Home / Romance / I NEED YOU / Chapter 6-Kasinungalingan

Share

Chapter 6-Kasinungalingan

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2025-02-09 17:00:57

"Maari ka nang lumabas, wala bang magsusundo sa iyo?" tanong ng doctor habang nakatingin sa chart ng dalaga.

Ngumiti si Jesabell at umiling. Kailangan niyang maging mabait upang pakawalan na siya. Itinatali kasi siya ng mga ito at laging tinuturukan ng pampatulog. Hindi siya dinadalaw ng binata mula nang iwan siya sa hospital. Mukhang sinadya nitong manatili lang siya sa hospital ng isang lingo habang nasa business trip ito sa takot siguro na kung ano ang gawin niya kay Emily habang wala ito. Grabe ang ginawa sa kaniya ng binata kaya dapat talagang makaalis na siya sa poder nito. Nawawala din ang cellphone niya at alam niyang itinago iyon ng nurse na siyang nag aalalaga kuno sa kaniya para hindi makahingi ng tulong kahit kanino.

Mariing naglapat ang mga labi ni Jesabell habang inaayos ang sarili. Talagang kontrolado na ni Emily si Tyron pati ang mga katulong. Talo siya kapag ganitong masama pa rin ang impression sa kaniya ni Tyron. Alam niya ring hindi siya basta pakawalan ni Tyron dahil sa abuelo nitong nasa ibang bansa at nagpapagamot doon.

"Kapag may kaiba ka pang nararamdaman ay maari kang bumalik dito upang kumunsulta. Huwag kalimutang inumin itong gamot na para sa iyong depression." Bilin ng doctor.

Napabuntong hininga si Jesabell. Wala rin siyang tiwala sa doctor lalo na at nakakausap ito ni Emily. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay hindi niya nilulunok ang gamot na para umano sa depression. Alam niya sa kaniyang sarili na wala siyang sakit na ganoon. Natuto na siya na huwag magtiwala pa sa iba. Naikuyom niya ang palad nang maalala ang isa pang tinig ng isang babae bago pa siya tuluyang nawalan ng malay nang gabing iyon.

"Tama na at iwan na natin siya," ani ng tinig na nakilala ni Jesabell.

Umangat ang isang sulok ng labi ni Jesabell at inipit ang nuhok na lagpas balikat ang haba at tuwid na tuwid. "Gusto ninyong maglaro, pagbigyan ko kayo ngayon!" Tumingin siya sa maliit na salamin at ngumiti. Nagbago na ang isip niya at hindi muna aalis sa poder ni Tyron.

Hindi niya alam kung ano ang bagong plano ni Emily at biglang naging maluwag sa pagpapabantay sa kaniya. Alam ng babae na ngayon ang discharge niya pero walang taong inutusan na sunduin siya at masigurong makauwi. Alam niyang pabalik na rin si Tyron kaya hinayaan na siyang makauwi.

Pagkalabas ng hospital ay pumara ng taxi si Jesabell. May pera pa rin naman siya. Mabuti na lang at automatic na kay Tyron ang credit sa bill niya. Ayaw niyang bawasan ang ipon niyang pera para may magamit kapag umalis na siya.

Sa likod ng bahay siya dumaan upang walang makakita sa kaniya. Tingnan niya kung ano ang mga ginagawa ng tao sa bahay. Magaling siya magtago o tumakas kaya walang nakapansin sa kaniya hanggang sa makapasok sa sariling silid. Para siyang magnanakaw kung kumilos. Natawa pa siya nang mahina pagkahiga sa malambot na kama. Na miss niya nang gusto ang naging silid ng maraming taon na rin.

Nagising si Tyron na masakit ang ulo. Madaling araw na siya nakauwi kanina. Pero kahit late na ang tulog niya ay gumigising pa rin siya nang mas magaa. Ngayon lang nangyari na tinanghali siya nang gising. Nang maalala si Jesabell ay nagmamadali siyang bumangon at lumabas ng silid.

"Good morning, gutom ka na ba?" magiliw na tanong ni Emily sa binata.

"Bakit hindi ninyo ako ginising kanina?" sita ni Tyron sa katulong habang nagsusuot ng sapatos.

"Tyron, huwag mong sisihin ang katulong. Kasalanan ko at binilin kong huwag kang gisingin dahil madaling araw ka nang nakauwi kanina." Nahihiyang paliwanag ni Emily.

Napabuntong hininga Tyron at tumuwid ng upo bago tiningnan si Emily. Ngayon niya lang napansin na parang matamlay ito. Ilang araw siyang nawala at lagi lang kinakamusta ay si Jesabell. "May dinaramdam ka ba?"

"Sir, hindi pa po kumakain si Senyorita Emily dahil hinihintay ka at para may makasabay ka sa pagkain." Pagsusumbont ng katulong.

"Nida, hindi mo na dapat sinasabi iyan kay Tyron." Sita ni Emily sa katulong.

Muling napabuntong hininga si Tyron at nilapitan ang dalaga. "Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom dahil sa akin. "Tumingin siya sa katulong. "Ipaghain mo na ang senyorita mo at kailangan kong puntahan pa sa hospital si Jesabell."

"Sir, pinuntahan ko kaninang umaga si Ma'am Jesabell at ayaw niyang sumabay sa akin sa pag-uwi."

Napatingin si Tyron sa suot na relo." Then, nasaan na siya?"

"Tyron, alam mo naman si Jesabell. Isang lingo siyang nakakulong lang sa hospital kaya marahil ay gumala muna siya kasama si Jason." Malumanay na paliwanag ni Emliy.

Napatiim bagang si Tyron, ang akala niya ay nagbago na si Jesabell ngunit nauto na naman siya nito. Mabilis niyang dinukot ang cellphone at balak na tawagan ang dalaga. Ngunit nakita niyang may message ito. "Huwag mo na akong hanapin at mas gusto kong kasama si Jason."

Humulma ang matipid at kakaibang ngiti sa labi Emily nang makita ang pagdilim ng aura ng mukha ni Tyron.

Galit na ibinalik ni Tyron ang cellphone sa bulsa ng suot na trouser saka nilapitan si Emily upang alalayan ito patungong dining area.

Sobrang saya ni Emily nang lumapat ang palad ng bibata sa balikat niya. Para siyang mamahaling bagay na iniingatan nito. Pero nakailang hakbang pa lang sila nang biglang bumukas ang pinto ng isang silid sa ikalawang palapag. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang lumabas doon si Jesabell.

Nangunot ang noo ni Tyron nang makita si Jesabell. Mabagal itong naglalakad pababa ng hagdan at mukhang hindi pa siya nakikita.

Hindi mapakali si Nida sa kinatayuan at natakot sa kakaibang tingin sa kaniya ni Emily. Hindi niya alam kung paanong nakauwi si Jesabell na hindi niya napansin at nang iba pang katulong.

Tumigil sa paghakbang si Jesabell sa ikalawang huling baitang nang pag-angat niya ng tingin ay naroon si Tyron. Salubong na ang kilay nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya alam kung ano na naman ba ang kasalanan niya at mukhang galit na naman sa kaniya.

"Bakit hindi mo ako hinintay na siyang sumundo sa iyo?" Malamig na tanong ni Tyron sa dalaga.

"Tyron, huwag ka nang magalit kay Jesabell. Marahil ay mas gusto niyang makasama si Jason. Ang mahalaga ay nakauwi siya nang ligtas at mas maaga.

Napatikwas ang kilay ni Jesabell habang nakatitig kay Emily. Mukha talaga itong santa at lagi siyang ipinagtatanggol kuno kay Tyron. Dissapoint na naman siya, mas una pang napansin ang mali niya kuno kaysa ang kumustahin siya. Muli siyang humakbang hanggang sa makababa na sa hagdan.

"Jesabell, alam mo bang sobrang nag aalala sa iyo si Tyron pero hindi mo manlang iniintindi ang sitwasyon niya. Ilang beses siyang tumatawag sa iyo ngunit hindi mo sinasagot." Sumbat ni Emily sa dalaga.

Blangko ang expression ng mukha na sinalubong ng tingin ni Jesabell ang galit na mga titig ni Tyron. Galit na naman ito sa kaniya dahil sa mga sinabi ni Emily. "Ibalik mo na ang cellphone ko."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Emily at mabilis na kumapit sa braso ng binata. "Tyron, sa tingin ko ay hindi pa rin magaling si Jesabell."

Biglang lumambong ang aura ng mukha ni Tyron at nilapitan si Jesabell ngunit umurong ito palayo sa kaniya. "Don't be scared, dadalhin kita sa ibang doctor upang magamot—"

"I'm fine." Mahinahon niyang sagot kay Tyron at pilit kinuntrol ang sarili. Ayaw na niyang bumalik sa hospital at baka tuluyan na talaga siyang mabaliw dahil sa mga gamot na itinuturok sa kaniya. "Ako na lang ang kukuha kay Nida ng cellphone ko."

Napatingin si Emily kay Nida. Kinakabahan siya at baka hindi nito nagawa kanina ang bilin niya. Nang tumango ang katulong ay nakahinga siya nang maluwag. Lihim siyang napangiti dahil lalong iisipin ni Tyron na nababaliw ang babae kapag ipinilit nitong na kay Nida ang cellphone nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Belle Gab Brix
tapos itong SI tyron Siya na ata ang pinaka Tanga sa lahat
goodnovel comment avatar
Belle Gab Brix
ms jee NU BA YAN UNA PALANG HB NA AGAD ANG MABABASA KABWEST PG AKO TO BAKA NABALIW NA AKO HAY ANG TAPANG NI JESSABELL KZ NAKAKAYA NIYA ANG LAHAT TAPOS IISIPIN PARANG WALA SIYANG KAKAMPI...AWANG AWA AKO KY JESSABELLE HB AKO KY EMILY
goodnovel comment avatar
Anita Valde
Ms Jee na high blood na ako sarap pag untugin si NIDA at Emily isama na din si Tyron na Uto uto
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 49-Araw ng kasal

    Malungkot na ngumiti si Celso nang makita ang asawa at dinalaw siya. Alam niyang may lamat na ang tiwala nito sa kaniya pero hindi siya susuko. "Honey, I'm really sorry!""Magpagaling ka na at tulungan akong makabawi sa anak natin." Malamig na tugon ni Lucy sa asawa.Lumuluhang ngumiti si Celso sa asawa at tumango. Sapat na iyon na pagsisimula nilang muli ng asawa.Napabuntong hininga si Jason habang palihim na nakikinig sa pag uusap ng mga magulang mula sa pinto. Hindi na muna siya tumuloy sa loob at umalis.Sinundan ni Crizelle ang nobyo hanggang sa makarating sa waiting area at doon muna umupo. "Babe, alam kong malalim ang sugat diyan sa puso mo dahil sa ginawa sa iyo ng sarili mong mga magulang. Pero subukan mong bigyan sila ng chance." Tumingin si Jason sa nobya bago huminga nang malalim. "I will try, salamat!"Ngumiti si Crizelle at niyakap ang binata. "Kahit ano ang mangyari, tandaang mong narito lang ako."Hinalikan niya sa noo ang dalaga saka hinaplos ang buhok nito. Gusto m

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 48-Karmq

    "Hayop ka, ano ang ginawa mo sa anak ko?" galit na tanong ni Rowena habang dahan dahang lumalapit kay Celso."Mana sa iyo ang anak mo na utak kriminal kaya huwag mo sa akin isisi kung ano man ang nangyayari sa inyong dalawa ngayon!" Pagalit ring tugon ni Celso sa babae saka pilit na bumangon kahit masakit pa ang ulo."Gago ka, anak mo rin si Felix!" Galit na sinugod ni Rowena ang lalaki at pinagsusundok ito.Pilit na sinasangga ni Celso ang kamay ng babae at pinuprotektaha ang ulo upang hindi matamaan. Nang makakuha ng tyempo ang malakas niya itong sinipa sa tiyan na ikinatumba ng huli. "Kasalanan mo kaya lumabas ang sungay ng anak mo! Hindi ka nakuntinto sa paninira sa ibang tao at pinapatay mo pa!" Singhal niya sa babae.Lalo lamang nanlisik ang mga mata ni Rowena at hinugot ang maliit na kutsilyong nakatago sa suot na sapatos. "Matapos mong magamit ang anak ko para sa pansarili mong kaligayahan ay itatapon mo na lang siyang parang basura?" Galing niyang sumbat dito.Umurong si Cels

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 47-Karamay

    "Kung hindi ka naging mahina at makasarili ay hindi ako mabuuo! Sana nga ay pinatay mo na lang ako noong nasa sinapupunan pa ng walang hiya at hayop kong ina! Hindi ko sana maranasan ang lahat ng ito ngayon!" Bulyaw ni Felix sa ama.Natigilan si Celso nang makita ang labis na galit at pagkamuhi sa mga mata ni Felix. Para itong nababali2 na rin at tumawa habang umiiyak. Ilang sandali pa ay nagwala na rin ito at lahat nang mahawakan ay tinatapon hanggang sa tamaan siya ng lampshade. Hintakutang natigilan si Felix nang makitang natumbq ang ama. Lalo siyang natakot nang makitang may dugong dumadaloy sa sahig mula sa ulo ng ama. Saka lang siya parang natauhan nang marinig ang sigaw ng katulong at nagtatakbo pababa ng hagdan habang humihingi ng tulong. "Da-dad... I'm sorry!" Umiiyak na gumapang siya palapit sa ama at takot na hinawakan ang gilid ng ulo nitong may sugat.Mabilis na rumisponde ang kapulisan na nasa labas lamang ng gate ng bahay nila Celso. Agad na hinuli si Felix na mukhan

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 46-Paninisi

    "Honey —""Kasalanan mo ang lahat ng ito kung bakit nagawa kong abandunahin ang sarili kong anak noon!" Bulyaw ni Lucy sa asawa at binato dito ang unan. "Hayop ka, hindi ko kayo mapatawad ni Rowena! Mga baboy kayo! Paano mo nagawang ipaalaga sa akin ang anak ng babae mo?"Naantig ang puso ni Jason nang humagulhol na ng iyak ang ina. Nilapitan niya ito at inalo upang kumalma pero hindi niya magawang ibuka ang bibig. Hindi niya kasi alam kung ano ang dapat sabihin upang mapagaan ang loob nito."I'm sorry, pero hindi ko babae si Rowena. I swear, biktima lang din ako ng kahayupan niya. Hinayaan kong mabuhay ang anak niya at ipalit sa anak nating nawala dahil takot akong magkasakit ka at mawala sa iyong sarili!" Umiiyak na ring paliwanag ni Celso.Yumakap si Lucy sa baywang ng anak at doon umiyak nang husto. Parang sasabog ang dibdib niya dahil sa galit. "Ano ang nagawa ko? Bakit naging tanga ako noon? Anak, kasalanan ng mommy!" Huminga nang malalim si Jason saka nagsalita. "Hindi na po

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 45-Pqghingi ng tawad

    "Okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Crizelle kay Jason. Hindi siya umaalis sa tabi nito at hinihintay nila ang result ng doctor na siyang tumitingin sa kalusugan ng ina nito.Hinawakan ni Jason ang palad ng dalaga at pilit na ngumiti. Pagtingin niya sa ama at tahimik itong nakatayo sa isang tabi habang nakayuko ang ulo. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maawa sa ama. Walang duda na sobrang mahal nito ang ina niya na hinangaan niya naman. Pero ang pagiging ama?Lumapit si Terso kay Jason ay ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "Kahit ano ang mangyari ay mga magulang mo pa rin sila."Tumingin si Jason sa matanda at blangko ang expression sa mukha."Sorry sa mga nasabi ko tungkol sa pagkatao mo. Kung ano man ang maging pasya mo sa relasyon ninyo ng apo ko ay hindi na ako mangialam pa." Pagpatuloy ni Terso."Ayaw ko pong pag usapan iyan sa ngayon." Nakagat ni Crizelle ang ibabang labi nang mahabang ang katabangan sa tinig ng binata. Natatakot siya na baka ayawan na siya ng b

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 44-Paninisi

    "May sapat pong ebedensya na sa kaniya nakaturo ang kaso kasama ang kaniyang pinsan. Bukod doon ay may iba pang kaso na kailangan niyang harapin."Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman at nakakagulat po itong balita ninyo sa amin. Kung talagang nagkasala siya ay e surrender ko siya sa inyo. Ayaw ko rin na may makasama ang mga magulang ng isang kriminal." Mukhang nag aalalang ani Felix. "Maraming salamat po, sir.""Alam ko po kung nasaan siya ngayon." Seryusong turan ni Felix. "Nasa hospital ngayon ang mga magulang ko at ang alam ko ay naroon siya upang bantayan ang mommy ko.""Maraming salamat sa cooperation, sir." Pasalamat ng pulis saka tinawag ang kasamang pulis din. "Kakusa, alam ko na kung nasaan ang suspect!"Matalim ang tingin ni Felix na nakasunod sa tumalikod ng pulis. Ngumisi siya nang makaalis na ang mga ito sakay ng police patrol car. Nang masigurong wala na ang pulis ay nagmamadali na siyang pumasok sa looob at hindi na ipinasok sa gate ang sasakyan."Sir, mabuti a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status