Share

CHAPTER 6

last update Last Updated: 2024-09-26 17:21:29

CHAPTER 6

Helliry POINT OF VIEW

ITO ang araw na nakapagdesisiyon na ako na roon na magtatrabaho. Wala na akong ibang pagpipilian dahil paubos na ang pera ko tapos ang hirap hirap pa mag hanap ng trabaho. Kung hihintayin ko pa ang tawag ng mga inapplyan kong trabaho ay baka abutin pa ako ng siyam-siyam.

Mahirap na rin baka biglang bawiin ng Lolo 'yong offer niya. Mataas pa naman. Minsan lang ako makakita ng gano'ng kataas na sahod.

Kasalukuyan na akong bumababa para magpa-alam kay ante Dina. Kakagising ko nga lang at kagabi ako nakapagdesisiyon.

“Ante, aalis na po ako.” Hindi ko alam kung bakit biglang natawa si ante Dina.

“Kahapon mo pa sinabi iyan iha.” Napakamot ako sa pisnge ko.

“Kahapon pa po ba?” Umiling nalang ako at nagpaalam ulit bago pumunta sa kuwarto.

“Ii-impake ko nanaman kayo.” Pag-kausap ko sa mga gamit ko na akala mo ay may buhay o sasagot.

Habang nag-iimpake ako ay biglang nag ring ang cellphone ko. Si Lolo pala ang tumawag. Nasabi ko na rin sa kaniya ang naging desisiyon ko.

“Ano po 'yon?”

[“Papunta na kami riyan iha. Kasama ako sa pagsundo sa 'yo.”] Hindi ko na nagawang sumagot pa nang magpaalam ba kaagad siya. Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas sais palang ng umaga.

“Hala si Lolo excited. 'Yong magsisilbi pa talaga sa kanila ang susunduin niya.” Nataranta ako bigla sa pag-iimpake ng mga gamit. Hindi ko na nga gaanong naayos basta ang mahalaga sa akin ay makuha ko lahat ng gamit ko.

Hindi nga ako nagkakamali at hindi pa ako tapos sa pag-iimpake at nandiyan na kaagad sila.

“Lo, sandali! 'Di pa ako naka suklay eh!” Sigaw ko mula sa bintana. Mabuti nalang talaga at nakaligo ako saglit, ayan tuloy hindi ko natapos ang pag-iimpake ko.

“It's okay iha! No pressure!” Napaatras ako at bumalik sa ginagawa.

“Ano raw? Low pressure?”

Mabilis kong na impake ang natitira ko pang gamit. Nakasulay na rin ako at masasabi kong handa na akong umalis.

Bumalik ako sa higaan at isinalampak ang sarili.

“Mamimiss kita higaan ko kahit ilang weeks lang.” Napayakap ako sa naging drawer ko at kahit sa pader.

“Helliry, matagal ka pa ba? Bumaba ka na riyan! Naghihintay ang amo mo!” Napakamot ako sa ulo at tumayo.

“Nag e-emote pa ako eh. Pababa na po!” Binuhat ko na ang mga bagahe ko at nadatnan ko na nag-uusap sila sa baba.

May kasama pala si Lolo, taka ko silang tinignan dahil bakit gano'n ang mga mukha nila. Naka over all block tuxido na naka mask ng itim.

“Lo, sino ang mga 'to? Ninja ba sila?” Napatawa si Lolo sa sinabi ko.

“Bodyguards ang mga 'yan iha.” Namangha ako sa sinabi niya.

“Naks, rich kid talaga kayo, Lo.” Kinuha ng mga bodyguards ni Lolo ang bagahe ko at nauna ng lumabas.

“Magpakabait ka roon Helliry ah.” Bilin sa akin ni Ante Dina. Kahit saglit lang kami nagkakilala ay grabe na ang pinagsamahan namin kaya nalulungkot ako na umalis.

“Oo naman po. Siya nga pala Lolo. Artista ka ba? Bakit may mga bodyguards ka?” Gulat akong tinignan ni Lolo at gusto pa sana akong hampasin.

“Artista lang ba ang puwedeng magkaroon ng bodyguards?” Kumaway si Lolo kay Ante Dina.

“Sige po ante Dina aalis na po ako.” Nagpaalam na ako sa kaniya hanggang sa makasakay ako sa mamahaling sasakyan ni Lolo. May sarili rin siyang driver at sa loob palang ay maaamoy mo na ang karangyaan.

Hindi ako sanay sa kulob na sasakyan tapos may aircon kaya halos masuka ako. Buti nalang at napansin 'yon ni Lolo at pinapatay niya nalang ang aircon at pinabukas ang bintana.

“Ako nga pala si Henry Silveria. Tawagin mo lang ako sa Lolo ayos lang kung doon ka kumportable.” Tumango ako sa kaniya habang lumalanghap ng Vicks dahil nahihilo pa rin ako.

“Anong pangalan mo iha?” Nakapikit akong bumaling sa kaniya.

“H-Helliry Dizon po.” Hindi ko na nasabi ang buong pangalan ko. Kung puwede lang ilabas ang ulo ko mula sa bintana ay ginawa ko na, pero ang daming dumadaan na sasakyan.

“Mukhang hindi ka talaga sanay sa ganitong sasakyan. Tiisin mo iha. Malapit na tayo.”

Maya maya pa ay hindi nga nagsisinungaling si Lolo Henry dahil nakarating na kami kaagad. Pagkalabas ko sa kotse at halos malanta ako dahil sa pagkahilo. Lumanghap ako ng sariwang hangin hanggang sa maging maayos ang pakiramdam ko.

Napatingin ako sa taas sa may bintana ng parang may sumilip. Pamilyar ang pustura niya.

Inilibot ko ang paningin sa lugar. Sinasabi ko na nga ba at subrang ganda rito. Sa labas palang ay sumisigaw na ang kagandahan. Pagkarating sa loob ay mamamangha ka nalang talaga dahil bukod sa may falls maraming kakaibang bulaklak sa mga gilid. Na-imagine ko tuloy na nasa fantasy novel ako at ako 'yong nawawalang prinsesa.

Malawak ang garden at may pathway pa sila. Kahit ang daan papunta sa main door ng bahay na 'to ay talagang kakaiba at binuhusan ng effort. Pagkatapat namin sa malaking pintuan ay kailangan ko pang tumingala para makita ng buo ang pintuan. Nakaramdam ako bigla ng kaba. Wala akong idea sa anak niya at kung paano ko lilinisin ang buong bahay kung pintuan palang ay malaki na.

“'Wag kang kabahan iha. Bukas ka pa naman magsisimulang magtrabaho.” Napalunok ako at inisip ang mangyayari bukas. Kung bukas pa ako magsisimula sigurado ay mapupuno na ang trabaho ko.

Pagkabukas ng pintuan ay nagulat ako ng maraming kasambahay ang nakahelira. Tumingin ako kay Lolo at bumulong. “Akala ko po ba ako lang magiging kasambahay. 'Tsaka bakit nandiyan po sila?”

“May kaniya kaniya silang trabaho. At ganiyan na talaga sila kapag dunadating ako o ang anak ko.” Napa 'Ahh' ako sa sinabi niya, magugulat na sana ako dahil sa pag-aakala ko ako ang dahilan ng pag-ganiyan nila.

Dala ng pagka-hiya ay unti unti akong umatras at nakasunod lang sa likuran niya habang naglalakad. Pero hinigit niya lang ako pabalik sa tabi niya.

“Maligayang pagbalik señor.” Napahawak ako sa dibdib. Kakaiba naman ang mga tao rito. Napangiti ako bigla sa naisip ko. Ibig sabihin ay gagawin ko rin 'yan? Para lang talaga akong nasa palasiyo na pinagsisilbihan ang Hari at Reyna.

Napatingin ako sa mga uniform nila. Kahit uniform lang ay bunga na hindi mo mahahalata na kasambahay.

Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ay namangha ako sa lawak nito mahabang hagdan na may red carpet. Sa paglibot pa ng mga mata ko ay halos kulay kumikinang na ginto ang nakita ko. Napatingala ako at nakita ko roon ang chandelier na pagkalaki.

“Umupo ka muna iha at ako na mismo ang maglilibot sa 'yo sa buong bahay,” sabi ni Lolo kaya kinuha ko na ang mga gamit ko sa mga bodyguards.

Inaamin ko na hindi ako madaling maligaw dahil mabilis kong natatandaan ang dinadaanan ko, pero sa bahay na 'to kailangan ko yata ng mapa dahil halos magkakapareha ang desinyo. Hindi ko pa nasisilip kung ano ang loob pero sigurado ako na malaki iyon.

“Dito ka muna iha at may titignan lang ako sa kusina.” Napatango ako kay Lolo kaya naiwan akong nakatayo.

“Ikaw pala ang binabanggit ni sir Henry. Ako si Manang Lira, sana magtagal ka rito, umupo ka muna iha kukuwentuhan kita.” Napangiti ako dahil mukhang mabait naman pala ang mga tao rito. Sa hitsura niya palang ay masisiguro ko na siya ang namamahala sa mga kasambahay rito.

Halos mahingal pa ako nang makarating kami sa sofa. Tinulungan niya naman ako magbuhat ng gamit ko kaso sadyang marami akong dalang gamit kaya mabigat pa rin.

“Hehe, pasensiya na po, hindi ko po kasi kayang iwanan mga gamit ko.” Napatawa naman siya bago kami tuluyang makaupo.

Pagka-upo ko ay subrang lambot ng sofa. Ang laki pa at sa palibot rito sa living area ay parang kasing laki na ng apartment na tinuluyan ko. May sofa kami noon at living area pero hindi ganito kalaki.

“Talagang ganito po ba sila kayaman?” Pagtatanong ko sa kaniya.

“Oo, sa totoo lang ay nasa loob ka ng hacienda ng pamilyang Silveria.” Hindi na ako magtataka dahil sa labas palang ay mahaba na kaagad ang bakod.

“Hindi mo na kailangang mag-isip ng tatrabahuhin mo rito, dahil sa totoo lang ay magiging parang babysitter ka.” Nanlaki ang mata kong tumingin kay manang Lira.

“Seryuso po?”

“Oo, nabanggit sa akin ni Sir Henry na ako na ang magsabi sa'yo, ang mangyayari ay mag-aalaga ka, naku napakapasaway ng batang 'yon, sana lang talaga ay magtagal ka rito. Napakahirap pa naman maghanap ng babysitter.” Walang duda kaya pala dinagdagan ang sahod ko. Pero ano naman kayang klaseng bata siya? Kapag subrang pasaway ay hindi pa naman ako makapagtimpi.

“Sisiguraduhin ko po sa inyo na tuturuan ko ng leksiyon ang bata. 'Wag po kayong mag-alala dahil hindi po ako aalis. Kung aalis man ako ay sigurado akong successful kong naturuan ang bata.” Lagot sa akin ang batang iyon kapag pasaway siya. Hihingi nalang ako ng permiso kay Lolo kung puwede kong bigyan ng leksiyon ang bata. Pero hindi rin ako sigurado sa sarili ko kahit kasi bata kapag pasaway nababatukan ko.

“Siya sige ikaw ang bahala iha. Sasama ako mamaya sa paglilibot niyo rito. Ituturo mamaya ni Sir Henry ang kuwarto mo at sasamahan kita.” Napatango ako sa kaniya at ngumiti. Sir Henry pala ang tawag nila kay Lolo nakakahiya naman at Lolo lang tawag ko sa boss. Dapat ko na rin ba siyang tawaging sir Henry?

“Maiiwan muna kita saglit at sasamahan ko sila sa pagluluto.” Iniwan ako ni manang Lira kaya napatulala nalang ako. Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon kung bukas pa ako magsisimulang magtrabaho.

“Hi! Ikaw 'yong bago 'di ba? Matagal na akong kasambahay rito kaya puwede mo akong tanungin sa mga bagay.” Nagulat ako ng may biglang sumulpot sa gilid ko. Isa siyang babae at ka edad ko lang yata siya.

“Ako pala si Nicka ikaw ba?”

“Helliry pangalan ko, gaano ka na ulit katagal dito?” Umupo siya sa tabi ko at ngumiti.

“Dalawang taon na rin. Kahit papaano naging maayos naman buhay ng pamilya ko simula noong dito ako nagtrabaho. ”Sa pagkuwento niya palang ay mukha ngang tama ang desisiyon kong dito magtrabaho.

“Ilang taon ka na ba ngayon?” Hindi niya ako sinagot sa tanong ko at napatulala sa harapan namin.

“Hoy, ano ba 'yang tinitignan mo?” Tumingin ako sa harapan at hagdan lang naman ang nakikita ko.

“Tumayo ka bilis.” Dalawa kaming tumayo at napatingin sa may hagdan. Doon lumabas ang isang lalaki na napakapamilyar sa akin. Sa tingin mo ay nakita ko na siya pero hindi ko maalala kung saan.

Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa puwesto ko. Sa pagtingin palang niya ay ramdam ko na agad ang malamig na tingin niya sa akin. At kahit ang pagtingin niya ay parang sinasabi na hindi niya ako tanggap dito. Napayuko ako dahil hindi ko kayang tignan ang mga mata niyang nanlilisik at masamang nakatingin habang papalapit dito.

“S-Sino ba siya?” Bulong ko sa tabi ko.

“Siya ang apo ni Sir Henry. Mag-iingat ka sa kaniya. Hindi mo magugustuhan ang ugali niya.” Ramdam ko ang kaba sa pananalita niya palang. Nakaramdam ako bigla ng kakaibang tensiyon sa paligid dahil nasisilip ko na napatigil ang mga kasambahay para padaanin siya. Nararamdaman ko ang mabibigat na pagyapak niya na papunta sa puwesto ko. Nang makalapit siya ay roon lang ako nakaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib ko na hindi ko maunawaan.

“You are new.” Sa pagsasalita palang niya ay ramdam ko na kaagad ang pagka istrikto niya. Dahan dahan akong tumingin sa kaniya at tumango.

“I have something to tell you before you can do stupid things here.” Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya at nanatiling nakatingin sa masama niyang aura. Hindi ko matagalan ang pagtitig sa kaniya, kahit sa sarili ko ay hindi ko alam kung bakit ako pinagpapawisan.

“Know your place.”

Sa mga oras na 'yon ay nasiguro ko na may kadiliman din pala akong haharapin sa pagta-trabaho ko sa marangyang pamilya. At nasiguro kong hindi magiging maganda ang unang pagtatrabaho ko sa siyodad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Slow-witted Maid   EPILOGUE

    EPILOGUE— 4 years later“Say! Mommy!”“Dada!”“Hindi puwede. Dapat mommy 'yan. Ash ano nanamang pinainom mong gatas sa mga ito! Bakit puro ikaw ang binabanggit!” Napanguso ako habang nakatingin kay Ashray.“I didn't, hindi ko pa nga sila pinapainom ng kahit ano.” Gusto kong magpapadyak pero 'wag nalang baka ma apply pa nila.Pagkatapos kong makapag aral sa kolehiyo ay gusto kaagad ni Ashray na ikasal kami. Excited nga masiyado at hindi na ako pinayagang magtrabaho ulit. Oo hindi na rin siya naghintay ng ilang years, ilang buwan lang ay kasal agad. At ito ang naging results. Kambal na babae at lalaki.Nanligaw siya sa akin ng halos 2 years. Mga 1 year and half yata bago ko sinagot. Hindi ko siya sinagot kaagad dahil nga nag-aaral pa ako, pero sinagot ko rin noong gusto ko na. Gano'n lang kasimple. Gaya ng sinabi niya ay babawi siya sa akin. Pero binigyan naman ako ng dalawang inire. Grabe ang sakit kaya.“Naks! Tama 'yan maglaba ka, magluto ka rin pagkatapos dito kakain ang pinakamaga

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 50

    CHAPTER 50— FinaleHelliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—MATAGAL na panahon na rin yata simula noong umiyak ako ng tudo kasama ang sakit, kabog sa dibdib, kaguluhan sa isip, pag-aalala at halo halo na. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Tipong para na akong namamanhid dahil sa nakikita ko.Noong bata ako ay takot na talaga ako sa dugo, pero hindi gano'n kalala. Kapag kaunting dugo ay hindi naman ako natatakot. Natatakot ako hindi dahil sa parang trauma, natatakot ako rito dahil noong nasugat ako ng malaki ay nagdugo ito at subrang sakit sa pakiramdam. Iniisip ko noon na paano na kaya ang malaking sugat? Baka subrang sakit na. Pero 'yong ganitong nakikita ko ngayon, na halos panligo na ang dugo ay hindi ko kayang tignan.Napasigaw ako at agad na lumapit sa kinaruruunan ni Ashray. Panay ang kalabog ng puso ko at pagtulo ng luha. Ako na mismo ang naghila sa mga first aid kit at pinaalis ang mga paharang harang na nanunuod lang. Hindi ko mapigilang nagalit dahil

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 49

    CHAPTER 49Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—NAPAHIKAB ako habang nasa loob ng classroom. Wala namang ginagawa na gaano pero hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kay Ashray. Ngayon lang yata ako hindi sinipon kapag nagpapaulan.“Ano bang ginawa mo kagabi bakit para antok na antok?” Tanong sa akin ni Claies.“W-Wala naman hindi lang talaga ako makatulog kasi hindi pa naman ako inaantok.” Alas dose na nga 'yon pero wala pa akong tulog kaya naisipan ko nalang mag midnight snack, may stock akong mga pagkain at ilang buwan nalang ay mag e-expired na kaya kinain ko nalang.May stock din ako ng mga gatas at kape para kung sakaling matakam ako sa mga ito ay hindi na ako maghahanap kahit saan. Lalo na kapag gabi ay malamig at minsan talaga tinatamad din ako.“Malapit na rin uwian, inaantok din ako. Hindi siguro tayo makakapag bili ng mga street food ngayon. Gusto kong magpahinga, napagod ako kahapon.” Nag unat siya at sinandal ang ulo sa likod ng upuan. Kararating niya

  • His Slow-witted Maid   SPECIAL CHAPTER

    SPECIAL CHAPTER Demonic Ashray Silveria POINT OF VIEW—“Demonic Ashray Silveria.” Napatingin ako sa nagtawag sa akin ng buo kong pangalan. Nagsampalan naman si Stellan at Zyrine hanggang sa makarating sila sa akin.“What?”“Laugh first.” Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Zyrine.“Are you crazy?”“Duhh, we are 'cousin' how dare you to tell me that.” Tinignan ko lang siya at bumalik sa pagkakatingin sa labas ng window glass.“Ah gano'n pala ah. Stell, don't tell him where is Helliry located.” Napatingin ako ng nanlalaki ang mata. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Inirapan ko si Zyrine dahil sa kahit ano anong pinaggagawa niya.“She's here. Pero medyo malayo rito. Sa apartment na malapit sa school ang tinutuluyan niya ngayon. Five to ten minutes ang lakad papunta sa school.” Paninimula ni Stellan.“She told us na 'yon ang unang apartment niya noong naghahanap palang siya ng apartment.” I thought they are are not telling the truth.“Really, is she safe there?” Tanong ko sa kani

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 48

    CHAPTER 48Demonic Ashray Silveria POINT OF VIEW— Continuation of Chapter 42“Itigil mo 'yan Ashray, gusto mo bang masira ang katawan mo dahil sa alak? Akala ko ba nakapag usap na tayo kahapon.” Napatingin ako kay Stellan at inagaw ang bote ng alak na hawak ko.“Baka gusto mo nanamang masapak. Drinking alcohol won't help you to move, hindi ka rin matulungan niyan na maging ayos.” Napatitig ako sa baso.“Okay fine, just give me that last bottle it's too expensive para hindi maubos.” He look at me with a weird look.“You're drunk. You're too wealthy to say that. Hindi mo ako mabibiro sa ganiyan, stop drinking, get up and move your butt tutulungan kita. Be a man bro and know your wrongs.” Sa lahat yata ng nakilala ko ito ang hindi ko mapilit basta. Wala rin naman akong magagawa dahil wala akong gana sa lahat ng bagay susunod nalang ako sa kaniya.“Maligo ka, amoy alak ka,” sabi niya sa akin at tinulak ako.“Kakaligo ko lang.” Tinignan niya ako at napataas ang kilay.“O really? Glad you

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 47

    CHAPTER 47Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—ILANG araw na ang nakalipas at hindi talaga tumigil si Ashray sa paghintay sa akin. At sa mga araw na nagdaan ay kahit isa sa amin ay walang nagsalita. Parang pareho nga kaming gustong magsalita pero wala talagang nag lakas ng loob.Kaduwagan ang tawag doon. Kung siya balak niyang makipag ayos sa akin ay bakit tinititigan niya lang ako at walang salita na kahit ano. Wala akong balak mag first move dahil una sa lahat siya ang may gusto nito. Pinaalis niya ako at gusto ko lang gawin ang sinabi niya sa akin. Ito na sinusunod ko na, siya ang nagsabi kaya siya rin ang bumawi nang sinabi niya kung gusto niya.Napahilata ako sa kama ko at tumitig sa kisame. Mabuti nalang talaga at tapos na ang exam kung hindi ang dami ko sanang iisipin. Ang Ashray talaga na 'yon walang ibang ginawa sa akin kung hindi pag-isipin ako mabuti.Tumayo na ako at kinuha ang sling bag ko. Tinawag kasi ako nang dalawa. Si Zyrine at si Stellan, gusto raw nil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status