Share

KABANATA 19.2 — PAGEANT

Nag-aalangan ngunit walang magawa si Spencer kun'di sumunod sa babaeng patungo sa dressing room ng mga lalaking contestant ngayon.

"Ellice, wait lang" pagpapahinto nito sa kasama.

"Hm?! Bakit? May problema ba?" nag-aalalang tanong nito.

"Ahh wala naman. Ako na lang ang papasok baka hinihintay kana sa dressing room ng mga babae." sambit ni Spencer na nakapagpagaan ng loob ni Ellice.

"Hay salamat! Akala ko nagbagong isip mo eh!" malalim na buntong ni Ellice nang marinig ang tinuran ni Spencer.

Sa isip ng binata ay kung pwede lang sanang umurong ay ginawa na niya ngunit nahihiya siya sa kaibigan dahil naka Oo na siya rito.

"Magandang idea 'yan. Okay, mauna na ako. Ikaw ng bahala kay Aaron ha?!" 

"Sige Ellice. Ako nang bahala." sagot ni Spencer at pinipilit ang pagngiti. 

Haba
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status