Share

Chapter 3: News

Author: Sunny
last update Last Updated: 2023-07-20 19:34:28

Kabanata 3

News

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Mama at Papa nakaupo sa sofa habang nanood ng balita. Hindi gaano kalawak ang bahay namin dahil pagpasok mo sa loob makikita mo agad ang sala at ang kusina nito sa bandang kaliwa. Kulay puti at asul ang nakapintura sa loob. Nang makalapit ako sa kanila ay agad akong nagmano.

"Oh, anak, bakit ngayon ka lang?" si Mama.

Napabaling na rin si Papa sa akin nang makita ako.

"Ah, natagalan po natapos ang pinuntahan namin ni Bianca kaya nagabihan po ako."

Hindi ko na inamin ang nangyari sa akin kanina dahil ayokong mag-alala pa sila. Tumingin ako kay Papa. Hindi naman galit ang mukha niya. Hindi naman siya strikto kapag alam niyang si Bianca ang kasama ko.

"Hija, sa susunod i-text mo ako o tawagan man lang kung nasaan kayo para nasusundo ko kayo. Delikado kapag gabi na. Baka ano pa ang mangyari at mapahamak pa kayo. Walang ligtas na lugar ngayon," seryosong sinabi ni Papa.

Hindi ko alam pero parang may gusto pa siyang iparating.

"Opo, Pa."

Nang matapos ang commercial sa T.V ay ibinalik ulit nila ang pansin sa panonood ng balita. Aakyat na sana ako sa itaas para magpalit na ng damit nang biglang marinig ko ang pag-uusap nila kaya napahinto ako sa pag-akyat.

"Hindi pa ba nahuhuli ang mga suspect? Nakakatakot. May mga bago na naman silang nabibiktima," baling ni Mama kay Papa. Ramdam ko pa ang pangamba sa boses niya.

Suspect? Bakit? Anong nangyayari? Dahil sa kuryusidad ay napatingin rin tuloy ako sa T.V namin na kasalukuyang may binabalita ang isang reporter ngayon.

"Isang nakakagulat na balita ang ating matutunghayan kung saan ngayong gabi ay isang bagong krimen na naman ng pagkidnap ang naganap. At hanggang ngayon ay tinutugis pa rin ng mga pulis ang mga salarin upang mailigtas ang mga nabitktima nito. Ngunit may ekspekulasyon ang mga pulis na ang mga suspect na ito ay may kinalaman sa pagpatay sa pamilyang Villafuerte labing apat na taon na ang nakakalipas."

Kidnapping? Uso pa rin pala iyan ngayon? Ano ba ang nangyayari sa ibang mga tao ngayon at nagagawa nila ang pagkidnap? Wala ba silang konsensya? Kawawa iyong mga inosenteng taong binibiktima nila. Ano ba ang motibo nila at nagagawa nila ang ganiyang ilegal na gawain? Kahirapan ba? Kawalan ng pera? Jusko! Ang daming paraan! Labag sa batas ang pinagagawa nila!

Nang matapos ang balitang iyon ay nakita ko pang napatayo si Papa. May katawagan na rin siya ngayon sa cellphone niya. Pinatay na rin ni Mama ang T.V at napatayo na rin siya nang mapansing pa-paalis na si papa.

"Sige. Papunta na ako diyan ngayon. Pag-usapan natin iyan pagdating ko."

Aalis nga si Papa dahil base sa sinabi niya sa kabilang linya. Bakit kaya? Baka tungkol ito sa binalita kanina ng reporter? Nakita ko pang sinusuot ngayon ni Papa ang leather jacket niya. Parang nagmamadali pa siyang umalis. Importanteng bagay yata ang sinabi sa kaniya na may kinalaman sa kasong hinahawakan nila.

"Alora, aalis ako ngayon. Bukas pa ako uuwi. Buong gabi ang trabaho ko ngayon. May mahalaga lang kaming aasikasuhin sa station.”

"Hindi ba bukas pa ang duty mo? Gabi na Alfredo puweding ipabukas mo nalang iyan."

Nasa may hagdan pa rin ako nakatayo kaya rinig ko pa rin ang pag-uusap nila. Hindi aalis si Papa ngayon kung hindi importante ang pinagusapan nila. Naiintindihan ko naman si Mama kung bakit ganito na lamang siya mag-alala kay Papa. Ganoon din naman ako. Hindi ko rin maiwasan mag-alala dahil sa trabaho niya pero naiintindihan ko dahil isang pulis siya. May mga bagay siyang dapat gawin at paglingkuran sa bansa.

"Hindi puwedeng ipabukas Alora. Kailangan ako sa station ngayon. May nahanap na silang isang matibay na ebidensya upang mapabilis ang paghahanap sa mga suspect."

Sa huli ay walang nagawa si Mama kundi hayaan na lamang umalis si Papa. Umakyat na rin ako sa itaas para pumunta sa aking kuwarto pero bago iyon dumaan muna ako sa kuwarto ni Sky. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kuwarto niya. Nang makapasok na nga ako sa loob ay nakita kong natutulog na siya ng mahimbing. Napangiti ako pa ako habang pinagmamasdan siya. Inayos ko rin ang kumot niya nang makitang pababa na ito sa parteng dibdib niya.

"Good night, Sky." Hinalikan ko ang noo niya bago lumabas.

Pagdating ko sa aking kuwarto ay nagpalit muna ako ng damit. Hindi na ako nakapag half bath dahil sa pagod ngayong araw. Diritso agad ako sa paghiga sa aking kama. Nakadapa ang posisyon ko ngayon. Ganito ako kapag pagod. At ilang sandali lamang ay walang pasubaling napapikit ang mga mata ko at tuluyan na ngang nakatulog.

"ANAK, saan ka pupunta?" tanong ni Mama nang makitang nakabihis ako.

Nakasuot ako ngayon ng plain brown t-shirt at dark blue jeans pang-ibaba. May bibilhin lang naman ako ngayon na kailangan ko para sa project. "May bibilhin lang ako, Ma."

Pansin ko ang pagtango ni Mama habang abala sa kusina.

"A-Ate MM, sama po ako.”

Nang magsalita si Sky ay napabaling ako sa kaniya. Ang apat na taong gulang kong kapatid na ngayon ay hawak-hawak ang isang kamay ko. Gusto yata niyang sumama.

"No. Dito ka lang Sky. Okay?" Yumuko pa ako at sabay kinurot ang mataba niyang pisngi.

Agad naman lumungkot ang kaniyang mukha sa sinabi ko. Kaya napatawa na lamang ako. Ang cute talaga ng kapatid ko kapag nagtatampo.

"O, sige, ganito nalang. Anong pasalubong ang gusto mo mula kay ate?" Ngumiti pa ako sa harapan niya. Lumiwanag naman kaagad ang mukha niya. Sabi ko na e, pasalubong lang katapat nito.

"Chuckie! Chuckie!" masigla nga niyang sinabi

"Alright. Ate will buy it for you," sabi ko at sabay ginulo pa ang kulot niyang buhok.

"Yehey!"

Kasalukuyag naglalakad ako sa gilid ng kalsada nang biglang napahinto ako nang makitang kuwarenta pesos nalang pala ang laman ng pitaka ko. Medyo malayo na ako sa amin. Bakit hindi ko ito napansin kanina? Saktong pambili ko nalang ito ng Chuckie ni Sky at pamasahe pauwi.

Ang malas ko naman ngayon!

Ibabalik ko na sana sa bag ang pitaka ko subalit napatigil ako nang may napansin akong isang lalaki tumatakbo papalapit sa akin. Parang may tinatakasan yata siya dahil sa sobrang bilis nito sa pagtakbo. Nagulat lang ako nang huminto ito sa harapan ko. Hinawakan pa nito ang kaliwang braso ko kung kaya’t dumagdag ang kaba sa aking sistema.

Sino siya? Anong kailangan niya sa akin?

Pilit ko pang inaalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko subalit sadyang mahigpit ang pagkakahawak niya kaya hindi ko ito maalis.

"Miss, makinig ka." Hingal na hingal pa nga siya habang tumititig sa akin ng seryoso.

Halos maramdaman ko na nga ang hininga nito dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko alam pero bigla nalang ako kinabahan sa sinabi niya. Napansin ko lang na halos itim lahat ang suot nito mula sa t-shirt, leather jacket, pantalon, sapatos. At nakasuot din ito ng kulay itim na kalo at itim na mouth mask sa bibig.

Nang tinatanggal niya nga ang kaniyang mouth mask ay parang nagkaroon pa ng slow motion. Laglag panga pa ako nang mapatingin sa kaniya. Parang umatras bigla ang bibig ko sa pagsasalita nang makita ang kabuuan ng mukha niya. Nakakahipnotismo ang itsura-

"May pera ka ba?"

P-Pera? Hindi kaya, isa siyang magnanakaw? Naalala ko bigla na ang mga binabalita ngayon ay puro krimen. At ang nangungunang krimen ngayon sa bansa ay kidnapping at magnanakaw.

Ito na ba ang sinasabi ni Papa kagabi na walang ligtas na lugar ngayon? At ngayong araw talaga mangyayari ito sa akin? Mas nadagdagan ang paghihinala ko nang hinawakan niya pa ng mahigpit ang isang braso ko bago nagsalita ulit.

"Miss, may pera ka ba?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Opposite Intention   Epilogo

    Epilogo"Huwag kang mag-alala, hijo. Ginagawa namin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilyang Villafuerte," sabi ni Mr. Rosales, ang pulis na humahawak sa kaso. Tinapik niya pa ang balikat ko. I know him for almost fifteen years."Kung kailangan niyo po ng tulong nandito lang ako," saad ko."Maraming salamat, hijo."Labinlimang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang mga suspect sa pagpatay sa mag-asawang Villafuerte. Ganoon din ang sinapit sa adopted daughter nilang si Ophelia. Ophelia Villafuerte is a childhood friend of mine. She's like a sister to me. Ngunit hindi ko inaasahan na maaga siyang mawawala. Hindi ko alam na hanggang doon nalang pala ang pagsasama namin. Sabay pa sana namin tutuparin ang mga pangarap namin. At nangako ako sa kaniya na hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang nakababatang kapatid niya. Nangako ako sa kaniya kaya tutuparin ko iyon. Darating din ang panahon na iyon. Darating din."Wow! What a gre

  • His Opposite Intention   Chapter 34: Feelings

    Kabanata 34FeelingsNalalapit na rin ang CLE board exam namin kaya abala ako ngayon sa pag-re-review ulit dito sa isang library center. Ilang sandali lamang ay tumunog bigla ang cellphone ko. Ang bumungad sa akin ay text galing kay Bianca. Sabi niya ay puntahan ko raw siya ngayon. Nasa isang coffee shop siya at hihintayin niya raw ako roon. Bakit kaya? May problema ba siya? Nang nasa tapat na ako ng coffee shop na kaniyang tinutukoy ay pumasok na rin ako sa loob. Pagpasok ko ay agad nakita ko siya sa unahan nakaupo sa pandalawahang mesa. Nang makalapit ako sa table niya ay umupo ako sa harapan."M-Mia..." nauutal niyang tawag sa akin.Napatingin ako sa kaniyang mga matang namamaga. "Anong nangyari? May problema ka ba?" pag-aalala ko."Nakita ko si Jayson kahapon may kasamang ibang babae."Nagulat ako sa narinig. Nanlaki pa ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na ito ang maririnig ko mula sa kanya. Hindi ko kailanman naisip na gagawin ito ni Jayson sa kaniya. Alam kong minsan hindi n

  • His Opposite Intention   Chapter 33: Probinsiya

    Kabanata 33ProbinsiyaHalos isang buwan na ang lumipas pero laman pa rin ito sa mga balita hanggang ngayon. Gulat ang lahat nang malaman na si Mang Gardo pala ang puno’t dulo ng krimen. Siya ay isa palang tauhan ng pamilyang Villafuerte noon. At walang kaalam-alam ang Lola ni Chadrick na isa palang mastermind ng krimen ang pinagkakatiwalaan niya. Nasa kulungan na rin ang mga sangkot sa krimen. Kailangan nilang pagbayaran ang pinagagawa nila na labag sa ating lipunan. At ang pagpaslang nila sa pamilyang Villafuerte. Nailigtas din ang mga batang nabiktima nila. Sa loob ng isang buwan ay marami rin ang nangyari. Graduate na rin ako ngayon sa kursong BSCrim. Matutupad na rin ang pangarap ko na maging isang ganap na pulis. At may isa pa akong gustong gawin.“Sigurado ka na ba sa pinaplano mo?” tanong ni Bianca sa akin.“Oo, Bianca. Pupunta ako sa probinsiya.”“Gusto mo bang samahan pa kita? Wala naman akong gagawin sa susunod na Linggo kaya-”“Hindi na. Ayos lang, Bianca. Hindi naman ako

  • His Opposite Intention   Chapter 32: Handcuff

    Kabanata 32 Handcuff Sa paraan ng pagtitig niya ay parang sinasabi pa niyang huwag akong mag-alala. “Mia, wala na tayong oras-” naputol ang sasabihin niya nang may biglang nagsalita sa itaas. “Tang ina! Tingnan niyo sa ibaba!” “Mia, umalis na kayo.” Nailipat ang tingin ko sa mga bata na ngayon ay takot na takot sa mga nangyayari. Ang ilan ay napapaiyak na nga. Sumikip ang dibdib ko sa nakita. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Hihintayin namin kayo,” iyan ang huling sinabi ko kay Chadrick bago ako tuluyang lumabas kasama ang mga bata. Madilim ng lumabas kami. Ang tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag. Halos napapalibutan kami ng mga malalaking puno. Huni ng mga ibon at yapak ng aming mga paa Lamang ang aking naririnig. Hindi ko alam kung malapit na ba kami sa kalsada dahil iba ang dinaanan namin kung saan walang nagbabantay. “Mga bata mag-iingat kayo sa paglalakad baka matapilok kayo,” sabi ko nang mapansing may muntik ng matapilok. Ngunit mabuti nalang nahawa

  • His Opposite Intention   Chapter 31: Danger

    Kabanata 31 Danger “P-Paano nangyari ito? Bakit may mga pulis?!” sigaw ng lider nila. Binalingan pa nito ang dalawang kasamahan pero umiling lang ito sa kaniya. Wala ring ideya sa mga nangyayari ngayon. “Paano nangyari? Nalagyan ko ng tracking device sa ilalalim ng sasakyan niyo kaya nandito ang mga pulis,” paliwanag ko sa kanila. At nagkibit-balikat lamang. Pansin ko agad ang pagliyab ng galit sa mukha ng lider nila. “Bakit hindi niyo siya binantayan ng maayos?! Mga bobo ba kayo?! Mga walang kuwenta!” Bago pa magtalo ang tatlo ay mabilis silang hinuli ng mga pulis. At pinusasan pa ang mga kamay. Narecover din ang mga alahas at pera ng pamilyang Villafuerte. This time, babalik ako kasama ang ilang mga pulis sa lumang bodega upang iligtas ang mga bata roon at si Chadrick. “Anak, mag-iingat ka. Susunod kami sa inyo,” iyan ang huling habilin ni Papa bago kami umalis ng tatlong kasamahan kong pulis gamit ang sasakyan ng mga suspect. At ang suot din ng tatlong pulis ay ang suot ng

  • His Opposite Intention   Chapter 30: Mission

    Kabanata 30 Mission "Sakto ba ang dala niyong pera?" unang tanong ng lalaki. May dalawa pa siyang kasama. May kaniya-kaniya itong hawak na baril. Tumingin ako sa batang babae na sa tingin ko ay anim na taong gulang pa lamang. Hawak pa ng dalawang lalaki ang magkabilang kamay ng bata. "Oo. Walang labis at walang kulang," si Chadrick na mismo ang sumagot. "Pre, tingnan mo kung sakto ba ang dala nilang pera," sambit nito sa isang kasamahan niya. Bago pa siya makalapit ay nagsalita ako. "Sandali! Pakawalan niyo muna ang anak namin," seryoso kong sinabi sa kanila. Napahinto ang lalaki at napalingon sa kasama niya. Tumango ito pero bago pa pakawalan nila ang bata ay nagsalita ito. "Hindi sila ang Mommy at Daddy ko!" Nagulat kaming lahat sa sinigaw ng bata. Agad tinutok sa amin ang mga baril nila. Shit. Babarilin yata kami nito. Ito na yata ang sinasabi ng karamihan na hindi marunong magsinungaling ang bata. Nagkatinginan kami ni Chadrick. Umaayon din ang plano namin. "Hulihin sila!”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status