Napanaginipan ko na isa raw akong hero sa isang historical setting. Marami raw akong mga nailigtas na mga mamamayan dahil sa martial arts skills ko. Takot daw ang mga Gokturks sa akin at maraming mga refugees at mga prinsesa ang naging kaibigan ko. Matindi ang bakbakan sa gabing iyon. Marami silang mga dinala ko sa ligtas na lugar. Akala ko ay tapos na ang pagrescue ko sa kanila. Pero may isa pa palang tao ang nanghihina na dahil sa matinding usok at nag-aalab na apoy na winawasak sa kaniyang opisina. Kinailangan ko siyang akapin gamit ang kaliwang kamay ko habang bitbit ang sandata ko sa kanan. Tumalon kami patungo sa tuktok ng pavilion. Tumingin ako sa lalaking ito na isa palang iskolar ng imperyo. Mas lalo siyang natakot dahil natanaw niya ang lalim ng pagitan ng pinagkakatayuan namin mula sa lupa. Mas lalo pa siyang kumapit sa akin kaya sinabi kong ayos lang ang lahat.Pero sa lahat ng maaari niyang sabihin ay ganito lang, “May exam tayo bukas.”Gulat akong napamulat kasi nasa kal
Parang kung sinong ibang tao si Yuhan nang dinaanan niya lang kami. Pero bakit parang ako lang naiinis? Itong si Ian, binanatan pa itong katamtamang height ko na kesyo ay sa liit ko raw kumpara kay Yuhan ay talagang di ako pasok sa vision niya. But I’m not buying any of his teasing today. Inagahan ko pa ang paggising tapos ganito lang.“Ba’t ka naman ganiyan makatitig? Chill ka lang. Hindi naman ‘to katapusan ng friendship natin sa kaniya ah,” seryosong tugon ni Ian sa akin.Kitang-kita sa mga mata ni Ian na kahit siya nagulumihanan din sa ginawa ni Yuhan. Sa amin pa namang dalawa, siya itong malakas humila ng komedya at sa parehong pagkakataon ay ang pinakanaaapektohan. Nang minsan kaming nag-away ni Ian at hindi nagkapansinan, inamin niyang siya itong hindi mapalagay na ilang araw na kaming hindi nagkabati. Kaya kahit kaunting hindi pagkakaunawaan ay kaagad na naming nilulutas.“At huwag ka nang mag-imagine diyan ng kung ano-ano. Subukan natin ulit mamaya na lapitan siya.”Napanatag
Youth, itself, is wonderful. It is a candid grace generously given to children, filling them with hope, lessons, and experiences. It has its own beauty in an unknown time. It is when tears become meaningful. It is the threshold to quest for the meaning of life. The time rolling in this stage is once again meeting love in different faces and intentions. The comradeship keeps blooming and earnestly growing between circumstances and challenges. Past the rays of the blazing sun, bathing in sweat and dust, while Amber's face and neck had some tips of grasses attached, she keeps dribbling the soccer ball. Her fierce eyes are blazing before her opponent as she runs for the ball. As she received it from an anxious opponent, she advanced with a turning kick. Her favorite word, goal, is shouted throughout the field and spectators. The general triumphant noise was roared. She threw a superman ceremony while shouting her word. Their team won. Holding the me
"When one is young, he is often exposed to diverse dreams."---Minsan ko nang nabanggit kay papa na naguguluhan ako sa kung ano nga ba ang gusto kong makamit sa buhay. Kaya noong tinanong kami ni Ma'am Sally kung ano nga ba ang pangarap namin ay isa lamang ang namamayani sa isipan ko. Ang maging isang war strategist. Isinulat ko kaagad ang pangarap kong propesyon sa index card na binigay ng class adviser sa amin. Nakaguhit ang ngiti sa mga labi ko habang lumalapit ako sa teacher upang ipasa ang card.Maayos kaming lahat na nakaupo habang pinapanood ang adviser na binabasa ang mga card. Tiningnan niya ako nang matapos mabunot ang sa akin."Amber, sigurado ka ba rito?" tanong ni Ma'am Sally sa akin."Opo," tugon ko matapos tumayo. "Pangarap ko po ang maging isang war strategist upang masigurong mananalo po ang kampo na aking pinagsisilbihan.""Ang weird ng gusto mo. Bakit pa giyera?" tanong naman ng kaklase ko na parang nadismaya sa sagot.
Yuhan Go, marinig ko pa lang ang pangalan niya ay napapabuntong hininga na ako. Halos lahat kasi ng boys sa school namin ay marunong sa basketball at maaasahan sa anumang palaro. Pero kahit na matangkad siya ay mapapapikit ka na lang dahil hindi niya magawang i-shoot ang bola. Hindi marunong magdribble at mas lalong mahina sa depensa. Matangkad si Yuhan ngunit sinabayan naman ito ng pagkapayat niya. Kumpara sa tropa ko ay hindi mapapansin ang kurba sa braso niya –mas malaki pa nga yata ang mga muscles ko kay Yuhan. Tahimik din siya at saka mailap. May kaibigan naman siyang tinatawag na Anthony pero mahilig umabsent kaya madalas kong nakikita si Yuhan na mag-isa.Kahit hindi ko kaklase si Yuhan ay kabisado ko na ang ugali niya. Ayaw niya ng chicken wings at ayaw niya rin ng green peas. May mga pagkakataon ding inaalis niya ang mga carrot at bell pepper sa plato niya. Hindi naman nawawala ang suka bilang sawsawan sa kainan niya. Hindi siya mahilig sa juice at soda kaya tu
Kapag tapos na ang klase ay madalas kaming dumideretso ni Ian sa paglalaro ng basketball sa loob ng village namin. Pero gusto ko sanang kumustahin si Yuhan. Sinubukan ko siyang matingnan mula sa bintana ng classroom namin ngunit hindi ko siya mahagilap."Maglalaro kami mamaya nina Thomas, sama ka?" Si Thomas ang isa sa mga kalaro namin ni Ian sa basketball. Kapitbahay lang din ni Ian si Thomas kaya madalas silang naglalaro sa basketball court malapit sa block nila. Madalas ko silang nakalalaro tuwing summer at kung wala kaming training ni Papa sa Sanda."Hindi muna siguro," tugon ko habang tumitingin sa mga naunang naglalakad sa amin. Baka hindi pa nakalalayo si Yuhan."Bakit? Wala namang nalalapit na exam at assignment ah?" Halos magtagpo na ang mga kilay ni Ian habang hinihintay ang tugon ko. "Masakit ba tiyan mo?" Pag-aalala pa niya."Ayaw ko lang munang maglaro ngayon. Gusto ko munang umuwi nang maaga," sabi ko at ngumiti sa kaniya. "Sa su
Lunes na at wala pa ring siguradong desisyon si Ian kung sasali siya sa peer lecture. Kahit na ganoon ay ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aapply. Maaga akong nagising at nagawa pang magjogging sa bakuran namin. Tumigil lamang ako nang sinabi ni Papa na tinatawag ako ni Ian mula sa telepono."Ano?" sabi ko at inaasahan nang sasabihin niyang ako na lang mag-isa ang aapply."Sasali na ako sa peer lecture," desidido niyang tugon."Talaga? Baka napilitan ka lang?" paninigurado ko."Totoo, napilitan nga ako. Pero paano kung matanggap ka at maassign sa Class A? Sasali lang ako para maprotektahan ka mula sa kanila," seryoso niyang pahayag kaya napangiti ako."Kaya ko man ang sarili ko ay natuwa ako sa sinabi mo. Sabi na nga bang hindi mo ako matitiis!" sabi ko at humalakhak."At saka syempre, gusto ko rin ng 3k allowance. Hindi ko hahayaang ikaw lang mag-isa ang nagbubunyi na may pera. Ayaw kong magmukhang alipin sa tabi mo," dagdag niya kaya m
Matapos ang afternoon class namin ay nagmadali kaming pumunta ni Ian sa gym kung saan ay nagpa-practice ang basketball seniors.Pagmamaktol pa ni Ian na ako lang daw ang nagmamadali at hinihila ko lang daw siya sa kung ano ang gusto ko. Kahit na ganoon, ay alam ko namang nais ring sumama ni Ian. Pagdating pa lang namin ay ang paglalaro kaagad ng basketball ang kaniyang inatupag.Samantala, lumapit ako sa pwesto nina Kuya Mav, Kuya Ashton, at Kuya Daryll. Ang tatlong paborito kong kuya ay may isang taon na lang bago grumaduate sa high school at tumuloy sa kolehiyo. Pumasa silaentrance exam sa Willoughby Sports University. Dahil sa galing nila ay may scholarship na sila. Dagdag pa ng kanilang pagiging student athlete ang pagiging honor students nila. Talaga nga namang nakamamangha ang mga kuya ko."Amber, gusto mong maglaro?" tanong ni Kuya Daryllhabang nagdi-dribble."Hindi po kuya. May itatanong lang sana kami ni Ian," sabi ko habang binubuksan