Share

Chapter 13: Picture Frame

"Pasensya ka na, Kaiden, wala na talagang bakante sa taas. Ang late mo naman kasi nagsabi e ayun tuloy binigay ko na don sa bagong salta kahapon." Usal ng tenant kay Kaiden na nagpupumilit kumuha ng isang kwarto para doon temporaryong mamalagi si Dreams habang inaantay nila ang resulta ng paternity test.

"Sige na, kahit isa lang, kahit masikip, okay na 'yon baka kasya lang 'tong babaeng 'to." Tinuro niya ng bahagya si Dreams na nasa likod nito na abalang sinusuri ang paligid. Napunta ang tingin ng tenant kay Dreams. Sa tagal na nangungupahan si Kaiden sa kanya, ngayon lamang siya nag-uwi ng babae.

Sinuri ng tenant si Dreams mula ulo hanggang paa. Napansin iyon ng dalaga kaya sinuri niya rin ang katawan kung losyang ba siyang tignan. Gabi na kasi kaya nakasuot na ito ng pantulog saka nakajacket na rin dahil 'yon ang utos ng matandang kapitbahay nila. Kahit naiinitan siya sa kanyang suot ay wala siyang magawa. Kapakanan ng baby ang iniisip niya at malaking pasalamat niya at tutulungan
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status