Share

CHAPTER 49

CHAPTER 49

ZHEN GUI FEI

"Niangniang, nandito po si Baturu Chang Zai," wika ni Ying Gugu.

Napabuntong-hininga ako. "Papasukin mo siya."

"Niangniang," bati sa'kin ni Baturu Chang Zai pagkapasok at sandaling tumungo. Binigyan naman siya ni Ying Gugu ng mauupuan.

"Gugu, maaari mo ba kaming iwan sandali?" Magalang niyang tanong dito.

Tumingin naman sa'kin si Ying Gugu upang humingi ng sagot. Tumango naman ako at sumenyas na maaari niya kaming iwan. Pagkaalis niya ay sumunod ding umalis ang iba pang mga tagapaglingkod.

"Ano na?" Asik niya. "Nakapagdesisyon ka na ba?"

"Sabi ko na nga ba't 'yan na naman ang dahilan kung ba't ka nandito."

"Magdadalawang linggo na simula nang mamatay ang empress," wika niya. "'Di ka pa rin nakakapagdesisyon?"

"'Di gan'on kadali magdesisyon," tugon ko. "Lalo na't ang buhay ng emperor ang pinag-uusapan natin dito."

"Mahal mo pa ba siya?"

"Hindi sa gan'on–"

"Kung gan'on ay anong pumipigil sa'yo?" Tugon niya. "Ayaw mo pa bang matapos ang kwentong 'to? 'Di ka pa ba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status