Share

Kabanata 13

Kinabukasan ay ganoon nga ang nangyari. Maaga akong nagising at kumain ng almusal dahil ang usapan ay maaga kaming aalis para maraming oras.

Nagtataka kong binalingan si Nanay Brenda nang mapansing wala na naman ang mga magulang ko. Ilang linggo ko nang napapansin ang mabigat na hangin sa pagitan nila. Lagi rin silang wala at minsan lang umuuwi, hindi pa magkasama. At kung magpapang-abot ay nagkakasagutan naman.

Inaamin kong naguguluhan na rin ako. Hindi ko alam kung ano ang pinagmumulan ng away nila. Kung business lang ay bakit parang ang laking bagay?

Umiling lang ako at tumayo na para maghanda bago pa lumalim ang iniisip ko. Naligo na ako at nagbihis ng simpleng white floral dress na hanggang itaas ng tuhod ang haba. Flowy iyon at black ang print ng mga bulaklak na disenyo. I paired it with a white stringed sandals and my beige sling bag. Inilugay ko lang aking buhok at naglagay ng light make-up.

Hindi ko pinahalata kay Forth na may iniisip ako at umaktong normal. Panay naman
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status