Share

Chapter 1

Mika's POV

"Yun oh, so truth or dare?" Tanong ni Anna saken dahil sa direksyon ko huminto ang bote.

"Ahm dare nalang para exciting," sagot ko dahil mamaya kung ano pang itanong nya saken at asarin ako ng mga kaibigan namin.

"Hahaha napaghahalataan ah," tawa ni Jessica at nakatanggap sya ng hampas mula saken.

"So the dare is...." Nagiisip pa si Anna ng ipapagawa nya saken at hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan.

"You see that guy, the one wears a buttom red polo" naglingunan naman kaming lahat sa direksyon ng lalaki na sinabi ni Anna.

"Hingin mo number tas bigay mo saken" lumaki ang aking mata dahil sa sinabi nya.

"Anna!" Sigaw ko ng marealize na gagamitin ako ni Anna para makuha ang number nung lalaki na tinutukoy nya.

"What?! HAHAHA, it's a dare, either you do it or I will be force to ask you a question," natatawang depensa nya na binusangutan ko naman.

"Go miks!" Cheer ni Maia saken.

"Brave girl naman pala,HAHAHA." si Jessica na nakataas pa ang kamay habang chinicheer ako na akala mo sasabak sa laban.

Napilitang akong tumayo pero bago ako maglakad ay lumingon pa muna ako kay Anna, nagbabakasakaling magbabago pa ang isip nya.

Bawat hakbang ko papunta sa lalaking itinuro ni Anna ay hindi ko maiwasang hindi manginig ang tuhod ko, bukod sa nakakahiya ang gagawin ko ay ito ang unang beses na hihingiin ko ang number ng taong hindi ko kakilala.

Nang makalapit ako sa bar counter kung saan sya umiinom habang nakaupo sa isa sa mga stool, umupo naman ako sa bakanteng stool sa tabi nya.

Tumingin ako sa paligid na kunwaring may hinahanap ng mapansin ko sa perephiral vision kong tumingin sya sa gawi ko kaya napabalik ang aking tingin sakanya.

Kinakabahan man ay naglakas loob akong magsalita but when I met his gaze I suddenly couldn't find my voice,my eyes focuse on his nose down to his reddish lips and the next thing I knew was I'm already looking at his well defined jaw.

"Done checking on me?" Napabalik ang tingin ko sa mata nya ng magsalita sya.

"I-uh.....Sorry" I stutter as my system didn't know how to respond dahil hindi pa nagsisink in saken ang ginawa ko.

"It's fine, I'm use to girl's imagining wet thing's in their mind as they look at me" napanganga nalang ako sa sinabi nya at sarkastikong tumawa.

"Hey mister.... I admit that I stared at you for a minute but I am not imagining gross things with you!" His soft chuckles are like a Music to my ears but I convince myself that this hot man infront of me is a rude one.

"If you say so." Sinensyasan nya ang bartender para umorder pa ng tatlong baso ng iniinom nya kaya pinasabay ko na din ang isang basong tubig.

"You don't drink?" Tanong nya saken habang iniikot ikot ang isang baso ng martini sa kamay nya.

"I do, but I need to sobber a little" para kasing umiinit yung buo kong katawan siguro dahil sa napadami yung ininom ko.

Tinanguan nya lang ang sinabi ko at napahawak naman ako sa batok ko ng sundan nang tingin ang adams apple nya na gumalaw nung ininom nya ng isang tungga lang yung laman ng baso nya.

Napatikhim ako ng di oras at iniwas ang tingin sakanya ng dumating na ang tubig na hiningi ko, hindi ko tinigilan hanggang di maubos ang tubig sa baso ko pero walang silbi yun dahil ayaw padin mawala ng init sa katawan ko.

"Hayst, putcha naman," napakamot ako sa buhok ko dahil hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa sitwasyon na toh.

"Something bothering you?" Tanong nya saken at pasimple ko syang sinulyapan.

Huminga muna ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob para kunin ang number nya para makaalis na din ako dito

"Can I get your number?" Deretsong tanong ko sakanya, epekto ata ng alcohol dahil hindi man lang ako na bulol ng sabihin ko yon na parang natural lang na tinanong ko sakanya yun.

Tumawa sya ng malakas at tanginang mga ngiti na yan, hindi ko maalis yung tingin ko sa mapuputi nyang ngipin, bumaba ang mata ko sa adams apple nya na gumagalaw habang tumatawa sya.

Napapikit ako para kontrolin ang sarili ko dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko at pati pangalan at personal information nitong lalaking kaharap ko ay makuha ko na.

Napansin kong nilabas nya ang cellphone nya at may pinindot na kung ano ano don.

"Your phone?" Di ako nagalangan ibigay sakanya ang cellhpone ko na nakalapag sa counter.

Tinignan ko lang sya na magpipindot doon habang nakatitig sa mga ugat sa kamay nya.

"Here, what's your name?" Inabot ko ang cellphone ko na binigay nya at napatingin sakanya ng marinig na tinanong nya kung anong pangalan ko.

"Brielle. and you are?" Aba hindi naman ata pwedeng yung pangalan ko lang ang alam nya, well not my first name dahil second name ko yung Brielle pero mahirap na at hindi ko pa naman kilala ang lalaking toh.

"Alexander..... Alexander Jaze, but I prefer you calling me Jaze" tinanguan ko naman ang sinabi nya at napailing nalang ng dumapo na naman ang tingin ko sa mapupula nyang labi.

"Well thankyou for the number Jaze,see you around" hindi ko na inantay na sumagot pa sya at lakad takbo ang ginawa ko para lang makalayo sakanya.

Hindi naman ako ganto kapag umiinom ah, ano bang nangyayari saken?!

Bumalik na ako sa table namin at hindi na nagabalang lumingon pa doon sa lalaki.

Pagkadating na pagkadating ko sa table namin ay inabot ko kaagad kay Anna ang telepono ko dahil doon nilagay nung lalaki yung number nya.

"Keep it " nanlaki ang mata ko pero hindi ko masyadong pinahalata dahil baka magtaka sya at magtanong pa kung anong pinagusapan namin nung lalaki kanina.

Nagpatuloy lang ang laro namin ng hindi ko namamalayan kung ilang baso naba ang ininom ko, basta ang alam ko lang ay medyo umiikot na ang paningin ko.

                                 ***

"Mag si shi-r lang ako," tinry kong balansehin ang katawan ko ng tumayo ako,narinig ko pa ang boses ni Cole na may kausap sa telepono.

Sya nalang kasi at si Dwight ang natira dito samen dahil nauna na si Nate, pupuntahan daw si Dallie at ichecheck kung maayos bang nakauwi dahil nauna na sila ni Ashii dahil nagkaroon nang hindi pagakakaintindihan kanina, si Sean at Raven naman ay nauna na dahil hindi pa daw nila tapos yung project na ipapasa na nila bukas, si Blake naman ay may pupuntahan daw kaya nauna na.

So kami nalang nila, Jessica, Maia at Anna ang nandito pero si Jessica ay nakahilata na sa sofa dahil lasing na ganun din si Maia na nakasandal na ang ulo sa headboard nung sofa at si Anna pati si Dwight ay hindi ko alam kung saang lupalop na ng mundo.

Napahawak ako sa pader ng bigla akong natapilok, pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad dahil naiihi na ako.

Kaunti nalang at nakikita ko na ang signage na restroom ng biglang may humawak sa bewang ko.

"Miss, do you want to come with me?" Hindi ko alam kung sino sya pero ang masasabi ko lang ay ang baho ng hininga nya, amoy suka na pinaghalong sigarilyo at mas lalo akong nahihilo dahil sa amoy ng hininga nya.

"L-let go o-f mee!" Sinadya kong lakasan ang boses ko dahil kahit lasing ako ay alam ko ang ginagawa ko.

Naramdaman ko ang pwersaang ng paghatak sa lalaki na may hawak sa bewang ko, napahawak pa ako sa pader ng madala ako ng paghatak sakanya.

Tinignan ko ang may gawa non at napatingin sa lalaking magulo ang buhok at nakabukas ang tatlong butones ng dark red na polo nya.

Si Jaze..........

May binulong sya sa lalaki na hindi ko na narinig dahil ang inintindi ko ay ang pagtayo mula sa pagkakaluhod sa sahig dahil sa pagkahatak nya dun sa lalaki.

Pinilit kong kontrolin ang balanse ko para makarating sa loob ng restroom dahil naiihi na talaga ako ng bigla nya akong hinawakan sa may pulusuhan at marahang hinatak pero sapat na para makita ang aking sarili na hawak hawak nya sa mga matigas nyang bisig.

Sure ako na everyday tong nag ji-gym, nang mabalik ako sa wisyo ay lumayo agad ako sakanya pero wrong move ata yun dahil na out of balance ako kaya ang ending ay napahawak sya sa balakang ko habang hawak ko ang laylayan ng polo nya.

"Careful lady," Hindi ko pinansin ang sinabi nya dahil nahihipnostipo ako sa bango ng hininga nya, pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo.

I gently touch his red lips using my thumbs as I bite my lower lip.

"I like your lips," kita ko kung pano sya ngumisi ng sabihin ko yon pero hinawakan nya ang pulsuhan ko para tanggalin ang pagkakahawak ko sa labi nya.

"Let me take you home, I'ts not safe for you here." tinanggal nya ang pagkakahawak sa bewang ko at hinatak ako sa pulsuhan.

"Sandali...iihi muna ako," kanina pa ako naiihi at feeling ko ay puputok na ang pantog ko dahil sa tagal ng eksena na toh.

Dahan dahan nyang binitawan ang pulso ko at iginiya ako papasok sa ladies rest room.

"I'll wait for you here," di ko na sya nilingon at tumakbo na papasok ng banyo.

Naghugas muna ako ng mukha at naghilamos para mahimasmasan ng kaunti.

sinadya kong tagalan ang pamamalago ko sa loob nang resroom, nagbabakasaling maiinip sya at magpagdesisyunan na wag na akong antayin.

Sinilip ko muna kung nandun pa sya sa tapat ng pintuan at wala na sya doon kaya humakbang na ako palabas

Pero pagkatapak na pagkatapak ko sa labas ay may kamay na humatak na naman saken.

"Ang tagal mo," nagulat pa ako ng magtagalog sya pero hindi ko pinahalata.

" Thankyou nga pala.... Kanina, " hindi ko sya agad napasalamatan kanina dahil medyo wala pa ako sa wisyo pero ngayon at medyo sobber na ako.

"Ihahatid na kita sainyo." hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak sa braso ko at tinanggal iyon.

"I have friends waiting for me." tinaasan nya lang ako ng kilay dahil sa sinabi ko.

"You mean Cole?" Napakunot ang noo ko dahil sa binanggit nyang pangalan.

"He's finding you kanina and I told him na you're with me and I'll be the one to drive you home," napalitan ng gulat ang pagkalito ko sa pangyayari.

Umo-o nalang ako sa suggestion nya na ihatid ako dahil hindi ko din naman dala yung bag ko dahil naiwan ko yon sa table namin kaya wala akong choice kung hindi pumayag.

                                  ****

"You're a student?" Tanong nya saken, ininom ko muna ang tubig na binigay nya saken kanina bago sumagot.

"Hmm.... Architecture." tumango tango sya sa sagot ko at finocus ang tingin sa harapan.

"Ikaw?" To ease the boredom ay sinakyan ko nalang din ang trip nya.

"I'm graduated," simpleng sagot nya na ikinagulat ko naman dahil mukang kaidaran lang kaya namin sya.

"Talaga?! Hindi halata ah." tinungga ko na ang natitirang tubig sa bote ko habang inaantay ang sagot nya.

"May girlfriend kana?" Napahawak ako sa bibig ko ng mag sink in saken kung ano yung sinabi ko.

"Woah....Bat mo naman natanong?" Napasulyap sya saken dahil siguro sa gulat na din sa tanong ko pero natanong ko na eh, might as well lubusin ko na.

Minsan talaga may pagka disadvantage tong pagiging straight forward ko na ugali eh.

"Kasi....bakit masama ba?" Tanong ko sakanya na tinawanan nya lang.

"No,but to answer your question, No.I don't have a girlfriend," napatingin ako ng deretsyo sakanya ng may lungkot sa boses nya ng sabihin nya yun.

"Alam mo, wag kang malungkot dahil wala kang girlfriend, ang gwapo mo kaya tas ang bango mo pa, alam mo ba kanina kulang nalang hatakin kita papalapit sakin at sunggaban nang h***k, pero buti nalang nakapagpigil ako." napatakip kaagad ako nang bibig nang ma-realize kung ano yung nasabi ko.

"What I'm trying to say is.....You have everything a women could ever have,I-Im sure you'll find a perfect girl soon," napaiwas ako nang tingin dahil nakatulala lang sya saken at wala akong idea sa kung anong tumatakbo sa isip nya.

Laking pasalamat ko na nag go light na, dahil kung hindi ay malulusaw na ako sa kahihiyan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status