"What do you mean? Wala na rito si Masha? Hindi na siya rito nakatira?" sunod-sunod na tanong ni Lemuel sa matandang babaeng kapitbahay lang ng dati niyang kasintahan.Sinadya niya ang bahay ni Masha upang komprontahin ito tungkol sa ginawang pakikipagtulungan kay Eduardo na muntik pang ikapahamak nina Jossa at Lianna. Bago malagutan ng hininga ang kinilalang ama ni Jossa ay nabanggit nito na si Masha ang dahilan kung bakit nito nalaman ang kinaroroonan ng kanyang mag-ina. At hindi iyon pupuwedeng palampasin ni Lemuel. Gusto niyang makaharap si Masha at papanagutin din ito sa ginawa.Kasama si Trace at dalawa sa mga tauhan ng kanyang kapatid ay pinuntahan nila ang apartment na tinutuluyan ni Masha. But sadly, wala silang dinatnan doon. Naka-lock na ang naturang bahay patunay na walang tao sa loob. Doon na siya nagtanong sa matandang babaeng saktong dumaan sa harap nila. Namumukhaan niya ito at alam niyang kapitbahay ito ng dati niyang kasintahan."Nang isang araw pa umalis si Masha da
Maang na napatitig si Jossa kay Lemuel. Halos hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Nang makita ng binata ang naging reaksiyon niya ay mabilis itong humakbang palapit at agad na hinawakan ang kanyang mga kamay. Ramdam pa ni Jossa ang marahan nitong pagpisil doon."Makinig ka sa akin, Jossa," wika nito. "It's not what you think. I have no choice that time. Pinasok ko ang trabahong iyon kapalit ng pagtulong sa akin ni Alejandro na makalabas ng kulungan. He was my last resort.""G-Gaano ka katagal na nagtrabaho sa organisasyong iyon?" usisa niya."Maraming taon din, Jossa. Nahinto lang nang piliin ni Alejandro na tumiwalag sa organisasyon nila. Ang kanyang ama na muli ang namamahala niyon. Nang umalis siya sa grupo ay mas pinili kong mamuhay na rin nang tahimik. I started a shop just like what Tatay Simeon used to have when we were still in Sta. Monica. Iyon na lang ang pinagkakaabalahan ko ngayon.""Si... Si Trace? Parte rin siya niyon?""Ang aming ama ang mas naunang naging parte
"Are you sure about that, Miss Lodado? H-Hindi ka ba nabibigla lang sa pasya mo?" halos hindi makapaniwalang tanong kay Jossa ng abogado ng kanyang Daddy Eduardo. Kasama niya ito ngayon na sadyang nakipagkita sa kanya upang pag-usapan nila tungkol sa ilang mahahalagang bagay.Kasalukuyan silang nasa isang sikat na restaurant. Kaharap niya sa pagkakaupo ang matandang abogado habang katabi niya naman si Lemuel na hindi pumayag na lumakad siya nang mag-isa.Nang tawagan siya ng abogado ay agad siyang nagpasya na makipagkita rito. Ngunit sa halip na tanggapin ito bilang bisita sa inuupahan nilang apartment ay mas pinili na lamang ni Jossa na katagpuin ito sa ibang lugar. Hindi niya alam pero hindi niya gustong tumanggap ng ibang bisita sa bahay na inuupahan nila ng mga bata.When Lemuel learned about it, he initiated to come with her. Hindi na siya umangal pa. Alam niyang nag-aalala pa rin ang binata para sa kapakanan niya at nina Lianna at Darlene lalo na ngayong hindi pa rin nahahanap n
Marahang iginala ni Jossa ang kanyang paningin sa loob ng tinitirhan ni Lemuel. Pagkapasok sa loob ay agad na isinara ng binata ang pinto saka ito dumiretso sa kusina. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakita niya ang pagbukas nito ng ref at pagkuha mula roon ng tubig na nasa pitsel. Agad itong nagsalin sa isang baso at bago pa man uminom ay nagtanong pa muna ito sa kanya."Do you want to drink?"Umiling lang siya rito at nanatili lang sa may sala. Si Lemuel naman ay inubos muna ang tubig na nasa baso saka naglakad na pabalik sa kanya. Basta na lang din nito iniwan sa ibabaw ng lababo ang pitsel at basong pinag-inuman."Matagal ka na ba ritong nakatira?" usisa niya. Gusto niya lang na may mapag-usapan. Nababalot kasi siya ng pagkailang dahil sa kaalaman na silang dalawa lamang doon ni Lemuel. Mula nga sa shop na pag-aari ng binata ay doon na sila dumiretso."Ilang taon na rin," tugon nito. "Mas dito ko na piniling tumira. Katulad mo, gusto ko na rin lumayo sa Sta. Monica. Though, sinisi
Halos mapugto ang hininga ni Jossa dahil sa ginagawa ni Lemuel sa kanyang katawan. The mind-blowing sensation brought by what he's doing almost made her forget anything else. Ang tanging laman na lang ng isipan niya ay ang ginagawa nito na halos nagpabaliw na sa kanya."L-Lemuel..." She sucked in her breath as she felt his tongue touching the portal of her femininity. Mahigpit pa siyang napahawak sa bedsheet ng higaan nito. Kung sakaling nakatayo lang siya ay baka kanina pa nanghina ang mga tuhod niya dahil sa ginagawa nitong pagpapala sa kanyang pagkababae.Something was building inside of her. Damang-dama niya iyon sa kanyang kaibuturan at alam niyang napuna ni Lemuel na malapit na niyang marating ang sukdulan. But instead to continue so she can reach her climax, Lemuel stopped what he was doing. Lumipat ang mga labi nito patungo sa kanyang kanang hita at doon ay pinaulan ng halik ang kanyang balat. Sa kung ano mang kadahilanan ay para siyang nakaramdam ng kakulangan nang abandonahi
Hawak ni Lemuel ang kamay ni Jossa habang naglalakad. Pasado alas-nueve na ng gabi at kababalik lang nila sa bahay nina Trace. Kaninang umaga pa sila umalis ng dalaga para katagpuin ang abogado ni Eduardo at iniwan nga nila roon sina Lianna at Darlene. Kung tutuusin ay kanina pa nag-aaya si Jossa na balikan na nila ang dalawang bata. Siya lang itong nagpumilit na manatili pa muna sa kanyang tinitirhan.And it was because of one reason. He can't get enough of her. Pakiramdam ni Lemuel ay kulang pa ang isang buong araw para makasama niya ang dalaga. Gusto niya pang makapiling ito nang sarilinan... nang silang dalawa lang talaga. And another thing, taking her once was not enough for him. He still wanted her... again and again.At iyon ang dahilan kung bakit sila natagalan sa pagbalik sa bahay nina Trace. Ang pagtatalik nila ni Jossa ay nasundan pa ng dalawang beses. Kung hindi lang nga dahil sa mga bata ay baka hindi niya gustuhing lumabas sila si Jossa sa kanyang silid. Gusto niyang ba
Hindi mapigilan ni Lemuel ang mapangiti habang nagmamaneho. Hindi kasi mawala sa isipan niya si Jossa at ang mga nangyari sa kanila kahapon. Wari bang ang mga pangyayaring iyon ay nagdagdag ng sigla sa buhay niya. Masaya siyang malaman na maayos na nga ang lahat sa pagitan nilang dalawa.He inhaled an air as he sat up straight. Patuloy lang siya sa pagmamaneho habang tumatakbo sa isipan niya ang mga binabalak gawin. He wanted to propose to Jossa. Napag-usapan na nila iyon ng dalaga at nasabi na rin nitong tinatanggap nito ang kanyang alok. She loved him, he could feel it. At mahal na mahal niya rin ito. Kung maaari nga lang na ngayon pa lang ay magsama na sila agad ay ginawa na niya.But he wanted to give her the wedding proposal that she deserved. Gusto niya itong bilhan ng singsing na nararapat para rito. Alam niyang simpleng tao lamang si Jossa. Hindi mahalaga para sa dalaga ang mga materyal na bagay. Nevertheless, Lemuel still wanted to give her the wedding ring that every girl dr
Matamang nakatutok ang mga mata ni Lemuel kay Masha habang naglalakad siya palapit dito. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalaga. Nakaupo ito sa isang silya habang sa kanya rin nakatuon ang paningin, sadyang naghihintay na tuluyan siyang makalapit.Malalim siyang napabuntonghininga bago naupo sa silyang kaharap nito. Pinuntahan niya ang dating nobya upang makausap ito nang sarilinan. Jossa knew about it. Ipinaalam niya sa dalaga ang balak na pakikipag-usap kay Masha.Ngunit bago pa man siya umalis sa apartment ng kanyang mag-ina ay siniguro niya munang maayos na ang kalagayan ng mga ito. Naghintay muna siyang dumating ang dalawa pa sa mga tauhan ni Trace upang magbantay kay Jossa at sa mga bata.Jossa was against it. Iginiit nito na ayos lang ang mga ito at maaari na siyang umalis upang makipag-usap kay Masha. But Lemuel insisted what he wanted. Gusto niya lang masiguro ang kaligtasan ng kanyang mag-ina kaya kahit ayaw ni Jossa ng ideya na may magbabantay sa mga ito