Share

Kabanata 12

Kabanata 12: Tabing-Dagat

Ang mapait na tubig dagat sa aking mga paa na tumatalsik sa aking buong katawan at mukha ay malagkit sa balat. Sa bawat lakad-takbo ko sa mababaw na parte ng dagat ay mas lalo akong nababasa.

Bumabaon ang aking mga paa sa bawat tapak sa pinong buhangin. Yuko dito...luhod doon. Takbo saka lakad takbo.

“Here,” sabi ko sa batang may dalang timba sabay hulog ng mga isda sa loob.

Hindi na niya ako pinagtuunan ng pansin sa sobrang pagka-abala sa pamumulot ng mga kumakalat na isda. Karamihan sa mga ito ay buhay pa at patalon-talon, sinusubukang bumalik sa tubig at lumangoy palayo.

The slimy fish keeps slipping on my palms as I try to hold it firmly. Dalawang kamay ko na ang humahawak doon pero hindi ako makagalaw dahil sa pag-aalalang mabibitawan ko iyon.

Tumawa si Cai nang malakas nang tumilapon nga ang isda. Imbes na mainis ay tumawa nalang din ako.

I was holding that for almost a minute!

“Uy, si Latisha pala!”

Sa ilang minuto namin doon, ngayon lang kami napansin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status