Paano nalaman ni Jake na gutom na ako?
"Please, Mia. Kumain ka na," pagpupumilit niya nang makita akong hindi pa kumakain at nakatitig lang ako sa kanya na naghihiwa na rin ng ulam niya. "Sasagutin ko ang mga tanong mo mamaya basta kumain ka muna. It's past nine already at wala pang laman ang tiyan mo." Hinawakan ko na ang mga kubyertus nang maramdaman ko ulit ang pagkalam ng sikmura ko. Matagal na din pala akong nandito dahil alas nuebe pasado na ng gabi. Kumain na ako at kumain na rin si Jake. Hindi kami nag-uusap at wala sa aming dalawa ang nagsasalita. Kahit na ganoon naibsan ng kaunti ang lungkot ko dahil hindi ako nag-iisang kumakain. May kasama ako kahit papaano. Nakayuko lang akong kumakain at nang iniangat ko ang tingin ko ay nadatnan ko siyang nakatingin sa akin habang kumakain siya. Pero bago pa ako umiwas ay siya na ang unang umiwas ng tingin. Siya na ngayon ang yumuko. Pinagmasdan ko siya. Para talaga siyang si Jeff kahit saang anggulo tingnan. Kaya wala akong kaalam-alam na hindi pala siya ang boyfriend ko sa una naming pagkikita. Ngayon ko lang din siya nakitang seryoso. Naninibago ako kasi sa mga nagdaang mga araw ay palagi ko siya nakikitang nakangiti. Nakangisi siya tuwing mapapatingin sa akin. Napayuko ako nang siya naman ngayon ang nag-angat ng tingin. Tinapos ko na ang kinakain nang hindi na siya binalingan. Nauna siyang natapos sa akin kaya naman nang makita niya akong napatingin sa tissue na malapit sa banda niya ay kinuha niya iyon at inilapit sa akin. Wala siyang imik pagkuha ko ng tissue at nang pinapahiran ko ang bibig ko. Ngayong pareho na kaming tapos kumain ay nakatitig na siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nawala na 'yong kagustuhan ko na malaman kung bakit nandito siya. Na para bang hindi ko na kailangan malaman ang dahilan niya dahil sinamahan niya ako dito ngayon. Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya at pagkatapos ay nagsalita na siya. "So...I'll answer your questions now. Kung ano ang ginagawa ko dito at kung bakit ako nandito." simula niya. "I overheard your conversation with Jeff sa bahay na hindi na naman siya makakarating sa date ninyo. Biglaan kasing dumating sa bahay ang kanyang collegues at basi sa narinig ko ay mag-a-avail sila ng insurance programs sa kompanya." Hindi niya sinabi ang dahilan niya kung bakit siya nandito at kung ano ang ginagawa niya ngayon. Ikinuwento lang niya kung ano ang nagyari sa bahay nila. Tumango ako. "Oo, sinabi na niya." "And you're okay with that?" medyo tumaas ang boses niya. Napakurap-kurap ako at bahagyang nagulat sa tanong niya kasi nahimigan ko ang kaunting pagka-irita niya. Nakikita ko rin iyon sa mukha niya. "Okay lang sa 'yo na unahin niya ang negosyo at pera kaysa sa 'yo?" Napayuko ako at hindi nakasagot. Kung si Jeff ang kaharap ko baka sumagot kaagad ako na 'okay lang' pero ngayong si Jake ang nagtatanong hindi ko maitago ang lungkot at pagkadismaya. "He can re-schedule their meeting sa ibang araw and discuss it in the office instead. Or he can talk to them a bit and leave them after. Maiintindihan naman siguro nila kung sasabihin niyang may date kayo. Pwede naman niyang ipagpaliban na lang muna iyon. Bakit ngayon pa na alam naman niyang may usapan kayo?" Muling humapdi ang mga mata ko dahil sa mga sinabi ni Jake at pakiramdam ko wala siyang plano na tumigil. "Ngayon lang siya makakabawi sa 'yo but then he fucked up again. Tapos okay lang sa 'yo na ganyan siya? Ni hindi ka nga nagalit at pinalampas mo lang. You are tolerating him, damn it!" Minsan gusto kong magalit kay Jeff pero hindi ko kaya. Natatakot ako na siya naman ang magalit sa akin. "If I am your boyfriend, Mia, ikaw ang uunahin ko. Pangalawa na ang negosyo." Seryoso na sabi ni Jake na para bang sinasabi niya iyon sa akin bilang boyfriend ko. "You're too good for him. He doesn't deserved you, Mia." Doon na tumulo ang mga luha ko. Kaagad kong pinunasan ang mga iyon. "If I am just your boyfriend, I will never let you cry like this. I will never make you feel alone. I'll make time for you and we will spend a lot of time together." Pero mas lalo lang akong napaiyak kasi handa akong tiisin ang lahat para kay Jeff at kaya ko pang patuloy na magtiis. Kahit na nasasaktan ako kaya kong lunukin iyon at ipagwalang bahala na lang. "Don't cry. Hindi siya dapat iniiyakan. He is an ass-" "Tama na," pagpapatigil ko kay Jake. Kahit anong sabihin niya hindi pa rin naman ako magtatanim ng galit kay Jeff. Palalampasin ko lang din naman ito ngayon. Natahimik si Jake at hindi na nagsalita. Ilang sandali akong umiyak at hinayaan lang din naman niya ako. "Salamat sa pagpunta mo dito at sinamahan mo akong kumain," iyon lang ang sinabi ko at tumayo na. Naglakad na ako palabas ng restaurant. Pero hindi pa ako nakakalayo ay bigla akong napatigil nang may humawak sa braso ko. "Mia," narinig kong sabi ni Jake sa aking likuran. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. "I'm sorry," malungkot niyang sabi. Maingat kong binawi ang braso ko na hawak niya at hinayaan naman niya ako. Tipid akong ngumiti. "Okay lang." "It's not okay." Masakit ang mga sinabi niya. Pinilit kong ibinaon ang mga iyon dahil alam kong ako lang din ang mahihirapan kapag iisipin ko palagi. Pero nagawa niyang ipamukha at isampal iyon sa akin lahat ngayon. Oo alam ko naman na mali na ang pagtitimpi ko kay Jeff at sobra na pero hindi ko talaga kayang ipakita sa kanya ang totoong nararamdaman ko kapag may nagagawa siyang mali. "Ihahatid na kita." Umiling ako. "Hindi na. Mag-ta-taxi-" "Ihahatid kita," may diin ang pagkakasabi niya habang seryoso ang mukha. Wala akong nagawa nang higitin niya ulit ako sa braso at hinila ako patungo sa parking lot kung nasaan ang sasakyan na dinala niya. Nagpatianod na lang din ako kasi pagod na ako at ayoko nang makipagtalo pa sa kanya. Tahimik lang kami sa biyahe. Sinabi ko na sa kanya kanina pagkasakay ko ang address ng bahay namin. Seryoso lang siyang nagmamaneho habang sinusunod ang instruction ng gps na nasa monitor ng sasakyan niya. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging takbo ng gabi namin habang pauwi. Hindi niya ako tinutukso na siyang palagi niyang ginawa sa akin sa opisina. Hindi ako sanay na seryoso at tahimik siya. "Salamat," tipid kong sabi pagdating namin sa harap ng gate namin. Hindi siya nagsalita. Tinitigan lang niya ako at tumango pagkatapos. Pagkalabas ko ay bumusina siya ng isang beses at umalis na. Habang papalayo ang sasakyan na minamaneho niya ay hindi na muna ako pumasok sa gate. Pinagmasdan ko muna itong unti-unting lumalayo. Napabuntong-hininga ako. Malungkot ako kanina pero kahit na ganoon at least hindi ako mag-isa. Umiyak man ako pero at least may kasama ako. "Oh, anak? Inihatid ka ba ni Jeff?" tanong ni Nanay. Papalapit siya sa akin sa gate. Ayokong magsinungaling pero kailangan kong gawin. "Opo." "Kumusta ang date ninyo?" Tipid akong ngumiti. "Okay lang po." Tinitigan niya ako. "Oh, bakit parang matamlay ka?" Kinabahan ako nang mapansin iyon ng aking ina. "Ah, pagod lang siguro ako, Nay. Tsaka inaantok na rin po kasi ako." "Gano'n ba? Oh, tayo na sa loob para makapagpahinga ka na." Sabay na kaming pumasok ni Nanay sa loob ng bahay. Pagpasok ko sa trabaho ay wala si Jeff. Nag-leave siya at hindi ko alam kung saan siya pumunta at kung ano ang ginawa niya. Hindi naman iyon bago kasi madalas ganoon siya. Kadalasan ay tungkol lang din naman sa trabaho ang nilakad niya. Marami siyang nililigawan na iba't ibang mga corporation para mag-avail ng insurance. May mga empleyado na naka-assign sa trabahong iyon pero gusto kasi ni Jeff na hands-on siya kaya siya mismo ang pumupunta sa mga posibleng kliyente. Sa mga araw na wala si Jeff sa kompanya ay si Jake ang pumupuwang no'n. Sa kanya naipapasa lahat ng mga responsibilidad ni Jeff at pati na rin ang mga dokumento na dapat pirmahan. Pagbalik sa trabaho ay bumalik na rin ang dating pakikitungo sa akin ni Jake. Palagi na siyang nakangiti at ang pag-ngisi niya na siyang kinaiinisan ko. Pero ngayon hindi na ako masyadong naiinis. Ewan ko ba, siguro dahil may mabuti siyang ginawa sa akin kaya gano'n. Kahit tinutukso niya ako at kumikindat siya kapag walang ibang nakatingin sa amin ay hindi na ako napapairap. Minsan nga napapatawa na lamang ako. Pagbalik ni Jeff sa trabaho ay kaagad niya akong pinatawag sa opisina niya nang magkita kami sa umaga pagpasok niya. Nagmamadali akong sumunod dahil seryoso ang mukha niya at parang may malalim na iniisip. Pagkapasok ko sa silid niya ay nabigla ako nang sinalubong niya ako ng halik. Akala ko ay isang beses lang niya akong hahalikan dahil ganoon ang ginagawa niya pero nagulat ako nang hinalikan niya ulit ako. Malalim at mapusok. Nangatog ang mga tuhod ko. Kung hindi niya lang ako niyakap sa baywang ay baka humandusay na ako sa sahig. Hindi ko napigilan at tumugon na ako sa mga halik niya. Kung ano ang paraan niya ay ganoon din ang ibinabalik ko. Ngayon lang ako naglakas ng loob at aaminin kong gusto ko ang ginagawa ko. Parang may dumaan na kung anong kakaiba sa loob ng tiyan ko nang maisip kong bumabawa siya sa akin at ito ang paraan niya. Napapikit na ako at naipulupot ko na ang mga braso ko sa batok niya. Nakakahilo at nakakapanghina ang mga halik niya. Hindi ako sanay. Napadaing ako nang bumaba ang mga halik niya patungo sa leeg ko. Naibukas ko ang aking mga mata at nasabunutan ko ang buhok niya. Hindi ko sinadya at nahawi ko ang buhok niya malapit sa kilay niya at nagtaka ako nang wala akong makitang nunal niya doon. Tiningnan ko ang kabila at wala rin akong makita. Lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi si Jeff ang kahalikan ko ngayon...kundi si Jake.Naging maayos na ang pakikitungo sa akin ni Mrs. Corpuz pero hindi ko masasabing malapit na kami sa isa't isa. Tamang pakikitungo lang kunbaga. Nagpapansinan na kami kapag nagkikita kami pero hindi kami masyadong nagkukwentuhan ng kung anu-ano. Minsan pakiramdam ko ay nahihiya siya sa akin. Mas malapit sila ni Isabel, iyong napangasawa ni Jeff. Noong kasal nga, napaiyak si Mrs. Corpuz at mahigpit silang nagyayakapan. Nag-usap sila at nagtawanan.Hindi naman ako naiinggit na ganoon sila, na mas malapit sila at mas makuwento ni Mrs. Corpuz sa kanya. Ang mahalaga sa akin ay hindi na galit sa akin si Mrs. Corpuz at tanggap na niya ako para sa anak niya. "I don't love her. This is just business after all."Iyon ang narinig kong sabi ni Jeff nang tanungin siya ni Jake kung may nararamdaman ba siya para sa babaeng naipakasal sa kanya. Iyon naman talaga ang palaging iniisip ni Jeff, ang negosyo. Hindi uso sa kanya ang umibig. Iyong sa aming dalawa noon, pag-ibig pa rin naman 'yon pero para
Simula nang lumipat kami ni Jake ay sa bahay na lang din siya nagtatrabaho. Araw-araw siyang may kausap sa cellphone at may ka-zoom meeting sa laptop. Madalang lang siya kung umalis at kung aalis man siya, sinisiguro niyang makakauwi siya sa gabi. Hindi niya ako hinahayaan dito sa bahay na mag-isa. Pero hindi naman talaga ako mag-isa kasi may may mga katulong naman at guards. Kaya lang hindi kampante si Jake kapag gano'n. Minsan nga kapag aalis siya buong araw ay pinapakiusapan niya sina Nanay at Tatay na samahan ako dito. Sinisiguro niyang may makakatingin sa akin habang wala siya. Gusto niyang ligtas ako.May plano na rin kaming magpakasal sa susunod na taon. Hindi na kasi kaya sa taon na ito dahil nasa ika-fourth quarter na at wala ng tamang panahon para mag-prepara. Tsaka ngayong taon na ito ikakasal si Jeff at ang fiancee niya kaya hindi rin kami pwede ni Jake dahil bawal 'yon base sa pamahiin ng mga matatanda.At ang isang dahilan, hindi pa kami nag-kakaayos ni Mrs. Corpuz..."I
Yakap-yakap pa ako ni Jake sa puntong iyon nang biglang nakawala ang matandang lalaki mula sa pagkakahawak ng mga pulis. Tumakbo siya palapit sa amin at walang pag-aalinlangan na binaril si Jake. Tumigil ang mundo para sa akin. Sumigaw ako ng napakalakas. Nagwala. Humagulhol ng iyak. Pakiramdam ko mamamatay na rin ako. Sumisikip na ang dibdib ko.Napapikit ako habang nagmamakaawa sa Panginoon. Huwag niyo pong kunin sa akin si Jake...Parang awa niyo na...Jake...Jake!Nagising ako bigla. Umiiyak pa rin ako at nagwawala. Sinisigaw ko ng paulit-ulit ang pangalan ni Jake. Pero sa pagkakataong ito ay nasa ibang silid na ako kung saan puti lahat ang pintura. Nakahiga na ako sa isang malambot na kama.Kasalukuyan akong niyayakap ni Jake."Mia, please calm down. You are safe now. Please."Iyon ang paulit-ulit niyang sinabi habang hinahalikan ang ulo ko. Umiiyak pa rin ako kasi akala ko totoo na ang nangyari. Akala ko totoong nabaril si Jake. Niyakap ko na rin siya ng mahigpit dahilan k
Nagising ako dahil sa malakas na paghampas ng isang bagay na hindi ko mawari kung ano.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Kahit ang pagmulat ay nahihirapan ako. Ramdam ko rin ang pagod at panghihina ng buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit.Hindi ko naibukas ng mabuti ang aking mga mata dahilan kung bakit hindi ko halos makita ng maayos ang nasa harapan ko. Ang tanging klaro lang sa akin ay ang gumagalaw na braso hawak ang isang bote ng alak. Naibaba ang bote sa isang lamesa at pagkatapos ay gumalaw ulit ang braso. Paulit-ulit iyon na nangyari hanggang sa dumilim ulit ang paningin ko.Sa pangalawang pagkakataon na nagising ako dahil sa malakas na paghampas sa aking balikat."Hey! Wake up!" narinig kong sigaw ng isang boses. Ngayon ay naimulat ko na ng maayos ang aking mata at bumungad sa akin ang isang lalaki na nakasuot ng itim na sumbrero. Hindi ko makita ng mabuti ang mga mata niya pero pamilyar iyon sa akin."Finally, nagising ka na," nakangisi niyang sabi. Akmang h
Mag-iisang linggo na kami dito sa bahay kaya naman napagdesisyunan na namin ni Jake na umuwi na bukasan. Excited na rin akong bumalik sa trabaho para makita sina Andrea at Joyce. Tinawagan ko sila noong isang araw para kumustahin sila. Connecting calls ang ginawa ko para makausap ko rin si Joyce."Alam mo ba, Mia, itong si Andrea parang ewan. Umiyak kasi nalaman niyang may jowa pala 'yong crush niya," kwento ni Joyce ss akin."Ay, talaga? Akala ko ba single 'yon?""Akala nga din niya. Pero may girlfriend naman pala. Hindi lang ata niya nakita-""Eh, wala naman talaga! Kasi sa tuwing nakikita ko siya sa labas ng building ay wala siyang kasama," putol ni Andrea habang may sinasabi si Joyce."Kung nasa labas ng building, ibig sabihin no'n may hinihintay.""Eh, hindi ko nga nakikita na may sumasalubong sa kanya-""Paano mo malalaman? Nasa loob tayo ng building-""Tuwing nakikita ko nga siya sa labas ay wala-"Napailing na lamang ako nang magtalo na silang dalawa. Kahit dalawang linggo pa
"Careful," bulong sa akin ni Jake habang nakapikit ako at nakatakip ang isang kamay niya sa mga mata ko. Nakasuporta naman ang isang kamay niya sa baywang ko para hindi ako matumba sa paglalakad. Nakarating na kami sa sinabi niyang lugar kung saan surpresa raw niya iyon para sa akin. Na-eexcite ako habang nag-iisip kung ano bang lugar itong inihanda niya. "Malayo pa ba?" nakangiti kong tanong sa kanya. Ilang hakbang na kasi ang nagawa ko pero hindi pa rin niya tinatanggal ang takip sa aking mata at tsaka gusto ko na rin kasing makita ang lugar."Malapit na."Ilang hakbang pa ang ginawa ko hanggang sa pinatigil na niya ako."Dito na?" Ang boses ko ngayon ay parang sumisigaw na sobrang excitement.Kasabay ng pagtanggal ng kamay niya sa mga mata ko ay siya rin namang pagmulat ko.Tumambad sa amin ang isang malaking bahay. Dalawang palapag iyon na yari sa salamin ang naglalakihang mga dingding. Nakabukas ang lahat ng ilaw kaya naman nakikita ko kung ano ang nasa loob. May malaking livin