This is work of fiction. Names, characters, places and incidents are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to the actual scenes, events, locales or persons, living or dead, is coincidental.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, sinyales na umaga na. Kay bilis lang ng oras, hindi ko lubos maisip na ito ang unang araw ko sa eskwelahang papasukan ko. Kinakabahan na natatakot kasi transferee lang ako, ewan ko na lang kung ano ang mangyayari sa akin sa araw na ito.
Bumangon na 'ko at inayos ang aking higaan bago pumasok ng banyo at naligo na. Mahigit isang oras din akong naligo at nagbihis sabay labas na ng banyo. Pinatuyo ko muna ang aking buhok tyaka nilagyan ng hair pin. Naglagay na rin ako ng konting pulbo at lip gloss para maging kaaya-aya naman ang mukha ko. Lumabas na 'ko ng kwarto bitbit ang aking bag sabay baba na para sabayan sina mama kumain ng agahan.
"Good morning mom, tito at kuya," bati ko sa kanila nang makarating na ako sa dining area.
"Good morning anak, how's your sleep? sabi ng kuya mo nagpuyat ka raw sa kakapiano at gitara kagabi." Napatingin naman ako bigla kay kuya nang sabihin 'yon ni mom pero ang loko wala man lang reaksiyon. Paano niya nalaman? soundproof ang kwarto ko.
"Ayos naman ma, nag-record lang ako ng song kagabi. Nanghingi na kasi si kuya RJ kaya tinapos ko na para makapag-focus ako ngayong araw sa klase," tugon ko.
"Kung mag-quit ka na lang kaya diyan, nag-co-cover ka lang naman pero naka-hidden identity ka pa," sabat naman ni kuya. Hindi na 'ko sumagot, sinamaan ko na lang siya ng tingin at kumain na lang ng tinapay. Kahit kailan talaga 'di niya 'ko magawang suportahan.
"Hayaan mo na lang si Vienna, at least nag-hi-hit at nagkaka-million views ang mga kino-cover ng kapatid mo kahit hindi alam ng lahat kung sino siya," sagot naman ni tito.
"I'm done ma, tito alis na po ako." At tumayo na rin ako sabay bitbit ng bag ko at lumabas na ng bahay. Nakakapikon na talaga minsan si kuya. Nagtungo na rin ako sa nakaparada kong kotse at sumakay na, pinaandar ito at umalis na.
I choose to hide my identity for some personal reasons, ayokong makatanggap ng special treatments galing sa ibang tao. Maraming bagay ang nagbabago sa mundo kasali na riyan ang pagtrato sa 'yo ng isang tao.
I'm Vienna Malvar, 19 years old, 2nd year college student sa kursong Political Science sa isang prestigious university dito sa Manila. Actually transferee lang ako, I took my midterm class and exams sa US at nag-transfer lang ako dahil kay mom at kuya. Si mom at dad hiwalay na simula no'ng 11 years old ako at 13 years old naman si kuya. Si dad may sarili na ring pamilya and si mom may bago na ring kinakasama, si tito Lucas step brother ni dad. Yes, STEP BROTHER kapatid ni dad sa ina. Mabait siya at maalaga, tinuring ko siya na parang totoo kong ama pero hindi maiaalis sa akin na kamuhian siya.
Si papa ang nag-influence sa akin to love music, tinuruan niya 'ko ng iba't-ibang instruments noong 7 years old ako. I am much closer to dad than my mom, after their annulment nag-decide ako na kay dad ako sasama then every 1st day of the month uuwi ako nang Manila to visit my mom and my brother, gano'n ang agreement nilang dalawa. Sadly, my dad passed away last month because of colon cancer. I can't imagine na mangyayari 'yun, siya na lang ang karamay ko sa lahat ng bagay, matatakbuhan ko sa mga oras na may problema ako pero iniwan niya na 'ko.
After 45 minutes, nakarating na rin ako sa papasukan kong university, iisang school lang kami ni kuya pero hindi ako sasabay sa kaniya. Balita ko, kilala si kuya sa university because of his sport which is soccer, varsity player siya at team captain. Hindi ikakaila na lapitin si kuya ng mga babae, maging bakla siguro nahuhumaling na rin sa kaniya. Alam ko namang gwapo siya, cute at maganda rin ang boses but he never choose to sing.
Alam ko na rin naman kung nasaan ang room ko, I have my schedules na rin. Hindi naman maiwasan na pagtinginan ako, alam ko naman kung bakit kasi bago lang ako sa paningin nila but I just ignore it.
Nakasabay ko naman papaakyat ng hagdan ang professor ko sa Philippine Constitution. I've known her last week, no'ng magpasa ako ng requirements.
"Good morning prof," bati ko. Napatingin naman siya sa 'kin, gano'n na lang ang gulat niya nang makita ako.
"Ms. Malvar, good morning too buti nakasabay kita, mamaya ipapakilala kita sa klase," nakangiting tugon niya. Ganito talaga kapag transferee, hindi maiiwasan na magpakilala sa klase.
Nakarating din naman kaming dalawa sa room, pero ang sabi niya manatili raw muna ako sa labas, papasok lang daw ako kapag tinawag niya na 'ko. Nakita ko namang nagsitayuan ang mga estudyante sa loob pagkapasok niya. Ito na nga ang hinihintay ko...
"Hija come in," sabi niya. Napa-sign of the cross pa 'ko bago ako pumasok sa loob. Halos lahat ng mga mata nila nakatingin sa 'kin, tumigil naman ako sa paglalakad nang makarating na 'ko sa gitna. Half of the class nakangiti sa 'kin pero ang iba an'sama ng tingin. Ngunit ang dalawang lalaking nasa likod gulat na gulat habang nakatingin sa akin at 'yong isang nasa gitna ang lamig masyado ng mga titig niya.
"Good morning everyone, I'm Vienna Malvar nice to meet you all," maikling pakilala ko.
"Be nice to her, lalo na't transferee siya, hija you can sit next to Perez." Napatingin naman ako sa bakanteng upuan at 'yung Perez nakangiti sa 'kin, I smile in return. Naupo na 'ko sa tabi niya, still nakatingin pa rin silang lahat sa akin.
"Hi, Vienna diba? I'm Therese Eunice Perez you can call me Therese for short, nice to meet you," nakangiting sambit niya sabay lahad ng kamay nito. Tinanggap ko rin naman at nginitian siya. I think mabait nga siya, halata sa treatment niya.
"Nice to meet you too Therese." After naming magpakilala sa isa't-isa, nag-focus na rin kami sa harap. Nagsimula ng mag-discuss si prof, nakikinig lang ako. Ayokong ma-missed out 'tong lesson na 'to lalo na hindi ko 'to nakuha no'ng nasa US pa ako.
Nag-take down notes na rin naman ako while nakikinig but 'di ako masyadong nakakapag-focus kasi yung mga lalaking nasa kabilang row nakatingin pa rin sa 'kin. Natigil lang nang mag-ring ang phone ni prof, she answered it at nag-excuse para lumabas. Biglang may kumalabit sa 'kin sa likod, napalingon naman ako. Yung dalawang lalaking gulat na gulat sa 'kin kanina at yung isa na wala man lang karea-reaksyon.
"Vienna diba?" tanong ng isa na nasa left side, tumango na lang ako bilang sagot.
"You look familiar para kang-" Napatigil siya sa susunod niyang sasabihin nang sikuhin siya ng katabi niya, napatingin naman ako rito nang may pagtataka.
"By the way, ako si Britt ito naman si Enzo," aniya at tinuro ang lalaking nasa kanan.
"At ito naman si..." Hindi niya na naituloy ang susunod niyang sasabihin nang makabalik na si prof sa room.
"Sorry to inform you class, nagkaroon ng urgent meeting ang Faculty of Engineering, kailangan ang presence ko ro'n. We continue our discussion next meeting, good bye students." At lumabas na si prof ng room, nagsihiyawan naman ang lahat dahil wala nang kasunod na class. It's my first day pero ito pa ang nangyari.
Nagsilapitan din naman silang lahat sa akin para magpakilala except sa tatlong babae na nakaupo at masama ang tingin sa 'kin. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang makipag-kamay sa kanilang lahat. After that, unti-unti na rin silang nagsialisan sa harapan ko at lumabas na ng room.
"Naninibago ka ba?" tanong naman bigla ni Therese, napailing naman ako bilang sagot. Magkaiba nga lang ang treatment ng mga estudyante sa mga transferees sa US, hindi pinapansin, binubully at ginagawan ng kung anu-anong kalokohan ibang-iba rito sa Pilipinas.
"Mababait lahat ng tao rito sa loob ng room except lang sa tatlong 'yan, may mga lahing demonyita." At napatingin siya sa tatlo na abala sa paglagay ng lipstick.
"Bye Vienna, see you around," sabi ni Britt. Kumaway si Enzo habang 'yung isa tuloy-tuloy lang sa paglabas ng room. Kanina pa 'ko nagtataka sa kaniya, galit ba siya sa mundo o sa akin?
SEBASTIAN'S POV
Napaaga ang pagpasok ko sa university dahil sa nag-practice kaming mga nasa Music Club ng kakantahin namin para sa upcoming event sa university. Nagtagal mga halos isang oras, lumabas na rin ako sa Music Department at 'di ko naman inaasahan na makakasabay ko sina Britt papuntang room.
"Buti pre naabutan ka namin, kanina pa nangangalay ang mga kamay namin sa pagbitbit nitong mga pagkain galing sa mga asawa mo." Sinamaan ko naman ng tingin si Britt at napatingin sa hawak-hawak niya. Dalawang supot ng plastic na may lamang kung anu-anong pagkain.
"Itapon niyo," maikling sagot ko.
"Sayang naman 'to pre, kung ayaw mo amin na lang," sabi rin naman ni Enzo, pinagsawalang bahala ko na lang.
Nag-aaksaya lang sila ng pera at oras para maibigay sa 'kin 'yan pero 'di ko naman ito tinatanggap. Kaya ko namang bilhan ang sarili ko, ayoko na binibilhan nang kung sino.
"Pre, balita ko may transferee daw sa klase natin," sabi ni Britt.
"Oo, 'yun din ang dinig ko sa mga professors kanina, sikat daw 'yun sino kaya siya?" sagot din naman ni Enzo, mga chismoso rin ang dalawang 'to. Hindi naman ako interesado kung sino ang tinutukoy nila, patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na kami ng room. Dumiretso na lang din ako sa upuan ko gano'n din sina Britt at Enzo.
"Good morning Sebastian."
"Nakatulog ka ba ng maayos?"
"Gutom ka ba?"
Wala silang natanggap ni isang sagot mula sa 'kin at nakatingin lang ako sa harap. Bumalik lang silang lahat sa kanilang mga upuan nang dumating na ang professor namin.
"Good morning everyone," nakangiting bati niya. Binati rin naman namin siya pagkatapos nagsi-upo na rin kami.
"I know most of you alam na may transferee from US dito sa class niyo. Anyway, she's here, hija come in." Nagsitinginan rin naman kami sa pinto at may pumasok ng isang babae. Hindi ko masyadong nakikita ang mukha niya pero nakakaramdam ako ng kaba. Nang makarating na siya sa gitna agad naman siyang humarap. Parang biglang tumigil ang oras at nakatitig lang ako sa mukha niya.
"Pre.. si-si .. ano," nauutal na sambit ni Enzo sabay siko sa 'kin. Kilala ko kung sino ang tinutukoy niya at kilala rin niya ang babaeng nasa harap lalong-lalo na si Britt.
"Good morning everyone, I'm Vienna Malvar nice to meet you all." Hindi nga 'ko nagkakamali, siya nga. Napatingin siya sa direksyon ko pero wala akong makitang pagkagulat sa mga mata niya. Na parang ito pa lang ang unang beses na nakita niya 'ko. I used to show a fake expression para hindi niya mahalata na nagulat ako sa kaniya.
Naupo na siya sa tabi ni Perez and I can't stop myself looking at her. Bakit parang 'di niya 'ko kilala? maging sina Enzo. What happened 3 years ago? anong nangyari sa kaniya?
"Vienna diba?" agad na tanong ni Britt sa kaniya nang lumabas si prof para sagutin ang tawag. Alam ko naman talagang ito agad ang itatanong niya.
"You look familiar para kang-" Agad ko siyang siniko, baka ano pa ang masabi niya. Napatingin naman sa akin si Vienna, pero umiwas ako bigla.
"By the way ako si Britt, ito naman si Enzo at eto naman si.." Buti naputol ang susunod niyang sasabihin nang makabalik si prof sa loob ng room. Nagsihiyawan naman ang lahat after niyang sabihin na may meeting ang Faculty of Engineering. Nagsilapitan din naman ang lahat kay Vienna, nakatingin lang ako.
Tumayo na 'ko at kinuha ang bag ko. Nauna na 'kong lumabas, narinig ko pang nagpaalam si Britt kay Vienna.
"Pre si Vienna ba talaga 'yun?" takang tanong ni Enzo pero 'di ko na siya sinagot kasi nagtataka rin ako.
"Baka magkamukha lang sila, diba may gano'ng instances? Kung si Vienna talaga 'yun dapat kilala niya tayong tatlo pero hindi," tugon ni Britt.
"Pre okay ka lang? baka hindi naman si Vienna 'yon."
Sa nakalipas na tatlong taon, ito na naman ang pamilyar na sakit mula sa nakaraan. Bakit kaya hindi niya kami nakilala? bakit parang bago lang sa kaniya ang lahat? Siya nga ba 'yon o hindi? kasi kung oo, iiwasan ko siya hangga't kaya ko.
VIENNA'S POV Nakarating din naman kaming dalawa ni Therese sa cafeteria. Siya na raw ang bibili ng pagkain at ako na lang daw ang hahanap ng bakanteng table pero wala naman akong mahanap kasi okupado na ng lahat ng estudyanteng naandito. Ngunit may biglang tumawag sa 'kin, nang lingunin ko ito si Britt lang pala kasama si Enzo at yung isang lalaki na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan. Tumayo naman si Britt mula sa kinauupuan niya at nagtungo sa direksyon ko, napatingin tuloy lahat ng estudyante sa'min. Sikat ba sila rito? bakit gano'n na lang kung makahatak ng atensiyon? "Wala ng bakanteng table, do'n na lang kayo maupo sa table namin." Napatingin naman ako sa direksyon ni Therese ngunit bigla siyang umiling na ipinagtaka ko naman. I just mouthed why? then napatingin siya sa mga babae na kasalukuyang nakatingin sa 'kin ng masama. "Hali ka na Vienna, huwag kang mahiya sa'min."
VIENNA'S POV "Vienna saan natin hihintayin si Michelle?" tanong ni Therese. Kasalukuyan na kaming naglalakad dalawa sa hallway papuntang cafeteria. Katatapos lang ng tatlong class namin at kanina hinanap ng mata ko si Sebastian pero hindi siya pumasok. Ewan ko ba kung bakit ko siya hinahanap? "Mamayang lunch pa natin makakasama si Michelle. Busy siya ngayon sa council, alam mo naman na siya ang Vice President diba?" sagot ko. "Ahh gano'n ba.. hala! may nakalimutan ako," wika niya. Ngunit bigla niyang tinampal ang kaniyang noo na ikinagulat ko talaga. Nagtaka naman ako kung bakit niya ginawa 'yun, agad niya namang kinuha ang phone niya sa bag nito. "Bakit anong problema?" tanong ko. "Ngayon na kasi ire-release ang bagong ico-cover na kanta ni VnM," masayang sambit niya. So she's one of my listeners? palihim naman akong napangiti. This time mukhang mapapaamin na 'ko
VIENNA'S POV Wala namang ibang ganap noong weekends pero chinichismis pa rin ako sa social media. At yung si Tine panay ang sorry sa 'kin through text, messenger, f******k at email. Wala akong idea kung paano niya nalaman ang social media accounts at number ko. But I think because of my brother and you know what, pagkauwi ko no'ng Friday 'di niya 'ko tinigilan sa kakatukso kahit na oras na ng pagtulog ko tinutukso niya pa rin ako. Tumigil lang ang pang-aasar niya sa 'kin nung wala siya sa bahay dahil sa soccer practice. Nalaman ko na lang kay Therese by Sunday morning na nai-post na sa social media yung tungkol sa'min ni Tine. An'daming against kahit hindi naman 'yon totoo, an'daming nag-post sa mga f******k walls nila about me and Tine. Wala naman akong pakealam tungkol do'n pero nakakairita na kasi, an'daming nagddm sa 'kin. Kaya na i-deactivate ko ng wala sa oras ang lahat ng account ko sa social media dahil sa mga fans ni Tine. This
VIENNA'S POV Kinabukasan, close na ang registration sa Music Club dahil nga sa sumobra na ang mga sumali. Kaya yung iba nanghinayang at nalungkot. Ang unfair lang kasi ang mas deserving na makapasok sa club hindi nakasali dahil lang sa mga fans ni Sebastian. Hindi muna sila nag-isip ng maayos bago sila sumali. Bitbit ko lang ngayon ay ang gitara ko, wala na rin namang klase at continue pa rin ang event. Gusto kong mag-practice sa tahimik na lugar kaya naisipan kong sa Music Department ako pupunta. Nakapagpaalam na rin naman ako kaya ayos lang na pumasok ako ro'n para mag-practice. Kina-reer ko na ang pagsuot ng sombrero, yung cap na bigay ni Britt kahapon plus pa na sobrang init ng panahon kaya kailangan ko ito ngayon. Nakarating naman ako ng Music Department, tamang-tama lang ang dating ko kasi walang tao. Kompleto naman na pala ang mga instrume
VIENNA'S POV Hindi ako pumasok kinabukasan hindi dahil sa umiiwas ako kundi dahil sa magpa-practice ako buong araw. After nung nangyari, hindi na 'ko nagtagal pa sa university, umuwi na 'ko agad before lunch. Kumalat na sa social media ang litrato namin ni Sebastian at naging usap-usapan na rin ito sa university. Nandito lang ako ngayon sa kwarto, nagpa-practice. Kabisado ko naman na kaso inuulit ko para maging perfect. Kasama ko rin ngayon si kuya, mamayang 1 pm pa ang practice niya tapos si mom at tito nasa trabaho na. "Vienna.." Napalingon naman ako nang biglang bumukas ang pinto, si kuya. "Yes?" sagot ko na lang. "Kakain na, nakahanda na ang lunch sa baba," sabi niya pero umiling ako, 'di pa naman ako nagugutom. "Hindi ka pupunta ng university?" tanong niya at umiling na naman ako bilang sagot. "Vienna iwasan mo nga si S
TINE'S POV After naming kumain ng dinner, niyaya ko muna si Vienna sa garden para na rin makausap ko siya at maging malinaw saakin ang lahat. Nagtataka kasi ako kanina, nameet na ni mom si Vienna before pero bakit hindi ko siya nameet sa kaarawan ni Vince? How come eh nandoon ako sa celebration? alam ko si Vienna lang ang makakasagot nito. Nakaupo siya sa isang swing, alam kong nag-iisip siya at nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya kanina. My mom still remember her pero siya hindi na, kahit matagal na panahon na 'yun I still remember what happened sa party. Naupo naman ako sa bakanteng swing at tiningnan siya pero nakatingin siya sa malayo. Anong nangyari kaya sa kaniya before? bakit parang wala siyang naaalala? "Vienna, is it okay to ask you some questions?" tanong ko, tumango naman siya bilang sagot. "If nameet ka na ni mom before, how come na hindi kita nakilala
SEBASTIAN'S POVNakasunod lang kaming tatlo sa likod nina Vienna pero hindi niya napapansin ang presensya namin. Kanina ko pa siya tinitingnan mula no'ng magperform siya hanggang sa puntahan siya ni Tine kasama si Vince na kapatid niya. Hindi nga ako nagkakamali, siya nga si Vienna ang nag-iisang babaeng minahal ko noon pero nawala na parang isang bula. Bumalik siya na parang hindi ako kilala, na parang bago sa kaniya lahat ng mga nakikita niya. Is she pretending? palabas lang ba ang lahat para hindi niya pagsisihan ang ginawa niya sa'kin noon?Her personality, the way she speak to someone, hindi siya gano'n at ibang-iba sa nakilala kong Vienna 7 years ago. She is not the woman I staring now, anong nangyari 3 years ago? How come na hindi niya 'ko naaalala?"Dad hindi ako sigurado kung siya nga si Vienna pero magkamukha silang dalawa. Hindi sila magkapareho nang ugali pero ramdam ko dad na siya nga 'yun," sabi ko kay dad.
VIENNA'S POVAfter matapos ng game, everything was going back to normal. May ilan na hindi pa nakakamoveon sa laro at ang iba natutuwa pa rin sa resulta. It's already 10:30 am at napili naming dito tumambay sa cafeteria. Until now, nag-aalala pa rin ako kay Sebastian."Hoy Vienna! saang lupalop na ng mundo tumatakbo 'yang utak mo? kanina ka pa tahimik diyan." Tiyaka lang ako nagising sa reyalidad nang magsalita si Michelle. Nakatingin na pala silang dalawa sa'kin pero hindi ko man lang ito napansin, napabuntong hininga naman ako bigla."Nag-aalala ako kay Sebastian," sagot ko na ikinagulat naman nilang dalawa."Ha? bakit ka naman nag-aalala sa kaniya? Hindi naman sinasadya ng kuya mo yung nangyari sa kaniya, nanunuod kaya ako," wika ni Therese. Ewan ko nga rin eh, hindi ko alam kung bakit ako sobrang nag-aalala sa taong 'yun. We're not even close at minsan lang din kami nag-uusap.