"No," mariin niyang pagtanggi.
Pakiramdam ni Vincent ay naapakan ang kaniyang ego sa sinabi ng babae. Parang nais iparating ng kaniyang kausap na walang kuwenta ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang asawa at ang lahat ay nabibili ng pera."Oh, come on! $20,000! Take it or leave it?"Parang biglang nanuyo ang lalamunan ni Vincent sa offer ng babae.Malaking halaga na iyon at making karagdagan para sa pampaopera ni Laila ngunit nanaig pa rin ang kaniyang pride. Tumayo siya mula sa pagkakaupo."I already gave you my answer. It's a no. Kung wala ka ng ibang sasabihin, hayaan mo na akong makaalis.""Wait."Tumayo rin si Romana at kinuha ang kaniyang leather long wallet sa loob ng kaniyang bag. Binuksan iyon at hinugot ang isang calling card."Take it. I know na kakailanganin mo ito someday." Nakasulat sa kapirasong bagay na 'yon ang mga detalye ni Romana kung saan siya nagtatrabaho at kung ano ang kaniyang numero.Tinignan lang 'yon ni Vincent. Wala siyang balak na kuhain iyon at isa pa, hindi niya kayang pagtaksilan ang kaniyang asawa. Balak niyang galingan na lang ang pagsayaw sa susunod."Ang taas naman ng pride mo, Vincent. Gipit ka na nga ay pakipot ka pa. Paano ka makakaipon ng pera niyan kung ang kagaya kong maganda, malinis, at mayaman ay tinatanggihan mo pa? Just take it, okay?"Lumapit sa kaniya si Romana at isinilid sa bulsa ng kaniyang maong jeans ang calling card nito. Napaigtad siya nang pasimpleng haplusin nito ang kaniyang pagkalalaki.Inilapit nito ang bibig sa puno ng kaniyang taynga at saka bumulong, "Huwag kang mag-alala, magaling ako. Sigurado ako na makakalimutan mo na ay asawa ka kapag pumayag ka," sabay ang paglandas ng mainit na dila nito sa kaniyang leeg.Kumibot ang kaniyang maselang parte dahil sa ginawa ng babae. Bago pa siya maka-react ay nakaalis na ito. Nang mawala na ito sa kaniyang paningin ay dali-daling nilapitan siya ni Billy."Ano, Bro?! Bakit hindi ka pa sumama?!""Hindi ko ibinebenta ang katawan ko," aniya sa pantay na tinig."Baliw ka ba?! Ano ka, santo? Bro, lalaki ka! Walang mawawala sayo!" giit ni Billy.Hinarap niya ang lalaki. "Hindi ko kayang pagtaksilan ang asawa ko. Huwag mo nang ipilit ang gusto mo!""Pera na naging bato pa! Alam mo puwede mo nang isalba ang misis mo sa perang ibibigay niya sa'yo! Bro, etits lang 'yan! Puwede mong hugasan pagkatapos mong ipasok sa ibang kuweba!"Naisip niya na tama si Billy ngunit hindi niya kayang dagdagan ang hinanakit ni Laila. Baka kapag nalaman pa nito ang kaniyang mga kalokohan ay mas lumala pa ang kalagayan nito.Matapos ang magdamag na trabaho, umuwi na siya sa munti nilang bahay. Nakatanaw ang maputlang asawa niya mula sa bintanang kawayan, marahil ay hinihintay ang kaniyang pagdating. Sumilay ang tipid na ngiti nito pagkakita sa kaniya. Dali-daling tumayo at saka lumabas sa bahay."Vincent!"Ngumiti pabalik ang lalaki. Ginawaran niya ng halik sa labi ang asawa at saka niyakap nang mahigpit. Sinilip niya ang mukha ng asawa at napansin agad ang nangingitim na ilalim ng mga nito."Teka, hindi ka ba nakatulog nang maayos? Ang laki ng eye bags mo, Asawa!""Kasi hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko kapag natutulog. Namimiss kita," ungot nito."Sus! Ako ba talaga ang miss mo o ito!" Inginuso niya ang kaniyang harapan.Humagikhik si Laila sabay hampas sa kaniyang malaking braso."Ang pilyo mo talaga, Asawa!""Halika na nga sa loob! Mag-almusal na tayo!" Inakbayan niya si Laila at saka inalalayan na makapasok sa loob ng bahay.Isang kulay itim na kotse ang naroon sa tapat ng kanilang bahay. Ibinaba ng lulan nito na si Romana ang tinted na bintanang salamin. Sa panonood niya sa mag-asawa, hindi niya mapigilan ang mainggit."Napakasuwerte naman ng babaeng 'yon. Handang gawin ng kaniyang asawa ang lahat para madugtungan ang buhay niya. May tao kayang handang gawin iyon para sa akin?"Gumuhit ang mapait na ngiti sa kaniyang labi pagkatapos niyang maisara ang bintana.Lumaki siya sa isang broken family. Her father left them at sumama sa ibang babae. Isang babae na mayaman at maraming koneksyon. Her mother was came from ordinary family kaya ano naman ang laban nito sa babaeng ipinalit ng kaniyang ama?After that day, she suffered together with her mother. Naging motivation niya ang ginawa ng kaniyang ama para magsumikap na yumaman and she made it until she realized that she's not young anymore.Hindi niya ninais magkaasawa because of the trauma that her father caused. Akala niya ay okay lang kahit walang kasama sa buhay basta may pera until nakilala niya itong Vincent na 'to na isinampal sa kaniya ang katotohanan na malungkot siya dahil mag-isa siya at walang nagmamahal sa kaniya."Nakakatawa. Kailangan ko pang umabot sa ganitong edad para macurious about the feeling of being loved and to be loved."Pinaharurot niya ang kotseng sinasakyan. Takang napasilip naman sa bintana si Vincent nang marinig ang galit na tunog ng makina ng kotseng umalis."Asawa, sinong may-ari ng kotseng 'yon?" tanong niya kay Laila na kasalukuyang kumakain ng pansit na binili niya sa kanto."Hindi ko alam, Asawa. Hindi ko naman napansin kasi wala naman 'yon kanina bago ka dumating."Medyo tago kasi ang lugar na kanilang tinitirahan ni Laila at malalaki ang pagitan ng mga bahay. Bibihira rin ang napapadpad na kotse kaya naman napatanong siya."Sigurado ka, Asawa? Baka may pinapatulog ka na rito sa bahay kapag wala ako, huh?!" pagbibiro niya.Ngumiwi naman si Laila bilang reaksyon sa kaniyang sinabi. "Sa kalagayan ko bang ito ay magloloko pa ako?! Ang swerte ko na kaya sa'yo, Asawa. Bukod sa guwapo na ay masipag pa.""At?" dugtong naman niya."At mabait.""At?" muling tanong niya sa patudyomg tono."At malaki ang etits!""'Yon! Nadali mo, Asawa!"Humalakhak naman si Laila. "Ikaw talaga! Gusto mo palaging pinupuri 'yang hotdog mo!""Bakit? Totoo namang malaki ito ah! Umiiyak ka nga kapag inaangkin kita."Pinandilatan siya ng mga mata ni Laila."Tumigil ka na, Asawa," may pagbabanta sa himig nito.He chuckled and continue to eat his food. Wala talagang kapantay ang saya niya sa tuwing kasama niya si Laila. Si Laila ay tila isang bahagi na ng katawan niya na ayaw niyang mawala kaya naman ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang kahit na ano madugtungan lang ang buhay nito.1.) MATUTONG MAGHINTAY. Hindi kailanman magiging masaya ang taong nanira ng pamilya. Dahil sa mga desisyong hindi pinag-iisipan, kapalit ay mga masasamang pangyayari na di inaasahan.2.) MATUTONG MAKONTENTO. Hindi kailanman naging sapat na dahilan ang problema para ipagpalit mo ang taong mahal mo at lubos ka ring minamahal sa iba. Hindi kailanman matutumbasan ng libog ang wagas na pagmamahal.3.) MONEY IS NOT EVERYTHING. Sa totoong buhay, alam naman natin sa ating mga sarili na pera talaga ang pangunahing pangangailangan para mabuhay. Pero sa story na 'to, siguro naman ay nakuha niyo ang gusto kong iparating. Aanuhin mo ang maraming pera kung mag-isa ka? Pamilya pa rin ang kailangan mo sa kahuli-hulihan.4.) MATUTONG MAGMOVE ON. Kapag inayawan ka, huwag sanang umabot sa puntong ibaba mo sa sukdulan ang sarili mo katulad ng ginawa ni Lalaine. Huwag mong lugmukin ang sarili mo dahil lang iniwan ka ng isang tao. Tumayo ka, lumaban at magpatuloy.5.) HUWAG IPAGPALIT ANG PAMILYA SA PANANDAL
"Hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari. May kasintahan ka na. Ayaw kong makasira ng relasyon sa pangalawang pagkakataon."Nag-iwas siya ng tingin kay Evo. Gustong-gusto man niyang madugtungan ang kanilang nakaraan ay hindi na maaari. Kasuklam-suklam kung mauulit na naman ang kaniyang kamalian."Hindi mo kailangan alalahanin si Thea.""Hindi mo ba talaga maintindihan? Ayaw ko na isang babae na naman ang magdusa nang dahil sa akin! Ganiyan lang ba talaga kadali sa'yo ang magpalit ng girlfriend? Matapos mong pakinabangan ay iiwan mo na lang na parang isang basura?!" nanggagalaiti niyang tanong.Dahil sa lakas ng kaniyang boses ay nagising na umiiyak si Baby Rebecca. Sinubukan niya itong patahanin ngunit hindi ito tumigil. Lumapit si Roman sa kaniya para kuhain ito saglit."Ako na muna ang bahala sa pamangkin ko. Sa palagay ko ay kailangan niyong mag-usap nang maayos."Nang makalabas sa pintuan ang kaniyang kapatid bitbit ang kaniyang anak, nagtaka siya nang i-lock ni Evo ang silid.
"H-Huwag, L-Lalaine! M-Maawa ka! S-Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan noon! G-Gagawin ko ang lahat!"Ngumisi si Lalaine. Muling niyakap nito nang mahigpit ang sanggol. Nag-aapoy ang mga mata nito nang magtama ang kanilang mga paningin."Lahat ay gagawin mo? Tama ba ang narinig, Romana?"Mabilis siyang tumango sa kabila ng panginginig ng kaniyang buong katawan."K-Kahit ano pa 'yan ay ibibigay ko! H-Huwag mo lang kunin sa akin ang pinakamahalagang yaman na mayroon ako!"Taas-noong inangat nito ang hintuturong daliri. Sinundan ng kaniyang mga mata ang galaw ng kamay nito at ganoon na lamang ang kabog ng kaniyang dibdib nang ituro nito ang ibaba ng building."Tumalon ka," patay-emosyong utos nito sa kaniya."A-Ano?" tigalgal niyang tugon.Maging ang dalawang lalaki ay napatuwid sa kani-kanilang kinatatayuan sa hiniling ni Lalaine."Tama na, Lalaine!" pigil ni Tristan sa ipinapagawa nito kay Romana."Bakit? Hindi mo ba kaya?
"R-Romana . . . " Sinubukan ni Evo na hawakan ang kamay nito at ihayag ang katotohanan na ang lahat ay palabas lamang ngunit pinahinto siya ng isang malakas na sampal sa mukha.Ramdam niya ang hapdi sa kaniyang balat ngunit para sa kaniya ay balewala lang ang sakit na 'yon kumpara sa sakit na nararamdaman ngayon ni Romana na idinulot niya."A-Akala ko maiintindihan mo ako . . . B-Binigo mo ako . . . A-Ayaw na kitang makita pa, E-Evo Xylon. M-Mas pinahihirapan mo lang ako sa tuwing ipinapakita mo 'yang mukha mo. Umalis ka na!"Nagbaba siya ng tingin. Nawala sa isip niya na sobrang bigat ng pinagdaraanan ng babae ngunit sa halip na damayan ito ay mas pinili niyang lumayo.Marahang tinapik ni Roman ang kaniyang balikat. "Sige na, man. Ako na ang bahala sa kapatid ko. Maraming salamat sa paghatid mo sa amin."Nanlalata na tinungo niya ang pintuan papalabas ng bahay. All this time, ang gusto niya lang naman ay ang maranasang ipaglaban ng taong mahal niya ngunit hindi niya akalain na sa gin
"Kitty! H-Hanapin natin si Baby Rebecca! H-Hindi siya pwedeng mawala!" nag-he-hysterical na sabi niya sa kasama.Para siyang mababaliw sa mga oras na 'yon. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ng mga tao sa paligid kahit na halos maglupasay na siya sa sahig sa takot sa maaaring mangyari sa baby."Ma'am, relax lang po. Hihingi tayo ng tulong."May agad namang rumesponde sa pinangyarihan ng krimen. Lumapit ang isa sa mga security guard ng establismentong 'yon upang usisain ang nangyari. Ang isang staff naman ay tumawag na ng otoridad na mag-ha-handle ng kaso.Kitty even contacted Roman, hindi na niya kasi makuhang mag-isip nang matino."Hello, Kitty?" sagot ni Roman mula sa kabilang linya."S-Sir . . ." pautal-utal na sambit nito, hindi maitago ang takot sa tinig.Nangunot ang noo ni Roman. "May problema ba?"Maging ang kasama niyang si Evo ay nahinto saa ginagawa. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiards sa lugar ng kaniyang kaibigan."Ano? Sige! Diyan lang kayo! Papunta na
Tumawa siya nang hilaw, she couldn't believe that he would bring up that topic out of the blue."Masama ba na yakapin ka? We used to do more than that, didn't we?" nanlalaki ang mga matang balik-tanong niya sa dating kasintahan."So, you are still head over heels in love with me?" Ngumisi ito sabay himas sa detalyadong panga na animo'y guwapong-guwapo sa sarili.She laughed sarcastically, "Ang kapal naman ng mukha!" pasaring niya.Naputol lang ang pagtatalo na 'yon nang padaskol na tumayo ang bugnuting doktor mula sa pagkakaupo nito, si Roman naman ay nakatanga lamang sa kanila. Palipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo."Dang! Annoying," Tyrone broke into their argument."Aalis na ako rito bago pa ako ang tuluyang mabaliw dahil sa dalawang 'to," dagdag pa nito bago dismayadong umalis.Nakita niyang sinundan pa ito ni Kitty sa 'di malamang dahilan."Ang mabuti pa ay umuwi ka na rin, man. I'll tell the driver to drop you off. Bukas na lang tayo mag-usap," suhestiyon ni Roman."Good id