Kate's POV Two Years Later... Mabilis lumipas ang mga araw at buwan.Kung may bibigyan ng award na magaling magtiis, ako na siguro iyon. Dahil tiniis ko lahat ng pangungulila ko kay Nathaniel.Nabalitaan ko nalang kay Larry na may pinatayong bagong bar si Nathaniel na kasosyo nito si Bethany. Sa dalawang taon, never ko nabalitaan sa pamilya ko na kinumusta ako ni Nathaniel or nila tita Nathalie. Hindi na ako nagtataka pa, dahil sukdulan siguro ang galit nila sa akin. Sino ba naman mga magulang ang matutuwa sa ginawa ko sa kanilang anak. Kahit hindi ko niloko si Nathaniel. Sa mga mata nila, nagtaksil narin ako sa anak nila. Talagang nagtagumpay si Bethany. Dahil umayon sa kanya ang panahon. Cancer free na siya at higit sa lahat nakasama na niya ang taong mahal niya. I don't know the real score between her and Nathaniel.Pero nasasaktan parin ako sa dalawang taon na iyon sila ang laging magkasama. Hindi ko alam kung magpasalamat ba ako ni Bethany. Because she's always be there
Kate's POV Matagal na katahimikan na namamagitan sa amin tatlo nila mommy at daddy. Natatakot ako na magsalita muli,baka mas lalong magalit si daddy sa akin.Naririnig ko pa ang mahinang buntong-hininga ni daddy. Naisip niya siguro ang nag-iisa niyang anak.Wala ng ginawang matino sa buhay. Heto nabuntis pa sa hindi alam kung sino ang ama ng pinagbubuntis.Dahil sa subrang kalasingan. Ang kalat ko talaga. Naalala ko na naman si Nathaniel, sa ganitong bagay. Siya iyong tagaligpit ng kalat ko at tagaligtas sa akin. Everytime na lasing na naman ako at walang maalala. " Ano nalang mukha ang iharap ko sa mga magulang ni, Nathaniel. Nagagalit sila dahil iniwan mo nalang ng walang dahilan ang anak nila!" matigas parin sabi ni daddy, ang tinutukoy nito si Nathaniel. " Ngayon, malalaman nila na buntis ka sa ibang lalaki! Kahihiyan ito ng pamilya natin!" halos pasigaw na ang boses ni daddy. " Karl! Kahit kailan hindi kahihiyan ang magdadalantao. Sadya man o hindi sadya. Baby is always a
Kate's POV Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon dalawang buwan na pala kami dito ni doc Trexie sa Italy. Parang kailan lang, anim na buwan nalang ang aantayin ko ay kabuwanan ko na. Nagtatrabaho na ako bilang junior designer sa kumpanya ng pamilya ni Nathaniel ng Italy.Si doc Trexie naman, ngayong araw na ito ang balik niya sa Pinas. Ayaw ko naman na maging selfish, two months are enough for me.Subrang pasasalamat ko sa kanya dahil sa pagsama niya sa akin dito.Lalo sa mga morning sickness ko. Saksi si doc Trexie, kung gaano ako kaselan sa pagbubuntis ko.Pero pinilit ko parin magtrabaho dahil napamahal na sa akin ang trabaho ko ngayon. At iyon naman talaga ang gusto ko na maging fashion designer. May profession din si doc Trexie na naiwan sa Pinas bilang OB-gyne.Ayaw ko naman mangyari iyon na pati ang pinakamamahal niyang propesyon ay i-give-up lang niya para sa akin. Sa loob ng dalawang buwan, kinaya ko ang lahat lalo na iyong sa tuwing gabi ay bago ako matulog mukha ni Nat
Kate's POV Panay na ang hikab sa dito sa loob ng bar. Niyaya ko na si doc Trexie na umuwi na kami sa apartment ko. Pero bigla itong pinigilan ni Larry. Ang walang hiya, kunwari lang siguro itong gagong pinsan ko, na tulungan niya kami ni doc Trexie na hanapan ng trabaho. Pero ang totoo gusto lang nitong makasam ang huli. " Trex, cr lang muna ako," paalam ko sa kanya. " Samahan pa ba kita?" alok niya sa akin.Medyo may tama na ito ng alak.Iniwan lang muna kami dito saglit ni Nathaniel ng Italy. Pero babalik lang din daw siya. Mabilis ko ng tinungo kung saan ang restroom. Nakipagsiksikan pa ako sa mga tao. Infairness, malakas ang nasabing bar ni Nathaniel ng Italy. Ganito din ang bar ni Nathaniel ng Pinas. Marami din mga high end customers. Dati tambay ako ng bar sa France. Pero ngayon, gusto ko ng umalis dito at uuwi nalang sa apartment para makapagpahinga na. Dali-dali na akong pumasok sa rest room. Pagkatapos ko na mag cr.Tumingin muna ako sa salamin. Napangiti ako sa sari
Kate's POV Sabay na kaming lumabas ni doc Trexie sa kusina. Pero nandito parin ang pinsan ko na si Larry.Mataman nakaupo na tila ba hinihintay kami. " I'm sorry, bratty...I don't even know may mabigat ka palang pinagdaanan.I'm still proud of you, dahil hindi ka nag-isip ng masama sa baby na dinadala mo," nakangiti na wika ni Larry. " Asahan mo, hindi ko pakialaman ang desisyon mo.Wala akong sasabihin sa kanila," aniya pa niya. " Salamat..." " By the way, ano ba ang pwede ko na maitulong sa inyo? Nextweek ay babalik na ako sa Pilipinas. Actually, nandito ako para sa ka business deal ko," balita nito sa amin. Napakunot-noo ako. " You mean, walang nag-utos sa'yo na sundan kami dito?" Ngumiti ito." Masyadong masunurin si, Nathaniel. Sinabu mo sa kanya na 'wag ka niyang hanapin.Kaya hayun, nagpakalasing nalang ang gago," natatawang wika ni Larry.Tiningnan ko si doc Trexie,tahimik lang ito. Hindi siya nakisali sa usapan namin magpinsan. " Kate, hindi mo ba naalala kung
Kate's POV Tahimik lang ang dalawa. Pareho kaming tatlo na nagparamdaman. Tumukhim si Larry. " Hindi ba uso sa inyo ang kumain ng breakfast? " basag niya sa katahimikan. " Ahm,kakain na tayo, kanina pa ako nakapagluto..." aniya ni doc Trexie. Tumayo na kaming tatlo papuntang kusina. Hindi pa ako nakalapit sa mismong lamesa.Naamoy ko na ang lutong pagkain ni doc. Dati makaamoy lang ako ng pagkain,agad akong matakam na. Pero kabaliktaran ngayon, parang bumaliktad ang sikmura ko. " Excuse me, mauna na kayo guys..." paalam ko sa kanila, hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Larry,na nagtataka. Mabilis akong pumasok ulit sa loob ng aking kwarto. Diretso sa banyo para magsuka. Napitlag pa ako nang kumatok si doc Trexie sa pintuan. " Kate,okay ka lang? Anyare sa'yo?" sunod-sunod na tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Nilabas ko muna lahat ng pagkain sa tiyan ko. Nahihilo pa nga ako,ang dami ko ng nasuka. " Bratty..." agad na lapit ni doc Trexie sa likuran ko.Nakapasok