Share

Chapter 5: Sine

Author: Sunny
last update Last Updated: 2023-07-26 09:56:45

Chapter 5

Sine

"Oh my gosh! Nandito na si Gabriel?!" si Bianca nang marinig ang sinabi ng kapatid ko.

Isang taon na ang nakakalipas simula noong umalis sila ng kaniyang pamilya. At ngayon, nandito na sila? O, baka si Gabriel lang ang umuwi rito dahil napaaga ang bakasyon nila?

"Paano ba iyan, Mia! Mahihirapan ka ng pumili dahil nandito na si Gabriel," natatawa niya pang sinabi at kumanta pa nga siya. "Sino’ng pipiliin mo? Gusto mo o ang soulmate mo?"

Napailing na lamang ako. Kinanta niya pa talaga ang sikat na kanta ni KZ Tandingan pero pinalitan niya lang iyong lyrics. Kanina ang tamlay niyang tingnan pero ngayon nang dumating lang si Gabriel ang lakas ng mang-asar. Ang bilis talaga magbago ng mood ang babaeng ito.

"Ewan ko sa'yo! Tapusin mo na nga 'yan!" singhal ko. Tumawa nga lang siya ng malakas habang nagwawalis pa rin sa sahig at kumanta pa ulit ang bruha. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na nga kami nang matapos sa paglilinis.

"MM!" si Gab at agad yumakap sa akin nang makita ako.

Napangiti ako. Masaya akong nandito na ulit siya.

"I missed you a lot."

Naramdaman ko pa bigla ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nakayakap siya sa akin kaya hindi ko agad mahanapan ang tamang salita. Pero sa huli, sinuklian ko rin siya ng isang mahigpit na yakap. "Gano’n din ako. Mabuti at nandito ka na ulit, Gab."

"Kasama mo rin ba sila Tita?" tanong ko nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"Yup. Mabuti nalang napa-aga ang bakasyon namin kaya naka-sabay ako pag-uwi rito."

Napatango ako.

"Hay, naku, Gabriel! Dumating ka lang dito hindi mo na ako pinapansin? Si Mia lang ba ang na-miss mo?"

Napabaling ako sa katabi ko na si Bianca. Nakasimangot ang mukha nito ngayon. At pinagkrus pa nga nito ang magkabilang braso nang nakatingin kay Gabriel.

"Syempre, na-miss din kita, Langka!" si Gabriel at sabay pinisil ang magkabilang pisngi ni Bianca.

Napatawa na lamang ako habang pinapanood silang dalawa.

"Aray!" napasigaw pa nga si Bianca. At napahawak pa nga rin siya sa pisngi kung saan banda pinisil ni Gabriel.

"Bianca ang pangalan ko Gabriel hindi Langka! Nakakainis ka!" reklamo ni Bianca. Bakas din ang pagkabasungot nito sa mukha.

"E, iyan naman 'di ba ang palayaw mo? Langka? Hindi ba Langka?" pang-aasar ulit ni Gabriel.

Mas lalo lang tuloy bumusangot ang mukha ni Bianca dahil sa iritasyon.

Napailing na nga lang ako habang pinagmamasdan sila. Para silang mga bata pa rin kung umasta. Hindi na ako magtataka kung magbabardagulan na naman itong dalawa dahil ganito sila palagi parang aso't pusa. Ganyan ang love language nila walang oras na hindi nagbabangayan.

"I hate you, Gabriel!" singhal nga niya kay Gabriel.

“I love you, Langka!” At nag-finger heart pa nga.

“Ito sa‘yo,” si Bianca at itinaas pa nga nito ang middle finger bago nag-walk out.

Nang makaalis nga si Bianca ay walang tigil pa rin sa pagtawa ng malakas si Gabriel.

"Kababalik mo lang inaasar mo na agad si Bianca?" Napailing pa ako sa harapan niya.

“Hindi ko siya inaasar MM. Sadyang mabilis lang talaga siyang mapikon.”

"Nga pala, may gagawin ka ba bukas?" pag-iiba niya ng usapan nang kumalma na nga siya sa kakatawa.

"Wala naman. Bakit?"

Wala akong gagawin bukas dahil natapos ko na ang mga gawain sa school.

"Great! Magpapasama ako sa'yo sa bukas.”

“Magpapasa? Saan?” Hindi ko tuloy maiwasan maging excited.

“Sa Mall may bibilhin ako.”

B-bibilhin? May bibilhin lang siya?

Bagsak balikat nga akong napabaling sa kaniya. “S-Sige, sasamahan kita.”

Ano ba, Mia! Huwag ka nang assuming diyan na yayain ka niya sa isang date! Magkaibigan lang kayo! Magkaibigan! Hindi magka-ibigan!

Para na nga akong tangang nakikipagtalo sa isip ko.

KINABUKASAN ay maaga nga akong nagising at naligo. Masaya pa rin naman ako kahit nagpapasama lang si Gabriel. At least, siya ang kasama ko ngayong araw. Nakasuot ako ngayon ng black sleeveless turtleneck at pinarisan ko ng denim jacket dahil medyo maulan ngayon. Dark blue faded jeans naman ang pinares ko sa pang-ibaba. Mas kumportable kasi ako kapag ganitong mga outfit ang sinusuot ko. Nang dumating na nga si Gabriel sa bahay ay agad na kaming nagpaalam kina Mama’t Papa. Umalis na rin kami at nagtungo sa Mall.

"Anong bibilhin mo pala?" tanong ko sa kaniya nang dumating na nga rin kami sa Mall.

"Kuwintas," aniya.

Kuwintas? Para saan? At kanino niya ibibigay? May girlfriend na ba siya?

"May girlfriend ka na?" gulat na tanong ko sa kaniya.

"Wala," mahinahong sagot niya.

Kung ganoon, may pag-asa pa Mia!

"Kung wala pala e, bakit ka bumibili ng kuwintas?" tanong ko ulit sa kaniya dulot ng pagtataka.

"She's my friend, MM. At malapit na ang birthday niya kaya naisipan kong regaluhin siya ng kuwintas."

Bahagyang napatango ako. Ang suwerte naman ng kaibigan niyang iyon para regaluhin siya ng kuwintas ni Gab. Nasa loob na nga rin kami ng isang jewerly shop dito sa Mall. Nasa tabi niya lang ako habang siya naman ay tumitingin sa mga kuwintas na naka-display sa ilalim ng mahabang salamin.

"Ano sa tingin mo ang maganda rito, MM?" baling niya sa akin.

Hindi ko alam pero parang nawalan nalang ako bigla ng gana ngayon. Hindi pa rin umaalis sa isipan ko kung sino bang kaibigan ang tinutukoy niya. Hindi naman ako ang tinutukoy niyang kiabigan dahil tapos na ang birthday ko last month pa. Ang saklap. Kaya walang ganang ibinaba ko ang aking tingin sa mga kuwintas na nasa ilalim ng salamin. Naagaw lang ng pansin ko ang isang simpleng kuwintas na may pendant na half moon, na kulay pilak.

"Ito. Simple lang pero maganda," sabay turo ko rito.

"Alright. Iyan ang bibilhin ko," agad niyang tugon. Parang hindi siya nagdalawang isip bilhin ang napili ko.

"Gusto mo ba siya?" Hindi ako makatingin ng diritso sa mga mata niya habang tinatanong iyon. Parang alam ko na ang isasagot niya kaya parang ayokong marinig.

"Yes."

Aray naman. Parang wala na talagang pag-asa dahil sa bibig pa niya mismo lumabas na may nagugustuhan na siya at ang masakit pa roon ay hindi ako ang tinutukoy niya. Isang malaking sampal ba ito sa akin para sumuko na sa nararamdaman ko sa kaniya?

Ilang sandali lamang ay binili na rin niya ang kuwintas. At pagkatapos ay kumain na rin kami sa isang fast food dahil tanghali na rin.

"Gusto mo ba manood tayo ng sine?" biglaang tanong niya.

Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya. Parang nagliwanag pa ang mukha ko dahil sa naging tanong niya. "Oo naman!" masiglang tugon ko nga rito.

Pumayag agad ako kahit hindi ako mahilig manood ng mga pelikula. Si Gabriel nangyaya manood? Tatanggi pa ba ako? Kapag siya rin naman ang mangyaya, I can make an exception.

"Alright. Dahil sinamahan mo ako ngayon dito kaya manonood tayo sa sinehan,” nakangiti pa nga niyang sinabi.

Nang matapos nga kaming kumain ay nakabili na rin siya ng dalawang ticket at mamaya pa naman ng alas-dos ipapalabas ang pa-panoorin namin kaya naghintay pa kami ng isang oras. Inabala na lang muna na namin ang pag-uusap habang nakaupo kami sa mahabang upuan dito sa gilid. Napatigil nga lang kami sa pag-uusap nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Hello? Ma? Nandiyan na si Lola? Ngayon? Sige. Papunta na ako diyan."

Nang matapos nga ang pag-uusap nila ng Mama niya ay napabaling siya sa akin. "MM, pasensiya na kailangan ko na pala umuwi sa amin ngayon. Dumating na pala si Lola sa bahay at hinahanap daw niya ako," paliwanag niya.

"Naku! Ayos lang, Gab. Umuwi ka na sa inyo baka na-miss ka na ng Lola mo." Ngumiti pa ako sa harapan niya upang ipakita sa kaniya na ayos lang talaga.

"Ihahatid na muna-"

"Huwag na! Ayos lang, Gab. Sayang naman iyong binili mong ticket kung hindi ko pa-panoorin," putol ko sa sasabihin niya.

"Are you sure?"

Tumango ako sa kaniya nang nakangiti pa rin. "Uuwi naman ako kaagad sa bahay kapag natapos ko panoorin ang pelikula."

Napapayag ko naman siya kaya nauna na siyang umalis. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago pumasok sa sinehan. Nang pumasok na nga ako sa loob ay sa bandang gilid na ako umupo. Mabuti nalang ka-kasimula palang. Napansin ko pang hindi gaano karami ang mga tao rito sa loob kahit malaki ang sinehan na ito.

Kasalukuyang nakatuon ang pansin ko sa panonood nang biglang may naramdaman akong umupo sa tabi ng upuan ko. Nagtaka pa ako kung bakit sa tabi ko pa siya umupo. E, ang dami pa kayang bakanteng upuan pero hindi ko nalang ito pinansin bagkus ibinalik ko na lamang ang pansin sa panonood. Mas tumitindi na nga ang eksena ngayon dahil nasa kalagitnaan na kami at malapit ng matapos.

"Dapat naghintay siya kung mahal niya talaga."

Napaayos pa nga ako sa pag-upo nang biglang nagsalita ang katabi ko. Boses lalaki. Nadala yata siya sa eksena.

"Kung mahal niya talaga ang girlfriend niya dapat hindi niya ginawa iyon. Hindi dapat siya nagloko," dagdag pa nga nito. Parang disappointed nga siya sa ginawa ng lalaki. Dalang-dala

Well, ako rin naman disappointed sa ginawa ng lalaki. At nalulungkot ako para sa babaeng OFW dahil hindi siya hinintay nito bagkus ay naghanap nga ito ng iba at nakabuntis pa ng ibang babae ang boyfriend niya.

Hay, pati tuloy ako naapektuhan kahit isang pelikula lang naman ito!

"Fuck that asshole. He just wasted eleven years."

Nagsalita na nga ulit ang katabi ko. Bakit ba ang ingay niya? Hindi tuloy ako makapag focus sa eksena! Puwede bang manood nalang siya ng tahimik? Pero teka, bakit pamilyar sa akin ang boses niya?

"Am I right, MM?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Opposite Intention   Epilogo

    Epilogo"Huwag kang mag-alala, hijo. Ginagawa namin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilyang Villafuerte," sabi ni Mr. Rosales, ang pulis na humahawak sa kaso. Tinapik niya pa ang balikat ko. I know him for almost fifteen years."Kung kailangan niyo po ng tulong nandito lang ako," saad ko."Maraming salamat, hijo."Labinlimang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang mga suspect sa pagpatay sa mag-asawang Villafuerte. Ganoon din ang sinapit sa adopted daughter nilang si Ophelia. Ophelia Villafuerte is a childhood friend of mine. She's like a sister to me. Ngunit hindi ko inaasahan na maaga siyang mawawala. Hindi ko alam na hanggang doon nalang pala ang pagsasama namin. Sabay pa sana namin tutuparin ang mga pangarap namin. At nangako ako sa kaniya na hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang nakababatang kapatid niya. Nangako ako sa kaniya kaya tutuparin ko iyon. Darating din ang panahon na iyon. Darating din."Wow! What a gre

  • His Opposite Intention   Chapter 34: Feelings

    Kabanata 34FeelingsNalalapit na rin ang CLE board exam namin kaya abala ako ngayon sa pag-re-review ulit dito sa isang library center. Ilang sandali lamang ay tumunog bigla ang cellphone ko. Ang bumungad sa akin ay text galing kay Bianca. Sabi niya ay puntahan ko raw siya ngayon. Nasa isang coffee shop siya at hihintayin niya raw ako roon. Bakit kaya? May problema ba siya? Nang nasa tapat na ako ng coffee shop na kaniyang tinutukoy ay pumasok na rin ako sa loob. Pagpasok ko ay agad nakita ko siya sa unahan nakaupo sa pandalawahang mesa. Nang makalapit ako sa table niya ay umupo ako sa harapan."M-Mia..." nauutal niyang tawag sa akin.Napatingin ako sa kaniyang mga matang namamaga. "Anong nangyari? May problema ka ba?" pag-aalala ko."Nakita ko si Jayson kahapon may kasamang ibang babae."Nagulat ako sa narinig. Nanlaki pa ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na ito ang maririnig ko mula sa kanya. Hindi ko kailanman naisip na gagawin ito ni Jayson sa kaniya. Alam kong minsan hindi n

  • His Opposite Intention   Chapter 33: Probinsiya

    Kabanata 33ProbinsiyaHalos isang buwan na ang lumipas pero laman pa rin ito sa mga balita hanggang ngayon. Gulat ang lahat nang malaman na si Mang Gardo pala ang puno’t dulo ng krimen. Siya ay isa palang tauhan ng pamilyang Villafuerte noon. At walang kaalam-alam ang Lola ni Chadrick na isa palang mastermind ng krimen ang pinagkakatiwalaan niya. Nasa kulungan na rin ang mga sangkot sa krimen. Kailangan nilang pagbayaran ang pinagagawa nila na labag sa ating lipunan. At ang pagpaslang nila sa pamilyang Villafuerte. Nailigtas din ang mga batang nabiktima nila. Sa loob ng isang buwan ay marami rin ang nangyari. Graduate na rin ako ngayon sa kursong BSCrim. Matutupad na rin ang pangarap ko na maging isang ganap na pulis. At may isa pa akong gustong gawin.“Sigurado ka na ba sa pinaplano mo?” tanong ni Bianca sa akin.“Oo, Bianca. Pupunta ako sa probinsiya.”“Gusto mo bang samahan pa kita? Wala naman akong gagawin sa susunod na Linggo kaya-”“Hindi na. Ayos lang, Bianca. Hindi naman ako

  • His Opposite Intention   Chapter 32: Handcuff

    Kabanata 32 Handcuff Sa paraan ng pagtitig niya ay parang sinasabi pa niyang huwag akong mag-alala. “Mia, wala na tayong oras-” naputol ang sasabihin niya nang may biglang nagsalita sa itaas. “Tang ina! Tingnan niyo sa ibaba!” “Mia, umalis na kayo.” Nailipat ang tingin ko sa mga bata na ngayon ay takot na takot sa mga nangyayari. Ang ilan ay napapaiyak na nga. Sumikip ang dibdib ko sa nakita. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Hihintayin namin kayo,” iyan ang huling sinabi ko kay Chadrick bago ako tuluyang lumabas kasama ang mga bata. Madilim ng lumabas kami. Ang tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag. Halos napapalibutan kami ng mga malalaking puno. Huni ng mga ibon at yapak ng aming mga paa Lamang ang aking naririnig. Hindi ko alam kung malapit na ba kami sa kalsada dahil iba ang dinaanan namin kung saan walang nagbabantay. “Mga bata mag-iingat kayo sa paglalakad baka matapilok kayo,” sabi ko nang mapansing may muntik ng matapilok. Ngunit mabuti nalang nahawa

  • His Opposite Intention   Chapter 31: Danger

    Kabanata 31 Danger “P-Paano nangyari ito? Bakit may mga pulis?!” sigaw ng lider nila. Binalingan pa nito ang dalawang kasamahan pero umiling lang ito sa kaniya. Wala ring ideya sa mga nangyayari ngayon. “Paano nangyari? Nalagyan ko ng tracking device sa ilalalim ng sasakyan niyo kaya nandito ang mga pulis,” paliwanag ko sa kanila. At nagkibit-balikat lamang. Pansin ko agad ang pagliyab ng galit sa mukha ng lider nila. “Bakit hindi niyo siya binantayan ng maayos?! Mga bobo ba kayo?! Mga walang kuwenta!” Bago pa magtalo ang tatlo ay mabilis silang hinuli ng mga pulis. At pinusasan pa ang mga kamay. Narecover din ang mga alahas at pera ng pamilyang Villafuerte. This time, babalik ako kasama ang ilang mga pulis sa lumang bodega upang iligtas ang mga bata roon at si Chadrick. “Anak, mag-iingat ka. Susunod kami sa inyo,” iyan ang huling habilin ni Papa bago kami umalis ng tatlong kasamahan kong pulis gamit ang sasakyan ng mga suspect. At ang suot din ng tatlong pulis ay ang suot ng

  • His Opposite Intention   Chapter 30: Mission

    Kabanata 30 Mission "Sakto ba ang dala niyong pera?" unang tanong ng lalaki. May dalawa pa siyang kasama. May kaniya-kaniya itong hawak na baril. Tumingin ako sa batang babae na sa tingin ko ay anim na taong gulang pa lamang. Hawak pa ng dalawang lalaki ang magkabilang kamay ng bata. "Oo. Walang labis at walang kulang," si Chadrick na mismo ang sumagot. "Pre, tingnan mo kung sakto ba ang dala nilang pera," sambit nito sa isang kasamahan niya. Bago pa siya makalapit ay nagsalita ako. "Sandali! Pakawalan niyo muna ang anak namin," seryoso kong sinabi sa kanila. Napahinto ang lalaki at napalingon sa kasama niya. Tumango ito pero bago pa pakawalan nila ang bata ay nagsalita ito. "Hindi sila ang Mommy at Daddy ko!" Nagulat kaming lahat sa sinigaw ng bata. Agad tinutok sa amin ang mga baril nila. Shit. Babarilin yata kami nito. Ito na yata ang sinasabi ng karamihan na hindi marunong magsinungaling ang bata. Nagkatinginan kami ni Chadrick. Umaayon din ang plano namin. "Hulihin sila!”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status