Napangisi si Paul nang makita ang ginawa ni Timothy. Tumayo siya at tumikhim. "Pare, bilang kaibigan ni Jona ay huwag mo sanag masamain ang sasabihin ko. Ang ginagawa mo ngayon ay hindi yata tama. Harap harapan mong ipinapakita ang pagtataksil mo sa kaibigan ko."Napatingin ang mga naroong kumakain din sa gawi nila Janina dahil sa lakas ng boses ng lalaki. Humigpit ang hawak niya sa braso ni Timothy upang iparating dito na napapahiya siya.Lihim na napangiti si Jona at nagpapasalamat ang tinging ipinukol kay Paul. Ang akala niya kanina ay siya ang lalabas na masama sa paningin ni Timothy dahil may ibang lalaki siyang kasama. Natuwa siya at napapahiya ang babaeng kinaiinisan niya at feeling may karapatan na kay Timothy. Ang sama ng tingin dito ng mga naroon"Alam mo bang sobrang nalungkot ang kaibigan ko kanina at ang sabi mo ay busy ka sa work kaya hindi ka makasama sa pagkain ng lunch. Mabuti na lang ay free ako kaya nasamahan ko siya." Dugtong pa ni Paul."Who are you?" Malamig na
"Pare, puwede tayong mag switch ng upuan upang makatabi mo—""Mind your own business." Aroganteng putol ni Timothy sa pagsasalita ng lalaki.Nagyuko ng ulo si Janina upang itago ang expression sa mukha. Natatawa kasi siya at laging napapahiya si Paul kay Timothy. Gusto na talaga niya ang ugali ng binata at lalong humahanga sa character nito. Nang dumating ang pagkain nila ay inasikaso pa siya nito."Honey—" hindi naituloy ni Jona ang nais nang masalubong ang galit na mga titig ng binata. "Timothy, try this." Mabilis niyang inilagay sa plato ng binata ang karne.Napatingin si Timothy sa plato niya at walang salitang inilayo ang plato sa harapan. Tangkang tatawagin ang waitress upang humingi ng extra plate ngunit pinigilan siya ni Janina.Ipinagpalit ni Janina ang plato nila ng binata upang huwag na itong mag abala pa ng staff. Nilagyan niya rin ng pagkain iyon at masaya siya dahil hindi tinanggihan ng binata.Naphigpit ang hawak ni Jona sa kutsara habang masamang ang tingin kay Jani
Parang natuod si Janina sa kinatayuan at bumilis ang pintig ng puso niya. No, tiyak na pinapainan lang siya ng bitag ng babae. Halos bumaon ang mahaba niyang kuko sa sariling palad upang panatilihing kalmado ang sarili. Hindi siya maaring bumigay at imposible. Tumawa si Jona nang makitang natigilan ang babae. Alam niyang kaunti na lang ay ma confirm niya rin ang tunay na pagkatao ng babae."Me I know who's your cousin at bakit mukhang hindi niya alam na may kambal siyang anak?" Sarakastikong tanong ni Janina nang makabawi.Hindi agad nakasagot si Joan at biglang nabawasan ang confident sa pagkatao ng kaharap."Isa pa pala sa gumugulo sa isipan ko kanina pa. Paano ka nabuntis ni Timothy gayong obvious na hindi ka niya mahal o minahal?" nang aasar niyang tanong pa sa pinsan upang makabawi."Bitch, huwag mong ibahin ang paksa! Kung ano man ang namamagitan sa amin ni Timothy ay labas ka na roon. I'm warning you, layuan mo si Timothy dahil kung hindi ay hindi mo malalaman kung nasaan ang
"Bakit ang tagal mo?" nakaangil na tanong ni Paul kay Jona."Nasaan na sila?" Luminga sa paligid si Jona at hinanap si Timothy. "Umalis na at kasalanan mo! Puro kasi paganda ang inuuna mo!" Inis na tinalikuran na ni Paul ang dalaga at umalis.Mabilis na hinabol ni Jona ang binata at nagbabaka sakali ring maabutan sina Timothy. "Paul, sandali!" Naiinis na tawag niya sa binata nang nasa parking area na sila.Galit na tumigil sa paglalakas si Paul at hinarapa ang dating nobya. "Ang laki ng binayaran ko sa bill dahil hindi binayaran ng gagong iyon. Doblehin mo ang balik sa akin at kailangan ko ng pera!" Pagalit na utos niya kay Jona. Napasimangot si Jona at parang naghihirap na talaga ang lalaki sa pera. Ang dami kasing babaeng kaliwaan at hinayaan na niya ito. Mabuti na lang at nabaling na ang pagmamahal niya kay Timothy. Pagkaalala sa binata ay mahigpit niyang hinawakan ito sa kamay. "Hindi mo ba nakikilala ang babaeng iyon?"Natigilan si Paul at nangunot ang noo habang nakatitig ka
Pagkauwi ni Jona ay naroon na ang bata. Ngunit hindi niya magawa ang gusto dahil nandun din ang tiyahin nito. "Anak nananghalian ka na ba?" Malambing niyang tanong sa bata."Tapos na at never kong pabayaan ang pagkain ng pamangkin ko." Si Mimche ang sumagot sa babae."Ate Minche, pinagsisihan ko na ang ginawa ko noon dahil sa sobrang pagmamahal kay Timothy. Nagbago na po ako kaya sana ay maibalik na natin ang dati nating agandang samahan." Pakiusap ni Jona sa ginang.Sa halip na sagutin si Jona ay inirapan lang ni Minche ang babae. Ang pamangkin ay abala lang sa pagbuo ng puzzles na bago niyang bili para dito.Inis na umalis na si Jona sa harapan ng ginang at baka lumabas ang sungay niya dahil sa katarayan nito. Nagkulong na lang siya sa silid niya at nag browser tungkol kay Janina. Ngunit talagang wala siyang mahabap na dagdag information. Kahit larawan ng batang anak umano nito ay wala siyang makita.Halos ilang oras din ang nasayang niya sa kakahanap ng ebedensya na tama ang hinal
"Daddy, Mommy Janina is not ok. Please help her po!" Mukhang paiyak na ani Trix sa ama nang makita din ang larawan."Trix, hindi mo siya mommy at hindi rin siya obligasyon ng daddy mo." Pagalit na sita ni Jona sa bata at kung wala lang ibang tao ay nabatukan na niya ito."Hindi mo kailangang sabihin sa bata iyan." Pagalit ding sita ni Timothy sa dalaga."Pero—" hindi natuloy ni Jona ang sasabihin at umintrada na naman ang kapatid ng binata "Timothy, ang mabuti pa ay puntahan mo na si Janina at bilhan na rin ng pagkain. Hindi na rin pala niya kasama ang anak niya at nagbakasyon kasama ang kaibigan niya." Utos ni Minche sa kapatid."Ate, kakain na rin po tayo kaya hindi puwedeng umalis si Timothy. Kung nag aalala talaga kayo sa kaniya, tatawagan ko ang kaibigan kong hurse upang—""No, ako na ang pupunta." Putol ni Timothy sa pagsasalita ni Jona at nag aalala na baka si Paul ang kontakin nito."Go, daddy, please take care of Mommy Janina!" Tuwang tuwa na sigaw ni Trix. Pero bigla ring n
"Huwag mo na munang iapak iyang isang paa mo." Dahan dahang ibinaba ni Timothy ang binti ng dalaga at iniwas na ang tingin sa maputi nitong hita. "Thank you. Pasensya na kung hindi kita maikuha ng maiinum mo." Nahihiya siyang ngumiti sa binata."Huwag ka nang mag abala." Tumayo si Timothy saka iginala ang tingin sa paligid. "Dapat ay may kasama ka dito." "Wala naman sigurong manloob dito. Isa pa ay lagi kong nila lock ang pinto."Napabuntong hininga si Timothy ar tumingin sa dalaga. Gusto niya sanang sabihin dito na huwag kampanti lalo na at minsan na itong napahamak noon. "Can I make coffee for myself, if you don't mind?"Mabilis na tumango si Janina sa binata. At itinuro ang mini kitchen niya. Mula sa kinaupuan ay tanaw lang din ang kusina niya at nakikita ang bawat galaw na naroon. Ipinagtimpla na rin ni Timothy ng kape ang dalaga. Nalinis ay organize ang gamit sa kusina nito at maging sa sala. Napatingin siya sa sink at nakitang may karneng nakalabas doon at gulay. Dinala muna
"Sir, dito po ba nakatira si Ms. Janina?" tanong ng delivery boy.Hindi sinagot ni Timothy ang lalaki at tiningnan ang maliit na card na kalakip sa isang bungkos ng bulaklak. "Sorry, wrong deliver. Pakisabi sa sender na huwag na muling magpadala ng bulaklak dito at ibalik mo iyan sa kaniya." Napakamot sa ulo ang lalakibat binigyan pa siya ng malaking halaga upang ibalik ang bulaklak sa sender. "Thank you po, sir, at salamat po sa malaking tips."Tinanguan ni Timothy ang lalaki saka isinara ang pinto."Sino ang kumatok?" tanong ni Janina habang nakatingin sa nakasara nang pinto."Wrong deliver." Walang ganang sagot ni Timothy saka binuhat ang dalaga."Ay!" Nagulat siya sa ginawa ng binata. Napakapit na lang siya sa batok nito upang hindi mahulog. "Huwag ka basta tumanggap ng regalo galing sa delivery at hindi mo alam kung malinis ang intention ng taong nagpadala niyon," aniya sa dalaga saka ibinaba ito sa upuang nasa harap ng lamesa."Salamat at tandaan ko po ang bilin ninyo." Pumal
Umupo si Celso sa tabi ng anak at ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "She's your real mother."Nakahinga nang maluwag si Jason at nagkamali naman pala siya ng iniisip kanina."Almost ten years kaming kasal bago ka dumating sa buhay namin. Ang sabi ng doctor ay maliit ang chance na makabuo kami ng anak dahil laging nakukunan ang mommy mo noon. Naisip kong mag ampon na lang sana noon ngunit ayaw ng mommy mo. Kaya naisip ko na lang naag hired ng surrogate mother."Halos hindi na magawang kumurap ni Jason habang nakikinig sa kuwento ng ama. Mukhang mas madrama ang buhay ng parents kaysa kaniya."Hindi na kami lumayo noon at willing ang katulong namin na siya ang maging surrogate mother dahil mas bata siya kaysa amin at healthy naman. Naging matagumpay ang isinagawa at nabuo ka."Hulaan ko, naging selosa si Mommy?" tanong niya sa ama.Tumango si Celso, "nagkasakit ang mommy mo at hindi ko alam kung bakit nagkaganoon siya nang mag isang taon ka na. Pinagdudahan niya ako na sumisipi
"Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay
"Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na
Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang
Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Celso at napatayo. "What?""Dad, sino po iyan?" tanong ni Felix at hinawakan ito sa kamay."Ang kapatid mo, nasa labas!" Halos takbuhin na ni Celso ang palabas sa silid ng bunsong anak.Inis na naitapon ni Felix ang unan sa sahig. Ang ina ay nasa labas at mukhang iyon ang dahilan kaya hindi pa ito bumabalik."Honey, where are you going?" tanong ni Lucy sa asawa nang makasalubong ito sa hallway."Hindi mo ba alam na nasa labas ang panganay nating anak? Nasaan si Roger?" Pagalit na tanong ni Celso habang patuloy sa paglalakad."What? Hindi ko alam, honey. Ako na ang lalabas at bumalik ka na sa silid ni Felix." Habol ni Lucy sa anak. Parang walang narinig si Celso at patuloy sa paglalakad diritso sa gate.Nang bumukas muli ang ang maliit na pinto sa gate ay saka lang umalis sa kagkasandal sa motor si Jason. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa ginang at ginoo na mukhang naghahabulan o nakipag unahan na makalapit sa kaniya."Anak ko!" Umiiyak na niyakap
"Are you sure na hindi mo kami ipakilala sa tunay mong pamilya?" tanong ni Tyron sa kaibigang si Jason."Hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ako napawalay sa kanila noon. At ayun sa pag imbistiga ko ay matapobre ang pamilya ng aking ama. Ayaw kong magustohan nila ako o tanggapin dahil sa status ng buhay ko ngayon."Nakakaunawang tumango si Tyron at hinawakan sa kanang braso ang kaibigan. "Kahit ano ang mangyari ay narito lang kami."Ngumiti si Jason at hinawakan ng mahigpit sa braso si Tyron. Suwerte ng kaibigan niya at ito ang naging asawa. Maging siya ay ginawang kapamilya. Kaya lang naman niya nahanap ang tunay na pamilya dahil may nagsagawa ng DNA test, kabilang ang lahat ng nanggaling sa bahay ampunan. At ang mga nawalan ng anak ay nakipag cooperate sa naturang organisation. "Jason, alalahanin mong may bagong tayo kanh negosyo at kailangan ka doon." Paalala ni Jesabell sa kaibigan dahil ang asawa niya ang mahirapan kapag wala ito.Muling tumango si Jason at nagpasalamat sa m
"Don’t worry, hindi na nila magugulo pa ang buhay natin. Siguraduhin kong mabubulok siya sa bilanggoan kasama si Paul."I trust you!" Tanging namutawi sa bibig niya at nagpaakay na sa binata pabalik sa silid.Naging maayos ang lahat at lumipas ang ilang araw ay nakalabas na rin ng hospital ang anak niya. Sa bahay nila Timothy na sila tumira pero bumili ito ng bago at mas malaking bahay. Ayaw umano siyang itira sa dating bahay kung saan nanirahan noon si Jona. Nasentensyahan ng twenty years na pagkabilanggo si Jona at maari pang madagdagan sa ibang kaso na ipapatong ni Timothy. Si Paul ay thirty years naman ang itatagal sa bilanggoan. Ang ama ay pinagamot niya pero sa isang nurse ipinaalaga. Napatawad na ni Janina ang ama pero hindi na kaya itong makasama pa. Ang tiyahin ay lumayas at naghanap ng ibang lalaking may pakinabang dito. Ang kasal nila ay naging mabilis ang preperasyon dahil sa tulong ng kapatid ni Timothy at iba pa niyang kaibigan."Congratulations!" Masayang bati ni Jesab
"Prepare ko na ang kasal ninyong dalawa at ang pagpalit ng birth certificate ng mga bata upang kayong dalawa ang legal parents na." Nakangiting lumapit si Minche kanina Janina at hinawakan ito saga kamay."Maraming salamat po, ate!' Niyakap ni Janina ang babae. Hindi na siya nagpakipot pa sa nais mangyari ng pamilya ni Timothy. Nagpasalamat siya dahil kasama na niya ang dalawang anak na napawalay sa kaniya noon. Nalungkot siya para sa batang akala niya ay kaniyang anak. Ilang sandali panay binulabog sila ng ingay mula sa labas ng silid."Janina, lumabas ka riyan at harapin ako!" Sigaw ni Josie at tinutulak ang bantay dahil ayaw siyang papasukin."Dito ka lang at ako na ang haharap sa kaniya," ani Timothy. "No, ako ang hinahanap niya. Tiyak na hindi siya titigil sa panggugulo hangga't hindi ko hinaharap." Pigil ni Janina sa binata at tumayo na.Napabuntong hininga si Timothy at binilin sa kapatid na bantayan muna ang mga anak saka sinundan si Janina."Ano ang kailangan mo?" Pagalit na
Halos manlaki pati ang ulo ni Paul nang makita ang lalaking naka posas at dala ng pulis palapit sa kaniya. Napailing siya at hindi magawang ikurap ang mga mata habang nakatitig sa pinsan niyang doctor. Nanlulumong bumagsak ang mga balikat ni Jona nang makita ang pinsna ni Paul. Kahit alam niyang hawak na ito ni Timothy ay nagulat pa rin siya nang makita ito. Wala na talagang pag asawa na malusutan nila ang kasong isasampa sa kanila ni Timothy. "Fuck, bakit nagpahuli ka?" Singhal ni Paul sa pinsan nang makabawi.Sinamaan lang ng doctor ang pinsan at hindi nagsalita. Ayaw na niyang madagdagan ang maging kaso. Nangako si Timothy na kapag tumayo siyang testigo ay bababa ang sentensya niya at makalabas agad sa kulungan."Ipasok na po sa kulungan ang dalawang iyan at huwag hayaang makalabas." Kausap ni Timothy sa pulis."Hayop ka, kapag hindi mo ako pinalabas dito ay hindi mo na makikita ang isa mo pang anak!" Panakot ni Paul sa lalaki at iyon ang naisip na huling alas."Naibalik ko na sa