"Ano ang kailangan mo?" malamig na tanong ni Jesabell kay Emily nang pumasok ito sa silid kung saan siya naka confine. Hindi niya alam na nakabalik na ito pero wala si Tyron.
"Binibisita ka at tinitingnan kung buhay pa ba." Ngumiti si Emily. "Hayop ka, ano ang sinabi mo kay Tyron at ayaw pa akong palabasin dito?" galit niyang singhal sa babae. Kahapon pa sana siya lalabas ngunit biglang sinabi ng doctor na utos ni Tyron. Ngumisi si Emily at dahan-dahang lumapit sa dalaga. "Oh dear, kawawa ka naman at hindi na mahal ni Tyron at pinaniniwalaan. Ako na lang ngayon ay pinaniniwalaan niya at lahat ng sabihin ko ay sinusunod niya." "Bitch! Ginagalit mo talaga akong hayop ka!" Hindi na niya napigilan ang sarili at mabilis na bumaba ng kama. "Ahh bitiwan mo ang buhok ko! Baliw ka na talaga!" Sigaw ni Emily at pilit na inaalis ang kamay ni Jesabell na sumasabunot sa buhok niya. "Ito ang gusto mo ang ipakita kay Tyron na baliw ako then panindigan ko na, hayop ka!" Lalo niyang hinila ang buhok ni Emily at kinalmot pa ang mukha nito. Kung wala pang dumating na staff ay hindi niya ito titigilan. Tumawa siya nang makitang may kalmot ito sa pisngi at sabog ang buhok. "Turukan niyo siya nang pampakalma." Utos ng doctor sa nurse. Hindi na siya nanlaban sa nurse at lalo lang siyang sasaktan. Alam niyang na video siya ng alalay ni Emily at mukha talaga siyang baliw habang tumatawa. Hindi kasi niya mapigilan ang sarili na huwag matawa sa mukha ni Emily. She deserve it at pagbigyan niya ito. Tingnan niya lang kung sino sa kanilang dalawa ang tuluyang mabaliw. Inis na lumabas ng silid si Emily at pinagamot agad ang sugat sa pisngi at baka magkaroon ng piklat. Ang sakit pa rin ng anit niya at ang tagal dumating ng rescue. Akala niya ay siya na ang nakaisa sa babaeng iyon. Ilang sandali pa ay tumawag si Tyron. Lalo niyang ginulo ang buhok at umiyak bago sinagot ang video call. "What happen? Nasaan na si Jesabell?" Nag aalalang tanong ni Tyron. Sandaling tumigil sa pag iyak si Emily at nainis sa binata. Halatang mas nag alala ito kay Jesabell kaysa kaniya gayong nakikita nitong umiiyak siya at magulo ang buhok. "Bakit lumala ang sakit niya? Ang akala ko ba ay ok na siya kanina?" Hindi mapakali si Tyron at tumayo pa mula sa kinaupuang kama. Nasa hotel room pa siya at mamaya ay may meeting kasama ang maging kasosyo sa itatayong branch sa lugar na iyon. "Hindi ko alam, see what she did to me?" Napaiyak na naman si Emily. Pero sa pagkakataon na ito ay hindi iyak bilang pagkukunwari lamang. Talagang naiyak siya sa sama ng loob dahil mas concern si Tyron kay Jesabell kaysa kaniya. Ang inaasahan niya ay lalo itong magalit sa babae dahil sinaktan siya. Napabuntong hininga si Tyron bago pinagmasdan ang mukha ng dalaga. "I'm sorry, ako na ang humihingi ng apology sa ginawa niya sa iyo. Tulad sa sinabi mo, mukhang nawawala na siya sa sarili niya kaya hindi alam ang ginagawa." Mariing naglapat ang mga labi ni Emily at pinigilan ang sarili na makapgsalita. Sa halip na ma dissapoint si Tyron or ikahiya si Jesabell ay kabaliktaran ang nangyari. "Tatapusin ko agad ang trabaho ko dito upang makauwi na at ako mismo ang mag aasikaso kay Jesabell. Sa ngayon ay pasensya na kung sa iyo ko siya pinauubaya." "Alam mo namang lahat ay gagawin ko para sa iyo, kahit nasasaktan na niya ako." Malungkot at makahulugang turan ni Emily. Sandalint natigilan si Tyron. "Babawi ako sa iyo pag uwi ko." Ngumiti si Emily at tumango-tango. Ang saya niya at babawi sa kaniya ang binata. Excited na siya sa pag uwi nito at kung ano ang gagawin upang makabawi sa kabutihang ginagawa niya para dito. Matapos magamot ang kalmot sa pisngi niya ay bumalik siya sa silid ni Jesabell. Gusto niyang gumanti dito. Napabalikwas ng bangon si Jesabell kahit nanghihina nang maramdamang may nakahawak sa isa niyang kamay. Nanghihina siya dahil naturukan kanina ng gamot. "Ano ang ginagawa mo?" tanong niya sa lalaking nurse na ngayon lang nakita. "Huwag po kayong malikot at kailangan ninyong maitali upang hindi na makapanakit pa. "P*ta, tatandaan ko iyang mukha mong gago ka." Hindi na siya muling nanlaban at mauubos lang ang lakas niya. Pagtingin niya sa pinto ay naroon si Emily at nakangisi na naman. Nadedemonyo talaga ang utak niya kapag nakikita ang babae. Pero wala siyang laban ngayon at pinagtutulungan siya. Ayaw niyang maturukan pa ng kung anong gamot at baka tuluyan na talaga siyang mabaliw. Nang masiguro ni Emily na hindi na talaga siya magantihan ni Jesabell ay bilapitan niya ito. Ilang ulit niya ring sinampal ito sa pisngi at hinila ang buhok. Ngunit hindi manlang dumadaing ito sa sakit kaya lalo lamang siya nagagalit. Tinawanan ni Jesabell ang babae sa halip na ipakitang basasaktan siya. "Kawawa ka naman, kailangan mo pa akong itali para lang makaganti. Sige lang, samantalahin mo ang pagkakataon na ito pero ihanda mo ang iyong sarili. Bibilangin ko ang bilang ng sampal mo sa akin at pananabunot dahil doble kong ibabalik iyan sa iyo kapag nakawala rito." Biglang naibaba ni Emily ang kanang kamay at hindi na itinuloy ang pagsampal pa dito. Alam niyang hindi nagbibiro ang babae. Sa ugali nito, kung masama ang ugali niya ay mas m*****a ito at brutal mag isip upang makaganti. Kung wala lang si Tyron na naniniwala sa kasinungalingan niya ay kawawa siya rito. "Oh, bakit ka tumigil?" Natatawang tanong ni Jesabell sa babae. "Hindi pa namumula nang husto ang pisngi ko kaya ituloy mo lang." Nakangisi niyang udyok sa babaeng halatang natakot sa banta niya. "Bitch! Tumawag si Tyron kanina at nakita ang sugat sa pisngi ko kaya huwag mo akong takutin! Lalong hindi ka paniniwalaan ni Tyron kung magsumbong ka man na sinasaktan kita dahil ang pagkakaalam niya ay nasisiraan ka na ng bait!" Tumawa si Emily at masaya sa mga naisip. Pero biglang nabura ang ngiti sa labi niya nang biglang tumawa rin si Jesabell. Halos mamilipit siya dahil sa pagtawa nang makita ang reaction sa mukha ni Emily nang tumawa siya. Ang tingin nito sa kaniya ay talagang nasisiraan din ng bait. Mas enjoy pala ang ganito. Less stress ang sabayan ang kademonyohan nitong ginagawa sa kaniya. "Ano ang nakakatawa?" Galit na singhal ni Emily kay Jesabell. "Nakakatawa ang mukha mo!" Muli siyang tumawa at kung wala lang tali ang mga kamay niya ay naturo na niya ang mukha nito. "Hindi bagay sa iyo ang maging sugo ni Satanas at ang weak mo!" "You bitch!" Tangkang sasampalin niyang muli si Jesabell ngunit pinigilan siya ni Carlo, ang baklang nurse na kaibigan niya. "Tama na at hindi siya maaring magkapasa sa mukha. Ang mabuti pa ay umuwi ka na at ako na ang bahala sa kaniya." Napabuga ng hangin sa bibig si Emily at sinamaan ng tingin si Jesabell. "Sa pagbalik ni Tyron, siguraduhin kong siya mismo ang maglalagay sa iyo sa mental hospital!" Nagkibit balikat si Jesabell at hindi natatakot sa banta ng babae. Kailangan niyang makaisip ng paraan na mailayo sa kaniya ang nurse na bakla. Galit siya kay Tyron pero naipagdasal niya na sana ay makabalik na ito upang makalabas siya sa hospital. Kapag nakalabas siya ay talagang gagawa siya nang paraang makaalis sa poder nito. Hangga't nasa bahay kasi siya ni Tyron at hindi niya magawang mahalin ang sarili. Ayaw na niyang isiksik ang sarili sa taong ayaw sa kaniya at maging hadlang sa dalawang taong nagmamahalan.Malungkot na ngumiti si Celso nang makita ang asawa at dinalaw siya. Alam niyang may lamat na ang tiwala nito sa kaniya pero hindi siya susuko. "Honey, I'm really sorry!""Magpagaling ka na at tulungan akong makabawi sa anak natin." Malamig na tugon ni Lucy sa asawa.Lumuluhang ngumiti si Celso sa asawa at tumango. Sapat na iyon na pagsisimula nilang muli ng asawa.Napabuntong hininga si Jason habang palihim na nakikinig sa pag uusap ng mga magulang mula sa pinto. Hindi na muna siya tumuloy sa loob at umalis.Sinundan ni Crizelle ang nobyo hanggang sa makarating sa waiting area at doon muna umupo. "Babe, alam kong malalim ang sugat diyan sa puso mo dahil sa ginawa sa iyo ng sarili mong mga magulang. Pero subukan mong bigyan sila ng chance." Tumingin si Jason sa nobya bago huminga nang malalim. "I will try, salamat!"Ngumiti si Crizelle at niyakap ang binata. "Kahit ano ang mangyari, tandaang mong narito lang ako."Hinalikan niya sa noo ang dalaga saka hinaplos ang buhok nito. Gusto m
"Hayop ka, ano ang ginawa mo sa anak ko?" galit na tanong ni Rowena habang dahan dahang lumalapit kay Celso."Mana sa iyo ang anak mo na utak kriminal kaya huwag mo sa akin isisi kung ano man ang nangyayari sa inyong dalawa ngayon!" Pagalit ring tugon ni Celso sa babae saka pilit na bumangon kahit masakit pa ang ulo."Gago ka, anak mo rin si Felix!" Galit na sinugod ni Rowena ang lalaki at pinagsusundok ito.Pilit na sinasangga ni Celso ang kamay ng babae at pinuprotektaha ang ulo upang hindi matamaan. Nang makakuha ng tyempo ang malakas niya itong sinipa sa tiyan na ikinatumba ng huli. "Kasalanan mo kaya lumabas ang sungay ng anak mo! Hindi ka nakuntinto sa paninira sa ibang tao at pinapatay mo pa!" Singhal niya sa babae.Lalo lamang nanlisik ang mga mata ni Rowena at hinugot ang maliit na kutsilyong nakatago sa suot na sapatos. "Matapos mong magamit ang anak ko para sa pansarili mong kaligayahan ay itatapon mo na lang siyang parang basura?" Galing niyang sumbat dito.Umurong si Cels
"Kung hindi ka naging mahina at makasarili ay hindi ako mabuuo! Sana nga ay pinatay mo na lang ako noong nasa sinapupunan pa ng walang hiya at hayop kong ina! Hindi ko sana maranasan ang lahat ng ito ngayon!" Bulyaw ni Felix sa ama.Natigilan si Celso nang makita ang labis na galit at pagkamuhi sa mga mata ni Felix. Para itong nababali2 na rin at tumawa habang umiiyak. Ilang sandali pa ay nagwala na rin ito at lahat nang mahawakan ay tinatapon hanggang sa tamaan siya ng lampshade. Hintakutang natigilan si Felix nang makitang natumbq ang ama. Lalo siyang natakot nang makitang may dugong dumadaloy sa sahig mula sa ulo ng ama. Saka lang siya parang natauhan nang marinig ang sigaw ng katulong at nagtatakbo pababa ng hagdan habang humihingi ng tulong. "Da-dad... I'm sorry!" Umiiyak na gumapang siya palapit sa ama at takot na hinawakan ang gilid ng ulo nitong may sugat.Mabilis na rumisponde ang kapulisan na nasa labas lamang ng gate ng bahay nila Celso. Agad na hinuli si Felix na mukhan
"Honey —""Kasalanan mo ang lahat ng ito kung bakit nagawa kong abandunahin ang sarili kong anak noon!" Bulyaw ni Lucy sa asawa at binato dito ang unan. "Hayop ka, hindi ko kayo mapatawad ni Rowena! Mga baboy kayo! Paano mo nagawang ipaalaga sa akin ang anak ng babae mo?"Naantig ang puso ni Jason nang humagulhol na ng iyak ang ina. Nilapitan niya ito at inalo upang kumalma pero hindi niya magawang ibuka ang bibig. Hindi niya kasi alam kung ano ang dapat sabihin upang mapagaan ang loob nito."I'm sorry, pero hindi ko babae si Rowena. I swear, biktima lang din ako ng kahayupan niya. Hinayaan kong mabuhay ang anak niya at ipalit sa anak nating nawala dahil takot akong magkasakit ka at mawala sa iyong sarili!" Umiiyak na ring paliwanag ni Celso.Yumakap si Lucy sa baywang ng anak at doon umiyak nang husto. Parang sasabog ang dibdib niya dahil sa galit. "Ano ang nagawa ko? Bakit naging tanga ako noon? Anak, kasalanan ng mommy!" Huminga nang malalim si Jason saka nagsalita. "Hindi na po
"Okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Crizelle kay Jason. Hindi siya umaalis sa tabi nito at hinihintay nila ang result ng doctor na siyang tumitingin sa kalusugan ng ina nito.Hinawakan ni Jason ang palad ng dalaga at pilit na ngumiti. Pagtingin niya sa ama at tahimik itong nakatayo sa isang tabi habang nakayuko ang ulo. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maawa sa ama. Walang duda na sobrang mahal nito ang ina niya na hinangaan niya naman. Pero ang pagiging ama?Lumapit si Terso kay Jason ay ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "Kahit ano ang mangyari ay mga magulang mo pa rin sila."Tumingin si Jason sa matanda at blangko ang expression sa mukha."Sorry sa mga nasabi ko tungkol sa pagkatao mo. Kung ano man ang maging pasya mo sa relasyon ninyo ng apo ko ay hindi na ako mangialam pa." Pagpatuloy ni Terso."Ayaw ko pong pag usapan iyan sa ngayon." Nakagat ni Crizelle ang ibabang labi nang mahabang ang katabangan sa tinig ng binata. Natatakot siya na baka ayawan na siya ng b
"May sapat pong ebedensya na sa kaniya nakaturo ang kaso kasama ang kaniyang pinsan. Bukod doon ay may iba pang kaso na kailangan niyang harapin."Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman at nakakagulat po itong balita ninyo sa amin. Kung talagang nagkasala siya ay e surrender ko siya sa inyo. Ayaw ko rin na may makasama ang mga magulang ng isang kriminal." Mukhang nag aalalang ani Felix. "Maraming salamat po, sir.""Alam ko po kung nasaan siya ngayon." Seryusong turan ni Felix. "Nasa hospital ngayon ang mga magulang ko at ang alam ko ay naroon siya upang bantayan ang mommy ko.""Maraming salamat sa cooperation, sir." Pasalamat ng pulis saka tinawag ang kasamang pulis din. "Kakusa, alam ko na kung nasaan ang suspect!"Matalim ang tingin ni Felix na nakasunod sa tumalikod ng pulis. Ngumisi siya nang makaalis na ang mga ito sakay ng police patrol car. Nang masigurong wala na ang pulis ay nagmamadali na siyang pumasok sa looob at hindi na ipinasok sa gate ang sasakyan."Sir, mabuti a