Erica
"Bakit ba mas gusto mo ang maglakad? May kotse naman ako, pwede naman tayong sumakay nalang pero mas pinili mo ang mapagod." Palatak nito habang naglalakad kami at halata mong napapagod na siya, paano ba namang hindi eh naka high heels pa ito. Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa sa loob ko ngunit naaawa naman.
Ipinaiwan ko kasi sa parking ng aming opisina ang kanyang kotse. Sinabi ko na maglalakad lamang kami para naman maiba.
"Ilang kilometro pa ba ang lalakarin natin para lang makauwi sa inyo?!" Dagdag pa niya atsaka naupo sa nakitang bench sa gilid ng kalsada bago ito napapahimas sa kanyang legs, na halatang nangangalay na sa paglakad.
Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ito. "Ang arte mo naman! Eh halos sampung minuto palang tayong naglalakad ha!" Saway ko sa kanya bago napa cross arms.
Hindi ako nito pinansin, sa halip
PearlNakatulala ako sa kawalan habang nagkakape rito sa veranda ng aking kuwarto. Pinagmamasdan ang bawat pag sayaw ng mga punong kahoy na makikita sa may unahan. Umaga na naman, pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Ilang araw na akong walang maayos na tulog dahil sa pag-aalala.Nag-aalala na baka sa pagkakataong ito ay muli na naman akong ipagtabuyan ng aking ama. Gusto ko lang naman siyang matulungan, gusto kong magpaka-anak sa kanya. Gusto kong hindi na ito mahirapan sa pagpapatakbo ng kompanya. Gusto ko lang naman na mag pahinga na siya at ipaubaya na nito ang lahat sa akin dahil kahit babae ako, hinding-hindi ko siya bibiguin.I want to be the best daughter to him, and I wish he could see that now. All I want is to have a daughter and father relationship like everyone else. Habang hindi pa huli ang lahat sa amin ni daddy, habang nabubuhay pa siya sa mundong ito. Habang mayroon pa akong pagkakataon na magawa ang
PearlNagising ako kinabukasan na wala na si Erica sa aking tabi. Maaga raw kasi itong umalis ang sabi ni Gary. Hindi man lamang niya ako ginising, o kahit na magpaalam sa akin. Hmp! Nagtatampo na wika ko sa aking sarili.Tumanggi rin daw ito na ihatid ni Gary dahil marami pa siyang kailangang daanan. At saan naman kaya siya pupunta sa ganitong mga oras? Masyado pa kayang maaga para mamasyal o lumakwatsa ano? Pero hindi ko naman ito masisisi dahil buong araw niya akong sinamahan dito sa bahay kahapon. Buong maghapon lang naman po kaming nagkulong sa loob ng aking kuwarto. At hindi niya ako iniwan ng hindi muling ngumingiti at tumatawa.Today is Friday, so after I had breakfast I also got ready for going to work. I know a lot of paper works await me that needs to be signed. And I have a lot of emails that need to be answered now and appointments that I canceled several times with my secretary.
EricaMalagkit ang mga tingin na tinignan ako ni Pearl bago kami tuluyang na upo rito sa isang bakanteng lamesa, na mayroong dalawang magkaharap na upuan.Nandito kami ngayon sa restaurant ng resort ng kaibigan ni mama. Madalas akong dalhin dito ng aking mga magulang tuwing summer kaya ang ilang staff rito ay kilala na ako.Ngayon lamang namin naisipan ni Pearl ang lumabas para kumain dahil mas inuna pa ang...alam niyo na 'yun. Medyo mahapdi pa nga ang ibabang parte ng aking katawan dahil sa ilang beses na may nangyari.Napa pikit ako ng biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking balat, naka suot lamang kasi ako ngayon ng sleeveless at isang maong short-shorts. Mabuti na lamang din at walang kahit anong bakas nito ang naiwan sa aking katawan.Masyadong nakaka relax ang paligid, dahil bukod sa napaka ganda na ng ambiance eh mayroon pang li
PearlHindi ko maalis ang aking mga mata sa mukha ng aking ama. Sinusubukan kong basahin ang nasa kanyang isipan pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang itong gustong makipag kita sa akin. Wala akong maisip na ideya.Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Kahit na marami ang pagkain na nakahain sa aming harapan, wala sa amin ang gumagalaw ng mga iyon. Isa pa, hindi rin naman ako nagugutom.May kutob ako na hindi maganda. Alam kong tungkol na naman ito sa T Corporation dahil nagdala pa talaga siya mismo ng kanyang lawyer. Bagay na hinding hindi ko parin ipauubaya sa kanya kahit na anong mangyari. Magmamatigas ako hangga't kaya ko."Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want you to sign this paper." Panimula ng aking ama bago inilapag ng kanyang Attorney ang isang pahina ng papel sa aking harapan."What's this?" Naguguluhan na tanong ko bago k
EricaKinabukasan, nagising na lamang ako ng wala na si Pearl sa aking tabi. Sinubukan ko pa itong tignan at hanapin mula sa loob ng aking banyo, pero bigo ako. Tiyak na maaga itong nagising kanina kaya hindi ko na namalayan ang pag-alis niya.Dismayadong napapahinga na lamang ako ng malalim sa aking sarili. Hindi man lamang kami nakapag usap ng maayos kagabi, tapos ngayon naman...inalisan ako ng wala man lamang paalam.Hindi na rin ako nagtagal pa sa paghiga dahil kinailangan ko na rin ang mag handa para sa pag pasok sa trabaho, tiyak na marami naman akong gagawin ngayong araw sa opisina. Kailangan ko ang mag focus at mag ipon ng maraming lakas para sa buong maghapon.Habang naliligo, hindi ko maiwasan ang hindi muling mapa isip. Alam kong nahihirapan na si Pearl, alam kong napaka bigat na ng mga pinagdadaaanan niya nitong mga nakaraang araw. Alam ko 'yun at nararamdaman ko. Pero bakit
Pearl"What the hell did you tell her?!" Galit at nanginginig ang boses na singhal ko kay Rachel noong makabalik ako sa aking opisina. I tried to chase Erica but I failed.Hindi dapat ito nangyayari ngayon. I didn't mean to hurt her. But fuck! Hindi ko mapigilan na paulit-ulit na mapamura sa aking sarili.Her eyes were cold as she looked at me before smirking."What? I just told her the truth. That I am your wife." Nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib habang pumaparoon at pa rito. At galit na muling tinignan si Rachel sa kanyang mukha.Kinamumuhian ko siya."No, Rachel. We are done for a long time! So, please? Go back to where you came from because you will never win me back!" Sabay pahid ko sa luhang pumatak sa aking pisngi.Hindi kasi mawala sa aking isipan si Erica. Hindi ko alam kung saan siya pupunta ngayon. Sin
"The saddest part about life is when the person you made the most memories becomes a memory."EricaNamumugto at nanlalalim ang mga mata, ang palaging bumubungad sa akin bago matulog at sa pag gising sa umaga. Inaamin kong nahihirapan na ako. Hindi ako sanay na hindi nag sesend ng kahit na anong messages para kay Pearl. Hindi rin ako sanay na hindi ito nakakausap, pero sa tingin ko, mas mabuti na muna sa ngayon ang ganito.Pero siya...bawat minuto na lang yata at oras, mayroong text message sa akin. Makikita ko na lang din minsan, mayroon na akong natanggap na missed calls mula sa kanya. Pero paulit-ulit ko iyong iniiwasan, paulit-ulit ko parin siyang iniiwasan kahit na sa trabaho.Isang linggo na ngayon ang nakalilipas simula noong huling beses ko siyang makita, mahawakan at mayakap. Namimiss ko na siya, sobra! Namimis ko na ang mga pang-aasar niya, ang mga pag ngisi niya, iyong mga ta
Erica*After 8 months*My life is never been easy without Pearl. Siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay, naging sandalan at naging pader sa mga pagsubok. Ngayong wala na siya, at alam kong hindi na babalik pa, mas lalong naging kulang ang buhay ko.Kahit saan ako lumingon, umaasa akong makikita ito kahit naman na alam kong imposible ng mangyari. Palagi kong hinahanap ang presence niya, nangungulila ako sa pagmamahal na araw-araw nitong ibinubuhos sa akin. Hindi madali ang bawat araw sa loob ng walong buwan. Hindi madaling magising sa umaga na paulit-ulit akong sinasampal ng katotohanang wala na si Pearl sa akin.Bawat ala-ala naming dalawa baon ko kahit saan man ako mag punta. Ano man ang ginagawa ko, siya ang palaging tumatakbo sa isipan ko, walang oras at mga araw na hindi ko siya iniisip. Bagay na mas lalo lamang akong nahihirapan. Himala nga at buhay pa ako hanggang ngayon dahil sa kalungkutan.Masakit parin,