Share

Chapter 27

Mischell's POV

"Tamang-tama ang dating niyo para sa tanghalian, naku natutuwa akong nakasama ka Mitch," saad ni Aling Sol ng makapasok kami sa bahay nila saka naman ako ngumiti rito.

Kung ilalarawan ang bahay nila masasabi kong hindi iyon malaki ngunit malinis ang paligid, simple lang iyon at hindi magara, masikip ang sala ngunit pinatuloy pa rin nila kami at siniguradong kumportable.

"Siya nga pala Mitch ito si Arman ang asawa ko." Pinakilala nito sa akin ang medyo matanda na ring lalaki.

"Hello po, ako po si Mitch happy birthday po."

"Salamat iha, nakita rin kita sa wakas naikuwento ka kasi ni Sol sa akin noong nakaraan ang gandang bata mo naman pala," papuri pa nito sa akin habang nakangiti.

"Naku 'yang mga gan'yang bagay po hindi na dapat sinasabi hahaha," tawa ko pa.

"Hahaha, nakakatuwa kang bata." 

 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status