Pagpasok namin sa loob ng bahay ng mga Villaranza ay una kong napansin ang agaw pansin nilang chandelier na deep sea water inspired. Idagdag mo pa ‘yong dark blue tiles and bluish glass walls na mas nagpatingkad sa ganda ng lugar.
Para kang nasa loob ng aquarium. Hindi ko alam na ganito ka ganda ang loob ng bahay nila. Parang nakakahiya ipasok ‘yong sandals mo sa labas. Para ka ring nasa loob ng aquarium.
“Oh, they are here.” Nawala ang attention ko sa ganda ng bahay nila nang marinig ang boses ni mommy na siyang kinagulat ko.
“My darling, hello.” Para akong na statwa sa kinatatayuan ko nang makita si mommy na papunta na sa gawi ko. Nasa tabi niya si Mrs. Madonna na nakahawak pa sa braso niya. Nagtatawanan sila habang may pamaypay na hawak sa magkabilaang kamay nila.
Sa likuran nila ay si daddy at kasama nito ang natatawang si Mr. Antonio Villaranza. Ang dalawa ay naka boots pa at may cowboy hat na nakasabit sa leeg nila na nasa bandang likuran.
Napaatras ako at napahawak sa braso ni Masson. Kailan lang, I ought to myself na ayaw kong bumalik sa Villanueva but now here I am, nakatayo sa harapan ng mga magulang ko.
“Is this my daughter?” Hinawakan ni Madame Madonna ang pisngi ko at may kagalakan sa mga mata. “You’re really beautiful hija.” Puno ng adoration ang mga mata nito habang nakatingin sa ‘kin.
“You know what Lilia, I always wanted a daughter and I am so glad that Masson had finally tie knots to his long-time girlfriend.” Tuwang-tuwa na sabi ni Mrs. Villaranza kay mommy habang ako naman ay nanlalaki ang mata sa sinabi niya. Ako? Long-time girlfriend ni Masson?
“Well, kahit din ako Madonna nagulat because I thought my daughter is- well nevermind. I am happy that my daughter ended up to your son. Napanatag ako dahil alam kong hindi pababayaan ni Masson ang unica hija namin. Right Masson?” Tumingin si mommy kay Masson at bahagyang tumango ang katabi ko na tila nagbibigay galang kay mommy.
“Yes Madame. I’ll take care of your daughter for the rest of my life.” Aniya. The rest of his life? E nasa rules namin ang automatic annul after 5 months. Nababaliw na siya.
“Here they are kumpadre, my son, Masson.” Tumingin ako kay daddy at Mr. Antonio Villaranza na papalapit na sa gawi namin.
“You’re stepping my toe.” Bulong ni Masson. Bahagya akong dumungaw at nakita na nakaapak nga ako sa sapatos niya.
“Well kulang pa ‘yan.” Nanggigigil na sabi ko at umayos ng tayo nang nasa harapan na namin si daddy at Mr. Villaranza.
“Antonio, Look. May Ivory is really pretty. Perfect for our son.” Nang tumingin sa ‘kin si Mr. Antonio ay bahagya akong napahawak sa damit ni Masson. Mas nakaka intimidate ang daddy ni Masson.
“Dad, you’re scaring my wife.” Pag-alma ni Masson at agad na ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Nang makita ni Mr. Antonio ang ginawa ng anak ay agad itong humalakhak na ikinagulat ko.
“Stop it dad. You’re scaring her.” Nakasimangot na sabi ni Masson. Nang tumingin ako kay daddy at nakasimangot itong nakatingin sa ‘kin. Napansin ni mommy na nakatingin ako kay dad kaya sinulyapan niya si daddy.
“Bakit nakasimangot ka Fidel?”
“Well our daughter Lilia got married nang hindi man lang tayo sinabihan.”
“I’m sorry sir. It’s my fault.” Napatingin kami lahat kay Masson. Ano na namang pakulo niya ngayon?
“I married your daughter before we came here to make sure that no one can take her away from me. I’m marking what’s mine and my way to that, is to give my family name to your daughter, ma’am, sir.” Parang gusto kong masuka sa sinabi ni Masson. Really? Hindi ba siya kinalibutan sa sinabi niya?
“I can see that young man. Thank you dahil napagtitiyagaan mo ‘tong spoiled brat namin.” Sabi ni dad na ikinalaki ng mga mata ko.
“Dad! That’s not true.” Pagmamaktol ko.
“See?” Sabi ni daddy at nagtawanan silang lahat.
“Welcome to the family hija.” Mrs. Villaranza open her arms which urging me to hug her. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila habang si Masson naman ay nakipag-batian sa mga magulang ko.
Mainit ang pagtanggap sa’kin ng mga magulang ni Masson. Bahagya akong nahiya nang yakapin ako ni Mrs. Villaranza na puno ng init at pagtanggap. Nakaka konsensya na nagpapanggap lang kami ng anak niya.
Nang mapatingin ako kay Masson ay nakayakap si mommy sa kaniya pero nakatingin siya sa ‘kin. Agad kong pinakita sa kaniya ang kamao ko. Imbes na masindak, nginisihan pa ako ng gago.
“Come, let’s eat. Nakapaghanda na kami pagkain. Baka nagugutom na kayo.” Inakay ako ni Mrs. Villaranza papunta sa dining table. Kung dito sa living room nila ay mala aquarium ang datingan, nang makapasok naman ako sa kusina ay napanganga ulit ako sa ganda ng kitchen design nila.
It’s somewhat like a Luxury Mediterranean inspired look of kitchen design. Sobrang gara ng awrahan. Pang inst*gram ang ambiance ng kitchen nila. Na kahit ‘yong mga simpleng utensils nila ay hindi pangkaraniwan. Every things found in their house speaks money.
Mula sa lamesa hanggang sa upuan, talagang nakakamangha. Kung magnanakaw lang ako, kahit ‘yong isang upuan lang ay pwede na. Ganito kayaman ang Villaranza.
Nang maka upo na kami ay tabi pa rin kami ni Masson. ‘Yong parents namin ay nag-uusap na. Pasimple kong sinipa ang paa ni Masson sa ilalim ng lamesa. Tumingin siya sa ‘kin nang mukhang hindi man lang nasaktan sa sipa ko.
“Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin na nandito sina mommy at daddy at parents mo?” Nanggigigil na bulong ko. Nang mapatingin sa ‘kin si Mrs. Villaranza ay agad kong hinawakan ang pisngi ni Masson.
“Grabe ang gwapo ng asawa ko. Hehe.” Sabi ko at tinapik tapik pa ang pisngi ni Masson at kinurot. This time malakas ang pagkakakurot ko but he didn’t flinch.
“Anak you’re hurting your husband.” Sabi ni mommy. Nang bawiin ko ang kamay ko na nasa pisngi niya ay namumula na ito.
“It’s okay ma’am-“
“It’s a mommy for you Masson. Call us mom and dad dahil asawa ka na ng anak namin ngayon.” Sabi ni mommy. Kinakalibutan talaga ako sa term na ‘asawa.’
“And sa ‘min din hija, tawagin mo rin kami ni Antonio na mom and dad and ituring bilang mga magulang mo.” Pilit akong ngumiti sa kanila.
“Sige po, mom, dad.”
Ngumisi si Masson at sinamaan ko siya nang tingin. Makakalbo ko talaga siya mamaya. Subukan lang niya na inisin pa ako ng konti. Marami na siyang kabalbalan pinaggagawa niya ngayon.
“You really love each other, noh?” Sabi ni mommy at halos gusto kong masuka sa sinabi niya. Anong love sa ‘min e halos gusto ko na nga siyang patayin.
Tahimik na lang ako habang kumakain kami. They are talking about business kaya hindi ako maka relate. Wala akong alam sa negosyo dahil wala naman akong interes dito. Ang ginagawa ko lang ay gumasto. Speaking of, diba ang sabi ni Masson may mga branded clothes dito? Waaaahh!! I can’t wait to wear them all.
“Ivory, anak, ipapadala ba namin ang mga damit dito? I think wala kang dala na kahit isang damit-“
“Mom, no need.” Pagputol ko sa sasabihin ni mommy. Umisog ako papalapit ng husto kay Masson. ‘Yong tipong wala ng space talaga sa pagitan naming dalawa. Lumingon siya sa ‘kin na tila naguguluhan. Nginitian ko lang siya ng peke.
“Why?”
“Well mom, my husband said na my clothes are already here. He prepared all of my things kasi sabi niya gusto niya na lahat nang gamitin ko ay galing sa kaniya.” Ngumiti ako sa lahat.
“Ow, Madonna, Antonio, your son is so sweet.” Sabi ni mommy sa mommy ni Masson.
Nang tumingin ako kay Masson ay nakadungaw siya sa pagkain na nasa plato niya. He's smiling like a psychopath. Kinabahan ako bigla. ‘Yong ngiti ay ‘yong klase ng ngiti na hindi mapagkakatiwalaan. Iyong may masamang binabalak.
"Yes mom. I insisted to provide my wife everything she wants. Ganoon ko ka mahal itong asawa ko. In fact I'm planning to marry her again." What? Nabitawan ko siya sa braso. Nanlalaki ang mga ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi naka lagpas sa tingin ko ang pag ngisi niya na siyang ikina-ipon ng lahat ng dugo ko sa ulo. Arghhhh!
"Oh that's great! Actually I was planning to suggest it son dahil hindi ako papayag na wala kami sa kasal ng mga anak namin." Sabi ni Mrs. Villaranza na sinang ayunan ni mommy.
"That's a good idea son. Just tell us the details para makaplano kami sa kasal ninyo. It's my daughter's wedding so I want it to be extravagant." Sabi naman ni daddy. Talagang sinusubukan ako ng Masson na 'to.
"Are you okay, hija? Namumutla ka." Sabi ni Mrs. Madonna Villaranza habang nakatingin sa 'kin. Sinong hindi mamumutla sa maririnig mo sa kanila?
"I'm fine po mommy," isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Masson. Bahagya siyang lumingon sa 'kin at agad kong sinuntok ang tagiliran niya. Napapikit siya sa sakit. "Tang-i-na-mo!" Malutong na bulong ko sa kaniya.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at hindi makapaniwalang balingan ako nang tingin. Go to hell Masson you fvcking son of a b*tch! Nang magtama ang tingin namin ay agad ko siyang pinandilatan ng mata.
“Ivory.” Naagaw ni mommy ang atensiyon ko.
“Yes mom?” I answered.
“Are you pregnant?” Sandaling nagloading sa ‘kin ang lahat. Tila pino-proseso pa ng dahan-dahan ng utak ko ang sinabi ng mommy ko.
“Are you pregnant?”
“Are you pregnant?”
“Are you pregnant?”
Teka lang. Kumurap-kurap ako ng limang beses.
Ako? Pregnant?
What?
“Mom!!!” Pag angal ko.
“What? Are we expecting a grandchild soon?”
“Tumigil ka mommy. Anong pregnant pinagsasabi mo diyan?” Narinig ko ang tawa ni Masson sa gilid ko kaya agad ko siyang sinuntok sa tagiliran and this time naubo na siya.
“No! O-Of course not.” Jusko. Mag hunos dili sila diyan.
“Don’t worry mom, we are working on it.”
Give me a knife. Now!!
Hahaha. Na high blood si Ivory ah.
Inis na binalingan ni Banx si Laris na wala namang paki alam sa kaniya. Natawa ako ng mahina. Mabuti nga sa kaniya dahil pagnagkataon na hinawakan niya ako sa mukha ay baka nasapak ko na siya. "Eda, kamusta ang pagmo-modelo mo?" tanong ni tito Cedric sa akin. "Ayos naman po tito," sabi ko. "I heard na top 1 ka raw no'ng pasukan." Ngumiti ako at tumango sa kaniya. "Mabuti naman kung ganoon. Proud ako sa 'yo." Aniya sa akin. "Salamat po tito," magalang na sabi ko. "Speaking of, may nanlilgaw na ba sa' yo?" dagdag niyang tanong. Lumingon ako kay Banx na tahimik lang "Kuya, bakit ba curious ka sa buhay ng anak ko?" nakasimangot na sabi ni mama "What? Of course, princess. She's my niece kaya normal lang na concern ako kung sino itong mga nagtatakang manligaw sa kaniya." "Hindi po ako nagpapaligaw tito kaya wala po." Sabi ko. Narinig ko mahinang tawa ni tito. "Just like your mom." Sabi niya sa akin. Lumabi naman si mama at hinayaan si tito sa sinasabi nito. "Totoo naman ah. Naalal
Pumasok kami sa loob. Sinalubong kami ni mama at papa na may galak na makita sina tito, mamala at papalo. Pumasok kami sa bahay ngunit bago iyon ay hinabilinan ako ni mama na samahan muna si Banx sa loob ng bahay. Nag-usap pa ang mga matatanda habang ako ay naatasan na samahan muna si Banx sa sala kahit na okay naman na pabayaan lang siya dahil makapal naman ang mukha niya kaya alam kong hindi siya mahihiya dito sa loob. Bakit ba kasi nag punta pa dito itong dugyot na ito? Para siyang kabute na bila nalang sumusulpot e. "Bakit ka ba nandito?" tanong ko sa kaniya dahil naiinis talaga ako sa pagmumukha niya. "Inimbitahan ako ng tito mo na pumunta dito kaya huwag kang feeling diyan." Sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya at nanood nalang ng palabas. Wala talagang araw na nagkakasundo kami. Bakit kaya hindi nalang siya kina tita Dainne at mukhang sila ang nagkakasundo ni Scarlet kesa sa amin. As if naman na mag fi-feeling rin ako na ako ang pinuntahan niya dito like hello, nakakain
BUSY kaming lahat ngayon dahil pupunta dito si tito Cedric. Kasama niya sina papalo at mamala. Dadalaw sila sa amin lalo’t matagal na rin silang hindi nakakadalaw o kami sa kanila buhat ng busy na sina mama at papa sa hacienda at iba pa nilang negosyo sa Manila. Nasa labas ako ng villa at hinihintay ang pagdating ni tito dahil sabi ni mama na hintayin ko raw sila dito sa labas. May hot choco sa harapan at ini-enjoy ko ang pagkain ng hopia ng may langaw na dumating. Ako lang mag-isa nang biglang dumating itong Banx na 'to para na naman bwesitin ang araw ko. Ito yata ang talent niya. Ang mambwesit kasi bentang benta sa akin. "Eda!" tawag niya sa akin. Sinamaan ko lang siya nang tingin at hindi na nag abala ba na pansinin siya. Sayang lang siya sa oras. "Ang sungit mo naman." Aniya. Wow. I'm surprised na alam niyang masungit ako kaya sana naman ay lubayan na niya ako. "Pwede ba Banx? Wala akong oras makipag bardagulan sa 'yo. Kaya paki usap lang na lubayan mo na ako at naiinis ako s
Nang mapagod ako kakaiyak ay saka lang ako humarap sa kaniya. Hindi na ako magtataka kung mugto ang mata ko pagka tapos nito. Sa tindi ba naman ng pag-iyak ko. Humarap ako sa kaniya. Hinawakan niya ako sa magkabilaamg pisngi habang sinasalubong ang mga titig ko. Heto na naman ang mga titig niya sa akin. Iyong para bang pati kaluluwa ko ay tinitignan niya, hinahalukay niya. "I'm so jealous, Laris." Pag-amin ko. Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Nakita kong lumamlam ang balikat niya at mapupungay na nakatingin sa akin. Hidni rin nakaligtas sa akin ang sayang dumaan sa mga mata niya matapos kong sabihin iyon. "Tell me more," bulong niya. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Nalulunod ako sa bawat titig niya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin. Bahala na. Gusto ko lang ilabas lahat ng hinanakit ko sa kaniya ngayon. Gusto ko lang sabihin sa kaniya lahat ng nararamdaman ko ngayon at bahala na kung anong susunod na mangyari. "Nagseselos ako kay Regina." Sabi ko. "Ayaw kong hina
Kinabukasan, nakasakay ako kay Massi habang nililibot namin ang Hacienda Villaranza. Wala namang klase ngayon dahil summer kaya sinusulit ko ang bakasyon. Napadaan ako malapit sa boundary ng Vitaliano households at nakita ko si Laris. Nakita ko siyang kasama niya si Regina, babaeng isa sa kababata niya. “Magandang umaga po ma’am Eda,” Bati sa akin ng mga magsasaka habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila at sinundan ulit nang tingin si Laris na papasok sa mga cottages. ‘Saan sila pupunta?’ nagtataka kong tanong. Bumaba ako kay Massi at pinuntahan ang pinuntahan ni Laris kasama ni Regina. Alam ko namang kaibigan niya si Regina pero ayaw ko pa rin sa babaeng iyon. Bata palang ako ay maltdita na ‘yon at halatang ayaw sa akin kaya ayaw ko rin sa kaniya. Hindi naman ako mamimilit sa mga taong ayaw sa akin. Kung ayaw sa ‘kin, ayaw ko rin sa kanila. Ganoon lang naman ka easy ‘yon. Kung m*****a siya, pwes m*****a din ako. Nakita ko sila na papunta nga sa cottage. Nasa likuran la
Papaandarin na sana ni Laris ang motor niya nang biglang may sasakyang huminto sa harapan namin. Agad na nalukot ang mukha ko nang makita ang mukha ni Banx na mayabang na nakasandal sa sasakyan niya. “Eda, sa akin ka na sumakay. Ihahatid kita sa inyo,” sabi niya. Mas humigpit ang hawak ko kay Laris dahil ayaw kong sumama kay Banx. Nababadtrip ako sa mukha niya at isa pa, ang yabang niya sobra. Matagal ko na siyang kilala at nanliligaw sa akin pero ayaw ko talaga dahil aside sa hindi ko siya gusto, ayaw ko rin sa ugali niya. “Hindi mo ba nakikita na nakasakay na ako? Kaya umalis ka na dahil hindi ako sasama sa ‘yo. Si kuya Laris na ang maghahatid sa akin papunta sa bahay.” Sabi ko sa kaniya. Ayaw ko talaga sa mukha niyang magaspang. Mas lalo na sa ngisi niya sa mukha niya na ansarap tapalan ng nalusaw na metal para hindi na siya makangiti pa. “Bakit ka sasakay sa cheap na motor niya? Dito ka nalang sa akin sasakay dahil komporta-ble pa ang upo mo.” Aniya sa akin. At talagang nilait