로그인“You can rent their time, their smiles, even their affection...just don’t fall in love.” Si Preston ang unang lalaking minahal ni Kianna, ang lalaking inakala niyang makakasama niya habang buhay. Kaya handa niyang gawin ang lahat para iligtas ang relasyon nila. Pero paano mo aayusin ang isang relasyon kung ang mismong taong mahal mo ang unti-unting bumibitaw? Dati, punong-puno ng lambing, effort, at pagmamahal si Preston. Ngayon? Puro trabaho na lamang ang laman ng mundo nito. Mga gabing walang tawag. Mga date na laging kinakansela. Mga yakap na malamig na parang obligasyon na lang. Hanggang sa isang gabi, may naalala si Kianna na payo ng katrabaho niya, Vampire Host Club. Isang lugar kung saan maaaring umupa ng perpektong lalaki. Gwapo, charming, attentive… at kayang ibigay ang lahat ng pagkukulang ng isang boyfriend. At doon pumasok sa isip ni Kianna ang isang delikadong plano. Kung hindi na siya kayang pahalagahan ni Preston… Pagseselosin niya ito. Magbabayad siya para sa atensyon ng ibang lalaki. Gagamit siya ng host guy para ipaalala kay Preston kung ano ang mawawala rito kapag tuluyan siyang napagod. Pero paano kung sa gitna ng pekeng pagpapaselos… May isang host na unti-unting magparamdam sa kanya ng totoong pagmamahal? At paano kung mas masarap palang manatili sa isang fantasy kaysa bumalik sa relasyong matagal nang nanlalamig? Sa lugar kung saan bawal ma-fall, Sino ang unang masasaktan?
더 보기Humahangos na bumaba ng taxi si Kianna at halos takbuhin na ang gusaling pinagtatrabahuhan niya.
Lunes na lunes ay late na siya. Paano ba naman, buong gabi niyang hinintay ang pagdating ni Preston kahit isang tawag man lang o simpleng paghingi ng sorry, wala. Ni anino nito ay hindi niya nakita. At kahapon pa naman ang anniversary nila. Dahil sa kaiiyak at kaiisip, namugto ang mga mata niya. Mabuti na lamang at may shades siyang suot kaya kahit paano ay natatakpan ang makapal niyang eyebags. Dagdag pa roon ang pagkamalas niya sa nasakyang taxi. Tatlong bloke na lang ang layo sa kumpanya ay na-flat-an pa ito ng gulong. Kaya heto siya ngayon...takbo rito, hila roon sa maikling skirt ng office uniform niya habang pilit inaabot ang oras. Kung alam lang niyang magiging ganito ang araw niya, nag-slacks na lang sana siya para komportable siyang makakatakbo. “Ah, Preston! Kasalanan mo talaga ito,” inis niyang bulong. Dahil sa dami ng iniisip, hindi niya napansin ang nakausling tipak ng bato sa daraanan niya. Huli na nang makita niya iyon. Natapilok siya. At kasabay ng pagkabali ng takong ng sapatos niya ay ang malutong na tunog ng napunit na tela. “Ay, bulate!” gulat niyang bulalas. Kung hindi lang siya nakahawak sa damit ng lalaking nasa harapan niya, siguradong sumubsob na siya sa semento. “What the hell?” madiing sambit nito. Nanlaki ang mga mata ni Kianna. Dahan-dahan siyang napatingin sa napunit na bahagi ng damit nito at agad na nakaramdam ng matinding hiya. “I-I’m so sorry,” mabilis niyang sabi. Ngunit nang mag-angat siya ng tingin, tila tumigil ang mundo niya. Kitang-kita niya ang pagkainis sa mukha ng lalaki subalit kahit bahagyang nakakunot ang noo nito, hindi iyon nakabawas sa nakakasilaw nitong kaguwapuhan. Bigla niyang naalala ang isang linya mula sa paborito niyang Korean drama. “His beauty shines brighter than the midday sun and gentler than the moonlight in the darkest night.” At sa pagkakataong iyon, pakiramdam niya’y eksaktong-eksakto iyon para sa lalaking kaharap niya. Ngayon lang yata siya nakakita ng ganoong kaguwapong lalaki nang personal. Matangkad ito, matangos ang ilong, matalim ang mga mata, mapula ang labi at napakaputi ng balat para bang hindi tao kundi isang karakter na lumabas mula sa mamahaling magazine o international runway show. Kaya naman hindi niya namalayang matagal na pala siyang nakatitig dito. Ah, Kianna… seryoso ka ba? Sa gitna talaga ng kamalasan mo, nagagawa mo pang mag-daydream? “Finished fantasizing about me?” Natigilan siya. May halong sarkasmo ang boses nito dahilan para agad siyang mamula sa kahihiyan. “I-I’m sorry…” nahiyang sabi niya. Lalong kumunot ang noo ng lalaki. “Stop saying sorry. I don’t need your apology.” Bahagyang nainis si Kianna. Kanina lamang ay halos mabighani siya rito, pero ngayon ay gusto na niya itong sapakin. Akala mo naman kung sino. Oo na, gwapo na siya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay pwede na siyang maging suplado. “Okay. Fine. Kung gusto mo, papalitan ko na lang,” mataray niyang sagot. Tila walang pakialam itong tumingin sa kanya bago malamig na nagsalita. “Forget it. It’s too pricey.” Awtomatikong napaawang ang labi niya. Napakuyom siya ng kamao habang pilit pinipigilan ang sariling sumabog. Ano’ng ibig sabihin no’n? Mukha ba siyang walang pambayad? “Sabihin mo lang kung magkano. Babayaran ko,” madiin niyang saad. Ngunit imbes na sagutin siya, basta na lamang itong tumalikod at naglakad palayo. “Grabe… hari yata ng kayabangan ’yon,” gigil niyang bulong habang pinagmamasdan ang papalayong matangkad na pigura. Sa dami ng naging kamalasan niya ngayong araw, mukhang nadagdagan pa iyon. At oo, aminado siyang gwapo ito pero hanggang doon lang. Gwapo lang siya. Wala nang ibang redeeming factor. Nang marinig niya ang buzzer mula sa construction site sa tapat, saka lamang niya naalalang late na late na talaga siya. Akma na sana siyang maglalakad muli nang maalala ang nabaling takong ng sapatos niya. “Ay, kainis…” inis na bulong niya.“So, wala pa rin ba kayong balak na i-entertain ako?” prangkang tanong ni Kianna habang isa-isang sinusulyapan ang mga lalaki. Tahimik na nagkatinginan ang mga ito. At bago pa may makasagot, may kamay na humawak sa kanyang braso. “Sorry, guys. Ako na ang bahala sa kanya.” Mababa at seryoso ang tinig ng lalaking kanina pa nakikialam sa kanya. Hindi na siya nakapalag nang hilahin siya nito palayo sa grupo. Tahimik siyang naupo sa isang mataas na stool malapit sa bar counter habang ang lalaki naman ay may kinuhang tasa. Ilang segundo pa’y inilapag nito sa harapan niya ang isang mainit na black coffee. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. “Ang sabi ko red wine, hindi kape,” iritadong saad niya. Kaswal lamang itong sumandal sa counter. “Naubusan kami ng red wine.” Napasimangot siya. “Ano namang klaseng club to? Nauubusan kayo ng red wine?” reklamo niya. “Ayoko ng kape. Hard drinks na lang.” Padaskol niyang itinulak pabalik ang tasa. Bahagyang natapon ang mainit na kape sa kama
Biglang napuno ng pigil na tawa ang paligid. Halos mapayuko sa kakapigil ng tawa ang ibang male hosts. Samantalang ang lalaking kaharap niya ay tila lalong sumama ang timpla. Mukhang hindi ito sanay na sinasagot-sagot. Inis niya itong tinalikuran at muling hinarap ang ibang lalaki. “Do you have wine?” tanong niya. Agad namang nagsalita ang isang matangkad na lalaki na may magagandang mata at napakaamo ng dating. “Marami kami niyan dito. What do you prefer? White wine or red wine?” nakangiti nitong tanong. “We also have hard drinks,” sabad naman ng isa pang matangkad at maputing lalaki na mukhang Western actor. Mukhang nagsimula nang mag-entertain ang mga ito. Mabuti naman... “Theodore. Rhys. Shut up.” Muli niyang narinig ang malamig na boses ng lalaking nasa likuran niya. Inis niya itong nilingon. “Ikaw ang tumigil diyan,” mataray niyang saad. “At least sila marunong mag-entertain ng guest unlike you. Napakabrusko mo! Akala mo kung sino. Guwapo ka lang naman!” Na
“What's going on here?” Isang malamig at mababang boses ang biglang umalingawngaw mula sa likuran niya. Hindi alam ni Kianna kung bakit tila may kakaibang epekto sa kanya ang boses na iyon. Parang sa isang iglap, bahagyang gumaan ang mabigat niyang pakiramdam. His voice sounded dangerously comforting like medicine to a wounded heart. Dahan-dahan siyang nagbaling ng tingin. Ngunit ang bahagyang paghanga sa kanyang dibdib ay agad ding napalitan ng inis nang tuluyan niyang makita ang mukha ng lalaking nagsalita. Ang mayabang na lalaki! “You?!” gulat ngunit mataray niyang saad sabay turo rito. Biglang nagsalubong ang kilay ng lalaki. So, isa pala ito sa mga male hosts ng lugar na iyon. Ho ho ho… wala na siyang maipagmamayabang ngayon. “Do you know me?” kunot-noong tanong nito habang sumulyap sa mga kasamahan nitong tahimik lang na nakatingin sa kanilang dalawa. Nagkibit-balikat lamang ang mga ito, wari’y sinasabing wala rin silang ideya sa nangyayari. Nainis si K
Hindi pinansin ni Kianna ang lalaking naglakad sa gilid ng gusaling iyon. Sa pag-aakala niyang isa lamang itong ordinaryong customer ng bar, nagpatuloy siya sa paglalakad. Ngunit ilang sandali pa, bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo marahil dahil sa dami ng nainom niya kanina. Huminto siya saglit at sumandal sa itim na sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada. She bent her knees slightly, para sulyapan ang sarili sa side mirror ng sasakyan. Namumula ang kanyang mukha. Namumungay ang kanyang mga mata, hindi lang dahil sa alak kundi dahil sa matagal na pag-iyak. Huminga siya nang malalim. She had never been this broken before. Hindi niya akalaing darating siya sa ganitong punto… at dahil lang kay Preston. Isang mabigat na buntong-hininga muli ang pinakawalan niya bago muling tumayo. I just need tonight… I just need to forget. Muli siyang naglakad, pilit na inaayos ang sarili. Sa bawat hakbang, mas bumibigat ang pakiramdam niya, ngunit ipinagpilitan niyang magpatuloy hanggang sa






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
리뷰