Muli akong pumasok sa loob ng bahay namin matapos kong makapag-isip-isip. Walang mangyayari kung patuloy ko lang panonoorin ang pagdaan ng mga sasakyan sa harapan ko. Sa sala naman, nakaupo pa rin si auntie. Habang tanaw-tanaw naman siya, mas lalo akong nakaramdam ng lungkot. Gayunpaman, 'di ko pa rin alam kung sino ba ang dapat kong kaawaan sa pagitan nilang dalawa ni mama.
"Okay ka lang?" concern niyang tanong nang masyado 'atang tumagal ang pagkakatulala ko sa harapan niya. "Ano'ng ginawa mo sa labas?"
"Nagpahangin po," sagot ko sa mahinang boses, sapat na para marinig naming dalawa. Wala pa rin si papa, nasa kusina pa rin 'to. At ngayon naman... Baka ay malalim na rin ang iniisip niya dahil sa tanong ko sa kaniya kanina.
Ayaw kong i-pressure si papa, kaya para makabawi sa pagiging matanong ko kanina ay tatahimik nalang muna ako at 'di na siya kukulitin. Siguro ay may tamang oras para marinig ko ang mga sagot sa tanon
"Ano'ng problema, Spencer?" nag-aalala kong tanong, sumusunod sa likod niya, at siya naman ay paminsan-minsan na nililingon ako.Pero hanggang doon nalang ang ginawa niya, 'di pa rin niya 'ko pinapansin. Tumahimik nalang din ako nang mapansin na wala na talagang pag-asa. Basta ay sunod ako nang sunod sa kaniya."Ano'ng ginagawa mo?" sa wakas ay tanong niya sa 'kin, nakataas ang kanan na kilay. "'Bat ka sumusunod sa 'kin?""Akala ko kasi..." pagdadahilan ko, "akala ko gusto mo 'kong sundan kita kanina." Bumuntong-hininga ako nang napakalalim. "'Di ka kasi nagsasalita. 'Tapos sinabi mo sa 'kin na ako nalang muna ang mag-aalaga sa tuta na 'yan, 'tapos bigla mo namang binawi. Ano 'yun?" Inosente ko siyang binigyan ng alanganing ngiti."Let's destroy this personal bubble," mahina niyang tugon sa 'kin. Mas lalo akong nalito kasi wala namang connect 'yung speech ko kanina sa sagot niya ngayon. Tapos 'bat parang m
Napatakip ako sa bibig ko. Parang defense mechanism ko na 'ata ang galaw na 'yun. Narinig ko ang mahina niyang halakhak na mas lalong nagpakunot sa noo ko.Automatic akong napasuklay sa sariling buhok nang ma-realize na nakikita niya ang mukha ko ngayon!Mahina na naman akong napatikhim. Sa totoo lang, 'di ko na alam kung ano'ng gagawin ko, kasi mukhang wala rin naman siyang balak na magsalita. Basta ay nakatitig lang siya sa screen kagaya ko, 'di umiimik.Nakakahiya kayang magtanong. Pakiramdam koay nasa danger zone ako ngayon. Mas better pa 'ata na makita ang nang-aasar niyang mukha kaysa sa ganiyan siya -- seryoso."Okay?" basag niya sa katahimikan. At inaamin kong mas lalo naman akong kinabahan. Ewan ko ba, kapag 'di siya nagsasalita, kinakabahan ako, 'tapos ganoon din naman ang effect kapag nagsasalita siya. "How's your day? Hinatid ka ba ni Vaughn nang maayos?"Bilang sagot ay
Mas lalong umawang ang mga labi ko sa huli niyang sinabi. Natuklasan ko ang mahina niyang pagbuga ng hininga, samantalang mas lalo akong 'di naging komportable.Basta ay namalayan ko na lang ang sarili na nakikipag-agree na tapusin na ang tawag. Siyempre ay sinabi ko na muna sa kaniya na okay naman ang tuta. Tumango lang siya kanina matapos kong sabihin na pinaarawan ko ang tuta.Nang lumbas ako ng room, pinagpapawisan na 'ko saka habul-habol pa ang sariling hininga.Kung tutuusin ay 'di naman kami nag-away ng lalaki na 'yun kanina, pero ang bigat-bigat ngdibdib ko. 'Yung tipong 'pag naiisip ko ang pangalan niya, nasasaktan ako.Tuluyan na akong lumabas sa sala. Saglit akong napatigil nang makita ko si Isbelle na naglalaptop habang nakaupo sa couch.Inangatan niya lang ako ng tingin at balik na naman sa screen ng laptop. 'Di na rin ako nagsalita pa kasi obvious na busy siya
Pinilit ko na lang ang sarili na kumalma. Sa isip-isip ko, walang masamang nangyari. Sa isip-isip ko, okay lang ang lahat.Masyado 'ata akong na-stress nitong mga nagdaang araw kaya ganito na ako mag-isip ngayon. Sa isip-isip ko, si Spencer 'yun, at hindi basta-basta nasasaktan ang mga kagaya niya.Lutang akong bumalik sa sala, dala-dala pa rin ang cellphone na hanggang ngayon ay nakabukas pa rin ang screen. Nakita ko si auntie na kakarating pa lang.Pinokus ko na lang ang atensyon sa kaniya. Pinasa niya naman sa 'kin ang dala niyang puppy kasi raw may aasikasuhin muna siya.Sa tingin ko naman, hindi magandang idea na nakakayakap ko ang tuta, kasi mas lalo lang akong kinakabahan. Mali na 'to. Siguradong busy siya ngayon. Siguradong marami lang 'tong pinagkakaabalahan kaya wala na dapat akong ikabahala pa.Pagkaraa'y napagpasyahan ko na iwanan na lang ang tuta sa sala.
Tumahimik ang lugar ng ilang sandali. Inalalayan nina Loweyn at Joyce si Ytang papaupo, habang 'di naman ako nakagalaw sa kinatatayuan ko."Hindi ko maintindihan, Ytang," sa mababang boses na sabi ni Lowelyn. "Anong aksidente? Totoo ba 'yan? Alam mo naman ang panahon ngayon... Nagkalat ang mga fake news galing sa mga tsismosa.""Nakita ko sa isang page." Napahilamos ng mukha si Ytang. Hindi naman ako makatingin sa kaniya, kasi alam ko na kapag makikita ko ang mukha niya, mas lalo akong masasaktan. "Two million ang likes ng page na 'yun, malabong fake news lang 'yun. 'Yan din ang sabi ng kasambahay ng Pamilya Rejez."Napakagat na lang ako sa sariling labi para mapigilan ang sarili na 'di makabuga ng kung anumang ingay. Nakita ko naman sina Lowelyn at Joyce na nilalabas na ang phone, para siguro i-confirm ang sinasabi ni Ytang.Pumasok na sa isip ko na baka prank lang 'to ni Ytang, pero mas nangingibab
Hindi ikaw ang naaksidente?Okay?Sumagot ka po, pls.Okay. Hindi ako.I got minor injuries, tho.Tapos?Tapos?Ano pa?Anong ano pa?Nasaan ka ngayon?Nsa kwarto?Si Vaughn?Nasa putiPuti?Hospital. Nasa hospitalKuya Vaughn moKumusta ka na?Ako talaga?Opo.Nakangitihabang nasasaktan.Puwede ba 'yun?Gusto mo proof?Anong ibig mongsabihin?Pa-send ka ng pic?'Wag na lang.Bkt?Full storage na phone ko.Kaagad kong ti
Ilang minuto akong natulala sa ere, hanggang sa nakayanan ko na ring tingnan sina mama at papa na parehong inaabangan ang sasabihin ko.Kagat-labi akong napahikbi sa harap nilang lahat, at ramdam ko ang pagpipigil ni Isbelle para 'di ako malapitan. They were forcing me to choose, for the second time.Wala silang kaide-ideya kung papaano ako naghirap no'ng mga panahon na 'yun.They didn't have the idea how that particular date burned the whole me. Para sa kanila, parang wala lang. Ang dali-dali lang para sa kanilang saktan ako."'Wag na kayong mag-away, please," pagmamakaawa ko. Naramdaman ko pa ang labis na panunubig ng mga mata ko. Hindi na rin malinaw ang paningin ko pero gustong-gusto ko talaga silang matingnan. "Pa, tama na. Pagod na akong pumili. Hindi na kaya ng anak niyo. Hindi ko na... Kaya.""See?" maluha-luhang lumapit si mama sa 'kin. Damang-dama ko kung gaano siya kasaya. Kakaiba r
Napatango ako at mas lalo pang kinagat ang pang-ibabang labi. Nag-iwas na lang ako ng tingin at sa kabilang direksyon pinukos ang atensyon. Matapos no'n ay hindi na 'ko nakatanggap pa ng kung anumang salita sa kaniya, pero alam ko namang nasa tabi ko pa rin siya."Suot mo," he broke the groundbreaking silence between us. Mayamaya pa'y napatayo ako nang hinimas niya nang marahan ang ulo ko. Kinakabahan akong tumawa at muling umupo. Nalilito niya 'kong tinaasan ng kilay at ang mga mata ay nasa tuktok pa rin ng ulo ko."Ito?" I whispered. Tinuro ko ang ribbon na suot-suot ko. Feeling ko ay bagay sa 'kin ang ribbon na 'to. Aside kasi sa attractive ang color nito, which is red, may maliliit ding porcelain na nakapalibot sa bawat side nito. Halatang mamahalin talaga. "Salamat pala rito. Ano... Nakalimutan kong magpasalamat sa 'yo noong una mo 'tong binigay sa 'kin. ""You're welcome," he answered silently. Nakatitig pa rin siy