Matamang nakatutok ang mga mata ni Lemuel kay Masha habang naglalakad siya palapit dito. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalaga. Nakaupo ito sa isang silya habang sa kanya rin nakatuon ang paningin, sadyang naghihintay na tuluyan siyang makalapit.Malalim siyang napabuntonghininga bago naupo sa silyang kaharap nito. Pinuntahan niya ang dating nobya upang makausap ito nang sarilinan. Jossa knew about it. Ipinaalam niya sa dalaga ang balak na pakikipag-usap kay Masha.Ngunit bago pa man siya umalis sa apartment ng kanyang mag-ina ay siniguro niya munang maayos na ang kalagayan ng mga ito. Naghintay muna siyang dumating ang dalawa pa sa mga tauhan ni Trace upang magbantay kay Jossa at sa mga bata.Jossa was against it. Iginiit nito na ayos lang ang mga ito at maaari na siyang umalis upang makipag-usap kay Masha. But Lemuel insisted what he wanted. Gusto niya lang masiguro ang kaligtasan ng kanyang mag-ina kaya kahit ayaw ni Jossa ng ideya na may magbabantay sa mga ito
Masigabong palakpakan ang pumailanlang sa paligid nina Jossa at Lemuel matapos sabihin ng pari na opisyal na silang mag-asawa. Agad pa siyang hinawakan ni Lemuel sa kanyang braso at marahang iniharap dito nang sabihing maaari na siyang halikan ng kanyang asawa.Her lips broke into a smile. Asawa--- kaysarap banggitin ng naturang salita. Matapos ng lahat ng pinagdaanan nila ni Lemuel, ngayon ay opisyal na nga silang mag-asawa. Pagkalipas ng halos limang buwan ay naidaos din ang kanilang kasal. Madaliang preparasyon lamang ang naganap. Hindi na rin kasi nais patagalin pa ni Lemuel. Ang gusto nito ay maikasal na sila agad at magsama sa iisang bubong kapiling ang kanilang anak.Everything was okay between them. Tuluyan na ring natapos ang lahat ng pagsubok na pinagdaanan nila. Pati ang tungkol kay Masha ay naayos na rin. They filed a case against her. Katunayan ay kinausap siya ni Lemuel tungkol sa bagay na iyon at sa kanya nito binigay ang pagpapasya sa kung ano ang dapat gawin, bagay na
Six months later:Pinasadahan ni Lemuel ng tingin ang kanyang ginagawa. Kasalukuyan niyang pinipinturahan ang bakod ng bahay nila sa may Sta. Monica. Matapos ng ilang buwan ay ngayon lamang siya ulit nakabalik doon. Kaya naman, kinuha na niya ang naturang pagkakataon para asikasuhin ang ilang bagay na dapat ayusin sa bahay, na sa loob ng ilang taon ay naging tirahan nila ng kanyang Tatay Simeon.Kahapon siya dumating sa Sta. Monica kasama si Jossa at ang dalawang bata. Dahil sa weekend naman ay naisipan nilang umuwi sa probinsiyang kilakihan niya. The house was well-maintained. Kompleto na rin doon ng mga kagamitan na ang iba ay sadyang binili niya pa para sa bahay na iyon. Sa kabila kasi ng katotohanang sa Manila na sila naninirahan, gusto niya pa rin namang balik-balikan ang bahay kung saan siya lumaki.May kapitbahay sila na kinuha niyang tagabantay ng naturang bahay. Namamantini naman ang kalinisan niyon ngunit may mangilan-ngilan pa ring bahagi na kailangan nang palitan at ayusin
Marahang isinara ni Lemuel ang pinto ng driver's seat nang makapasok na siya sa loob ng kanyang sasakyan. Binuhay na niya ang makina niyon at mula sa bahay ng dati niyang amo na si Alejandro Lebedev ay nagmaneho na siya paalis.Ang plano niya kanina ay dumaan lamang sa bahay ng mga ito upang ibigay ang regalo niya para sa ipinagbubuntis ni Miss Brianna, ang asawa ng kanyang Sir Alejandro. Ilang linggo na nga lang ang kailangan hintayin bago isilang ang ikaapat na anak ng dalawa.Technically, ikatlong pagbubuntis pa lang iyon ni Miss Brianna. Kambal ang ikalawang anak ng mag-asawa dahilan para ang isisilang ng ginang ay ang pang-apat na supling na ng mga ito.Iyon ang dahilan kung bakit naisipan niyang regaluhan ng wooden crib ang mag-asawa na siya mismo ang gumawa. Wala siyang ibang maisip na ibigay kundi iyon.Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang makatapos ng isang kasangkapan na gawa sa mga solidong kahoy. Dahil nga sa mas natuon ang pansin niya sa pagtatrabaho sa mga Lebedev
TEN YEARS AGO:"Are you leaving now? Maaga pa naman, Lemuel?" mapang-akit na saad ni Katrina, kaeskwela niya sa unibersidad na kanyang pinapasukan sa bayang iyon ng Sta. Monica.Hindi niya pinansin ang mga sinabi nito. Tumayo na siya mula sa kama at pahablot na kinuha ang kanyang underwear at maong na pantalon sa ibabaw ng pang-isahang sofa na naroon. Balewala sa kanya ang maglakad nang nakahubad sa harap ng dalaga at isa-isang muling isinuot ang mga damit sa kanyang katawan.And Katrina's eyes instantly darted to his manhood as he stood up from her bed. Nasa mga mata nito ang hindi itinatagong paghanga para sa kanya. He can't blame her, or any other girls if they drool over him. Batak ang katawan niya sa trabaho dahilan sa edad niyang bente-tres anyos ay sadyang maganda na ang kanyang pangangatawan.Kaedad niya si Katrina at iisang eskwelahan ang kanilang pinapasukan. Una pa lang ay nagpakita na ito ng atraksiyon sa kanya sa kabila ng dami ng manliligaw nito. Why, she's beautiful, se
Hindi napigilan ni Jossa ang pagsilay ng isang ngiti mula sa kanyang mga labi habang tinititigan niya ang mukha ng matandang lalaki. Though, hindi pa naman talaga ito katandaan kung susuriin. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa late forties pa lamang ito, o baka nga kaedad lamang ito ng kanyang ama na ngayon ay kwarenta y siyete na.Katulad ng sinabi niya kanina ay kababalik lamang ng kanilang pamilya sa bayan ng Sta. Monica. Sa loob ng ilang taon ay sa Maynila sila nanirahan.Ngayon lamang siya ulit nakaapak sa lugar na iyon. Kahit pa sabihin na may pabrikang pag-aari ang kanilang pamilya sa Sta. Monica ay hindi na siya muli pang nakauwi roon mula nang manirahan sila sa Manila noong elementarya pa lamang siya.Bagay iyon na hindi niya maunawaan sa kanyang ama. Ito ang may gustong huwag silang umuwi roon ng kanyang ina. Katunayan, iyon din ang madalas na pagmulan ng away ng kanyang mga magulang. Kung bakit hindi nais ng kanyang amang si Eduardo na magtungo silang mag-ina sa Sta. Monic
"Are you sure you can drive now? Baka kung saan ka na naman bumangga, Jossa?" natatawang saad ni Brix sa kanya, anak ng isa sa malalapit na kaibigan ng kanyang Daddy Eduardo.Malapit sa kanya ang binata. Bago pa man sila manirahan sa Manila ay talagang madalas na niya itong nakakasama sapagkat lagi na ay nagpupunta ito sa kanilang bahay kasama ang mga magulang nito.Kasabay ng paglipat nila sa Manila ay ang paninirahan din doon ni Brix. Doon din kasi nito napiling ituloy ang pag-aaral dahilan para hindi maputol ang ano mang komunikasyong mayroon silang dalawa. Mas naging malapit pa sila at sa ilang pagkakataon ay marami ang nag-aakalang may relasyon sila ng binata.Bagay iyon na pinagtatawanan niya lang sa tuwing may nang-uusisa. Wala silang relasyon ni Brix maliban sa malalim na pagkakaibigan. Sa kabila ng madalas silang magkasama ay hindi man lang nahulog ang damdamin niya dito sa romantikong paraan.Sa panig niya ay oo... pero hindi kay Brix.Alam niyang may pagtanggi ito para sa k
Mataman na nakatitig si Jossa sa kanyang ama habang masaya itong nakikipag-usap sa mga kasama nila. Kasalukuyan silang nasa isang sitio sa Sta. Monica kung saan ilang residente ang kinatagpo ni Eduardo.Nang sabihin nitong uuwi sila sa bayang iyon at doon na mananatili ay halos makadama siya ng pinaghalong inis at pagtataka. Inis, hindi dahil sa hindi niya nais ang lugar. In fact, she loved Sta. Monica. Dito rin naman siya nanirahan hanggang elementarya at sa kabila ng mga taon na nagdaan ay hindi niya nakalimutan ang nasabing bayan.Nakadarama lang siya ng inis sa kanyang ama dahil kung kailan wala na ang kanyang Mommy Lucille ay saka lamang ito nakaisip na bumalik sa Sta. Monica. Nang nabubuhay pa ay iyon ang lagi na'y hiling ng kanyang ina.Nagtaka din siya kung ano ang dahilan ni Eduardo sa biglaang desisyong iyon. Sa nakalipas na mga taon ay nagagawa naman nitong pamahalaan ang EL Garment Factory kahit pa sa Manila sila nakatira. Nariyan naman ang makabagong teknolohiya na ginaga