Share

After 3 months

Mika's POV

"Pasok! bukas yan." napatingin ako sa alarm clock na nakalagay sa side table.

4:00 na pala ng hapon at natutulog padin ako, ewan ko ba feeling ko kasi sobrang pagod ko na kahit 10 hours na kong tulog eh inaantok padin ako.

"Hoy! Anong oras na nakahilata kapa din jan?!" Tinakpan ko ng unan ang muka ko para hindi marinig ang malakas na boses ni Jess

"Jess pwede mamaya mo na ko sermunan,inaantok pako eh!" Sigaw ko sakanya sa ilalim ng unan dahil ang lakas talaga ng boses nya at naiirita din ako sa matapang nyang pabango.

"Hoy lokaret baka hindi ka na inform na pinapatawag tayo ng principal kaya magasikaso kana at wag kang kukupad kupad!" napa padyak nalang ako ng wala sa oras dahil inaantok pa talaga ako at isa syang napakalaking istorbo sa tulog ko.

Masama ang tingin ko sakanya habang naglalakad patungong banyo para maligo sana, pero ng madaanan ko sya ay napaawak ako sa ilong ko dahil naamoy ko nanaman yung pabango nya at ang sakit sa ilong.

"Nagiba kaba ng perfume mo?"inamoy nya naman ang colar ng suot nyang polo shirt at nagtatakang tumingin saken.

"Hindi,eto padin yung dati kong pabango na sinabi mong favourite mong scent," hindi ko alam pero ang baho kasi talaga eh.

"Well hindi ko na sya favourite ngayon dahil ang baho nya!" malakas kong sinara ang pinto dahil parang bumabaliktad din ang sikmura ko at gusto kong sumuka.

Agad-agad kong binuksan ang toilet at lumuhod para sumuka, hinawi ko pa ang buhok ko pataas dahiil baka malagyan ng suka, rinig na rinig ag boses ni Jess sa labas at tinatanong ako kung anong nangyari saken.

"Hoy anong nangyayari dyan bakit parang may dumuduwal? okay kalang ba? masama ba pakiramdam mo?" sunod sunod na tanong nya saken na tanong pero hindi ko magawang sagutin sya dahil parang walang katapusan ang pagsuka ko.

Agad akong napatingin sa salamin at kapansin pansin ang pamumutla ng mga labi ko pati na din ang maitim na bahagi ng ibaba ng mata ko, napailing nalang ako at napahimalos ng muka.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako kaagad para magalmusal at naabutan ko pa si Jess na kausap si mommy sa baba, naghinala na ako na sinabi nya ang narinig nyang pagsusuka ko kanina, pagkakita saken ng nanay ko ay napatayo sya at sinalubong ako ng mga tanong.

"Okay kalang ba, Anak? do you need to see a doctor?" ayan na nga ba ng sinasabi ko eh, nilunod na ako sa mga tanong nya.

"Mom,I'm fine Oa  lang talaga yan si Jess, may nakain ata ako kagabi kaya hindi ako natunawan, but I can assure you that I'm fine."

tumango tango naman si mommy na parang na kumbinsi ko sya na hindi na magalala pa saken, house wife ang mommy ko habang ang daddy ko naman ay ang namamahala ng kumpanya nila lola na against sa gusto nya, my parent's both dream to become an architect but they could'nt achieve that dream, siguro kaya din napagdesisyunan kong kunin ay architecture dahil nakikita ko kung pano kagusto ko na magiing isang architect, nung bat ako ay nakikita ko ang mga drawing ni Mommy sa mga buildings sa kwarto nila ni Daddy and I can say that they have the passion pero sadly hindi na nila matutuloy ang pangarap na yon dahil priority nalang nila ngayon ay ako, kaya pinangako ko sa sarili ko na ako ang tutupad ng pangarap nilang dalawa na maging architect para kahit hindi nila natupad yung pangarap nila, that their daughter Achieve their dreams.

"Oh magsabay na kayong kumain,nakahain na doon,pupunta muna ako sa supermarket, ilagay nyo nalang ang mga pinagkainan nyo dyaan, ako na ang maghuhugas." napailing nalang ako sa sinabi ni Mommy, hands on mother kasi sya kaya nga kahit isang katulong ay wala kami dahil gusto nya ay sya mismo ang gagawa nng mga gawaing bahay pati na din magalaga saken, I love my parent's so much.

"hoy tara na! nagugutom na ako kanina pa kakahintay sayo!" hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako kay mommy na na lumabas na at nasa hapagkainan na pala si Jess na ngayon ay binabaliktad na ang plato naming dalawa.

nilagay ko muna ang bag ko sa bakanteng upuan at amoy na amoy ko ang Adobo at kare kare, hindi ko na inantay si Jess na bumalik sa table dahil kumukuha pa ya ng Juice at Cold water sa refrigerator kaya ang tagal nya, kumuha na ako ng sandamakmk na Rice at nilagay sa plato ko, pinagsama ko na din ang Kare kare at adobo sa kabilang side ng plato ko, Wapakels na kahit mag sama yung dalawa, magsasama din naman yan sa sikmura ko.

"Yung totoo pinapagutuman kaba dito? girl parang di ka kumain ng isang linggo sa dami ng nasa plato mo, kaloka ka," hindi ko lang sya pinansin at kumain nalang, sinenyasan ko pa syang kuhaan din ako ng baso tas salinan nya na din ng tubig, sa sobrang puno ng bibig ko ay hindi ko na magawang sabihin sakanya kaya senyas senyas nalang.

Tinatapunan nya lang ako ng nagtatakang tingin kaya kapag nahuhuli ko sya ay sinasamaan ko sya ng tingin, tignan ba naman ako na parang ngayon lang nya ako nakitang kumain, well di ko din naman sya masisi dahil triple ng natural kong kinakain ang dami ng nasa plato ko ngayon, Eh pakielam ba nya eh sa gutom ako eh, actually gutom na gutom, nagtataka nga ako dahil sobrang dami ko na ngang kinain kagabi eh nagugutom padin ako ngayon.

"satisfied" nag burp pa ako kaya sinamaan ako ng tingin ni Jess dahil masyado yang Dalagang pilipina siguro ay dahil din nagiisa syang babae na apo tas nagiisa pang anak, tas parehas doctor pa ang magulang kaya prim and proper sya kumilos na tipong sa sobrang hinhin ay ikaw na ang kikilabutan na demonyohin sya.

"Ewan ko nalang kung magawa mo png magmiryenda sa dami ng kinain mo, Miks naubos mo yung dalawang putahe na pang sampung tao na ang pwedeng kumain, nahiya pa nga akong kumuha eh para kasing kulang pa sayo " inirapan nya pa ako pagkasabi nya non at tinignan ko naman ang nililinis nyang pinagkainan namin, at wala na ngang natira as in maski bagoong ng kare kare ay naubos namin.....ako pala dahil parang ako nga lang ang halos umubos ng lahat.

"hehehe, nagutom kasi ako eh, lilibre nalang kita mamayang miryenda" lumuwa naman ang mga mata nya sa sinabi ko.

"Mag mimiryenda kapa?!" napatakip ako ng tenga sa lakas ng boses nya, minsan talaga nakakalimutan nya ang pagiging mahinhin nya kapag nagiging OA sya eh, kagaya ngayon parang naka kain sya ng microphone eh.

"Paki mo ba? ayaw mo yon ililibre na nga kita eh!" nakangusong sabi ko sakanya dahil truth be told ay parang kulang padin saken yung kinain ko hehehe.

"Hoy Michaela Brielle, magtapat ka nga saken......" napa angat ang tingin ko sakanya at kinakabahan sa magiging tanong nya.

"May bulate kaba ha?! sabihin mo lang at ililibre na kita ng pampurga," parang nabunutan naman ako ng tinik sa lalamunan ng marinig ang kabuuan ng tanong nya.

"Wala, hindi kasi ako kumain kagabi." I lied, baka kasi magisip pa sya ng kung ano ano eh.

"Siguraduhin mo at kakaladkrin taaga kita sa hospital namin pag nagkataon." nakangiting tumango-tango naman ako sakanya.

Naghugas muna kami ng plato at nilinis ang pinagkainan bago sumakay ng kanya kanyang sasakyan para pumunta na sa school, nagpapasalamat talaga ako na may bestfriend ako na katulad ni Jess at may group of friends na katulad ng teammates ko, I couldn't wish for more dahil sila palang ay blessings na saken.

simula nakilala ko si Jess nung first year college namin ay naging mag bestfriends na kami kaagad dahil parehas kami ng mga gusto at nagkakasundo kami sa mga bagay bagay na madalang sa mga magkakaibigan, pero kahit kaibigan ko sya ay may mga bagay padin akong hindi magawang sabihin sakanya.............kagaya nalang ng nangari samen ni..........Jaze, simula nang may mangyari samen nung gabi na yon ay hindi ko na sya nakita pa, mukang kinalimutan nya talaga yung nangyari samen kagaya ng sinabi ko , hindi ko din naman sya masisi dahil ginusto ko din naman talaga na kalimutan ang gabi na yon na may nangyaring hindi namin inaasahan pero aminado akong ginusto ko yun at some point dahil hindi ko alam pero tignan ko palang sya ay parang tinutulak na ng isip ko ang sarili ko sakanya.

pero minsan ay dumaan sa isip ko na pano kaya kung hindi lang one night stand ang nangyari samen at mas pinalalim pa namin ang samahan namin?  manliligaw ko na kaya sya o kaya naman malay mo ay boyfriend ko na sya ngayon,ewan ko...... andami kamsing what if na tumatakbo sa utak ko eh, maybe because he's my first. my first kiss, and more intimate things.

he's also the first guy who makes me drive crazy.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status