.
Nag umpisang magtulungan ang mga dalaga at kababaihan upang ihanda ang mga kubyertos na gagamitin. Ang mga bubwit at kabataan naman sa hindi kalayuan ay nagtutulungan sa pag pulot ng mga malalapad at matitigas na dahon. Gagamitin na naman yata nila ito para gawing pamaypay.
“Ate ganda!” Matinis na sigaw ng mga kabaatan noong nakita siya.
“Ate ito po pamaypay mo po. Maganda po iyan at bagong hulog, gamitin niyo po.” May aliw na pahayag ni Nene, isa ito sa mga kabataang narito.
“Salamat Nene sana ibinigay mo na lamang ito sa iyong mga magulang.” Masuyong sabi niya habang inaayos ang nakakalat na buhok ng bata.
“Mayroon na po sila ate! Tatlo po ang kinuha ko para mayroon rin ikaw!” Matinis nitong pahayag at masayang natatalon-talon.
Kinuha niya ang tsokolateng mayroon siya sa kanyang bulsa at ibinigay ito sa bata. Masaya niya itong tinggap at ipinakita sa kaniyang mga magulang. Tumalilis ito ng takbo matapos magpasalamat sa kaniya.
Simpleng pamumuhay. ‘Yan ang gusto niyang maranasan. Kahit walang kayamanan at mamahaling gamit basta sama-sama at buo okay lang iyon sa kaniya.
Hindi pa nagtagal ay dumating na ang mga kalalakihan. Nag umpisa na silang kumain at masayang nagbibiruan. Nakisali siya sa mga ito at masayang nakibahagi.
“Hoy Magda ang laway mo oh nagbabaha!” kantiyaw ni Eric sa dalagang si Magda sa hindi kalayuan.
“Hoy EricXona na para sa kilili tumahimik ka!” napipikang ganti ng dalaga.
Ang mga kasamahan nila sa papag ay patawa-tawa lamang sa bangayan ng dalawa.
“Hoy Magdalenang sawing palad, mahiya ka nga kay Macky! Kanina ka pa nakangangang nakatingin jan ah!” Si Eric iyon pilit na kinukumpas ang mga kamay at tinuro si Macky na nasa gilid.
“Oh ano ngayon inggit ka? Selos ka na niyan? Utot mo EricXona bulok!” akmang babatuhin si Eric nang saging na hawak nito.
“Bakit naman ako magseselos aber? At bakit naman ako maiinggit ha?” tumayo si Eric at itinuro si Magda.
Palaging gano’n ang dalawa sa tuwing magkikita. Palaging maingay at nagsasagutan
“Bakit ako maiinggit kung mas macho ako sa kaniya,” pini-flex nito ang kaniyang muscles sa balikat. Ang mga kalalakihan naman ay naghiyawan.
“At Gwapo ako! Lamang ng sampung paligo.” at pilit na pina amoy sa katabi ang kili-kili.
“Oo Magda mabango! Amoy…….. pawis! Hahahahaah!” tumawa ng pagkalakas-lakas ang tao sa papag at si Eric naman ay tila kamatis na namumula.
“Kuya Nestor naman eh! Dapat sinabi mong mabango talaga!” Nagdadabog pa ito at muling bumaling kay Magda na malakas na tumatawa.
“Sige lang tawa ka lang Magda, pag ikaw hinalikan ko tikom ‘yang bibig mo,” nakangisi at puno ng kumpiyansang sabi ni Eric at umupo sa kaniyang upuan habang kagat ang labi.
Si Magda naman ay naiwang nakatayo at hindi makapaniwala. Natahimik ang hapag ngunit ilang sandali palang ay umugong na ang masasayang halakhak at tuksuhan.
Hapon na nang matapos nila ang dalawang ektaryang taniman. Kumain muna sila ng hapunan bago nagsiuwian sa kani-kanilang pamamahay.
Sinundo siya ng kanilang pick up truck at hinatid sa kanilang mansion.
Buong ngiti siyang sinalubong ng kanilang mga kasambahay at lola. Kinuha ng mga ito ang kaniyang sombrero at gamit bago tuluyang pumasok sa trangkahan ng kanilang tanggapan.
“Kamusta ka apo? Ang pula pula mo para kang isang kamatis!” Natatawang ani ng kaniyan g Lola habang hinahaplos ang kaniyang pisngi at braso.
Masiya siyang nakipag kwentuhan sa matandang Senyora. Nadatnan niya sa tanggapan ng mansion ang kaniyang lolo at buong suyo siyang niyakap nito.
“Lolo madumi po ako,” natatawang aniya habang sinusuklian ito ng yakap.
“Aba hindi niyo ako isasama jan?” Nagtatampong pahayag ng matandang babae habang naka busangot.
Tumawa na lamang siya sa ikinilos ng matanda at buong pusong ikinulong ang mga ito sa kaniyang bisig.
Mabilis siyang nagpaalam sa dalawa at nag pahinga sa kaniyang silid bago pa man maligo.
Masaya siya sa buong araw na iyon. Masaya sapagkat nakatulong siya at nabawasan ang trabaho ng kanilang mga manggagawa.
Ito ang buhay niya at dito siya nababagay sa probinsiya.
Hindi niya alam kung kakayanin niya bang lisanin ito at iwan ang kaniyang nasasakupan. Buong buhay siyang naroon sa Hacienda at minsan lamang magawi sa lungsod dahil na rin sa pag iingat ng kaniyang lolo.
Minsan nang may nangyaring masama sa kaniya noong binisita niya ang lungsod dahilan upang mawala sa kaniya ang ina. Ito rin ang rason upang higpitan ng kaniyang Lolo ang kanilang seguridad at gamitin ang koneksyon nito upang pangalagaan siya.
This is place is her safe haven. She can’t see herself leaving in the city with a complicated lifestyle.
Maaari ring mangyari sa kaniya ang nagyari sa ina kung sa lungsod siya maninirahan. Kaya’t kung maari ay mas gusto niya rito.
Ito ang buhay niya at handa siyang ubusin ang buhay niya sa lugar na ito.
Hacienda Guerera is truly her place.
Bago ako pansamantalang magpaalam, gusto kong pasalamatan ang mga taong walang sawang sumuporta sa aking kauna-unahang akda. Kayo po ang rason kung bakit patuloy akong lumalaban kaya labis po akong nagpapasalamat sa inyo.Mahal ko kayo! Stay safe at God bless you po!-Blue ZirconThank you sa walang sawang pagvote:Jonjon Rivera, Rhea Santiago, Ria Bausas, Quinto Sm, Pagunsannestor30, Luz Cabigting, Zahara Escobal, Joana Parcon, Rebecca Rabanera, Noemie Vale, Jheng Gontala, Mary Joy Fababeir, Jomar Mangiliman, Pabzkie Gubat, Froilan Villapa, GE Oliveros, Christine Salvador, Danz Diaz, Erwin Bal, Ariel Voluntad, Joseph John, Gerald Borres, Renato Recoco, Sha Ozart, Arles Mae, Elza Gonzales, Glenda Mendoza, Dranreb Daquiz, Jenney Magada at sa 2.1k nating viewers!
Announcement Hello, good evening! I hope that everyone is doing fine. For the past few days, I have experienced a series of nose bleeding which, is not normal for me, and last day my Mama decided that I should consult a Doctor. Sadly, the findings were not good kaya the doctor advised that I should take a rest for a couple of weeks. Also, alam ko pong maraming errors sa bawat kabanata kaya napag isipan ko pong mag edit. Ipopolish ko po muna ang bawat kabanata kaya kung maaari po ay ihold nalang muna si Clinton sa inyong library. Gusto ko pong maging worth it ang bawat coins niyo kaya gagawin ko po ang makakaya ko para mapaganda pa ito. Salamat po sa walang sawang pagsuporta at pagbabasa! Hindi ko inexpect ito kaya maraming salamat po! Sana maintindihan niyo po ako.
Halos huminto ang paghinga ni Anjelouv nang padaskol siyang kalagan ng lalaki at kaladkarin na parang sako. Nais niyang kumuwala ngunit sobrang higpit ng pagkakagapos sa kaniya. Takot na takot siya habang nagpupumiglas at nagmamakaawang pakalawan.Those gunshots brings her hope..hope that Zak or even her family came to save her. Kabaliktaran ang kaniyang nararamdaman, imbes na matakot ay para siyang nabuhayan ng loob. She knows that those gunshots were the sign that someone was coming to look for her and save her...just like before."B-bitawan mo ako! J-just gave me back to my family!'" nanginginig niyang sigaw habang pilit na inaagaw ang kaniyang braso sa mahigpit na pagkakahawak nito.Takot na takot siya at lihim na nagdarasal na mailagtas bago siya tuluyang ilayo ng lalaking kumakaladkad sa kaniya."Tumahimik ka p*****a! Ang mga gagu akala ko ay matagal pa bago nila matunton ang kinaroroonan mo! Bwesit na mga sundalong 'yun! Bwesit!" galit na galit na sigaw nito sa kaniya at mas la
Mabigat ang talukap ni Anjelouv nang paunti-unti niyang binuksan ang kaniyang mga mata. May naulinigan siyang mga boses na tila nagtatalo. Hindi ito masiyadong malapit ngunit hindi rin nalalayo. May mga kaluskos rin siyang narinig mula sa paligid. Nang tuluyan na niyang maimulat ang kaniyang mga mata ay agad siyang sinalubong ng dilim. She blinks her eyes a couple of times, but still, she can't see anything except darkness. Anjelouv is panicking, inilibot niya ang tingin sa paligid ngunit kahit kaunting liwanag manlang ay wala siyang makita. She was completely blinded by darkness. She tried to move, but she was tied. Nagsimula nang sumibol ang kaba sa kaniyang dibdib nang hindi niya magawang maigalaw ang kaniyang kamay at buong katawan. Kumalabog ng husto ang kaniyang dibdib nang malamang napakahigpit ng ginawang pagkakatali sa kaniya. It was so tight that no matter what she did, it would not easily loosen up. Marahas siyang napalunok nang marinig niya ang pagbukas ng kung ano. The
"Where the fuck is my fiancee Zak?! Ipinagkatiwala ko sayo si Anjelouv dahil alam kong mas ligtas siya! Pero nasaan na siya ngayon huh?! Nasaan!" He frustratedly asked Zakhar. Kinuwelyuhan niya ito at matalim na tinitigan. Leviticus is stopping when while Luke is preventing Zakhar from hurting him. "Do you think alam ko Clinton?! Iniwan ko lang siya dito kaninang umaga kaya bakit ako ang sinisisi mo huh?!" mariing sagot ni Zak habang pinipigilan ang sariling maghiganti laban sa kaniya. "Kung hindi mo siya pinuntahan rito edi sana hindi siya nawala! Edi sana hindi niya naisip na kasabwat mo ako! Kung naghintay ka lang Villamor sana hindi naging ganito ang sitwasyon kaya wala kang karapatan na kwestiyunin ako! Putangina! " Zakhar shouted at him. Bakas sa mga mata nito ang galit at pagsisisi. Anjelouv was missing. Akala nila ay naglibot-libot lang ito sa lugar ngunit nang lumipas ang ilang oras na wala ito ay naisipan na nilang suyurin ang buong lugar but to their dismay, there is no
Why does life seem to be unfair? Why can't we be happy for so long? Why do we need to suffer just to have the one that we are aiming for? Why do we need to get hurt? Why do we need to sacrifice just to have a glimpse of our happiness? Life isn't unfair to us because, in fact, we are the ones who decide for ourselves. Tayo ang pumipili kung paano natin papagulungin ang buhay natin, it was just that sometimes we made decisions that affected our life’s process. Happiness. We thought of happiness as being one of the hardest things to achieve. Indeed, happiness is hard to achieve, especially if we mainly focus on the things that feed our worldly desires. Sa sobrang pagkahumaling natin sa standard ng sociodad ay tuluyan na nating nakalimutan ang totoong kahulugan ng kasiyahan. Happiness is within us. Suffering and hurting are part of our lives already. Pilitin man natin itong iwasan ay hindi pa rin maaari. Nakatadha na tayong masaktan at magdusa at walang sinuman sa mundong ito ang maaari