author-banner
Red Angel1221
Red Angel1221
Author

Novels by Red Angel1221

The Billionaire Who Betrayed Me

The Billionaire Who Betrayed Me

Warning: Mature Content‼️ Akala ni Rizza ay natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya habang buhay—si Damian, isang makapangyarihan at napakayamang billionaire na minahal niya nang buong puso. Sa kabila ng kanilang magkaibang mundo, pinili nilang lumaban para sa kanilang pagmamahalan. Ngunit isang araw, isang masakit na katotohanan ang tuluyang sumira sa lahat. Pinagtaksilan siya ni Damian. Sa isang iglap, ang lalaking nangakong poprotekta sa kanya ang siya ring dahilan kung bakit gumuho ang kanyang mundo. Dahil sa isang kasinungalingan at isang pagtataksil na hindi niya kailanman inakala, napilitan si Rizza na iwan ang lalaking pinakamamahal niya. Lumipas ang mga taon at natuto siyang mabuhay nang wala si Damian. Akala niya, tuluyan na niyang nalimutan ang kanilang nakaraan. Hanggang sa muli silang nagkita. Mas makapangyarihan na si Damian. Mas malamig. Ngunit sa likod ng kanyang matigas na anyo ay isang lalaking hindi kailanman nakalimot sa babaeng kanyang sinaktan. Ngunit may isang bagay na hindi alam ni Rizza—may dahilan ang pagtataksil ni Damian. Isang lihim na maaaring magbago sa lahat ng pinaniwalaan niya. Sa pagitan ng galit, sakit, paghihiganti, at isang pag-ibig na ayaw mamatay, kaya pa kayang ibalik ni Damian ang pusong minsan niyang winasak?
Read
My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me

My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me

Warning: Mature Content‼️ Iniwan ni Lalyn Valeriano ang nakaraan niya nang buong puso-kasama ang sakit, pagkabigo, at ang lalaking minsan niyang minahal. Sa piling ng kanyang anak na si Lyra, ang kanyang “little cupid,” sinikap niyang bumuo ng tahimik at maayos na buhay. Wala siyang balak balikan ang nakaraan… lalo na ang lalaking minsang sumira sa kanyang tiwala. Ngunit isang araw, muling nagkrus ang landas nila ng isang makapangyarihang billionaire. Theo De Vera-Malamig, makapangyarihan. At hindi kailanman marunong magpatalo.Ngunit nagbago ang lahat nang matuklasan ni Theo ang isang sikreto na magpapaikot ng kanyang mundo. May anak sila. At ang batang iyon ang siyang unti-unting magdadala sa kanya pabalik sa buhay ni Lalyn. Galit, sakit, at mga sugat ng nakaraan ang pumapagitna sa kanila. Ngunit sa bawat titig, bawat pagkakataong magkalapit sila, muling bumabalik ang damdaming pilit nilang kinalimutan. Hindi lang si Theo ang muling maghahanap ng katotohanan kundi pati ang puso niyang matagal nang itinago. At ngayon, gagawin ni Theo ang lahat para mabawi ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay niya. Ang kanyang anak…at ang babaeng hindi niya kailanman tunay na binitawan.
Read
Hot Billionaire's Series 4: To Fall All Over Again

Hot Billionaire's Series 4: To Fall All Over Again

Warning: Mature Content ‼️ "Isang gabi lang, isang pagkakamali… at heto, nahulog muli ang puso ko para sa’yo." Takot nang magmahal si Emilyn Rollan matapos ang sunod-sunod na kabiguan sa pag-ibig, dahil lahat ng gusto niyang mga lalaki ay may kanya-kanya ng mga kasintahan. Kaya pinili nalang niyang magtrabaho bilang yaya sa Maynila at iwasan ang anumang komplikasyon ng puso. Ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya si Gabrielle Montenegro—gwapo, mayaman, at kilalang playboy na hinding-hindi niya dapat pagkatiwalaan at sanay makuha ang gusto. Lalaki na charming, mapang-akit, at may lihim sa nakaraan, ngunit handang ibigay ang kanyang puso kay Emilyn. Hindi lang kaakit-akit sa mata, kundi ramdam sa bawat paghinga. Sa tulong ng isang munting batang tila may sariling plano, unti-unting pinaglapit ang dalawa… hanggang sa muling kumatok ang pag-ibig sa pusong matagal nang sarado. Pero kaya ba nilang sumugal muli o mauulit lang ang sakit ng nakaraan? Matutuklasan pa kaya nila na ang tunay na pag-ibig ay nangangailangan ng tapang na muling mahulog sa damdamin, buong puso, buong katawan, at buong kaluluwa… kahit alam mong puwede kang masaktan?
Read
My Fiancé's Daddy Saves Me

My Fiancé's Daddy Saves Me

Warning: Mature Content‼️ Estudyante sa umaga, waitress sa gabi.Iyan ang buhay ni Emily. Lumaki siyang kulang sa pagmamahal ng kanyang mga magulang.Kailangan niyang magtrabaho para sa sarili upang matustusan ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Hanggang sa inalok siya ng kasal ng kanyang mayamang boyfriend.Na nakilala lang niya sa bar na pinagtrabahuan niya. Akala niya makatakas na siya sa hirap ng buhay na dinanas niya sa sarili niyang pamilya.Ngunit higit pala ang maranasan niya sa mansiyon ng kanyang fiancé. Si Ethan Castillo- Her fiance's daddy.A cold hearted man and arrogant billionaire.Ngunit hindi niya maitanggi ang taglay nitong kakisigan. Hindi lang sa hamon ng buhay ang nagpapahirap sa kanya sa puder ng fiancé niya Pati na din ang puso niyang unti-unting nahuhulog sa daddy ng lalaking papakasalan niya. Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang bawal na pagmamahal? Kaya niya bang iwan ang fiancé niya para sa daddy nito?
Read
Silhouette of Desire

Silhouette of Desire

Warning: Mature Content‼️ “Sa dami ng lihim ko, ikaw lang ang hindi ko kayang itago.” Matapos ang isang masakit na pagtataksil, pinili ni Amara na itago ang kanyang puso at ituon ang sarili sa bagong buhay. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Adrian Villanueva- isang makapangyarihan at misteryosong lalaki na may malamig na reputasyon at madilim na nakaraan. Sa isang hindi inaasahang kasunduan, napilitan silang magpanggap na magkasintahan. Habang tumatagal, ang simpleng pagpapanggap ay nauwi sa mapanganib na pagnanasa at damdaming hindi na kayang pigilan. Ngunit sa likod ng bawat yakap ay may mga lihim na maaaring sumira sa kanila. Kapag lumabas ang katotohanan, pipiliin ba nila ang pag-ibig o tuluyang maglalaho ang lahat tulad ng mga aninong minsang naglapit sa kanilang dalawa?
Read
Hot Billionaire's Series 3: Can't We Try

Hot Billionaire's Series 3: Can't We Try

Warning:Mature Content‼️ "First boyfriend,it will be my husband to be." Iyan ang katagang pinanghahawakan ni Michelle Santos sa sarili niya. Isang architect, simpleng babae pero palaban sa hamon ng buhay. Hanggang sa nakilala niya si Drake Montemayor hindi lang sa telebisyon kundi sa personal na mismo.One of the hot billionaire, arogante at playboy iyan agad ang first impression niya sa binata. Ngunit nahulog ang loob niya dito.Hindi lang sa gwapong mukha nito kundi pinaramdam din sa kanya ng binata na mahal siya nito. Mapanghawakan pa kaya niya ang pangako sa sarili.Kung ang isang Drake Montemayor, na unang boyfriend niya ay ikakasal na pala ito sa iba? Kaya niya bang ipaglaban ang binata kung mismong pamilya nito ay ayaw sa kanya?
Read
Hot Billionaire's Series 2: Best I Ever Had

Hot Billionaire's Series 2: Best I Ever Had

Synopsis: Warning: Mature Content‼️ Para matakasan ang arrange marriage na pinaplano ng kanyang mga magulang sa kanya at sa anak ng business partner nito. Umalis si Kate Torres papuntang France. After two years, bumalik ulit siya sa bansa na wala paring bago sa kanya. She's still, Kate Torres who is spoiled brat and party goer. Untill she meet,Nathaniel Mondragon-- one of the hottest billionaire and her childhood crush na kaibigan ng pinsan niya.She can't resist his inherent charm and attractive narrowed eyes.May-ari din ito ng bar na lagi nilang pinuntahan ng mga barkada niya. Para lagi niyang makita ang binata.Nag-apply siya bilang secretary ng pinsan niya sa LS Construction. Magustuhan kaya siya ng binata kung kabaligtaran naman ang katangian niya sa gusto nitong babae. May mabubuo kayang pag-ibig sa kanila. Kung ang bawat-isa sa kanila may kanya-kanyang lihim na tinatago?
Read
Hot Billionaire's  Series 1 : Chasing You

Hot Billionaire's Series 1 : Chasing You

Warning: Mature Content ‼️ Siya si Tanya Medrado pangarap niyang makapag-trabaho isa sa sikat na construction firm sa bansa ang LS Construction.Nag-apply siya dito pagkatapos niyang pumasa sa board exam.Natanggap naman siya bilang architect ng kompanya. Isa namang family driver ang tatay niya sa mayamang pamilya.Mapagbiro din ang tadhana minsan ng malaman niyang ang hot CEO ng kumpanyang pinagtrabahuan niya ay siya din palang amo ng kanyang tatay.Mabait ito sa tatay niya.Pinakitaan din siya nito ng kabutihan kaya hindi niya maiwasang mahulog ang loob niya sa kanyang boss. Kaya niya pa bang magmahal kung kabilaan naman ang mga babaeng nasa mataas na antas ang na lilink dito. Ano ang laban niya sa mga ito kung isang hamak lamang siyang empleyado.
Read
The Billionaire's Forbidden Nanny

The Billionaire's Forbidden Nanny

Warning:Mature Content‼️ Baon sa utang ang kanyang mga magulang. Kaya ang pangarap niyang makapagtapos sa kolehiyo ay pinagpaliban nalang muna ni Celle . Si Draken Valentino - isang gwapo at hot billionaire na single dad naghahanap ng magiging yaya sa anak niya na iniwan ng kanyang asawa. Sa isipin na makapag-aral ulit si Celle, sinunggaban niya ang alok ng lalaki na magiging yaya sa anak nito at may malaking pasahod. Sa araw-araw nilang magkasama sa mansyon. Unti-unting nahuhulog ang damdamin niya sa kanyang amo na malaki ang agwat ng estado ng pamumuhay. Ngunit hindi niya kayang balewalain ng malakas na karisma nito na nagpapawala sa sarili niyang katinuan sa tuwing ito ay lumalapit. Ngunit ano na ang gagawin niya dahil bumalik na ang dating asawa ng kanyang amo na hanggang ngayon mahal pa rin nito ang babae. Hanggang saan siya kayang dalhin ng kanyang lihim na pagmamahal sa gwapo niyang amo? Bakit ngayon pa na naisuko na niya ang kanyang pinakaiingatan?
Read
You May Also Like
 BILLIONAIRE SERIES Hiding Him
BILLIONAIRE SERIES Hiding Him
Romance · Darkshin0415
86.5K views
HIDING THE CEO's HEIRS
HIDING THE CEO's HEIRS
Romance · Margarita
86.5K views
Owning Her (tagalog)
Owning Her (tagalog)
Romance · Raw Ra Quinn
86.1K views
Secret Affair with My Hot Ninong
Secret Affair with My Hot Ninong
Romance · Maria Bonifacia
85.7K views
Ang kanyang maid (TAGLISH)
Ang kanyang maid (TAGLISH)
Romance · Pseudonym
85.6K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status