Share

Chapter 68: Bukingan ng Sikreto

"Wala kang anak sa'kin, Zander, anak namin ni Kaiden 'yon kaya pwede ba, lubayan mo na 'ko."

Pilit nagpupumiglas si Mia sa yakap na iginagawad ni Zander sa kanya. Ayaw niyang napapalapit siya rito o kahit na maramdaman ang presensya nito. Nandidiri siya. Naiirita siya ng sobra sa lalaki.

"Hanggang kailan mo ba uutuin ang doktor na 'yon? Hanggang ngayon ba, paniwalang-paniwala pa rin siya sa pagsisinungaling mo?"

Pinagdilatan siya ni Mia. "Hindi ko siya inuuto, anak namin si Zach at hindi sa'yo. Itigil mo 'yang kahibangan mo bago pa 'ko may gawin na hindi mo magugustuhan." Pagbabanta ni Mia pero pinagtawanan lamang siya ng lalaki.

"Pwes, patunayan mo sa'kin na hindi ko siya anak."

"Zander, pinakita ko na noon ang paternity test result, ano ba ang hindi malinaw sa'yo?" Nag-iimpit sa inis na singhal ni Mia.

"Gago ako pero hindi ako bobo, Mia. Alam ko na peke 'yon. Alam ko rin na dinaya mo rin 'yong paternity test na binigay mo kay Kaiden. Alam ko lahat ng kasinungalingan mo kaya bago p
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status