"Sino ang kausap mo? Di ba ang sabi ko ay magpahinga ka na?"
Nakagat ni Emily ang ibabang labi at mahamig sa tinig ni Tyron na hindi ito natutuwa sa naabutan kanina. "Sorry, tumawag kasi ang kaibigan ko at kinakamusta ako. "Mula ngayon ay iwasan mo si Jesabell upang hindi na siya magrerebelde." Pag iiba ni Tyron sa usapan. "Sa tingin mo ba ay dahil sa akin kaya niya ginagawa ito sa sarili niya?" Nagtatampong tanong ni Emily. "Pinagseselosan ka niya kaya intindihin mo na lang. Ayaw kong maulit pa ito sa kaniya." "Gusto mo bang umalis na ako sa bahay mo upang hindi na siya magselos?" Hindi nakasagot si Tyron at mukhang pinag iisipan pa ang sinabi ni Emily. Mabilis na bumangon si Emily at tangkang bababa na ng kama ngunit pinigilan ni Tyron. "Where are you going?" "Naging pabigat na ako sa iyo at naging dahilan pa nang kapahamakan ng babaeng mahal mo kaya aalis na ako." Umiiyak na aniya at pilit na kumawala sa hawak ng binata sa braso niya upang mapigilan siya sa pagbaba ng kama. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Nagkamali ka ng iniisip, hindi ka pabigat sa akin at hindi rin kita pinapaalis ng bahay." Niyakap ni Tyron ang dalaga upang tumigil na sa pagpupumiglas. Lihim na napangiti si Emily at ayaw siyang pakawalan ng binata. Hindi siya nito matikis. Pero nang maalala na hindi nito pinabulaanan ang sinabi niyang mahal nito si Jesabell ay napasimangot siya. Para na ring inamin ng binata na mahal nga nito ang babaeng iyon. Humigpit ang yakap niya sa binata at hindi matanggap ang laman ng kaniyang isipan. Pinalipas muna ni Tyron ang ilang minuto bago bumitaw na sa dalaga. Inalalayan niya itong bumalik sa pagkahiga. "Please, dito ka lang." Paglalambing at pakiusap ni Emily sa binata habang hawak ng mahigpit ang isa nitong palad. "Matulog ka na at dito lang ako." Parang napilitang turan ni Tyron. "Thank you!" Nakangiting pumikit na siya. Pero nagkunwari lang siyang natutulog at nilalabanan ang antok. Pinakikiramdaman ang lalaki kung talaga bang tutupad na hindi siya iiwan. Dapat nasa tabi niya lang ito at hindi magkaroon ng chance si Jesabell na masolo ang binata. Hinintay ni Tyron na makalipas ang maraming minuto bago dinukot ang cellphone na nasa bulsa. Tinawagan niya ang kaniyang assistant na siya nag aasikaso sa lahat kapag may pinatrabaho siya. "Sir?" sagot ni Luis mula sa kabilang linya. "Paimbistigahan mo ang nangyari kay Jesabell. Gusto kong mahuli ang taong nanaksak sa kaniya!" Napadaklot sa kubre kama ang kanang kamay ni Emily nang marinig ang utos ni Tyron. Ang buong akala niya ay naniwala na ang binata na si Jesabelle lang ang may gawa na ikinapahamak ng sarili nito. Pilit niyang pinakalma ang sarili. Gumalaw siya at tumagilid ng higa patalikod sa binata. Ayaw niyang makita ng binata ang tinitimpi niyang galit sa lalooban. Napatingin si Tyron kay Emily nang gumalaw ito. Tinapos na niya ang tawag at nilapitan ang dalaga. Sinalat niya ang noo nito at nakahinga siya nang maluwag dahil hindi na ito mainit. Lihim na napangiti si Emily at hindi umalis ang binata. Pero nag aalala pa rin siya. Alam niyang walang ebedensyang iniwan ang nanaksak kay Jesabell, pero hindi pa rin siya mapakali dahil mismong si Tyron ang nagpapaimbistiga. Sa kabilang silid, pinipilit ni Jesabell na makatulog. Nakaalis na si Jason at iyon ang gusto niya. Nilalabanan niya ang takot na nadarama dahil hindi mawala ang nakikitang hawak na patalim ng isang lalaki. Kailangan niyang malampasan ang phobia sa patalim dahil wala nang yayakap sa kaniya upang pawiin ang takot na nadarama. Kusang tumulo ang luha sa mga mata niya at mabilis niyang pinunasan iyon. Paulit-ulit pinaalala sa sarili na walang ibang tutulong sa kaniya kundi ang sarili. Wala na siyang halaga kay Tyron. Hindi na nito inaalala ang sakit niya. "Kaya mo yan!" kausap ni Jesabell sa sarili habang yakap nang mahigpit ang unan at doon kumukuha ng dagdaga lakas ng loob. Ngunit habang tumatagal ay hindi niya ma control ang sarili. Nanginginig na siya at gusto niyang magtago sa dilim upang hindi na nakikita sa isipan ang kumikislap na talim ng kutsilyo. "Miss, are you ok?" tanong ng nurse na kapapasok lang at baabutan ang pasyente na nanginginig. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig ang hindi pamilyar na boses ng isang babae. "Please, stay away from me!" "Miss, nurse po ako at kailangan kong tingnan ang kundisyon mo. May hindi ba maganda kang nararamdaman?" Mahinahon na kausap ng nurse sa dalaga at humakbang palapit dito. "Ahhh, please... go away!" Takot na ibinato niya sa babae ang yakap na unan at nagsumiksuk sa headboard ng kinahigaan habang yakap ang sarili. Naghalo ang takot at pag aalala ng nurse sa pasyente kaya nagmamadali itong lumabas ng silid upang tawagin ang doctor. Tarantang bumaba ng kama si Jesabell at mabilis na pinatay ang ilaw. Nanginginig ang mga tuhod at kamay niya. Wala na siyang makita sa paligid kaya gumapang siya papunta sa ilalim ng kama. Muling isiniksik ang sarili sa isang sulok. Dahil mababa lang ang kama, bumaluktot na lang siya ng higa at pinagkasya ang sarili roon. Kahit papaano ay naiibsan ang takot na nadarama at nawawala sa balintataw ang patalim na hawak ng lalaki kanina. Ayaw niyang makakita ng liwanag o ibang tao kapag nasa ganito siyang stage. Walang ibang nakakaunawa sa kaniya kundi si Tyron lang ngunit ayaw na nito sa kaniya ngayon. Kaya kailangan niyang gamutin ang sarili upang maging normal na ang sariling buhay. Naalimpungatan si Tyron nang may pumasok na nurse. Hindi niya pala namalayang nakatulog siya. Pagtingin niya sa orasang pambisig ay ay may kalahating oras din pala siyang nakatulog. Ang kamay ni Emily ay nakahawak pa rin sa kaniya pero mahimbing na ang tulog. Bigla siyang napatayo nang maalala si Jesabell. "Tyron?" Naalimpungatan din si Emily dahil biglang nawala ang hawak na kamay ng binata. "Silipin ko lang si Jesabell." Pagkasabi niyon ay iniwan na niya ang dalaga. Inis na sumunod na lang ang tingin niya sa binata. Ang nurse na tumitingin sa dextrose niya ay tahimik lang. Nagmamadaling humakbang si Tyron nang makitang may lumabas na dalawang nurse sa room ni Jesabell. Patakbo ang mga ito sa gallway na para bang may hinahanap. Pagbungad niya sa pinto ay nakasalubong niya ang doctor. "May problema po ba, doc?" "Ikaw po ba ang pamilya ng pasyente?" Biglang binundol ng kaba ang dibdib ni Tyron dahil sa tanong ng doctor. Agad niyang tiningnan ang kama at wala roon ang dalaga. "Nasaan ang pasyente dito?" Sa halip ay tanong niya rin sa manggagamot. "Nawawala siya." "What?" Parang nabinging tanong ni Tyron. "Ahm, sir, narito pa siya kanina nang unang pasok ko. Naabutan ko po siyang gising pero mukhang takot at ayaw akong palapitin. Binato niya pa po ako ng unan. Lumabas lang ako upabg tawagin sana ang doctor ngunit pagbalik ko ay patay ang ilaw at wala na siya sa kama." Kabadong paliwang ng nurse sa binata. Ngamamadaling binuksan ni Tyron ang banyo na naroon lang din sa silid sa pag aakala na naroon ang dalaga. Gusto niyang murahin ang sarili, hindi niya naisip na maaring bumalik ang phobia ng dalaga dahil sa nangyari dito. "Huwag kang mag alala at pinahahanap ko na siya sa buong building at siguradong hindi pa siya nakakalayo," ani ng doctor kay Tyron. "Hindi siya lumabas ng silid." Nagtatakang parehong napatingin ang nurse at doctor kay Tyron. Sa halip na magpaliwanag pa ay lumuhod si Tyron sa paanan ng kama at sinilip ang ilalim niyon. And there, hindi nga siya nagkamali ng naisip. Nangyari na ito noong unang buwan ni Jesabell sa poder niya. Mas gusto nitong magtago sa dilim kapag na trigger ang phobia nito sa isang patalim. Halos madurog ang puso niya nang makita ang dalagang nakabaluktot ng higa sa ilalim ng kama. Mabilis siyang gumapang upang maabot ito. Nahirapan pa siya dahil mababa ang kama. Tulog ang dalaga at hindi manlang naramdaman ang paggalaw niya sa katawan nito. Nang mailabas ay maingat niya itong binuhat ay inihiga sa kama. "Kunin mo ang panlinis sa sugat. Utos ng doctor sa nurse. Napatiim bagang si Tyron nang makita ang mantsa ng dugo sa tagilirang damit ng dalaga. Mukhang kanina pa iyon dumugo dahil sa ginawa nitong pamamaluktot. "May history of phobia ba ang pasyenteng?" tanong ng doctor habang sinusuri ang pulso ng pasyente. Tumango si Tyron at sinabi ang nakaraan ng dalaga. Bata pa lang noon ang dalaga ay kilala na niya. Kuya pa noon ang tawag sa kaniya ni Jesabell. Ngunit nang siya na ang guardian nito ay ayaw na siyang tawaging kuya. Noong maliit pa ito ay mayroong nanloob sa bahay ng mga ito at nakitang sinaksang ang yaya nito. Hindi napansin ng parents na nagkaroon ng phobia ito na lumala dahil napabayaan at parehong busy sa work. Kaya nga hindi niya ito pinalalapit sa kusina dahil takot sa patalim ang dalaga. "I see, mukhang lumala ngayon ang phobia niya dahil siya mismo ang nasugatan ng patalim. Huwag na siyang hayaang mag isa lalo na sa ganitong sitwasyon. Hindi biro ang pinagdadaanan niya ngayon at maaring mauwi sa depression." Mahabang paliwang at payo ng doctor. "Maraming salamat po, doc!" Tinanggap niya ang bagong resitang bigay ng doctor para kay Jesabell. Tinurukan din ito ng pampatulog upang tuloy-tuloy ang pahinga ng katawan nito at isipan. Inis na umalis si Emily sa kinatayuan matapos marinig ang sinabi ng doctor. Kung alam lang niya na ganito maging resulta ay nag iba sana ang ginawa niya sa babae. Nakagat niya ang hintuturo at lumalim ang iniisip. Kapagkuwa'y ay napangisi siya dahil may naisip na siyang magandang gagawin upang magalit muli si Tyron kay Jesabell.Nagising si Tyron nang makarinig ng mahinang ungol. Nakatulog pala siya habang nakayupyop ang ulo sa kama nang kinahigaan ni Jesabell. "No... ahhh, kuya, help me!"Mahigpit niyang hinawakan ang palad ng dalaga at ginising ito. Marahil ay ang kabataan pa nito ang napanaginipan at tinawag siyang kuya. Ganito ito noong dalagita pa at siya ang laging tinatawag kahit sa panaginip."Layuan ninyo ako! Ahh huwag!" Nagkakawag na si Jesabell at takot na niyakap ang ano mang mahawakan. "Jesabell, wake up!" Niyugyog na ni Tyron ang balikat ng dalaga upang gisingin ito.Mukhang nakakita ng multo nang maimulat ni Jesabell ang mga mata. Lalong humigpit ang kapit niya sa kumot na nasa dibdib at naglikot ang tingin sa paligid. Hindi niya alam kung bakit narito siya sa kama na. Ang alam niya ay nagtatago siya sa ilalim ng kama kanina bago natulog."Calm down, narito ako hindi ko hahayang may manakit sa iyo." Masuyong hinaplos ni Tyron ang buhok ng dalaga.Ang sarap sa pakiramdam at kumakalma na rin
"Ano ang kailangan mo?" malamig na tanong ni Jesabell kay Emily nang pumasok ito sa silid kung saan siya naka confine. Hindi niya alam na nakabalik na ito pero wala si Tyron."Binibisita ka at tinitingnan kung buhay pa ba." Ngumiti si Emily."Hayop ka, ano ang sinabi mo kay Tyron at ayaw pa akong palabasin dito?" galit niyang singhal sa babae. Kahapon pa sana siya lalabas ngunit biglang sinabi ng doctor na utos ni Tyron.Ngumisi si Emily at dahan-dahang lumapit sa dalaga. "Oh dear, kawawa ka naman at hindi na mahal ni Tyron at pinaniniwalaan. Ako na lang ngayon ay pinaniniwalaan niya at lahat ng sabihin ko ay sinusunod niya.""Bitch! Ginagalit mo talaga akong hayop ka!" Hindi na niya napigilan ang sarili at mabilis na bumaba ng kama. "Ahh bitiwan mo ang buhok ko! Baliw ka na talaga!" Sigaw ni Emily at pilit na inaalis ang kamay ni Jesabell na sumasabunot sa buhok niya."Ito ang gusto mo ang ipakita kay Tyron na baliw ako then panindigan ko na, hayop ka!" Lalo niyang hinila ang buhok
"Maari ka nang lumabas, wala bang magsusundo sa iyo?" tanong ng doctor habang nakatingin sa chart ng dalaga.Ngumiti si Jesabell at umiling. Kailangan niyang maging mabait upang pakawalan na siya. Itinatali kasi siya ng mga ito at laging tinuturukan ng pampatulog. Hindi siya dinadalaw ng binata mula nang iwan siya sa hospital. Mukhang sinadya nitong manatili lang siya sa hospital ng isang lingo habang nasa business trip ito sa takot siguro na kung ano ang gawin niya kay Emily habang wala ito. Grabe ang ginawa sa kaniya ng binata kaya dapat talagang makaalis na siya sa poder nito. Nawawala din ang cellphone niya at alam niyang itinago iyon ng nurse na siyang nag aalalaga kuno sa kaniya para hindi makahingi ng tulong kahit kanino.Mariing naglapat ang mga labi ni Jesabell habang inaayos ang sarili. Talagang kontrolado na ni Emily si Tyron pati ang mga katulong. Talo siya kapag ganitong masama pa rin ang impression sa kaniya ni Tyron. Alam niya ring hindi siya basta pakawalan ni Tyron da
"Ano ang ibig mong sabihing na kay Nida ang cellphone mo?" nagtatakang tanong ni Tyron. "Hindi ba at pinakuha mo ang cellphone ko at ayaw akong pahawakin?" Malungkot niyang sagot sa binata."Tyron, sa tingin ko ay nagha-hallucinate na naman siya. Dapat siguro ay hindi muna siya pinayagang makalabas." Nag aalala at mukhang takot na kumapit muli si Emily sa braso ni Tyron.Inalis ni Tyron ang kamay ni Emily at nag aalalang lumapit kay Jesabell. Kasalanan niya kung lumala ang sakit ng dalaga dahil iniwan niya ito. "Jesabell, halika at kumain ka muna upang gumanda ang pakiramdam mo then iinum ng gamot."Inis na sinamaan ni Emily ng tingin si Jesabell at ang bilis lumambot ng puso ni Tyron para dito.Muli siyang humakbang palayo sa binata. "No, hindi ako baliw kung iyan ang iniisip mo. Masama bang bawiin na ang cellphone ko?" Malungkot niyang tanong sa binata."Jesabell, bakit kay Nida mo hinahanap ang cellphone mo? Nasa silid mo lang iyon at hindi kinukuha sa iyo." Malumanay na kausap ni
Nagulat pa siya nang madatnang nakaupo si Tyron sa kaniyang kama at abala sa hawak nitong cellphone. Nang mag angat ito ng mukha ay mabilis siyang nag iwas ng tingin dito. "May kailangan ka pa ba?" Napabuntong hininga si Tyron dahil sa malamig na pakitungo ng dalaga sa kaniya. Tumayo siya at lumapit sa display table nito. Parang may kulang sa table nito. Nang hindi makita ang picture nilang dalawa ay nalungkot siya. Malaki nga ang tampo ng dalaga at lahat ng may kaugnayan sa kaniya ay gusto nang itapon. Napatiim bagang siya nang maalala ang sinabi nito sa kay Jason noong nasa hospital. Pinatigas niya ag anyo at iniharap sa kaniya ang dalaga.Kinagat ni Jesabell ang loob ng labi upang pigilan ang sariling damdamin. Gusto niyang puriin ang sarili nang magawa niyang salubungin ang nang aarok na tingin sa kaniya ng binata. Hindi na siya nagulat o nagtaka kung galit sa kaniya ito ngayon. Nanatiling tikom ang bibig niya at nalasahan na niya ang dugo na nagmula sa loob ng labing kagat niya.
Ginulo ni Jesabell ang kaniyang buhok nang may kumatok na sa pinto. Alam niyang nagmukha na siya na wala sa sarili at hawak niya ang unan na nilalaro.Nagulat si Lory pagkakita sa kaibigan. Hindi ito ang inaasahan niyang madatnan. Nagmamadali siyang lumapit kay Jesabell at umupo sa tabi nito. "Besh, ano ang nangyari sa iyo? Bakit mukhang totoong nawala ka sa sarili?"Lumabi si Jesabell at naiiyak na tumingin sa kaibigan. "Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang wala akong kakampi?"Naaawang niyakap ni Lory ang kaibigan. "Sorry, hindi ko alam na hospitak ka. Ano ang ginawa sa iyo ng bruhang iyon?""Kinuha ni Jesabell ang unan at niyakap iyon sa halip na sagutin ang kaibigan. Kung hindi niya lang alam na ang katotohanan ay isipin niyang lahat ay kayang gawin ni Lory para sa kaniya bilang kaibigan"Don’t worry, makakaganti ka rin sa kaniya." Mariing naglapat ang mga labi ni Lory matapos makapagsalita."How?" Mukhang inosinte niyang tanong kay Lory.Napangisi si Lory at tiyak na magkaroon ng m
Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Jesabelle at naiiyak na tumingin kay Tyron. "Pero ang sabi ni Lory ay ikaw ang bumili nito at pinabigay mo sa kaniya?" Bumaba ang tingin niya at tiningnan ang damit. "Gusto ko lang e appreciate ang bigay mo kaya ko sinuot bilang pasalamat sa pag alaga mo sa akin sa hospital."Nanlaki ang mga mata ni Lory at hindi iyon ang napag usapan nila ni Jesabell. Pagtingin niya kay Emily ay mukhang bubugahan na siya ng apoy dahil sa galit.Mabilis na lumapit si Jesabell kay Emily at hinawakan ito sa kamay. "Emily, galit ka pa rin ba sa akin dahil pinahirapan kita ng ilang araw?""Ano ang pinagsasabi mo?" halos pabulong lang na turan ni Emily at binabawi ang kamay na hawak ng dalaga ngunit humigpit ang hawak nito doon."Emily, tanggap ko nang ikaw ang mahal ni Tyron. Huwag kang mag alala at aalis na ako rito upang—ahhhh!" Tumilqpon siya sa sahig dahil malakas siyang tinulak ni Emily."Jesabell!" Dumagundong ang boses ni Tyron sa apat na sulok ng dinning room da
Huminga nang malalim si Lory at may simpatyang tumingin kay Emily. "Walang magagawa ang galit mo sa kaniya ngayon. Ayusin mo ang iyong sarili at hindi ka dapat magmukhang kontrabida sa mata ni Tyron."Isang malalim na buntong hininga ang pikawalan ni Emily at inayos ang sarili. Nag isip siya ng ibang dahilan upang mapaniwala si Tyron na hindi niya sinadya ang nangyari kay Jesabell na siya namang totoo. Si Lory ay kailangab niya ring tulungan upang malinis sa mga mata ng binata. Nauna si Lory na pumasok ng silid upang kumustahin ang babae."Tyron, kumusta ang kaibigan ko?" nag aalalang tanong ni Lory sa binata. Nakagat niya ang ibabang labi nang sa halip na sagutin suya ng binata ay ang doctor ang kinausap."Sigurado ka ba na mababaw lang ang sugat sa ulo niya?" Hindi mapakaling tanong muli ni Tyron sa doctor. Mabuti at malapit lang ang clinic nito sa bahay niya kaya nakarating agad."Sadyang madugo lang dahil ulo. Binigyan ko na siya ng painkiller at nalinis ang sugat." Sagot ng doct
"Isa ka pa!" Bulyaw rin ni Celso sa katulong. "Hindi na siya bata para ipagtanggol at hindi malamang ang tamang asal at mali!"Napahiyang nagyuko ng ulo si Rowena at hindi na nagsalita upang hindi madagdagan ang galit ng ginoo."Felix, matanda ka na at hindi puwedeng nakatago ka lang lagi sa saya ng iyong ina at yaya. Mula bukas ay kailangan mo nang magtrabaho sa kompanya. Magsisimula ka sa ibaba at kailangan mong patunayang karapat dapat kang maging CEO!"Naikuyom ni Felix ang mga kamay at mariing naglapat ang mga labi. Ang alam niya ay siya ang maging CEO pero hindi na kailangang paghirapan ang posisyon. Dahil lang sa pagdating ni Jason ay nagbago ng pasya ang ama. Walang salitang umalis siya at hindi na tinapos ang pagkain."Huwag mong sundan!" Pagalit na sita ni Celso sa katulong. Kung hindi kasi ang asawa niya ay si Rowena ang na spoiled sa anak niya. Pagtingin niya sa asawa ay malungkot ito pero hindi siya magawang sumbatan o magalit dahil alam nitong naputol na ang pisi ng pa
Umangat ang isang sulok ng labi ni Jason namg mabasa ang message ng mag asawang kaibigan. Una niyang binata ay message ni Jesabell. "Ano ang breakfast mo today with your family?"Pasimple niyang kinuhanan ng larawan ng larawan ang hawak na baso at send sa kaibigan. "Very clear." Pumalatak siya namg mag send ng angry sticker si Jesabell at hindi natuwa sa kaniyang reply. Mabilis niyang inubos na ang laman ng baso saka ibinulsa ang cellphone at tumigin sa ama. "I'm done, mauna na po ako sa inyo at may meeting ako ngayong umaga.""Pero wala kang nakain, hijo. Hintayin mo muna si Rowena at—""Its ok, dad. Hindi pa po ako gutom at ok na ako sa tubig." Putol niya sa pagsasalita ng ama."Meeting?" Tumawa si Felix, "what kind of meeting ang pupuntahan mo sa isang kanto?" Nang iinsultong tanong niya sa kapatid.Seryusong tinapunan niya ng tingin si Felix. "Paano mo nalamang sa kanto ang punta ko? Hindi mo pa ba naranasang mag attend ng isang meeting at mukha sobrang confuse ka?"Bubuka sana a
"Anak, gising ka na pala. Halika at sumalo ka na sa pagkain." Aya ni Celso kay Jason.Napatingin si Jason sa pagkaing nakahain sa lamesa. Mukhang bilang iyon para sa taong nasa hapag kainan na. Hindi niya akalaing sa yaman ng pamilya ay ang tipid sa pagkain."Kuya, sa iyo na ito. Pasensya na at nasanay ang katulong magluto na para sa amin lang tatlo." Alok ni Felix sa kapatid at diniinan ang huling sinabi."Salamat pero hindi ko gusto ang ganyang pagkain." Nakangiting tanggi niya sa kapatid. '"Son, sabihin mo kung ano ang gusgo mong kainin at ipaluto ko sa katulong." Nahihiyang kausap ni Celso sa binata."Huwag na po, dad. Matanda na ako para asikasuhin pa ng katulong. Isa pa ay hindi ako sanay kumain ng heavy meal." Ngumiti si Jason sa ama at may kasamang pasaring iyon sa kapatid."Tagal mo rin nanirahan sa mahirap na lugar kaya sanay sa simpleng pagkain." Pang aasar na puro ni Felix sa kapatid."Hindi mo masasabi ang buhat natin kaya dapat hindi maarti sa buhay lalo na sa pagkain.
"No..." humigpit ang yakap niya sa asawa. "Please, give me time. Puwedeng kahit isang buwan lang ay iparamdam mo sa kaniya na ina ka niya?" Siya naman ngayon ang nakiusap sa asawa.Napaisip si Lucy at tumigil na sa pag iyak. "Isang buwan lang?" Naniniguro niyang tanong dito.Nakangiting tumango si Celso, "yes. Don't worry, kausapin ko si Felix mamaya paggising niya at ipaunawa ang sitwasyon."Nakangiting gumanti na ng yakap si Lucy sa asawa. Masaya siya dahil siya pa rin mas matimbang sa puso ng asawa kaysa anak nito sa ibang babae.Napangiti si Felix saka nagmulat ng mga mata nang lumabas na ng silid ang mga magulang. Siya pa rin ang magwawagi sa muli nilang pagkikita ni Jason.Napamulat si Jason nang maramdamang may taong nagmamasid sa kaniya. Nang makita si Felix at mataman niya itong pinagmasdan. "Hindi mobna ako kailangang bantayan habang natutulog."Tumalim ang tingin ni Felix sa lalaki at hindi natuwa sa sinabi nito at ang mapang asar na ngiting nakapaskil sa labi nito. "First
Ipinikit ni Jason ang mga mata nang lumapit sa kaniya ang doctor. Hinayaan niyang suriin nito ang mga mata niya,pulso at heartbeat."Maayos naman ang kalagayan niya po maliban sa pananakit ng ulo. Normal lang po iyan sa sakit niya ngayon kaya huwag siyang pilitin na makaalala. Bigyan ko po siya ng gamot na makatulog kapag sumakit ang ulo niya." Kausap ng doctor sa ama ni Jason."Maraming salamat po, doc." Kinamayan ni Celso ang manggagamot."Doc, may iniindang sakit din po si Senyorito Felix."Napamulat ng mga mata si Jason nang marinig ang sinabi ng katulong. Pinakatitigan niya ang ginang at nahuli niya kung paano siya nito titigan. Mas bata sa mga magulang niya ang katulong. "Ah yes please, pakitingnan ang bunso kong anak." Pakiusap ni Celso sa doctor.Nauna nang lumabas ang katulong at sumunod ang doctor."Matagal na ba ang katulong na iyon dito?" tanong ni Jason sa ama.Sandaling natigilan si Celso at nagtatakang napatingin sa anak. "May problema ba sa kaniya, son?""Wala naman
Umupo si Celso sa tabi ng anak at ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "She's your real mother."Nakahinga nang maluwag si Jason at nagkamali naman pala siya ng iniisip kanina."Almost ten years kaming kasal bago ka dumating sa buhay namin. Ang sabi ng doctor ay maliit ang chance na makabuo kami ng anak dahil laging nakukunan ang mommy mo noon. Naisip kong mag ampon na lang sana noon ngunit ayaw ng mommy mo. Kaya naisip ko na lang naag hired ng surrogate mother."Halos hindi na magawang kumurap ni Jason habang nakikinig sa kuwento ng ama. Mukhang mas madrama ang buhay ng parents kaysa kaniya."Hindi na kami lumayo noon at willing ang katulong namin na siya ang maging surrogate mother dahil mas bata siya kaysa amin at healthy naman. Naging matagumpay ang isinagawa at nabuo ka."Hulaan ko, naging selosa si Mommy?" tanong niya sa ama.Tumango si Celso, "nagkasakit ang mommy mo at hindi ko alam kung bakit nagkaganoon siya nang mag isang taon ka na. Pinagdudahan niya ako na sumisipi
"Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay
"Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na
Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang