Kabado ako habang papalapit kami sa bahay. Biglaan kasi ang naging desisyon ko kanina. Oo at gusto kong ipakilala si Jake sa mga magulang ko pero hindi ko ito napaghandaan ngayon. Hindi ako kinabahan noong nasa condo niya pa kami, ngayon lang talaga na papalapit na kami sa bahay.Ilang metros na lang nang biglang may tumawag sa cellphone ni Jake. Mabilis niya itong sinagot."Yes, Mom..."Si Mrs. Corpuz.Mas lalo akong kinabahan."Okay."Ako kaya ang sinabi ng Mommy niya? Pinapabalik na kaya siya do'n? Muling bumalik ang takot ko sa Mommy niya. Kani-kanina lang sinabi ko sa sarili ko na balewala na sa akin kahit masaktan pa ulit ako. Ngayon, parang naduduwag na naman ako. "Yes, I'll be there."Napalunok ako. Parang hindi ata matutuloy ang pagpapakilala ko kay Jake.Inihinto na niya ang sasakyan sa harapan ng aming gate. Bumaling siya sa akin. Malungkot akong ngumiti. "Hinahanap ka na ba?" tanong ko. "Sa susunod na lang siguro kita ipapakilala-""No. I want it now," putol niya sa si
Good morning.Napangiti ako nang mabasa ko ang text na iyon mula kay Jake. Kakagising ko lang at nakita kong ilang minuto na ang lumipas nang isend niya iyon sa akin.Nagtipa ako ng reply habang papalabas ako ng kwarto. Nadatnan ko si Nanay na nasa kusina na at nagsasaing na ng kanin."Anong oras pupunta ang boyfriend mo dito, Mia?" tanong niya nang lumapit na ako sa kanya."Hindi ko po alam, Nay. Itatanong ko po."Kaagad naman akong nagtext kay Jake at mabilis lang din ang reply niya. "Alas siete daw po."Tumango si Nanay. "Anong lulutuin kong ulam? Ano ba ang gusto niyang kainin?"Nakagat ko ang ibabang labi ko saglit nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Jake kagabi bago ako natulog."Adobo po," tugon ko.Tumaas ang dalawang kilay ni Nanay. "Paborito niya?""Nasabi ko kasi kagabi sa kanya na masarap kayong magluto ng adobo."Tumawa si Nanay. "Talaga ba? Sinabi mo?"Tumango ako.Humalukipkip ang aking ina. "Naku kapag natikman niya ang adobo ko, panigurado hahanap-hanapin na niya."
Nakangiti akong nagsusukat ng isang magandang dress sa loob ng aking kwarto. Magkikita kasi kami ng boyfriend kong si Jeff ngayon para sa aming fifth year anniversary. Excited ako dahil sa isang mamahaling restaurant kami mag-di-dinner.Bumaling ako sa pintuan nang biglang may narinig ako na isang katok. Kaagad kong binuksan iyon at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng aking ina."Ang ganda naman ng anak ko," sabi niya habang papasok sa loob ng aking kwarto."Siyempre, nagmana ako sa inyo."Malakas siyang napatawa. Umupo siya sa aking higaan at pinagmasdan ako."Bagay ba sa akin ang dress, Nay?" tanong ko sa kanya sabay ikot ko.Tumawa siya ulit. "Bagay na bagay, Mia anak. Para kang modelo na nakikita ko sa telebisyon."Ako naman ngayon ang napatawa. Bumaling ako sa harap ng salamin at inayos ang suot na dress na kulay pula. Spaghetti strap at hanggang hita ang tabas kung saan nadepina ang magandang hubog ng aking katawan, ang malalaki kong dibdib at maumbok na pwet."Iyan ba 'y
"Okay," iyon lang ang nasambit ko habang kausap si Jeff sa kabilang linya. Wala akong ibang maisip na sasabihin dahil ukupado ng ibang bagay ang isipan ko."Thanks, God! Mia. Anong oras ka naka-uwi sa inyo? I am really sorry kung matagal kang nag-hintay."Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi ni Jeff at pinutol ko na ang tawag niya nang biglang gumalaw ang estrangherong lalaki na kasalukuyang nakahiga pa rin sa kama. Dahil sa paggalaw niya tumambad ang matipuno niyang katawan. Mabuti na lang at natakpan pa rin ng kumot ang maselang parte niya.Uminit ang buong mukha ko nang maalala ko ang pinagsaluhan namin ilang oras pa lang ang nakakaraan. Ang bawat pagpasok ng kanya sa akin na naghatid ng init at sarap sa buong sistema ko.Sinuway ko ang sarili dahil hindi ko dapat naramdaman iyon gayong hindi siya ang aking boyfriend.Pinulot ko ang pulang dress pati na rin ang bra at panty ko na nagkalat sa sahig. Mabilis akong nagbihis dahil kailangan ko nang umalis. Huli kong pinulot ang aking
"Kumusta ang fifth year anniversary ninyo kagabi, Mia?" nakangising tanong sa akin ng kasama ko sa trabaho na si Andrea na nakaupo sa kanang banda ko."Oo nga. Magkwento ka naman kung ano ang mga nakakakilig na ginawa ni Sir Jeff," segunda naman ni Joyce na nasa kaliwa ko.Magkakatabi ang mga tables naming tatlo dito sa opisina ng isang insurance company kung saan ako nagtatrabaho. Dito kami nagkakilala ni Jeff sa kompanyang ito. Anak siya ng may-ari at ako na simpleng empleyado lamang. Dalawang taon na rin simula nang maging CEO siya dahil bumaba na sa pwesto ang Daddy niya at sa kanya na ipinagkatiwala ang kompanya. Nagsimula kami bilang magkaibigan at inaamin ko na crush ko siya sa simula pa lang. Kalaunan ay nagkagusto siya sa akin at sobrang saya ko nang sabihin niyang gusto niya akong ligawan. Ilang buwan niya lang akong niligawan at sinagot ko kaagad siya. Sa una ay nilihim lang namin ang relasyon namin pero kalaunan ay nagdesisyon siya na kailangan na naming ipaalam sa mga m
Nagtipon ang mga empleyado ng kompanya sa malaking function hall alas dos ng hapon. Halos lahat ay nandito na maliban na lang sa mga security guards at receptionists na hindi pwedeng umalis sa kanilang mga trabaho. Ilang minuto na lang din at magsisimula na ang meeting. "May ideya ka ba kung anong pag-uusapan natin ngayon?" tanong ni Joyce kay Andrea. "Hindi ko rin alam, eh," tugon ni Andrea. Bumaling siya sa akin. "May nasabi ba si Sir Jeff sa 'yo kung tungkol saan ang urgent meeting?" Tumango ako. "Tungkol saan daw?" "Ayos talaga kapag boyfriend mo ang boss. Mauuna ka sa mga impormasyon," nakakalokong sabi ni Joyce. Napatawa si Andrea. Hindi ako tumawa dahil napa-isip ako ng ilang sandali. Hindi ko kasi alam kung papaano ko sasabihin sa kanila ang sinabi sa akin ni Jeff kanina at tsaka ayokong mapag-usapan ang kambal niya. "May ipapakilala daw sina Mr. and Mrs. Corpuz sa atin." "Sino?" Dikit na dikit na ang mga mukha ni Andrea at Joyce sa akin. Naghihintay ng sagot
"Grabe, ang galing mambola ni Sir Jake. Marami ang babaeng empleyado ang kinilig kahapon," natatawang sabi ni Andrea kinabukasan habang naglilinis siya ng lamesa niya. "Pansin ko rin. Lalo na si Danika from HR department, ang lagkit kong makatingin. Kung ice cream lang si Sir Jake baka natunaw na 'yon," sabi naman ni Joyce habang umiinom ng kape."Hindi mo rin siya masisisi kasi sobrang gwapo ni Sir Jake," kinikilig na sabi ni Andrea."Akala ko ba ang pinakagwapong lalaki para sa 'yo ay ang boyfriend mo?" nakakalokong tanong ni Joyce.Napatawa si Andrea at hindi makasagot.Umagang-umaga ay si Jake kaagad ang pinag-uusapan ng mga kaibigan ko. Kahit naiinis ako pero hindi ko pinahalata iyon."Ay, hindi na makasagot. Baka naman tama nga talaga ang hinala ko kahapon na may gusto ka kay Sir Jeff at sinasabi mo lang na si Sir Jake ang bet mo.""Tumigil ka na nga, Joyce. Hindi ba't sinabi ko na rin kahapon na mas malakas ang dating ni Sir Jake." Bumaling sa akin si Andrea. "No offense Mia,
Lumapit sa amin si Jeff. Kalmado ang paraan ng paglakad niya pero masama ang tingin niya. Napalunok ako nang nasa harapan ko na siya."What are you two doing here?" seryoso niyang sabi. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Jake."Naghatid ako...ng listings...sa new account department..." Hindi ko madiretso ang sinasabi dahil sa sobrang kaba sa aking dibdib. Nanginginig din ang kamay ko na nakaturo kung saan ako galing.Bumaling siya kay Jake. "How about you, my twin brother?"Kaagad na ngumisi si Jake. Walang bakas ng kahit kaunting takot ang mukha niya. "It's none of your business," nakakalokong tugon nito. Nakita ko kung paano tumaas ang isang kilay ni Jeff, halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ng kambal niya. Tumawa si Jake at nagsalita ulit. "Nagkasalubong lang kami ni Mia dito and..." Ngumiti siya saglit sa akin bago nagpatuloy. "I just asked some company rules since may iilan na nakalimutan ko na. You know I have a short-term memory loss." Tumawa ulit siya pero si Jeff
Good morning.Napangiti ako nang mabasa ko ang text na iyon mula kay Jake. Kakagising ko lang at nakita kong ilang minuto na ang lumipas nang isend niya iyon sa akin.Nagtipa ako ng reply habang papalabas ako ng kwarto. Nadatnan ko si Nanay na nasa kusina na at nagsasaing na ng kanin."Anong oras pupunta ang boyfriend mo dito, Mia?" tanong niya nang lumapit na ako sa kanya."Hindi ko po alam, Nay. Itatanong ko po."Kaagad naman akong nagtext kay Jake at mabilis lang din ang reply niya. "Alas siete daw po."Tumango si Nanay. "Anong lulutuin kong ulam? Ano ba ang gusto niyang kainin?"Nakagat ko ang ibabang labi ko saglit nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Jake kagabi bago ako natulog."Adobo po," tugon ko.Tumaas ang dalawang kilay ni Nanay. "Paborito niya?""Nasabi ko kasi kagabi sa kanya na masarap kayong magluto ng adobo."Tumawa si Nanay. "Talaga ba? Sinabi mo?"Tumango ako.Humalukipkip ang aking ina. "Naku kapag natikman niya ang adobo ko, panigurado hahanap-hanapin na niya."
Kabado ako habang papalapit kami sa bahay. Biglaan kasi ang naging desisyon ko kanina. Oo at gusto kong ipakilala si Jake sa mga magulang ko pero hindi ko ito napaghandaan ngayon. Hindi ako kinabahan noong nasa condo niya pa kami, ngayon lang talaga na papalapit na kami sa bahay.Ilang metros na lang nang biglang may tumawag sa cellphone ni Jake. Mabilis niya itong sinagot."Yes, Mom..."Si Mrs. Corpuz.Mas lalo akong kinabahan."Okay."Ako kaya ang sinabi ng Mommy niya? Pinapabalik na kaya siya do'n? Muling bumalik ang takot ko sa Mommy niya. Kani-kanina lang sinabi ko sa sarili ko na balewala na sa akin kahit masaktan pa ulit ako. Ngayon, parang naduduwag na naman ako. "Yes, I'll be there."Napalunok ako. Parang hindi ata matutuloy ang pagpapakilala ko kay Jake.Inihinto na niya ang sasakyan sa harapan ng aming gate. Bumaling siya sa akin. Malungkot akong ngumiti. "Hinahanap ka na ba?" tanong ko. "Sa susunod na lang siguro kita ipapakilala-""No. I want it now," putol niya sa si
Hinila na ako ni Jake papasok sa loob ng kanyang sasakyan. Naging mabilis ang pagmamaneho niya at alam ko kung bakit, dahil sa condo niya ang tungo namin.Matagal ko siyang iniwasan kaya naman matagal na rin ang huli naming pagtatalik. Inaamin kong namimiss ko iyon at ngayon ay sabik na sabik na akong mangyari iyon.Sa pagkakataon ding ito ay wala na akong pakialam kung ano man ang sinabi sa akin ni Mrs. Corpuz. Balewala na sa akin kung nasaktan man niya ako o kahit na saktan pa niya ako sa susunod. Hinding-hindi ko na lalayuan ang anak niya kasi ako lang din naman ang mahihirapan. Pareho lang din ang mararanasan kung paghihirap kung patuloy akong matatakot kay Mrs. Corpuz. Kaya naman pipiliin ko na lang ang sitwasyon na sigurado akong sasaya ako sa kabila ng paghihirap. Pipiliin ko si Jake kahit na mahirapan man ako. Habang papalapit kami ay lumalakas ang tibok ng puso ko at bumibilis na ang paghinga ko. Alam ko kasi kung ano ang gagawin naming dalawa sa oras na makarating kami. Pa
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko dahil ayokong may makakita sa akin na umiiyak. Yumuko na rin ako para walang makahalata maliban na lang sa dalawa kong kaibigan na napansin kong lumapit na nang husto sa akin at sunod-sunod na nagtanong. "Kaya ba ilang araw ka nang matamlay dahil ba dito? Ito ba 'yong dahilan?" nahimigan ko ang pag-aalala sa boses ni Andrea kahit na pabulong niya lang na sinabi iyon. "Alam mo na ba ang tungkol sa engagement nila, Mia?""Bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong naman ni Joyce. Kahit na may bahid na galit ang tono ng boses niya pero alam kong nag-aalala lang din siya.Umiling ako dahil hindi ko alam. Ngayon ko lang din nalaman at nagulat ako katulad nila."Hindi sinabi ni Sir Jake sa 'yo?""Akala ko ba seryoso siya sa 'yo?""So parang niloko ka lang niya?""Walang hiya siya."Umiling ulit ako dahil hindi dapat si Jake ang sinisisi nila.Ako, kasi ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to."Oh? Jake may sasabihin ka?" narinig kong sabi ni Mr. Corpuz. Uman
Hindi ko na ulit nakita si Jake sa parking lot at ilang araw na rin na hindi na ako nakatanggap ng text at tawag galing sa kanya. Dapat ay ikinasaya ko iyon kasi tumigil na rin siya sa wakas at nangyari na ang gusto kong mangyari, ang sumuko siya. Pero hindi ganoon ang naramdaman ko. Para na akong mababaliw sa kakaisip na mayroon na siyang iba, at na mayroon na siyang bagong mahal. Para na akong mamamatay sa kakaisip na hindi na ako mahal ang mahal niya.Hindi ko kayang tanggapin iyon. Hindi ko talaga kaya. Ang sakit-sakit.Kasalanan ko lahat kaya wala akong ibang masisisi kundi ang sarili ko lang din. Ako ang may gusto nito at ngayong ginawa na niya ang gusto ko, ako naman ngayon ang nahihirapan ng husto.Hindi ko matanggap kasi umasa ako sa sinabi niya na hindi siya titigil hangga't hindi ako bumabalik sa kanya. Na kahit lumayo man ako ay papatunayan niya ang sarili niya na hindi na siya gagawa ng masama. Sinabi niyang hihintayin ko siyang makabawi at pagkatapos no'n ay pwede na a
"Nakita ko pala si Sir Jake kanina sa labas. Nagkita ba kayo, Mia?" tanong sa akin ni Andrea.Napakurap-kurap ako.Kahit hindi ko gustong magsinungaling pero kailangan ko. Bilang tugon ay tumango ako."Ang sweet naman. Kahit nasa ibang branch na siya pero pumunta pa talaga siya dito para lang masilayan ka."Tipid lamang akong ngumiti."Hindi na ba siya ibabalik dito, Mia?" seryosong tanong ni Joyce.Nangapa ako ng isasagot. "Ah...hindi ko alam, eh.""Makakabalik naman siguro siya kung gugustuhin niya talaga. Hindi ba, Mia?" makahulugang sabi ni Andrea.Tumango ulit ako.Hindi ko alam kung bakit hindi pa ibinabalik si Jake dito. Hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko rin alam kung sino ang nagdedesisyon tungkol doon. "Baka naman iyon talaga ang instruction ni Sir Jeff sa kanya," ani Joyce."Pwede rin," sabi naman ni Andrea.Mabuti na lang din na hindi pa binabalik dito si Jake dahil kung mangyayari 'yon mas lalo akong mahihirapan. Pinilit ko ang sarili na maging maayos sa araw na iyon.
Sunod-sunod ang mga text na natanggap ko galing kay Jake.So you found someone else already?Is he better than me?Malapit pa akong maiyak sa iba niyang texts. Pinigilan ko lang dahil ayokong magtaka si John.Hindi mo na ba ako mapapatawad?Ang sama ko na ba talagang tao?Hindi mo na ba ako mahal, Mia?Hindi mo na ako babalikan?Pagkatapos kong basahin ang mga 'yon ay pinatay ko na ang cellphone ko. Mahal na mahal ko si Jake pero kahit kailan hindi sasang-ayon si Mrs. Lim sa akin. Hindi ako no'n matatanggap. Kaya naman ngayon pa lang dapat ko nang putulin ang ugnayan namin ni Jake kahit mahirap at kahit masakit."Okay ka lang ba, Mia?" biglang tanong ni John sa akin dahil napansin niya sigurong tahimik lang ako.Bumaling ako sa kanya. Nadatnan kong nakatingin na siya sa akin. "Oo naman." Hilaw akong ngumiti. "Nakikita ko kasi sa mukha mo na parang may problema ka."Napansin niyang hindi ako okay. Paano na lang kaya kung hinayaan ko ang sarili na maiyak?"Okay lang ako...pagod lang ak
Ang lakas-lakas na ng tibok ng puso ko nang umuwi ako sa bahay. Hindi ako mapakali sa kaalaman na pupunta si Jake ngayon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong bumabaling sa labas ng aming gate. Pagkatapos niyang magtext sa akin ay hindi na nasundan. Iniisip ko na baka malapit na talaga siya.Buong gabi ko siyang hinintay at halos wala akong maayos na tulog kakahintay sa kanya. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na hindi siya pumunta o hindi. Nalilito ako.Dahil sa walang maayos na tulog kaya naman sumakit ang ulo ko nang pumasok ako sa trabaho kinabukasan.Bahagya akong nalungkot kasi inisip ko na baka kaya hindi tumuloy si Jake na puntahan ako dahil nagbago na ang isip niya. Na baka ayaw na niya akong makausap at baka wala na siyang plano na pag-usapan ang tungkol sa aming dalawa.Nalulungkot ako kahit na ito naman ang gusto ko 'di ba? Ang hindi na makipagbalikan sa kanya?Iyon ang gusto ko pero nalulungkot ako.Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga sabay labas mul
Hindi ako umasa na makikinig si Jake sa sinabi ko at hindi rin ako umasa na ititigil na niya ang pagpapabagsak sa kompanya. Pero laking gulat ko nang dumating ang lunes at nadatnan kong wala na ang mga taong nagrereklamo sa labas ng building. Noong sabado ay marami-rami pa sila, mayron pa ngang iba na doon na natutulog sa gilid ng kalsada. Pero ngayong araw na 'to ay wala na. Tanging mga basura na lamang ang natira at tila ba iyon na lang ang natirang bakas nila. Lumakas ang tibok ng puso ko. Talaga bang itinigil na ni Jake? Dahil ba hinamon ko siya? Dahil ba sinabi kong magdedesisyon ako na babalikan ko siya kapag patutunayan at nagawa na niya? Hindi ako makapaniwala. Kahit na wala nang nagrereklamo pero nakita ko pa rin ang mga pulis na nakatoka sa labas. Hindi ko alam kung bakit hindi pa sila umaalis gayong wala na ang mga tao na maaaring gagawa ng gulo. Nang dumating ang dalawa kong kaibigan ay iyon ang aming napag-usapan. "Narinig ko nga mula sa mga security guards n