Share

Chapter 2

Halos tumulo na ang mga pawis ko habang hinihintay ang resulta. Napatingin din naman ako sa paligid, para makita ang iba na kagaya kong may importante ring hinihintay.

"Kawawa ka naman," panunuya ni Jacob sa 'kin at binigyan ako ng panyo. Sarkastiko na lang akong ngumiti, nararamdaman pa rin ang kaba sa sariling dibdib.

"The result has been posted online. Pero kung gusto niyong makita personally, nasa likod ng multi-purpose room ang list," sabi ng isang prof.

Nanlaki ang mga mata ko sa pananabik. Kaagad kong hinila si Jacob at tinungo ang daan patungo sa multi-purpose room. At syempre, dahil sa dalawang beses pa lang akong nakapasok sa university na 'to, hindi ko pa totally kabisado ang pasikot-sikot dito.

"'Bat ka excited? 'Di ka rin naman kasali for sure," Jacob again mocked me. Napanguso ako at sinamaan siya ng tingin. Nang makita ang reaksyon ko ay sinuko niya ang dalawa niyang kamay sa ere.

"Kasali ako. I will prove you wrong," pang-aasar ko sa kaniya. Nagpatuloy kami sa paglalakad, at paminsan-minsan ay natitigilan kapag may aksidenteng nakakabangga sa 'kin. Matao talaga ang pwesto namin ngayon, at alam ko na halos lahat ng nakapaligid sa 'kin ay mag-se-senior high school din.

Mas lalong naging hugis-puso ang mga mata ko nang tanaw-tanaw ko na ang isang tarpaulin, at halata na ang mga pangalan ng students ang naka-print dito. Dali-dali kong hinila si Jacob dahil ang tagal-tagal niya kung maglakad.

At nang tuluyan ko na ngang nakita at nabasa ang mga name na nakasulat sa malaking tarpaulin, 'di ako nakapagsalita. Gusto ko na lang tuloy umiyak. Nag-aalala akong tiningnan ni Jacob, mga mata niya ay nakikipagsimpatya sa 'kin.

I failed to pass the entrance exam.

Kung na-pass ko 'to, isang scholarship sana ang maihahandog sa 'kin. Nakakalungkot lang kasi ilang araw akong sabik na malaman ang resulta. Kung alam ko lang na hindi na naman pala ako masasali sa scholarship program ng university, dapat ay hindi na lang ako nag-try.

Na-realise ko na wala talaga akong maibubuga. All those sleepless nights that I had faced were all literally useless. 'Yong mga pagkain na 'di ko nakain kakaaral ay walang silbi rin. I should have thought from the beginning that my academic ability wasn't enough.

"I can transfer my scholarship for you," Jacob sincerely joked. "Smile ka na? Ililibre kita!"

Umiling ako. "I should have known my limits, Jacob." I sighed heavily. Hindi ko na rin tinago ang pait sa ngiti ko dahil alam ko na marami ring kagaya ko ang hindi nasali sa program. "Para akong tanga. Dapat ay hindi rin ako nandito ngayon. What am I even doing in this well-known university? Parang kulisap lang 'ata ako rito."

"Faith---"

"No. Okay lang talaga. Mabuti ka pa nga. Nasali. 'Bat ang talino mo? 'Bat 'di mo 'ko binigyan ng kahit kaunting brain cells?"

"I will gonna talk to my mom, then. May programa siya na tumutulong sa mga freshmen. All you need to do is to pass the entrance exam--"

"Exam na naman?" I laughed at him. Sinamaan niya ako ng tingin. Nang mabatid na seryoso talaga siya ay napatikhim ako at napaayos ng tayo. Muli akong tumikhim. "Sige. I'll try again. Baka lang naman suwertehin."

Inirapan niya ako kaya mas lalong lumakas ang tawa ko. Jacob's girly reaction never failed to make me entertained. Kung hindi lang siya nagkukuwento patungkol sa mga babaeng crush niya ay baka aakalain ko talagang member siya ng LGBT Community. Though kahit member nga siya, he's still my buddy.

Jacob was actually a rich kid. Hindi nga lang halata dahil ang simple niya kung manamit. Hindi rin siya mapili sa mga pagkain, paminsan-minsan nga ay ako pa ang maarte at mapili kaysa sa kaniya. He's a son of a Governor.

"Tricycle tayo?" tanong niya at kunot-noong kinapa ang sariling bulsa. "Sampung piso na lang nasa bulsa ko. Pautang na lang muna."

Natawa ako sa sinabi niya. Umuwi ako nang may kirot pa rin sa dibdib. Hindi ko na rin mapigilan ang panunubig ng mga mata ko.

"Ako na po riyan!" natataranta kong sigaw nang makita si Manang na naghuhugas ng mga plato. Pero kagaya ng nakasanayan, marahan niya lang na tinabig ang kamay ko. Napanguso ako at napasandal na lamang sa counter, pinapanood siya.

"Hindi ako nakasali sa program, Manang," nakangiti kong sabi. Mabuti na lang at kahit papaano ay gumaan na rin ang dibdib ko. "Pero may ibang opportunity pa rin naman na naghihintay. Tuloy pa rin naman po ang buhay. 'Di naman ako affected."

Natawa siya sa biro ko. Peto totoo 'yong sa part na maghihintay na lang ako ng bagong opportunity.

"Darating na ang mag-asawang Cattaneo mamaya."

Natigilan ako sa narinig mula sa kaniya. 'Di ko tuloy mabatid kung ngingiti ba ako o tatalon sa pananabik. Malaki ang utang na loob ko sa mag-asawang Cattaneo. Sila na 'ata ang pinakamabait na mag-asawa na nakilala ko sa buong buhay ko. Because of them, I finished my highschool journey without worrying about financial problem. Because of them, I was now living for free.

Si Manang, na kaharap ko ngayon, ay ilang taon nang nagtatrabaho sa pamilyang Cattaneo. Kaya nang malaman ng mag-asawa na may pamangkin siyang gustong-gustong makapagtapos ng pag-aaral ay inampon nila ako.

Am I even saying the right term?

Hindi naman ako literal na inampon. Parang pinatira lang ako, pinaaral, at binigyan ng sinserong atensyon. They also knew my tedious life back then when I was a juvenile. They kept believing that I might be assaulted if I would stay to my father's side.

At alam ko naman na tama sila. To live with my father was like risking my life in line. Kaya nga ay laking pasasalamat ko at may mabuting pamilya ang sumagip sa 'kin.

Kung wala sila, marahil ay hindi ako nakakapag-aral ngayon, o kung nakakapag-aral nga pero nagbabalat na ng buto para mabuhay ang sarili.

Si Papa naman, alam kong hindi niya gustong malayo ako sa kaniya. Me, too. It was so hard to be far away from him. But what could I do? To have a long distance from him was my one and only choice. Pero hanggang ngayon ay nagkakakomunikasyon naman kami.

"Siguradong hindi rin naman sila magtatagal," sabi na naman ni Manang. Sandali siyang tumigil sa ginagawa at napatitig sa labas ng bintana. "Himala na lang kung magtatagal sila rito ng dalawang araw."

Sumama ang mood ko sa narinig. Kailan ko pa ba kasi nakalimutan ang kasalukuyang estado ng mag-asawa? They were all busy in their own professions. Hindi ko rin naman sila masisi kasi may responsibilidad naman silang gawin ang kanilang trabaho -- Mr. Cattaneo was a great Soldier, and Mrs. Cattaneo was a Military Doctor.

Kaya hindi na kataka-taka pa na maski graduation ng isa nilang anak ay hindi na rin nila masipot pa. Pero ako nga na hindi nila anak ay naiintindihan sila, siguradong ang mga anak nila ay batid din ang paghihirap nilang dalawa. Mabuti pa nga ang magkakapatid na 'yon, e'. They're so lucky to have a complete family.

"Saan na naman kaya sila ma-aassign, Manang?" tanong ko. "'Di ba madalas silang papalit-palit ng destino?"

Umiling lang si manang na tanda na wala rin siyang alam. Humalukipkip ako at akma na sana siyang tutulungan sa paghuhugas nang tinabig niya na naman ang kamay ko. Mas lalo tuloy akong humalakhak. Pakiramdam ko ay malapit na 'ata akong mamatay kakatawa. Ang sarap pala talagang mang-asar.

"Papunta na rin ang magkapatid ngayon," she teased me. "Alam mo ba na kasama na rin si Rynierre? 'Di ba gusto mo ang alaga kong 'yon?"

Pabiro akong umirap, hindi na makapagsalita pa. Pinili ko na lamang tumayo nang tuwid kasi 'di ko na maihakbang ang mga paa ko sa sobrang kaba.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status