Share

Chapter 9: Dance Youth

Kung masaya ang umaga ay malungkot daw ang hapon -- na sana'y hindi naman. Kasi sapat ba itong sabihing dahilan kung bakit nakasimangot si Yuhan? 

Niyaya kami ni Ian sa bahay nila dahil may mga padala raw na mga regalo at chocolates ang Tita niyang nakabase sa Basel. Bahagya namang ngumiti si Yuhan nang binahagian siya ng ilang pirasong chocolates. Kung tutuusin, mas marami pa ang kaniya kesa sa akin.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Yuhan. "Kanina ka pa kasi nakasimangot." Nakatulala lamang kasi siya habang nakatitig sa apoy kung saan ay nagbabarbeque ang mama ni Ian. “Tungkol ba yan sa school? Sa nalalapit na Quiz Bee o sa klase niyo?” sunod-sunod kong tanong habang mas lalong lumalapit sa kaniya. Umiiwas naman siya kada lapit ko.

“Paano naman makasasagot si Yuhan niyan kung sinisingitan mo siya?” sabat ni Ian at pinilit pa akong umusog sa dulo ng swinging chair.

“Ano ka ba, Ian? Hindi na tayo kasya,” sabi ko pero tumalima na rin sa paggalaw. In the end, I slouched just to give him space. Nakasimangot akong tumingin kay Ian. Ngunit sa pagtawag sa akin ni Yuhan ay ngumiti na lang ako. Buti na lang talaga at may tagapamagitan sa amin ni Ian. Kung hindi ay magsisimula na naman kami ng banghayan dito sa bahay niya.

“Anong ganap niyo sa PE?” tanong niya sa akin.

“Western Dances. Waltz…to be precise,” sagot ko at inakbayan si Ian. “Siya partner ko.”

“Hindi naman halata na palagi tayong nakatali sa isa’t isa ano?” pag-uuyam ni Ian.

Ganoon nga palagi ang takbo ng ugnayan namin ni Ian lalo na kung tungkol sa class performance. Sa tuwing hinayaan lang kaming mamili ng makakasama namin ay si Ian kaagad ang nasa listahan ko. Pero minsan ay may pagkachoosy --thoughtful naman itong si Ian. Kapag napapansin niya na may ibang kaklase kami na walang kapartner ay mas pinipili niya na lang itong kasama. In the end, ay parang ako itong napag-iiwanan --pero in a good way naman. Sa school year na ito ay nasisiguro ko naman na kami na talaga ni Ian ang partner sa dance performance kasi even number ang kabuoan ng class population namin. Walang maiiwang magsosolo.

“Buti pa kayong dalawa,” saad ni Yuhan.

“Bakit naman?”

“May partners na kayo. Hindi niyo na aaksayahin ang oras niyong maghanap. Samantalang ako eh naghahanap pa rin hanggang ngayon.”

“Imposible namang wala kang makapartner,” komento ko na siya namang totoo. Sa dance performance, napakaimportante ng mga lalaki to the point na wala na silang alalahanin kung sino ang makakasama nila. Mayroon at mayroong ilalaan sa kanilang kasamahan kasi mas malaki ang proporsyon ng mga babae kumpara sa mga lalaki.

“Posible yun.  Bukod sa hindi even ang population namin ay maraming ayaw akong makasama.”

“Talaga? Sa pagkakaalam ko ay sila rin itong atat kang makasama kung academics na ang pag-uusapan? Balimbing ba? O play safe lang?” komento naman ni Ian.

Totoo, pagdating sa mga dance performance ay nasusubok talaga ang tunay na samahan. Minsan ay natatabla rin ang mga estudyanteng naangat sa academics. Sa kaso ni Yuhan, ay nahuhuli siya sa mga pinipiling makasasama kasi ganoon na rin siguro at hindi nila nakikitang kaya rin ni Yuhang makipagsabayan sa mga dance performance. Sa pag-aakala nilang genius lang si Yuhan at nalilimitahan ng mga artistic skills ay ayaw na nila itong makasama at baka madamay ang grado nila. Nakikita ko na. Kahit ayaw pang ipaliwanag sa akin ni Yuhan ang sitwasyon ay naiintindihan ko kung bakit humantong sa ganoon. Bilang kaibigan niya, siguro ay may magagawa naman ako --sana nga lang.

Wala akong ibang iniisip magdamag kun’di ang magplano kung paano tutulungan si Yuhan. Nagbitaw lang ako ng salita na tutulungan ko siya. Hindi man niya mawari kung sa paanong paraan ko siya matutulungan ay tumango naman sabay tugon na handa siyang makinig sa kung ano ang suhestyon ko. Pero nag-umaga na at wala pa rin akong naiisip. Nasa gym na kami kasi pinatawag kami ng PE teacher ngunit ang isip ko ay tila naiwan pa rin sa study room ko at patuloy na nagpaplano para kay Yuhan.

“Bakit may Class A din dito? Don’t tell me maglalaro na naman tayo kasama sila?” komento ni Cheska na nakatayo sa likuran ko.

Lumingon ako upang masiguro na ako ang kinakausap niya. Nag-uusap pala sina Cheska at Rica. Mukhang may kaunting agwat lang siguro sa amin ni Cheska at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kinakausap. Sa totoo lang ay gusto ko ring tumugon sa kaniya. Gusto ko siyang kombinsihin na wala namang problema kung ipagsama kami sa Class A para sa paglalaro ng volleyball.

“Mas enjoy nga ‘yun, hindi ba? Mas gaganahan tayong maglaro,” tugon ni Rica at pinatunog  pa ang kaniyang mga daliri. “Ipapakita natin sa Class A na mas magaling tayo sa kanila.”

Madalas na ganito nga ang tagpo ng Class A at Class B sa tuwing ipinagsasama kami. Mapayapa naman kung ipagsama-sama kami sa ibang mga subjects. Ngunit ibang usapan na ang PE. Mayroon at mayroong mangyayaring kompetisyon sa larangan ng laro. Naliliban naman ako sa tuwing may laro kasi ako ang ginagawang referee. Sa ngalan daw ng patas na laban ay hindi pinalalaro ang mga may sports experience na.

Hindi pa natapos ang usapan ng dalawa ay dumating na ang PE teacher namin na si Miss Madrigal. Kung binibiro ba naman kami ng tadhana ay malapit pala na magkaibigan ang PE teacher namin at ng Class A. Nagdesisyon ang dalawa na ipagsama na naman ang Class A at B para sa dance performance. Limitado lang kasi ang paggamit sa performance hall kung kaya ipagsasabay na lang dalawang klase para hindi maaksaya ang panahon at budget sa paggamit sa hall.

“Ma’am, paano po ‘yan at nakapili na po kami ng partners? Maiiba po ba?” tanong ng isa sa mga Class A students.

“No, hindi na kailangan. It is for the convenience na lang to those na wala pang partner. You can pair up with the other section but for those na meron na, you can just proceed on practicing your dance,” sabi ng Class A PE Teacher na si Miss Saliente.

Sa sitwasyon ding iyon ay nakaisip na ako ng paraan kung paano magkakaroon ng partner si Yuhan. Iisa lang din naman kasi ang patutunguhan kahit ipagsama pa ang dalawang sections. May matitira pa ring walang kapartner.

Habang hinahayaan kami ng mga class teachers na maglaro at magpractice ay lumapit ako kay Miss Madrigal. Nais ko ngang isangguni ang naiisip kong plano.

“Napakathoughtful mo naman to do that Amber. Ayos naman ang naiisip mo. Payag ako. But the question is, kaya mo ba? Dalawa ang performance ang gagawin mo. To be fair, magiging fifty-fifty ang pagcalculate ng performance grade mo. One with Ian, the other is with Yuhan.”

“Okay lang po yun sa akin. By pair po kasi itong dance performance at hindi by group. Ayaw ko namang hayaan ang kaibigan ko na hindi makapag-ensayo at makapagsayaw,” paliwanag ko kay Miss Madrigal.

Hindi man kami malapit sa isa’t isa ay biglang hinawakan ni Miss Madrigal ang mga balikat ko. Bakas sa mukha niya ang tuwa at ang planong tila nagpainspire pa sa kaniya para sa araw ng practicum.

“If that’s the case, ay magiging masquerade ang theme ng dance performance ninyo. Hindi na kailangang magcomment ang classmates mo about that at makapagfocus ang mga judges sa inyong performance mismo.” Miss Madrigal sounded like she’s revealing a classified trade secret to me. Mahina lang ang boses niya at sapat lang na marinig namin ni Miss Saliente. Sumang-ayon din si Miss Saliente sa plano niya. Sa ganoong transaksyon ay napapayag ko nga ang mga guro na maging kapartner din si Yuhan. Ibinahagi ko kaagad kina Ian at Yuhan ang naging plano namin.

“Talaga? Wala na akong magiging alalahanin sa makakapartner ko?” natutuwang tugon ni Yuhan.

“Oo. Ako na rin ang magiging partner mo. Sabay-sabay tayong matututo at mag-eensayo para sa practicum.”

“Sa tingin ko ay napakalaking bagay din nito sa mga teachers natin. Wala pa akong nakikitang ganito kalaking paghahanda para sa practicum,” komento naman ni Ian.

“Kaya nga. If we do our part better, then we are already helping them,” sabi ko at ngumiti. “Okay lang naman sa iyo na sabayan ko rin si Yuhan sa pagsasayaw, hindi ba?” Naninigurado lang ako at baka may iba pa pala siyang plano.

Tumango si Ian. Akala ko ay nagtitipid lang siyang tumugon pero may iniisip din pala siya. “Alam niyo, pwede tayong mag-ensayo doon sa amin. May space ang ate ko doon na ginagamit niya sa pagsasayaw.”

“Dance room ni Ate Maureen?” Walang kapatid si Ian pero pinsan, meron. Sa pagkakaalam ko ay matagal nang nag-abroad si Ate Maureen para ipagpatuloy ang pagkuha niya ng master’s degree sa development studies. Naiwang bakante ang dance at study room ni Ate Maureen sa bahay nina Ian.

“Oo. Siguro kahit nandoon siya sa Australia ay pwede tayong tumawag sa kaniya para magpatulong.”

Tumango ako sa mungkahi ni Ian. Napansin kong nakangiti na si Yuhan. Hindi na kagaya kagabi na akala mo ay hindi nabigyan ng mataas na marka sa project niya.

Lumipas nga ang araw na iyon na tinuloy namin ang planong pag-ensayo kina Ian. Hindi ko maipaliwanag pero kahit na nakakapagod ang pagpractice ay ginanahan pa akong magsulat tungkol sa nangyari kanina. Madalang lang akong magsulat sa diary pero kung gaganahan ay akala mong magsusulat na ng nobela. Ganoon na nga  at tinuloy ko ang pagsalaysay sa nangyari.

“Though we may seem as having baby steps in the path that is meant to be meandered, each of us have orchestrated our movements to the box steps of Waltz. I’m not among the audience and I understood that my dance with Yuhan is yet far from elegant.  Challenge waits along the way and I felt Yuhan’s frame is tensed to shattering confidence. But I have convinced him to not worry, to enjoy the dance, to glide with the rules of music and move with the rhythm of Waltz. Meanwhile, with Ian, it was a little chaotic. Both of us would argue our way, then ended up our hours for concluding the basic steps. By the second time we tried again, it got better, or at least the beholder will be convinced that we had attended a European dance class for a day. Nevertheless, dancing with Yuhan was for a better cause and dancing with Ian was a basic preference in our years long of friendship. I just hope that we will be ready for that performance day.”

Katulad ng ngiti na nakita ko kay Yuhan kanina ay sa ganoong paraan ko rin tiningnan ang langit. Wala akong pag-aalinlangan para sa performance day. Sana ganoon din si Yuhan, walang alalahanin habang tinatahak ang bawat hakbang at paggalaw, batay sa musika, batay sa damdamin, para matanghal ang Waltz hindi lamang dahil sa grades kun’di sa isang karanasan na kakaiba kumpara sa mga nagdaan. Isang karanasan na magpapawi sa mga pag-iisa niya sa tuwing kinakalimutan siya at tinatanggihan ng iba niyang mga kaklase.

“Tulog na,” nagawa pa ni Ian na tumawag sa akin para sabihin lang yun.

“Mamaya na. May iniisip pa ako.”

“Patulogin mo naman si Yuhan. Kakaisip mo sa kaniya ay baka hindi na yun makatulog.”

Paano naman nalaman ni Ian na iniisip ko ang isang yun.

“May bukas pa para isipin siya. Sige na.”

Bago pa man ako matugon ay binaba na niya ang tawag. Gusto ko sanang dumipensa na wala namang ibig sabihin itong mga iniisip ko. Pero baka asarin niya lang ako. Knowing Ian, he won’t last a day without teasing me.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status