Share

Chapter 14: What Kind of Friendship

Parang kung sinong ibang tao si Yuhan nang dinaanan niya lang kami. Pero bakit parang ako lang naiinis? Itong si Ian, binanatan pa itong katamtamang height ko na kesyo ay sa liit ko raw kumpara kay Yuhan ay talagang di ako pasok sa vision niya. But I’m not buying any of his teasing today. Inagahan ko pa ang paggising tapos ganito lang.

“Ba’t ka naman ganiyan makatitig? Chill ka lang. Hindi naman ‘to katapusan ng friendship natin sa kaniya ah,” seryosong tugon ni Ian sa akin.

Kitang-kita sa mga mata ni Ian na kahit siya nagulumihanan din sa ginawa ni Yuhan. Sa amin pa namang dalawa, siya itong malakas humila ng komedya at sa parehong pagkakataon ay ang pinakanaaapektohan. Nang minsan kaming nag-away ni Ian at hindi nagkapansinan, inamin niyang siya itong hindi mapalagay na ilang araw na kaming hindi nagkabati. Kaya kahit kaunting hindi pagkakaunawaan ay kaagad na naming nilulutas.

“At huwag ka nang mag-imagine diyan ng kung ano-ano. Subukan natin ulit mamaya na lapitan siya.”

Napanatag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status