Erica
Inaantok pa at halos naka pikit pa ang aking mga mata habang naglalakad patungong kusina. Hindi ko alam pero para yata akong tatrangkasuhin dahil pati sa aking katawan ay may nararamdaman akong masakit.
"Good morning Prinsesa namin!" Bati ng aking ina habang naghahain ng sinangag na kanin at hotdog sa ibabaw ng lamesa.
"Good morning ho." Sabay hikab na pagbati ko rin sa kanila.
"Nak, ang laki naman yata ng pimples mo sa ilong. Sino yan?" Agad na komento ng aking ama noong maka upo ako sa upuan bago nangalumbaba.
Kunot noo naman na agad akong napahawak sa aking ilong. Oo nga ano? Medyo masakit nga ito at malaki.
"Anong sino ho yan?" Ganti na tanong ko naman dito atsaka kumuha na ng aking plato, bago nag lagay na rin ng kanin at ulam sa aking pinggan.
"Ang ibig sabihin ng papa mo, may boylet kana ba? Aba'y kailangan ipakilala mo na sa amin yan." Singit naman ni mama habang pumapapak ng hotdog.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapa irap dahil sa sinabi nito.
"Oo nga anak. Pogi ba yan? Kailangan makilala namin---"
"Ma, pa. Pwede ho ba wag kayong malisyoso at malisyosa diyan dahil pimples lang yan." Saway ko sa mga ito at tuluyan na ngang napasubo ng dalawang beses sa aking bunganga. Gusto ko ng madaliin ang pagkain dahil tiyak na hindi sila titigil.
"Eh bakit defensive ka?" May panunukso na tanong naman ng aking ina habang tinititigan ang aking mukha.
"H-Hindi ako defensive, mama naman eh!" Reklamo ko pa.
"At mukhang blooming din. Para nitong mga nakaraang araw lang daig mo pa ang pinagsakluban ng langit at lupa." Muling bigkas ng aking ama habang ngumunguya pa. Dahil doon ay naalala ko na naman si Karl at Joanne. Ang aga-aga bakit silang dalawa naman ang agad na pumasok sa aking isipan? Nasisira ang araw ko. Hays!
Padabog na napatayo ako mula sa aking upuan.
"Oh, saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos sa pagkain." Saway sa akin ni mama ngunit hindi ko siya pinansin.
"Oo nga." Pag sang-ayon naman ni papa. Binigyan ko sila pareho ng isang malawak na ngiti bago tuluyang tumalikod na.
"Maliligo na 'ho ako. Malalate na ako sa trabaho." Nagmamadaling paalam ko sa mga ito.
Pagdating sa aking kuwarto, frustrated na napaharap ako sa salamin. At oo nga! Doon ko lamang nakita na ang laki nga pala talaga ng tigyawat ko sa ilong.
Paano naman ako nagkaroon nito? Hindi kasi ako madalas magka tigyawat. At kung magkaroon man, hindi naman ganito kalaki.
Hays! Buong gabi ba naman kasi ako hindi patulugin ng magandang mukha ni Ms. Torres! At isa pa itong problema ko sa kanya, hanggang ngayon hindi parin nawawala ang kakaibang kiliti na nararamdaman ko sa aking sikmura sa tuwing naaalala ko siya.
"Hays! Erica." Sabi ko sa aking sarili habang nakaharap parin sa salamin at tinitignan ng maigi ang aking mukha.
"Straight ka. Okay?" Paalala ko. "Straight ka, straight kaaaaaa!!!!!" Paulit-ulit ko iyong sinasabi hanggang sa tuluyan na akong magpasya na maligo na dahil baka ako'y malate pa ng tuluyan.
--------
Pagbaba kong muli sa sala, wala na ang aking mga magulang. Nakaalis na ang mga ito at nagtext na lang sa akin na mag commute nalang daw ako dahil pati sila ay malalate na.
Walang nagawa na napabuga ako ng hangin sa ere. Ano pa nga bang magagawa ko? Magtataxi nalang siguro ako para mas mabilis.
Habang nag-aabang ng masasakyan, bigla na lamang may huminto na itim na kotse sa aking harapan.
Ang bastos naman nito, kita naman na may tao. Sabi ko sa aking isipan at naglakad ng konti sa may unahan upang doon muling pumwesto.
Ngunit wala pang ilang segundo nang sumunod ang kotse at muli na namang huminto sa aking harapan.
Nananadya ba ito?
Nauubusan ng pasensya na napatingin ako sa pag bukas ng pintuan mula sa driver seat at iniluwa noon ang isang matipuno at matangkad na lalaki. Para siyang isang character sa pelikula na konting pagkakamali mo lamang ay sasapakin ka na niya. Ngunit nakikita ko na hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa.
"Good morning Ms. Jimenez." Sandaling napa tingin ako sa paligid bago muling ibinalik ang mga mata rito.
"A-Ako ba ang kinakausap mo?" Naguguluhan na tanong ko rito. "Kilala mo ako?" Dagdag ko pa. Mabilis itong napatango sa akin.
"Yes, ma'am." Sagot nito. "I'm Garry." Pagpapakilala pa nito sa akin. "Pinapasundo ho kayo ni Ms. Pearl, ipagmamaneho ko kayo papuntang office."
Napakurap ako ng maraming beses bago muling nagsalita. "Ibig mo bang sabihin, Pearl as in Pearl Torres?" Natango ito at napa ngiti. "Pearl Torres of T Corporation ba kamo kuya?"
Hahaha. Ang kulit ko ano? Mamaya kasi kidnapper pala itong taong ito, edi na tigwak ako. Kawawa naman ang mga magulang ko ano? Wala silang kamalay-malay. Pero teka...bakit naman ako ipapasundo ni Ms. Torres?
Noon ko lamang muling naalala ang nangyaring kaganapan kahapon. Oh no! Hindi puwede.
"Ehem!" Pagtikhim ko. "Magtataxi nalang ako." Sabi kay Garry. "Paki sabi kay Ms. Torres, salamat dahil nag mabuting loob siya."
Awtomatiko naman itong napakamot sa kanyang batok.
"Eh ma'am, kapag hindi po kayo sumama, mapipilitan siyang tanggalin ako sa trabaho. Ayoko ko hong mawalan ng trabaho ma'am." Pakiusap ni Garry. Hindi ko mapigilan ang hindi mapanganga.
"Ano?! Sinabi niya 'yun?!" Sigaw ko upang pagtinginan kami ng ibang taong dumaraan. Napahilamos ako ng aking palad sa mukha. Konsensya ko pa kapag nawalan ito ng trabaho. Nakakainis naman bakit kasi kailangan pang maging ganito ka komplikado?
Mabilis ang mga hakbang na lumapit ako sa kotse. Habang si Garry naman ay naka tingin lamang sa akin.
"Ano pang hinihintay mo, halika na!" Sabi ko sa kanya na agad naman niyang sinunod.
"Salamat ma'am." Pagpapasalamat nito sa akin habang binabaybay na ang daan. Napa ngiti ako. At least alam ko sa sarili kong nakatulong ako.
"Wala 'yun. Alam ko naman na kailangan mo ang trabaho na ito. Ayaw ko lang na mawalan ka ng trabaho dahil sa pagmamatigas ko." Tugon ko naman rito.
"Actually ma'am, kayo ho ang kauna-unahan na ipinasundo ni Ms. Pearl. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya naging ganito."
Awtomatiko naman na nang init ang aking mukha dahil sa sinabi ni Garry. Hindi na lamang din ako nagsalita o nagbigay ng komento.
Ano ba kasi ang gustong mangyari ni Ms. Torres? Masyado na niyang ginugulo ang aking isipan.
-------
Hindi kaagad ako nakapag lunch break dahil sa mas gusto ko munang tapusin ang mga ginagawa ko. Kaya't iniwan na ako ng aking mga kaibigan at nauna na ang mga ito sa canteen.
Katetext lang sa akin ni Vina na hihintayin nalang daw nila ako para sabay-sabay na kami. Bagay na ikinatuwa ko naman.
Pagdating ko, nagdadaldalan pa ang dalawa at abala sa pagkalikot ng kani-kanilang mga cellphone. Ngunit noong mapadako ang aking paningin sa ibabaw ng lamesa, agad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa dami ng putahi na nakahain rito.
"Magpapa piyesta ba kayo?" Tanong ko sa mga ito. Sabay naman silang nag-angat ng tingin. "O gutom na gutom lang talaga?" May paka sarcastic pa na dagdag ko.
Natawa sila pareho atsaka napatingin mula sa aking likuran kaya naman, agad na napalingon na rin ako sa kung ano man ang tinitignan nila.
"Garry?" Pag banggit ko sa pangalan nito habang mayroon pang hawak na isang bilao ng pansit.
"Oh no." Sabay takip ko sa aking bibig. "Don't tell me, ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito?"
Napa ngiti ito sa akin. "Pinasasabi ni Ms. Pearl, kumain daw kayo ng madami." Wika nito atsaka ako nilampasan bago tuluyang inilapag ang kanyang hawak sa lamesa. Hindi ako kaagad maka imik dahil hanggang ngayon, nagugulantang parin ang aking isipan.
"G-gusto ba niyang tumaba ako?" Hindi makapaniwala na sambit ko sa kanya. Mabilis na tumayo naman si Francis at hinawakan ako sa aking braso.
"Nandito naman kami oh, tutulungan ka naming kumain." Sabay aper nila ni Vina.
Minsan talaga hindi nakakatuwa itong mga kaibigan ko eh. Nakakahiya! Ano nalang ang sasabihin nitong si Garry sa akin? Hays.
Ipinaghila ako ni Garry ng silya. "Gusto ka lang niyang alagaan at masigurado na hindi mo pinababayaran ang iyong sarili." Wika pa nito.
Ngunit hindi ko na siya muling nasagot pa dahil pinandilatan ko ng aking mata ang dalawa, na ngayon ay sumusubo na ng pagkain. Ano pa nga bang magagawa ko?
"Kumain kana girl, hindi ka mabubusog niyan." Panunukso pa ni Vina. Napairap ako atsaka tuluyang kumuha na rin ng pagkain.
Habang kumakain, hindi ko maiwasan ang hindi mapaisip. Magkano kaya ang ginastos niya rito? Baka kasi bigla nalang niyang ikaltas sa sweldo ko, naku! Huwag naman sana, huhulugan ko nalang monthly.
Isa pa itong dalawang kaibigan ko, ayaw paawat ang mga bibig. Pati ba naman sweldo ni Garry gusto rin nilang alamin? Kung malaki raw ba ang bahay ni Ms. Torres, kung may single daw ba siya at marami pang iba. Mga bagay at katanungan na pilit naman na iniiwasang sagutin ni Garry dahil masyado ng personal. Ako 'yung nahihiya kay Garry para sa kanila.
Buong araw na naman tuloy akong hindi makapag concentrate sa trabaho. Naiinis na ako! Kung hindi ko kasi maaalala si Ms. Torres, kukulitin ako ng mga kaibigan ko lalo na kapag tapos na ng mga ito ang kanilang mga ginagawa.
Noong uwian naman na, hindi na ako pumayag pa na ihatid ni Garry sa bahay. Sobrang ang laking abala ko na. Sinabi pa nito na iyon na raw ang magiging trabaho niya ngayon, pero pilit na tinatanggihan ko siya. Sinabi ko na lamang na mag pahinga nalang ito at magcocommute na lamang ako. Mabuti naman at hindi na ito nangulit pa. Hindi na rin ako nakisabay kay Vina at Francis dahil may kanya-kanya rin silang lakad after ng office hours, kung saan man? Hindi ko rin alam.
Sa totoo lang, wala naman akong maraming ginawa ngayong araw. Pero pakiramdam ko, pagod na pagod parin ako. Marahil sa masyado kong pag-iisip.
At kanino naman kaya? Tuyo ng aking isipan.
Ah basta. Sagot ko naman rito.
Pagdating ko sa may kanto, malayo palang natatanaw ko na ang isang itim na sasakyan mula sa labas ng aming bahay. Agad na sinipat ko iyon ng tingin noong nasa tapat na ako nito. Hindi lang siya isang kotse, mahahalata mong mamahalin pa.
Aba! Big time ah. Baka may bisita sila mama nakakahiya naman dahil dadaan na naman ako sa kanilang gitna habang naka upo at nag-uusap ang mga ito sa sala. Hmp.
"Ma, Pa!" Tawag ko sa mga ito habang naglalakad papasok ng bahay. "Kanino hong kotse iyong nasa labas ng bahay----"
"Hi Erica." Hindi ko na naituloy pa ang aking nais sabihin noong magtama ang aming mga mata. Tila ba natuklaw din ako ng ahas dahil bigla na lamang akong pinagpawisan ng malamig.
"M-Ms. Torres, anong ginagawa mo rito?" Kinakabahan at medyo na hihiya rin na tanong ko sa kanya. Awtomatiko na bumalik sa aking isipan ang nangyari sa bar.
Teka...huwag mong sabihin na sinabi nito sa aking mga magulang ang nangyari?! Juice colored Huwag naman sana, parang gusto ko nalang himatayin ngayon din.
Erica "Nagbabasa ka ng ganyan?" Rinig ko na tanong ng isang babae na medyo may katangkaran sa kanyang kaibigan na nasa aking unahan. "Oo naman. Wala namang mali na magbasa ako ng ganitong klase ng libro, hindi ba?" Sagot naman ng isa at mukhang proud pa na ipinakita sa kaibigan ang cover ng libro na kanyang gustong bilhin. Nandito kasi ako ngayon sa National Bookstore, bibili rin sana ng mga libro na pwede kong mabasa dahil sobrang bored na ako sa pamamalagi sa bahay sa tuwing wala kaming lakad ni Pearl. Lalo na ngayon na abala siya sa kabubukas lamang nito na bagong negosyo. Halos hindi na nga kami nag-uusap eh. Pero ayos lang, naiintindihan ko naman na ginagawa lamang niya iyon para sa aming kinabukasan. Ayaw rin kasi nito na mag apply ako sa ibang kompanya ng bagong trabaho. Mas gusto niya ang mamalagi ako sa bahay at literal na maging reyna. Reyna ng katamaran. Tuyo ng aking isipan.
PearlWe traveled for about thirty minutes before we reached the Chapel where my godfather was. He greeted Erica and me warmly and hugged us. I immediately told him our purpose, something he did not object to.Agad na ipinaayos nito ang kanyang mga gamit at masayang binati na kami kaagad ni Erica. Masaya ako, at nagpapasalamat na rin dahil siya ang isa sa mga taong tinanggap ang kung sino ako. Kung baga, pangalawang ama ko na talaga ito. Hindi dahil ninong ko siya, kung hindi dahil sa kabutihang loob na ipinapakita nito sa akin.He will bless our marriage. He is the only witness for this day. The day when Erica and I will never forget.Soon, my godfather started the ceremony. Kahit walang ibang tao ang nandidito ngayon, pakiramdam ko eh pinanonood parin kami ng napakaraming mga mata. Kapwa kami kinakabahan ngunit nag uumapaw naman sa saya ang nararamdaman.Erica and I both held hands in tears of joy. Para laman
PearlNag stay pa kami ni Erica ng ilang araw sa resort. Sinulit namin ang bawat minuto at oras na magkasama, kapalit noong ilang buwan na hindi kami nagkita.Mas lalo ko pa siyang minahal sa ngayon. Mas lalo kong nakikita ang aking future na kasama siya. Every moment I was with her became more exciting.'You give me hope,The strength, the will to keep on;No one else can make me feel this way'Ang piliin na mahalin at makasama si Erica habambuhay, ay ang isa sa bagay na alam kong hindi ko pagsisisihan. At natitiyak kong, panalo na ako. Magmula pa lamang noong unang beses ko siyang makita. Magmula pa lamang noong hinayaan kong mahulog ang aking sarili sa kanya.I would not be a Pearl Torres, without an Erica Jimenez. Kung baga, kulang ang ako kung walang siya. She is like a light and I am the darkness. She is the star and I am the moon. I know nothing is perfect, but for me we are perfect for each other. I need her ev
Erica Wala ng ibang tao ang nasa paligid, kami na lamang dalawa ni Pearl ang naiwan sa pool. Solo na namin ang isa't isa. Wala na si kuyang nagtutugtog ng romantic music, wala ng mga waiter ang naghihintay na matapos kami sa pagkain. Wala na akong ibang naririnig ngayon kung hindi ang malakas na pag tibok ng aking puso, ganoon din kay Pearl dahil yakap ako nito mula sa aking likod habang kapwa kami nakababad sa tubig. Oo, nasa pool na kami ngayon kung saan punong-puno parin ito ng mga petals ng bulaklak. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lamang ito naranasan. At lahat ng iyon ay nang dahil kay Pearl. Walang humpay ang aming kwentuhan at asaran. Iyong tipo na para bang walang awkward na namamagitan sa amin. Iyong para bang hindi kami nagmula sa hiwalayan. Muling bumalik ang sigla na aking nararamdaman noong mga panahon na nagsisimula pa lamang ang aming relasyon. Kitan
EricaIlang linggo nang muli ang nakalilipas simula noong magkausap kami ni Rachel. Simula noong huling beses kong makita si Pearl ng palihim. At sa ilang linggo na iyon, hanggang ngayon ay wala parin akong lakas ng loob na muling magpakita sa kanya, o ang harapin ito.Sa palagay ko sa aming dalawa, ako ang mas naduduwag pa ngayon. Hindi ko kasi alam kung ano ang aking magiging reaksyon kapag nasa harapan ko na itong muli. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Baka bigla na lamang akong maihi sa aking salawal dahil sa sobrang kaba ng nararamdaman. Hay, ewan ko ba!Palagi yata akong napaparanoid sa tuwing lalabas ako ng bahay. Iniisip ko kasi na baka makasalubong ko itong muli ng hindi pa ako handa. O hindi naman kaya ay bigla na lamang itong sumulpot sa aking harapan.Kaya sa halip na maiwan akong mag-isa sa bahay o sumama sa aking mga kaibigan, ay mas pinili ko na lamang ang sama
EricaLimang araw na muli ang nakalipas simula noong makita ko si Pearl sa mall. Pagkatapos noon, walang araw, minuto o oras na hindi ko siya inaabangan. Nag babakasakali na baka biglang magbago ang isip nito at kitain ako kahit na palihim.Pero habang tumatagal at lumilipas ang mga araw, ay unti-unti akong nawawalan ng pag-asa. Hindi ko rin mapigilan na isipin ba baka nga nakapag desisyon na ito ng para sa kanyang sarili. Na baka nga, simula noong una pa lamang ay naguguluhan lamang ito sa kanyang nararamdaman, at ngayon nga ay mas pinipili na nito ang buhay sa piling ng kanyang asawa na si Rachel.Sa tuwing naiisip ko ang mga iyon, hindi mawala sa aking sarili ang matinding pagsisisi. Sana talaga, ipinaglaban ko nalang siya noon. Sana hinayaan ko na lamang na magpatuloy ang meron kami, kahit na alam kong pangalawa lamang ako at isang kabit. Hindi sana umabot sa ganito. Hindi sana ako umabot na araw-araw u
Pearl"Why did you do that?!" Rachel asked me obviously pissed because of what I did."Let's go home. I'm tired already." Biglang nawala sa mood na pagyaya ko sa kanya. Ngunit nananatili parin ang imahe ng mukha ni Erica sa aking isipan. I have never seen her disappointed and hurt like that. I really wanted to hug her, and forget about the plan Rachel and I had, but I'm such a coward so I choose to ignore her.Fuck!Fuck this life!"You know what? Let's go back there and fix this. I can't even look at your face like that. Especially Erica after what you have done." Pangungulit pa nito noong tuluyan na kaming makapasok sa sasakyan."No." Tipid ngunit punong-puno ng awtoridad na pagtatanggi ko. "I am not going back there. Not like this. We have plans so we stick to that." Pagkatapos ay binuhay ko na ang makina ng sasakyan at mabilis iyong pinasiba
Erica*After 8 months*My life is never been easy without Pearl. Siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay, naging sandalan at naging pader sa mga pagsubok. Ngayong wala na siya, at alam kong hindi na babalik pa, mas lalong naging kulang ang buhay ko.Kahit saan ako lumingon, umaasa akong makikita ito kahit naman na alam kong imposible ng mangyari. Palagi kong hinahanap ang presence niya, nangungulila ako sa pagmamahal na araw-araw nitong ibinubuhos sa akin. Hindi madali ang bawat araw sa loob ng walong buwan. Hindi madaling magising sa umaga na paulit-ulit akong sinasampal ng katotohanang wala na si Pearl sa akin.Bawat ala-ala naming dalawa baon ko kahit saan man ako mag punta. Ano man ang ginagawa ko, siya ang palaging tumatakbo sa isipan ko, walang oras at mga araw na hindi ko siya iniisip. Bagay na mas lalo lamang akong nahihirapan. Himala nga at buhay pa ako hanggang ngayon dahil sa kalungkutan.Masakit parin,
"The saddest part about life is when the person you made the most memories becomes a memory."EricaNamumugto at nanlalalim ang mga mata, ang palaging bumubungad sa akin bago matulog at sa pag gising sa umaga. Inaamin kong nahihirapan na ako. Hindi ako sanay na hindi nag sesend ng kahit na anong messages para kay Pearl. Hindi rin ako sanay na hindi ito nakakausap, pero sa tingin ko, mas mabuti na muna sa ngayon ang ganito.Pero siya...bawat minuto na lang yata at oras, mayroong text message sa akin. Makikita ko na lang din minsan, mayroon na akong natanggap na missed calls mula sa kanya. Pero paulit-ulit ko iyong iniiwasan, paulit-ulit ko parin siyang iniiwasan kahit na sa trabaho.Isang linggo na ngayon ang nakalilipas simula noong huling beses ko siyang makita, mahawakan at mayakap. Namimiss ko na siya, sobra! Namimis ko na ang mga pang-aasar niya, ang mga pag ngisi niya, iyong mga ta