Share

Kabanata 6

Author: Miss Prairie
last update Last Updated: 2025-03-08 18:03:36

Lumapit sa amin si Jeff. Kalmado ang paraan ng paglakad niya pero masama ang tingin niya. Napalunok ako nang nasa harapan ko na siya.

"What are you two doing here?" seryoso niyang sabi. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Jake.

"Naghatid ako...ng listings...sa new account department..." Hindi ko madiretso ang sinasabi dahil sa sobrang kaba sa aking dibdib. Nanginginig din ang kamay ko na nakaturo kung saan ako galing.

Bumaling siya kay Jake. "How about you, my twin brother?"

Kaagad na ngumisi si Jake. Walang bakas ng kahit kaunting takot ang mukha niya. "It's none of your business," nakakalokong tugon nito.

Nakita ko kung paano tumaas ang isang kilay ni Jeff, halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ng kambal niya.

Tumawa si Jake at nagsalita ulit. "Nagkasalubong lang kami ni Mia dito and..." Ngumiti siya saglit sa akin bago nagpatuloy. "I just asked some company rules since may iilan na nakalimutan ko na. You know I have a short-term memory loss." Tumawa ulit siya pero si Jeff ay seryoso pa rin.

Halos lumabas na ang puso ko sa takot dahil akala ko sasabihin niya kung ano talaga ang ginawa niya sa akin. Napaawang lang din ang labi ko habang nagsasalita siya.

"You can personally ask me about it. Hindi mo na kailangan na magtanong pa sa ibang...empleyado."

Napayuko ako sa huling sinabi ni Jeff.

"No, you are so busy kasi tsaka baka maistorbo lang kita. Besides, mas malinaw mag-explain si Mia and for sure hindi ko na makakalimutan ang mga rules." Napatingin ulit ako kay Jake dahil sa sinabing kasinungalingan niya. Nakangisi na naman siya. Iyong tipo ng ngisi na nakakainis tingnan. "Thanks, Mia."

Bumaling sa akin si Jeff dahilan kung bakit nakapagsalita ako. "No problem, Sir," tugon ko sa kambal niya.

"Can we talk in my office?" biglang tanong sa akin ni Jeff.

"Ngayon...na...ba?"

"Yes."

"Okay."

"Follow me."

Nauna nang lumakad si Jeff. Bago pa ako makasunod ay nakita ko pa si Jake na kumindat sa akin habang nakangisi pa rin.

Inirapan ko siya at pagkatapos ay tinalikuran na siya.

Habang naglalakad ay napaisip ako na paano kung hindi dumating si Jeff. Sigurado akong mahahalikan ako ni Jake doon sa hallway.

Napabuntong-hininga ako nang maramdaman kong uminit ang buong mukha ko sa nakakatakot na ideyang iyon.

Umiling ako ng ilang beses at ipinagdarasal na sana hindi na mangyari iyon. Muntik na kaming mahuli ni Jeff at kung nahuli man ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at gagawin ko.

Pagdating ko sa office ni Jeff ay kaagad niyang ibinigay sa akin ang isang malaking paper bag.

"That's your dress for our date."

Sinilip ko ang laman ng paper bag at nakita kong kulay puti ang dress.

"Thank you," sabi ko kay Jeff habang nakangiti.

"I'll just send to you kung saan tayo mag-di-date. Maybe later dahil i-fa-finalize ko pa ang reservation."

"Okay."

Excited ulit ako sa magiging date naming dalawa. Ito na 'yong sinasabi niya sa akin na babawi siya.

Nakita nila Joyce at Andrea ng dala kong paper bag pagbalik ko sa table ko.

"Ano 'yan?" tanong ni Andrea sabay lapit sa akin. Sinilip niya ang laman. "Ay, dress."

"Para saan?" tanong naman ni Joyce habang nakasilip na rin kagaya ni Andrea.

"May date ulit kami ni Jeff," nakangiting tugon ko.

Kinurot ako sa tagiliran ni Andrea. Napatawa ako.

"Babawa siya, no? Sa naudlot ninyong date nooong anniversary ninyo?"

Tumango ako.

"Ay, panis na ang effort," komento ni Joyce.

"Okay lang," sabi ko.

"At least bumabawi, 'di ba? Kaysa hindi."

Umismid si Joyce sa sinabi ni Andrea.

"Baka naman sa pagkakataong ito mapaligaya mo na sa wakas si Sir Jeff."

Masama kong binalingan si Andrea. Tumawa siya. "Sabihin mo sa amin kaaagad, Mia, ha? Huwag kang madamot. Tahimik ka na naman kadalasan."

"Kung sakali man na hindi sabihin sa atin ni Mia, malalaman din naman natin kasi ngingiti na si Sir Jeff pagpasok sa trabaho."

Nag-apiran silang dalawa at nagtawanan. Napalingon tuloy 'yong mga clients na nakaupo sa sofa ilang metros ang layo mula sa amin.

"Tumahimik nga kayong dalawa diyan. May mga clients. Nakakahiya," suway ko sa kanilang dalawa.

Bumalik naman sila sa kanilang mga upuan pero natatawa pa rin. Napailing na lamang ako.

Bumilis ang pagdaan ng mga araw at ngayon na nga ang date namin ni Jeff. Gabi ulit at mag-di-dinner kami. Sa isang mamahaling restaurant na naman pero sa ibang lugar na. Hindi na doon sa dating restaurant kung saan hindi siya dumating. Tsaka ayoko na rin doon dahil may naaalala lang akong hindi maganda.

Napairap ako nang sumagi na naman sa aking isipan si Jake. Bakit ba siya pasok nang pasok sa isipan ko?

Ibinaling ko na lang ang atensiyon ko sa susuotin na dress. Maingat kong isinuot iyon at humarap sa salamin.

Halter ang neckline, sleeveless at three inches above the knee ang tabas. Napaka-elegante at wholesome kong tingnan.

Malayong-malayo sa sinuot kong dress sa anniversary namin na napaka-sexy at lantad ang cleavage ko.

Napatitig ako sa kabuoan ko. Puti ang kulay ng dress na nagsisimbolo ng purity at innocence.

Na alam kong hindi bagay sa akin kasi hindi na ako virgin. Hindi na ako inosente. Naipagkaloob ko na ang katawan ko at may umangkin na sa akin. At hindi pa si Jeff iyon na siyang boyfriend ko.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

Ang importante sa ngayon ay hindi pa alam ni Jeff ang tungkol doon at sana matagal pa niyang malaman. Hindi pa ako handa ngayon kung sakaling malaman man niya.

Naglagay na ako ng make-up sa mukha para mawala ang bumabangabag sa akin. Isinuot ko ang hikaw at ibang alahas sa katawan. Huli ang itim kong strap sandals.

"May date na naman kayo ni Jeff, anak?" tanong sa akin ni Nanay habang papalabas ako ng kwarto.

"Opo."

"Parang hindi nakuntento noong anniversary niyo, ah." Natatawang sabi naman ni Tatay.

Tipid lang akong ngumiti at hindi na nagsalita. Hindi ko sinabi sa mga magulang ko na hindi dumating si Jeff sa aming anniversary 'nong nakaraan dahil ayokong mapag-isipan siya ng hindi maganda. Ayokong malaman ng mga magulang ko na may kapintasan si Jeff, gusto kong perpekto siya sa paningin nila.

Pagdating ko sa nasabing restaurant ay namangha ako. Yari sa glass ang buong restaurant. Maliwanag ang loob dahil sa maraming chandeliers sa kisame. May tumutugtog na rin sa classic instrumental songs mula sa speaker nila. Mamahalin at elegante tingnan ang mga lamesa at upuan. Doon ako pumwesto sa pinakagilid kung saan tanaw ang city lights sa labas. Nasa ibabaw na parte kasi itong restaurant at medyo elevated ang lugar.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang tanawin. Gustong-gusto ko talaga kapag nakatanaw ako sa maraming ilaw. Na para bang nakatingin din ako sa mga bituin na kumikislap.

Nagtext na ako kay Jeff na nasa restaurant na ako pero hindi siya nag-reply. Naisip ko na baka nag-mamaneho na siguro siya papunta dito kaya gano'n.

Kalaunan ay dumating na ang mga pagkain at inumin na inorder ni Jeff. Kasama kasi iyon sa reservation.

Natakam ako sa pagkain. Kanin at crispy fried pork cutlets na may sauce sa ibabaw iyon. Sa pagkakaayos pa lang ng pagkain at sa mukha nito ay sigurado nang masarap iyon. Kaya naman ilang sandali ang lumipas hindi ko na napigilan at umingay na ang tiyan ko sa gutom.

Nahihiya akong tumingin sa paligid dahil baka may nakarinig. Mabuti na lang at wala dahil abala rin sila sa kanilang mga pagkain.

Napangiti ako nang nag-vibrate ang cellphone ko.

Nandito na siguro si Jeff.

Unti-unting napawi ang ngiti sa aking labi nang mabasa ko ang mensahe niya.

Mia, I am really sorry. I can't come.

Marami pa siyang kasunod na mensahe pero hindi ko na nagawang basahin ang mga iyon.

Hindi na naman siya dumating.

Nanubig ang mga mata ko at naiiyak na ako.

Nang tumawag siya pagkatapos ng ilang sandali ay nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba pero sa huli ay wala rin akong nagawa.

"Okay lang," tugon ko sa ilang beses niyang pag-so-sorry. Ganoon pa rin ang sinabi ko kahit na malapit nang tumulo ang mga luha ko.

"I promise you, Mia. Babawa talaga ako. Just please understand me right now."

"Okay," kagat labi kong sabi.

Doon pa tumulo ang mga luha ko nang naputol na ang tawag. Kaagad ko rin namang pinunasan ang basa kong pisngi.

Sa ilang sandali na pag-iyak ang kasunod na ginawa ko ay ang tumulala sa kawalan. Nakatingin ako sa pagkain pero hindi doon ang nasa isipan ko.

Mahal ba ako si Jeff? Baka hindi na. Baka nawala na ang pagmamahal niya sa akin kasi hindi niya ako kayang unahin. Kahit ngayon lang sana. Hindi naman ako demanding pero sana naman kahit ngayon lang ay dumating siya. Naudlot ang nauna tapos ngayon hindi na naman natuloy.

Hindi naman siya ganito dati. Kapag may date nga kami siya pa nga ang sumusundo sa akin sa bahay. Ngayon, hindi na. Tapos hindi pa siya dumadating sa usapan.

Pinunasan ko ulit ang pisngi ko nang may tumulo na namang luha.

Napapikit ako nang umingay ulit ang tiyan ko. Ngayon ko pa lang napansin na gutom na gutom na pala ako.

Napabuntong-hininga ako nang mapatingin ako sa mga pagkain na nasa harapan ko.

Gusto kong kumain pero ayokong kumain na mag-isa. Nalulungkot ako kapag ako lang.

Uuwi na lang siguro ako at ipapabalot ko na lang ang mga pagkain.

Muling umingay ang tiyan ko at sa pagkakataong ito mas malakas kaysa kanina. Tsaka sumasakit na rin ang tiyan ko. Kailangan ko nang kumain.

Kakain ako kahit ako lang. Kakain ako kahit malungkot.

Iintindihin ko na lang ulit si Jeff. Kasi kung magtatampo ako magagalit lang siya sa akin at ayokong mangyari iyon.

Uminom na muna ako ng tubig at pagkatapos ay nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Hindi ko pa nahahawakan ang kubyertus ay nagulat ako nang may tumayo sa tabi ko.

Napakurap-kurap ako nang makita kong si Jake iyon. Alam kong siya iyon dahil sa mahaba niyang buhok at dahil wala siyang relo at wala akong naaamoy na pabango na kagaya kay Jeff.

Nakasuot lang siya ng isang puting tshirt na medyo maluwang sa kanya at itim na cotton pants. At tanging itim lang din na strap slippers ang suot niya sa paa. Na para bang galing siya sa bahay nila at dumiretso lang dito na hindi na nag-abala na mag-bihis. Umupo siya sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? " sunod-sunod na tanong ko.

"I'll answer your questions later but let's eat first."

Napakurap-kurap ako nang sabihin niya iyon na para bang hindi kataka-taka ang biglaan niyang pagdating dito.

Hindi na ako nakapagsalita kahit na kinuha niya ang pinggan ko at mabilis na hiniwa ang ulam. Nakahiwa na ang mga iyon pero malalaki at kailangan pang hiwain ng maliliit para makain. Nang matapos siya ay ibinalik niya ang pinggan ko sa harapan ko.

Napatitig ako sa pagkain. Pwede ko nang kainin iyon nang diretso dahil hindi ko na kailangang hiwain iyon dahil maayos nang nagawa iyon ni Jake.

"Mamaya na tayo mag-usap. You are hungry already and I want you to eat now, Mia."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Pretentious Love   Kabanata 65

    Naging maayos na ang pakikitungo sa akin ni Mrs. Corpuz pero hindi ko masasabing malapit na kami sa isa't isa. Tamang pakikitungo lang kunbaga. Nagpapansinan na kami kapag nagkikita kami pero hindi kami masyadong nagkukwentuhan ng kung anu-ano. Minsan pakiramdam ko ay nahihiya siya sa akin. Mas malapit sila ni Isabel, iyong napangasawa ni Jeff. Noong kasal nga, napaiyak si Mrs. Corpuz at mahigpit silang nagyayakapan. Nag-usap sila at nagtawanan.Hindi naman ako naiinggit na ganoon sila, na mas malapit sila at mas makuwento ni Mrs. Corpuz sa kanya. Ang mahalaga sa akin ay hindi na galit sa akin si Mrs. Corpuz at tanggap na niya ako para sa anak niya. "I don't love her. This is just business after all."Iyon ang narinig kong sabi ni Jeff nang tanungin siya ni Jake kung may nararamdaman ba siya para sa babaeng naipakasal sa kanya. Iyon naman talaga ang palaging iniisip ni Jeff, ang negosyo. Hindi uso sa kanya ang umibig. Iyong sa aming dalawa noon, pag-ibig pa rin naman 'yon pero para

  • His Pretentious Love   Kabanata 64

    Simula nang lumipat kami ni Jake ay sa bahay na lang din siya nagtatrabaho. Araw-araw siyang may kausap sa cellphone at may ka-zoom meeting sa laptop. Madalang lang siya kung umalis at kung aalis man siya, sinisiguro niyang makakauwi siya sa gabi. Hindi niya ako hinahayaan dito sa bahay na mag-isa. Pero hindi naman talaga ako mag-isa kasi may may mga katulong naman at guards. Kaya lang hindi kampante si Jake kapag gano'n. Minsan nga kapag aalis siya buong araw ay pinapakiusapan niya sina Nanay at Tatay na samahan ako dito. Sinisiguro niyang may makakatingin sa akin habang wala siya. Gusto niyang ligtas ako.May plano na rin kaming magpakasal sa susunod na taon. Hindi na kasi kaya sa taon na ito dahil nasa ika-fourth quarter na at wala ng tamang panahon para mag-prepara. Tsaka ngayong taon na ito ikakasal si Jeff at ang fiancee niya kaya hindi rin kami pwede ni Jake dahil bawal 'yon base sa pamahiin ng mga matatanda.At ang isang dahilan, hindi pa kami nag-kakaayos ni Mrs. Corpuz..."I

  • His Pretentious Love   Kabanata 63

    Yakap-yakap pa ako ni Jake sa puntong iyon nang biglang nakawala ang matandang lalaki mula sa pagkakahawak ng mga pulis. Tumakbo siya palapit sa amin at walang pag-aalinlangan na binaril si Jake. Tumigil ang mundo para sa akin. Sumigaw ako ng napakalakas. Nagwala. Humagulhol ng iyak. Pakiramdam ko mamamatay na rin ako. Sumisikip na ang dibdib ko.Napapikit ako habang nagmamakaawa sa Panginoon. Huwag niyo pong kunin sa akin si Jake...Parang awa niyo na...Jake...Jake!Nagising ako bigla. Umiiyak pa rin ako at nagwawala. Sinisigaw ko ng paulit-ulit ang pangalan ni Jake. Pero sa pagkakataong ito ay nasa ibang silid na ako kung saan puti lahat ang pintura. Nakahiga na ako sa isang malambot na kama.Kasalukuyan akong niyayakap ni Jake."Mia, please calm down. You are safe now. Please."Iyon ang paulit-ulit niyang sinabi habang hinahalikan ang ulo ko. Umiiyak pa rin ako kasi akala ko totoo na ang nangyari. Akala ko totoong nabaril si Jake. Niyakap ko na rin siya ng mahigpit dahilan k

  • His Pretentious Love   Kabanata 62

    Nagising ako dahil sa malakas na paghampas ng isang bagay na hindi ko mawari kung ano.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Kahit ang pagmulat ay nahihirapan ako. Ramdam ko rin ang pagod at panghihina ng buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit.Hindi ko naibukas ng mabuti ang aking mga mata dahilan kung bakit hindi ko halos makita ng maayos ang nasa harapan ko. Ang tanging klaro lang sa akin ay ang gumagalaw na braso hawak ang isang bote ng alak. Naibaba ang bote sa isang lamesa at pagkatapos ay gumalaw ulit ang braso. Paulit-ulit iyon na nangyari hanggang sa dumilim ulit ang paningin ko.Sa pangalawang pagkakataon na nagising ako dahil sa malakas na paghampas sa aking balikat."Hey! Wake up!" narinig kong sigaw ng isang boses. Ngayon ay naimulat ko na ng maayos ang aking mata at bumungad sa akin ang isang lalaki na nakasuot ng itim na sumbrero. Hindi ko makita ng mabuti ang mga mata niya pero pamilyar iyon sa akin."Finally, nagising ka na," nakangisi niyang sabi. Akmang h

  • His Pretentious Love   Kabanata 61

    Mag-iisang linggo na kami dito sa bahay kaya naman napagdesisyunan na namin ni Jake na umuwi na bukasan. Excited na rin akong bumalik sa trabaho para makita sina Andrea at Joyce. Tinawagan ko sila noong isang araw para kumustahin sila. Connecting calls ang ginawa ko para makausap ko rin si Joyce."Alam mo ba, Mia, itong si Andrea parang ewan. Umiyak kasi nalaman niyang may jowa pala 'yong crush niya," kwento ni Joyce ss akin."Ay, talaga? Akala ko ba single 'yon?""Akala nga din niya. Pero may girlfriend naman pala. Hindi lang ata niya nakita-""Eh, wala naman talaga! Kasi sa tuwing nakikita ko siya sa labas ng building ay wala siyang kasama," putol ni Andrea habang may sinasabi si Joyce."Kung nasa labas ng building, ibig sabihin no'n may hinihintay.""Eh, hindi ko nga nakikita na may sumasalubong sa kanya-""Paano mo malalaman? Nasa loob tayo ng building-""Tuwing nakikita ko nga siya sa labas ay wala-"Napailing na lamang ako nang magtalo na silang dalawa. Kahit dalawang linggo pa

  • His Pretentious Love   Kabanata 60

    "Careful," bulong sa akin ni Jake habang nakapikit ako at nakatakip ang isang kamay niya sa mga mata ko. Nakasuporta naman ang isang kamay niya sa baywang ko para hindi ako matumba sa paglalakad. Nakarating na kami sa sinabi niyang lugar kung saan surpresa raw niya iyon para sa akin. Na-eexcite ako habang nag-iisip kung ano bang lugar itong inihanda niya. "Malayo pa ba?" nakangiti kong tanong sa kanya. Ilang hakbang na kasi ang nagawa ko pero hindi pa rin niya tinatanggal ang takip sa aking mata at tsaka gusto ko na rin kasing makita ang lugar."Malapit na."Ilang hakbang pa ang ginawa ko hanggang sa pinatigil na niya ako."Dito na?" Ang boses ko ngayon ay parang sumisigaw na sobrang excitement.Kasabay ng pagtanggal ng kamay niya sa mga mata ko ay siya rin namang pagmulat ko.Tumambad sa amin ang isang malaking bahay. Dalawang palapag iyon na yari sa salamin ang naglalakihang mga dingding. Nakabukas ang lahat ng ilaw kaya naman nakikita ko kung ano ang nasa loob. May malaking livin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status