Share

I Love The Way It Hurts
I Love The Way It Hurts
Author: Abiissh

Prologue

Mika's POV

"Congratulations, your 3 months pregnant miss lendioza." napalingon ako sa doctora na naka assign saken.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko ng marinig ko yon, magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon.

Kaba dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng pamilya ko kapag nalaman nila na buntis ako at saya dahil binayayaan ako ng supling.

Alam kong posibleng mangyari toh pero hindi ko inaakala na ganto kasaya kapag nalaman mo na merong bata sa sinapupunan mo.

"Sshhhh makakasama sa baby ang stress sige ka." napayakap ako kay Jess na syang sumama saken dito sa hospital para magpacheck up

Simula kasi nung nalaman namin na may laban kami dito sa boracay ay nagsusuka na ako tuwing umaga at nag ke-crave ng ibat ibang weird na combination ng pagkain, nung una ay akala ko normal lang pero nung makita ko si Alzaia na pamangkin ni Ashii ay kakaibang saya ang naramdaman ko na para bang gustong gusto ko syang hawakan.

Nagsuspetsya na si Jess na baka buntis ako ng magsuka na ako sa Airport at magsusungit sa mga teammates namin, nakwento ko kasi ang nangyari samen ni Jaze nung gabi na yon kaya binilihan nya na ako kaganina ng pregnancy test at nung itake ko yun ay positive ang lumabas kaya nagyaya na agad sya na ipa double check ko yun at pumunta na nga kami dito sa Hospital.

Kahit anong alo saken ni Jessica ay ayaw tumigil sa pagtulo ng mga luha ko, Parang ngayon palang ay gusto ko nang bumili ng mga gamit ng anak ko sa sobrang excited sa pagdating nya.

"Okay naman ang baby at malakas ang kapit nya sayo pero iwasan mo padin ang heavy stress at kung maari ay kumain ka ng kumain dahil underweighg ka," pagpapatuloy ni doctora na pinapanood pala kami kanina pa.

"Yes po doc,thankyou po." tinanguan nya lang ang sinabi ni Jessica at nagpaalam na.

Napayuko sakin si Jessica habang inaabot ang tissue saken na kinuha nya sa dala nyang shoulder bag.

"Ipapaalam mo ba sa tatay nyan na nagbunga yung gabi na yon?" Tanong nya saken at napaisip naman ako sa tanong nya saken.

Siguro nga ay dapat sabihin ko din dahil karapatan nyang malaman na dinadala ko ang anak nya, ang anak namin.

Pero natatakot ako na baka hindi nya tanggapin ang bata at sabihing ipalaglag ko ang anak namin, dah in the first place ay mali ang nangyari saming dalawa at hindi namin plinano yun.

"Karapatan nyang malaman na dinadala ko ang Anak nya kaya sasabihin ko padin," pinilit kong ngumiti ng sabihin ko yun kahit na halo halo ang nararamdaman ko sa ideya na sasabihin ko kay Jaze na meron kaming anak. 

Kakayanin ko kayang kasuklaman nya ang Anak namin na dinadala ko dahil sa pagkakamali namin nung gabi na yon.

"Pwede bang paabot nung cellphone ko?" Inabot naman saken ni jessica ang cellphone ko na pinalagay ko sa bag nya.

Hinanap ko sa contacts ko ang pangalan nya at nakita ang pamilyar na deskripsyon.

The guy in red polo ang nilagay nyang pangalan sa contacts ko.

Pinindot ko ang pangalan nya at hindi na nagabala pang palitan yon,tatlong ring lang bago may sumagot.

"Alec speaking" narinig ko ang baritonong boses nya sa kabilang linya.

"Jaze...." Yan ang unang lumabas na salita saken, his name that I scream at that night.

"Who's this?" Nagaalangan pa akong sabihin sakanya ang pangalan ko.

"Brielle" ilang segundo ang lumipas at wala akong narinig na kahit anong tunog sa kabilang linya.

"A-ahm......yes, how may I help you Brielle." napakunot ang noo ko sa tunog ng boses nya. bakit parang inaasahan nya na ata ang tawag ko?

"We need to talk," nilakasan ko na ang loob ko na sabihin sakanya

"About what?" Tanong nya na parang hindi interesado sa sasabihin ko.

Bumuntong hininga ako at kinokontrol ang sarili ko na wag syang sigawan.

"Can we talk about It in person.... It's too important," narinig ko ang malalim nyang hininga sa kabilang linya.

"I'm too busy, so can you Just say It here?" Mukang wala na akong magagawa kung hindi sabihin sakanya dito, para nadin malaman ko ang magiging rekasyon nya at magiging susunod kong plano para samin ng anak ko.

"I....I-am...." I don't heard any sound.

But I was shock to hear the tune of an ended call...... he ended the call before I could say anything.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status