Voiceless Love: Lorenzo Valdezco

Voiceless Love: Lorenzo Valdezco

last updateLast Updated : 2026-10-29
By:  LavenderPenUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
18views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa mata ng marami, isang kasalanan ang mahalin ni Amanda Elizalde si Lorenzo Valdezco higit sa kapatid. Ito lang naman ang nag-iisang anak ng bagong asawa ng kanyang ina. Bunsod ng isang matinding trauma sa nakaraan, pikit-mata at piping tinanggap ni Enzo ang mundo nang mag-isa. Ngunit nang makilala niya si Ada, muling nahanap ng binata ang liwanag ng mundo at ang kanyang tinig. Ang buong akala nila ay ang pagiging magkapatid sa batas ang pinakamalaking hadlang sa kanilang pag-ibig, subalit hindi iyon ang plano ng malupit na mundo. Sa gitna ng hagupit at walang katapusan na pagmamalupit ng mga pagsubok, ang isa't-isa ang naging sandalan nila. Subalit kung kailan naman tila umaayon na ang lahat, saka pa bibitaw ang isa sa kanila. May naghihintay kayang masayang wakas sa dalawa? Hanggang saan nila kayang ilaban ang nararamdaman nang hindi nasasaktan?

View More

Chapter 1

Prologue

Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin magawang ihakbang ni Ada ang kanyang mga paa papasok ng kanilang lumang tahanan. Kanina pa siya nakatayo sa harap ng gate ng kanilang lumang bahay. Hindi niya mapigilan na humapdi ang bawat sulok ng kanyang mga mata sa alaalang hatid ng lugar na iyon noong kanyang kabataan. Ilang taon na ang lumipas, pero naroon pa rin ang masalimuot na kanyang pinagdaanan. Hindi magawa iyong matakpan ng ilang libong magagandang pangyayari sa buhay niya.

“Pasok na sa loob, Ada…” kumbinsi ng babae sa kanyang sarili na humigpit na ang hawak sa strap ng kanyang dalang sling bag, makikita pa rin ang trauma sa mga mata.

Gamit ang nangangatal na mga daliri sa kamay, tinulak ng dalaga ang gate na nagbigay ng munting ingit. Bagong pagawa niya ang gate noon, pinatanggal niya ang kalawang. Mabagal niyang hinila ang kanyang mga paa upang tuluyang makapasok sa loob.  Halimuyak ng mabangong amoy ng mga bulaklak ng kalachuchi sa loob sa bakuran ang sumalubong sa butas ng kanyang ilong. Muli siyang natigilan sa kanyang paghakbang.

“Dapat pala bago ako pumunta, pinalinis ko muna ang buong bakuran.” ana ng dalaga sa sarili na nililibot na ang paningin sa bakuran na noon ay malawak nilang playground.

Malago na ang bermuda grass na kanilang itinanim noong may libre silang oras habang nag-aaral. Patuloy sa pamumulaklak ang mga puno ng kalachuchi na bahagyang tumaas na rin. Ang iba pang sanga noon ay nabali dala ng malakas na hangin. Nagkalat at nakalatag ang mga tuyong bulaklak at dahon nito sa loob ng bakuran. Mataas na rin ang mga puno ng fruit trees lalo na ang sampalok na itinanim nila noon ni Enzo. Namumulaklak ito na dinarayo ng maraming mga bubuyog. Ang mabanggit ang pangalan ni Enzo, naramdaman ni Ada ang libo-libong kutsilyo na bumabaon sa dibdib.

“Ang tagal na, pero bakit ang sakit pa rin?” tanong niya sa kawalan gamit ang pumiyok na boses, “Akala ko ba time will heal all wounds? Bakit iyong dulot niya, sariwa pa rin?”

Hindi na napigilan ni Ada ang mabilis na pagbagsak ng kanyang mga luha na hindi niya na napigilan. Suminghot siya, ngunit tuloy-tuloy pa rin ang patak noon na parang bugso ng malakas na ulan. Napahawak na siya sa kanyang dibdib upang haplusin lang iyon. Hindi iyon nakatulong, bagkus ay patuloy pa rin ang pagsakit ng kanyang dibdib noon.

“Ang daya mo pa rin, Enzo. Nangako ka sa akin noon na hindi mo ako iiwan, pero nasaan ka ngayon? Sinungaling ka! Hindi mo tinupad ang mga pangako mo sa akin!” 

Walang pakundangan na napa-squat na ng upo si Ada. Sinapo na ang kanyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay. Patuloy na lumandas ang kanyang mga luha. Marahil ay dahil matagal na siyang hindi umiiyak kung kaya naman noon lang nakabwelo ang mga iyon. Noon lang muli naging malaya ang kanyang mga luhang matagal na pinipigil.

“Ada, is that really you?!” matinis ang boses na sigaw ni Iza, nakapameywang na sa labas ng gate. “Sabi ko na nga ba uuwi ka dito eh!” bulalas pa nitong pinasaya ang tinig.

Pinapasok na ng kaibigan ang kanyang sarili sa gate hindi pa man ni Ada iniimbitahan. Tumayo naman si Ada at mabilis na pinalis ang kanyang mga luha. Batid niyang huli na iyon at nakita na naman ng kaibigan niya ang breakdown, sanay na doon ang kaibigan.

“Hindi ba sabi ko sa’yo kapag pupunta ka dito, sasabihan mo ako?” 

Hindi pa man nakakasagot si Ada ay mahigpit na siyang binigyan ng yakap ni Iza na halatang sabik sa kanyang presensya. Hindi naman siya tinulak ni Ada na tahimik lang.

“Hey?” kalas ni Iza ng yakap na tinulungan na siyang palisin ang kanyang mga luha sa magkabilang pisngi, “Ang tanda na natin, crybaby ka pa rin.” tumawa pa ito ng mahina.

Mariing kinagat ni Ada ang kanyang pang-ibabang labi, paniguradong kapag muli siyang nagsalita tiyak na babaha na naman ang panibagong batch ng mga luha niya.

“Tahan na, gusto mo bang sabayan pa kitang umiyak—” 

Naputol ang sasabihin ni Iza nang biglang mahigpit siyang yakapin ni Ada. 

“Pahingi ng lakas. Lobat na naman ako.” pumipiyok ang tinig na pahayag ni Ada. 

Hindi na muling nagsalita si Iza, hinayaan na lang niyang yakapin siya ni Ada. Hinaplos niya ang likod ng ulo ng kaibigan, bumaba ang kamay niya sa likod nito lalo na nang marinig niya ang mahinang pagsinghot ni Ada. Ito lang ang tanging mabibigay niya dito.

“Ano? Okay ka na ba?” 

Marahang itinango ni Ada ang kanyang ulo pagkaraan ng ilang minuto at tinanggal niya ang yakap. Tinitigan na ang mukha ng kaibigan gamit ang namumula niyang mga mata. 

“Ikaw talaga…” pindot pa ni Iza sa dulo ng ilong ni Ada, medyo nagiging emosyonal na.

“Tara na sa loob, Iza.”

Akmang hihilahin na siya ni Ada nang pigilan ni Iza. 

“Sandali, kumain ka na ba?” 

“Hmm, kumain ako bago pumunta dito.”

Sa kabilang bayan na nakatira si Ada. Minsan na lang siya kung bumisita sa lugar na unti-unti ng nade-develop. Iyong dating malawak na palayan noon, nagsulputan na ang maraming kabahayan. Sa unang tingin, parang bago na ang lahat sa paglipas ng taon. Nagtayo ang dalaga ng bake shop at pastry shop sa naturang bayan, nasundan iyon ng mga cafe at nag-expand sa mga restaurant. Local lang na high-end tapsihan madalas. Sa paglipas ng mga taon, pinalad na makilala kaya naman kumalat na ang mga branch.

Amané Tapsi

Amané Cafe

Amané Bakery

Iyon ang mga pangalan ng negosyong pinapalakad ni Ada na hango sa pangalan niya. Sumisimbolo naman ang letrang e sa simula ng tawag niya sa lalaking labis na minahal.

“Oo, kumain na ako bago pumunta dito.”

Pinanliitan si Ada ng mga mata ni Iza. Sinundan na iyon ng paghangod ng tingin.

“Are you sure? Bakit parang mas pumayat ka? Tell me, may boyfriend ka na ba?”

Pilit na natawa si Ada. Alam niyang sinasabi lang iyon ni Iza upang aliwin siya. 

“Sira ka ba? Hindi ba at malinaw ko ng sinabi na hindi ako mag-aasawa?”

Si Iza naman ang malakas na tumawa. Umismid ang babae, humawak sa kamay niya.

“Malay ko bang nagbago bigla ang isip mo? Hindi mo masasabi ang panahon, Ada…”

Mariing iniiling ni Ada ang kanyang ulo. May isa siyang pangako. Hindi siya mag-aasawa. Mananatili siyang single hanggang sa muling pagkikita nila ni Lorenzo.

“No, may isa akong salita. Kapag ipinangako ko, tiyak tutuparin ko gaano pa katagal.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status