Share

Chapter 3

"Rynierre is always busy," I murmured, "kaya malabong makita ko siya ngayon."

Mas lalong lumubo ang mga pisngi ko nang mas lalong lumakas ang nanunuyang tawa niya. I tried my best to calm myself down. Pero wala pa rin. Sa huli ay ngumiti na lang ako nang matamis kay Manang. Bago pa ako tuluyang makalabas ng kusina ay muli niya akong inasar.

"Nakauwi ka na?" tanong ni Jacob mula sa kabilang linya. "Are you okay?"

Mas lalo akong natawa. Nakakatawa ang lalaki na 'to. Parang sa 'ming dalawa ay siya 'tong hindi pinili kanina. Though masakit talaga sa 'kin na 'di makasali sa program, pero ano pa bang magagawa ko?

"Mr. and Mrs. Cattaneo are coming," balita ko, may ngiti sa mga labi. I could hear him sighing in contentment. Akala niya siguro ay naglukuksa pa rin ako hanggang ngayon. "And Rynierre will be here, too."

Humalakhak siya sa narinig mula sa 'kin. Umalis na nga ako sa kusina kasi ayaw akong tigilan ni manang, 'tapos ngayon ay panibago na namang pagsubok ang pagdaraanan ko.

"Alam mo, masyado kang favoritism. 'Bat 'pag ang lalaki na 'yon ang topic natin ay ang saya-saya mo na tipong nakikita ko na ang heart sa mata mo kahit hindi tayo magkaharap?"

"Alam mo, Jacob, 'bat 'di na lang natin pag-usapan ang tungkol sa sport writing? May finished craft ka na ba?"

Kahit hindi pa nagsisimula ang class opening ay isa ako sa napili na makasali sa Journalism. Kahit noong grade pa lang ako ay kasali na talaga ako, pero 'di sa pagbubuhat ng sariling bangko. . . Nakapunta na ako sa Palawan para i-represent ang region namin.

At syempre, proud na proud ako sa sarili noong time na 'yon. At ngayon, ang goal ko ay maging isang featured writer. Kasi kapag natupad ko 'yan, marami akong privileges na matatanggap kagaya ng unlimited access sa paggamit ng printers ng university. Gusto ko rin naman na kahit papaano ay may maitulong ako kay Papa at maging sa mag-asawang kumupkop sa 'kin.

"Tapos na ako," Jacob responded, "pero nagdadalawang-isip pa rin ako sa title."

"Do you need help?" I mocked him. "Baka may maitulong ako."

"Thanks, but no thanks. Baka dahil sa 'yo hindi matanggap ang gawa ko. Napaka-perfect pa naman ng content ng gawa ko."

"Hinahamon mo ba ako?' I laughed hard.

"Hindi naman. Slight lang."

Tinapos niya na ang usapan dahil may gagawin pa raw siya. Napatayo ako nang maalala na papauwi na ang mag-asawang Cattaneo. I changed into my usual clothes. Naka-denim pants at nakasimpleng white blouse na ako. Sinuklay ko kaagad ang buhok ko na parang kinulam at patakbo nang lumabas ng kuwarto.

"How's life, Faith?" tanong ni Mr. Cattaneo.

Namilog ang mga mata ko at nginitian siya. Sa sobrang pagkamangha ay pinanood ko silang nagpapahinga. Si Mrs. Cattaneo ay nakasuot pa rin ng lab gown. Si Mr. Cattaneo naman ay naka-navy jacket at black pants. They looked exhausted by the way. Kaya hindi na rin muna ako nagtanong pa para mas lalo silang makahinga nang maayos.

"Where's my children?' tanong ni Mrs. Cattaneo sa 'kin.

Kaagad akong napalunok. "Si Chelsy, ma'am, ay nasa bahay ng friend niya. Si Adrian naman ay bumalik sa condo niya."

"And si Rynierre?'

"Po?"

"Si Rynierre."

"Busy po sa pag-aaral. Pero nandito naman sila kanina. Nanood silang magkakapatid ng documentary."

"Are they doing good?"

"H-ha?"

She laughed at my stupidity. Halos sampalin ko na ang sarili sa pagiging boba. Nakatingin at nakamasid si Mr. Cattaneo sa amin kaya kahit pagod ang mukha ay natawa siya sa 'kin.

"Where's my oldest son, Faith? Is Rynierre still doing good?" Mrs. Cattaneo tried to hide her own laugh but then failed.

"He looks really busy in his studies, ma'am," I answered carefully. Hinanda ko na rin ang dalawa kong tenga para 'pag may muli siyang itatanong sa 'kin ay madali akong makakasagot. "And yes. He is doing good."

"Is he not bringing his girlfriend here?"

"H-ha?"

Ha? Si Rynierre may girlfriend? 'Bat 'di ako na-inform? Walang araw na 'di ko inalam ang galaw nilang magkakapatid, 'tapos ngayon ay sasaktan lang nila ako?

"I am not informed that he has a girlfriend, ma'am," I faltered. Tuloy ay bumalik 'yong sakit dahil hindi ako natanggap sa programa. I felt so unappreciated. At hindi ko alam kung ano ang mas masakit -- 'yong hindi ako nasali sa scholarship program na ilang araw kong hinintay o 'yong katotohanan na may girlfriend na pala ang lalaking inakala kong no girlfriend since birth.

"I am referring to Adrian, you silly girl," Mrs. Cattaneo laughed.

"H-ha?" I was surprised. I was being so dumb again. Kaya siguro ayaw akong handugan ni God ng scholarship kasi alam niya na parang bata pa rin ako kung mag-isip. Well, kasalanan ko ba kung ganito ako? At isa pa, sa tuwing pinag-uusapan namin ang isa niyang anak, talagang kinakapusan ako ng hininga.

"Adrian is not bringing her girlfriend here, ma'am," I whispered. Isang tango lang ang natanggap ko sa kaniya kaya napabuntong-hininga ako sa kaluwalhatian. 'Agad naman akong napaupo nang mapansin sina Chelsy at Adrian na kakarating pa lang.

My eyes automatically searched for someone. Pero nang lumipas ang ilang minuto at walang nagpakita ay napanguso ako.

"Is your kuya still in his senses? Baka mabaliw na 'yun kakaaral," Mrs. Cattaneo asked Chelsy and Adrian.

At dahil nga sa 'di ko na rin mapigilan ang sarili ay napalakas ang tawa ko. Napatingin naman silang lahat sa 'kin. Kaagad kong inayos ang mukha ko at nagsalita, "Malabo pong mabaliw kakaaral ang anak mong 'yon, ma'am. Baka ang libro pa ang mabaliw sa kaniya."

I was sure of my words. Ako nga nabaliw sa kaniya na minsan lang kami kung magkita, 'yong mga libro niya pa kaya na palagi niyang kaharap?

I laughed at my own running thoughts.

"Text your kuya. Tell him to come here. Sabay tayong mag-sa-snack," Mr. Cattaneo announced.

Mula sa kusina ay nakita ko ang pagngisi ni Manang habang binibigyan ako ng isang thumbs up. Halos sumabog na ang mga pisngi ko sa sobrang emosyon. Alam niya talaga ang magpapahina sa 'kin.

Makalipas ang ilang minuto ay nakahanda na lahat ng snacks. Katabi ko ngayon si Manang na kanina pa tahimik. Ang mag-asawang Cattaneo ay kanina pa hinihintay ang panganay nila.

'Bat ba kasi ang tagal-tagal ng lalaking 'yon? Kanina ko pa siya hinihintay.

They decided to start eating the biscuits regardless Rynierre wasn't still here. Pero hindi naman ako binigo ng Diyos ko, kasi kaagad din nagpakita ang panganay na anak ng mag-asawang Cattaneo.

Napatitig ako sa itsura niya. He. . . What is the right term to describe him? He looked devastated yet fabulous. Baliw na 'ata ako.

"You're late, son," sabi ni Mrs. Cattaneo sa panganay niya. "We were supposed to wait you."

"I was studying, Ma."

Napatingin ako sa kaniyang muli.

"Iba na 'ata ang pinag-aaralan mo," Adrian chuckled. "Baka porn na. Shhh, 'wag ka nang maglihim sa 'min. Kami lang naman ang makakaalam."

"Anong mali sa panonood ng porn?' Rynierre fired back. Nanlaki tuloy ang mga mga mata ko sa narinig mula sa kaniya. Muli siyang tumikhim. "Porn is sometimes good, too. It's a kind of educational video."

Walang nakapagsalita. Lahat kami napipi. Lahat natigalgal. So it means that he's watching porn?

"Of course not. Hindi ako nanonood ng mga ganiyan." He almost chuckled at his own words. 'Di ko akalain na kahit hindi ako nagsalita ay nasagot pa rin niya ang tanong sa isipan ko. He again sighed. "Let's just eat. Kanina pa ako gutom."

Natawa kaming lahat nang makita ang pamumula ng mga tenga niya.

Man, why so cute?

I knew that he's not that kind of person who was fond at watching porn. Alam ko na alam nilang lahat na may pagka-inosente rin si Rynierre. Sadyang gusto lang 'ata pag-trip-an ni Adrian ang Kuya niya.

"Faith?" Mrs. Cattaneo mentioned my name.

Kaya boom! Sa akin napunta ang spotlight. Sandali ring natigilan ang magkakapatid para mabalingan ako. At ngayon naman, kahit na hindi nakatingin si Rynierre sa 'kin ay may pakiramdam ako na inaabangan niya rin ang itatanong ng mama niya sa 'kin at maging sa isasagot ko. Kung saan-saan ako tumingin para makahanap ng lakas ng loob.

"P-po?"

"Malapit na ang class niyo. I am planning to buy you a laptop."

Malawak na ngiti ang nagawa ko dahil sa narinig. Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong hindi-an ang alok ni ma'am sa 'kin, pero kahit na minsan lang kami magkausap ay wala sa ugali niya ang tumanggap ng 'no' bilang sagot.

Ayaw ko na ring magmukhang pakipot kaya tumango na lamang ako habang may ngiti pa rin sa labi. Sa wakas, magkaka-laptop na rin ako!

Ito rin ang gusto ko sa kanila. Even though I wasn't their relative, I still felt belonged in this family. 'Yong tipong hindi ako nakakaramdam ng pangungulila. Pakiramdam ko ay kahit papaano ay may pag-asa nga para sa iba't ibang bagay.

"Scientific calculator, too. Kailangan mo 'yan," Rynierre joined the chat miraculously.

'Di ba ako ang kinakausap niya? 'Di naman 'ata ako nagha-hallucinate, 'no?

"Right. If you need someone who can teach you, you can go to Adrian," sabi ni Mr. Cattaneo. Well, Adrian was now on his last year in senior highschool, at sure akong matutulungan niya nga 'ko on how to survive in STEM.

Adrian was someone that you can go to when you had academic problem. Noong grade 10 pa ako, limang beses niya akong tinuruan, kaya ay medyo sanay na rin ako sa presinsya niya. He's easy to be with, too. Napaka-sociable niyang tao. Ang galing din niyang magturo. Napaka-accurate.

"Why not?" Adrian winked at me. "It would be my honor."

"Nangako ka na ikaw ang magiging tutor ko!" sigaw ni Chelsy sa harap ng mukha ng Kuya Adrian niya. "Kuya Rynierre is passionately devoted into his neurological book. Kaya ay responsibilidad mong tuparin ang pangako mo."

I forgot to say that Chelsy also had this kind of attitude. Nagiging childish lang siya kapag buo ang pamilya niya. And I knew that she was glad right now. Hindi ko rin naman siya masisi. Iba talaga ang pakiramdam kapag kaharap mo ang totoo mong mga magulang. Talagang makakakita ka ng maraming rason para maging masaya.

"Then papaano si Faith?" Adrian asked. "Walang magtuturo sa kaniya--"

"Ako," Rynierre joined the chat again. Isang beses siyang sumimsim ng juice hanggang sa binigyan niya ako ng isang sulyap. Sulyap na kay dali pero nagpatunaw sa puso ko. "I can tutor Faith if I have some free time."

"You sure?" si Mrs. Cattaneo.

And Rynierre just gave me a peek of glance again. His face was screaming for certainty. "Yeah."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status