"Tsk, ganiyan ka na ba kadisperada para sa kaibigan mo? Ipipilit mong si Tyron ang magbuhat sa kaniya gayong nakikita mong kailangan niyang yakapin si Jesabell?" Asar na angil ni Jason kay Dory.Naiiyak na pinanood na pang Dory ang ginawa ni Jason. Naawa kasi siya sa kaibigan at tiyak na magalit ito sa kaniya mamaya dahil palpak ang set up na ginawa nila ni Lory."Pota, ang bigat mong babae ka!" Reklamo ni Jason at walang ingat na ibinaba si Emily sa maliit na bed. Dalawa kasi ang bed sa loob ng clinic. Natawa siya nang marinig ang mahinang daing nito at nasaktan sa ginawa niya. "Deserve mo iyan, bitch!" Bulong niya dito bago lumayo.Halos bumaon na ang mga kuko ni Emily sa palad dahil sa higpit ng pagkakuyom ng mga kamay. Kung hindi lang siya nagpapanggap at wala sa paligid si Tyron ay nasampal na niya si Jason. Lalong nag ingay ang loob ng clinic nang may pumasok. Sa hinuha niya ay ang doctor na iyo at nurse sa university kaya kinabahan siya."Ano ang nangyari?" tanong ng doctor hab
Kabado na rin si Emily at nanatiling nakapikit ang mga mata. Mukhang hindi lang sa kaniya pumalpak ang gamot kundi maging ang para sana kay Jason.Lalong natawa si Lory nang pandilatan siya ng mga mata ng babae. "Nakita kitang nilagyan mo ng gamot ang inumin!"Tumalim ang tingin ni Tyron kay Dory. "Ano ang ibig sabihin nito?""Hindi totoo ang sinabi niya. Nahihibang na siya kaya huwag ninyong paniwalaaan!" May kasamang iling na paliwanag ni Dory."Malinaw na ang lahat. Sa iyo galing ang tubig na ito at gusto ninyong masira ang pagkatao ng magkaibigan!" Nangangalit ang bagang na ani Jason. Totoong galit siya dahil kung hindi natuklasan ng kaibigan ang masamang balak ng mga ito ay sila ni Jesabell ang masisira ngayon. Siya sana ang nasa kalagayan ni Lory ngayon na nawala sa sarili at ang masisi ay si Jesabell. Napabangon na si Emily at hindi kayang makinig na lang sa mukhang talunan na boses ng kaibigan. "A-ano ang nangyayari?" Painosinte niyang tanong habang iginagala ang tingin sa p
Malaking lunok ng sariling laway ang ginawa ni Dory at hindi makapaniwala sa nakikita. Mabilis siyang umupo ng pa squat at binuksan ang pack ng wipes. Kulang na lang ay baliktarin niya ang bag at hinanap ang maliit na plastic na alam niyang nailagay ni Lory doon kanina."Enough!" Galit na inagaw ni Tyron ang bag ni Jesabell mula kay Dory. "Look what have you done!"Napapiksi si Emily at natakot sa boses ni Tyron. Hindi ito natuwa sa ginawa ni Dory lalo na at halatang nagtampo dito si Jesabell. Bumaba na siya sa kama at mukhang hirap na lumapit sa binata."Tyron, please huwag kang magalit sa kaibigan ko. Ginagawa niya lang ito upang linisin ang pangalan niya. She's my friend and alam mo ang ugali ni Jesabell ay—""Nakita mong walang ibang laman ang bag niya kaya sana ay huwag mo na ring pagbintangan si Jesabell para lang sirain siya!" Putol ni Jason sa pagsasalita ni Emily. "Hindi ba kayo naaawa sa kaniya? Malinaw na biktima siya rito at hindi biro ang nararamdaman niya ngayon para pag
"Dory, bakit mo nagawa ito? Alam kong mahal mo ako at ayaw inaapi ni Jesabell. Pero mali itong ginawa mo para lang mapasaya lang ako." Lumuluha na hinawakan niya ang kamay nito. Pinisil niya iyon at nakiusap ang tinging ipinukol dito nang magsalubong ang tingin nila.Mariing nakagat ni Dory ang ibabang labi at napaluha na rin. Nilunok ang pride at nagyuko ng ulo. "I'm sorry! Hindi ko iniisip na may epikto din sa iyo ang gagawin ko kapag nalaman ang katotohanan."Pumalatak si Jason, hindi niya akalaing kayang isakripisyo o ilaglag ni Emily ang matalik nitong kaibigan para mailigtas ang sarili. Gusto niyang maawa kay Dory at mukhang no choice kundi ang magsalripisyo. Well, wise na desisyon iyon. Kapag pareho silang nakulong ay walang tutulong upang makalaya ang isa sa mga ito.Gustong sakalin ni Tyron si Dory pero kailangan niyang unahin si Jesabell. "Nasaan ang susi?" Pagalit niyang tanong sa nurse. Nagmamadaling inabot ng nurse kay Tyron ang susi ng banyo. Sinipa na ni Tyron ang pi
"Sir, nandito na po tayo." Halos pabulong na turan ng driver at ang leeg ay mukhang naninigas na at tuwid na nakaharap lang sa unahan ng sasakyan. Mukhang natauhan na napabitaw si Tyron ng halik sa dalaga. Mabilis siyang humiwalay mula sa pagkayakap dito at lumabas ng sasakyan. Muling itong binuhat at dinala sa emergency room."Dir, hanggang dito po muna kayo." Harang ng nurse kay Tyron nang tangkang sasama hanggang sa loob ng emergency room."Gawin ninyo ang lahat upang gumaling siya." Pakiusap niya sa nurse."Yes po, huwag kayong mag alala at magaling na doctor ang may hawak sa asawa ninyo ngayon."Hindi na niya itinama ang maling akala ng nurse. Hindi siya makapakaling naglakad pabalik balik sa harapan ng operating room. Patakbong lumapit si Jason kay Tyron nang makita ito. "Nasaan na ang kaibihan ko? Ano ang lagay niya?" Nababahalang tanong ni Jason."Nahuli na ba ng police ang babaeng iyon?" Malayong sagot ni Tyron kay Jason."Yes," napilitang sagot ni Jason. Naasar siya sa kaa
"Kumusta na siya doc?" tanong ni Tyron sa sumuri kay Jesabell. "Naturukan ko na siya ng gamot. Mabuti na lang at nadala mo siya agad dito dahil nakamamatay ay ganoong uri ng gamot kung hindi nalunasan agad."Napatiim bagang si Tyron at tumingin sa dalagang nakahiga. Nakatulog ito dahil sa tinurok na gamot. "Kapag may katanungan pa kayo ay nasa opisina lang ako," ani ng doctor bago nagpaalam nang aalis."Thank you po, Doc!" Lumapit siya sa dalaga nang wala na ang doctor. Mataman niyang pinagmasdan ang makinis nitong mukha. Kahit tulog ay bakas sa mukha nito ang lungkot na nadarama. Ngayon niya lang din napansin ang pangingitin ng ilalim ng mga mata nito. Hindi niya iyon napapansin dahil laging natatakpan ng make up.Napatingin si Tyron sa pinto nang may kumatok doon. Pagbukas ang pinto ay ang katulong ang pumasok."Sir, ito na po ang damit ni Ma'am Jesabell." Ipinatong ni Nida ang dala sa isang upuan."Salamat, puntahan mo na si Emily sa kabilang silid." Utos ni Tyron sa katulong."G
"Halika, alam ko kung saan ang canteen dito." Tinulungan niya abg dalaga na makatayo.Hindi na tumanggi pa si Jesabell. Kung gusto niyang mabuhay ay kailangang pakapalin ang mukha. Hindi niya alam kung nasaan na ang bag niya at naroon ang gamit. Ayaw niyang maghintay sa pagbalik ni Tyron ay tiyak na nakalimutan na siya nito. Mabuti na lang at tumahan na ang bata at nakatitig sa kaniya. Kung may makakita sa kaniya ngayon na kakilala ay tiyak na pagtawanan siya. Mukha kasi siyang uugod ugod na matanda kung maglakad. Kung hindi nakaalalay sa kaniya ang ginang ay baka natumba na siya. "Mabuti pa ang bata, marunong maawa sa akin!" bulong ni Jesabell sa sarili at ngumiti sa bata. Sa tingin niya ay tatlong taon na ang batang lalaki. Hindi naman kalayuan ang canteen na pinuntahan nila pero hinapo siya sa paglalakad. "My bad, bakit ba hindi kita ikinuha ng wheelchair upang hindi ka mahirapan sa paglalakad?" Natampal ng babae ang sariling noo."Ok lang po at parang exercise na rin ito. Pasen
"Speaking of the devil." Tumigil sa pagkukuwento si Minche at kinuha ang tumutunog na cellphone mula sa bag. "Wait, tumatawag siya."Nagmadali nang tinapos ni Jesabell ang pagkain. Sobrang nakaabala na kasi siya at hindi aalis ang mga ito hangga't hindi siya natatapos sa pagkain at maibalik sa kaniyang silid.Sa silid ni Emily, magana siyang kumain at nasa harapan ang binata. Sinadya niyang bagalan ang pagkain upang tumagal pa roon ito sa kaniyan tabi. Hindi na muna niya binuksan ang paksa tungkol sa kaibigan niya at baka magalit na naman ito sa kaniya.Napatingin si Tyron sa suot na relo. May twenty minutes na rin pala siyang nanatili sa silid ni Emily. Nang mapansin niya ang ginawa ni Tyron ay binitiwan niya ang kutsara at humawak sa sariling tiyan. "Ahh, ang sakit!"Mabilis na tumayo si Tyron at dinaluhan ang dalaga. "What's wrong?""Biglang sumakit ang tiyan ko!" "Nida, call the doctor.""Huwag!" Pigil ni Emily sa pag alis ni Nida. "Mawawala din ito at nabigla lang sa pagkain ko
"No..." humigpit ang yakap niya sa asawa. "Please, give me time. Puwedeng kahit isang buwan lang ay iparamdam mo sa kaniya na ina ka niya?" Siya naman ngayon ang nakiusap sa asawa.Napaisip si Lucy at tumigil na sa pag iyak. "Isang buwan lang?" Naniniguro niyang tanong dito.Nakangiting tumango si Celso, "yes. Don't worry, kausapin ko si Felix mamaya paggising niya at ipaunawa ang sitwasyon."Nakangiting gumanti na ng yakap si Lucy sa asawa. Masaya siya dahil siya pa rin mas matimbang sa puso ng asawa kaysa anak nito sa ibang babae.Napangiti si Felix saka nagmulat ng mga mata nang lumabas na ng silid ang mga magulang. Siya pa rin ang magwawagi sa muli nilang pagkikita ni Jason.Napamulat si Jason nang maramdamang may taong nagmamasid sa kaniya. Nang makita si Felix at mataman niya itong pinagmasdan. "Hindi mobna ako kailangang bantayan habang natutulog."Tumalim ang tingin ni Felix sa lalaki at hindi natuwa sa sinabi nito at ang mapang asar na ngiting nakapaskil sa labi nito. "First
Ipinikit ni Jason ang mga mata nang lumapit sa kaniya ang doctor. Hinayaan niyang suriin nito ang mga mata niya,pulso at heartbeat."Maayos naman ang kalagayan niya po maliban sa pananakit ng ulo. Normal lang po iyan sa sakit niya ngayon kaya huwag siyang pilitin na makaalala. Bigyan ko po siya ng gamot na makatulog kapag sumakit ang ulo niya." Kausap ng doctor sa ama ni Jason."Maraming salamat po, doc." Kinamayan ni Celso ang manggagamot."Doc, may iniindang sakit din po si Senyorito Felix."Napamulat ng mga mata si Jason nang marinig ang sinabi ng katulong. Pinakatitigan niya ang ginang at nahuli niya kung paano siya nito titigan. Mas bata sa mga magulang niya ang katulong. "Ah yes please, pakitingnan ang bunso kong anak." Pakiusap ni Celso sa doctor.Nauna nang lumabas ang katulong at sumunod ang doctor."Matagal na ba ang katulong na iyon dito?" tanong ni Jason sa ama.Sandaling natigilan si Celso at nagtatakang napatingin sa anak. "May problema ba sa kaniya, son?""Wala naman
Umupo si Celso sa tabi ng anak at ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "She's your real mother."Nakahinga nang maluwag si Jason at nagkamali naman pala siya ng iniisip kanina."Almost ten years kaming kasal bago ka dumating sa buhay namin. Ang sabi ng doctor ay maliit ang chance na makabuo kami ng anak dahil laging nakukunan ang mommy mo noon. Naisip kong mag ampon na lang sana noon ngunit ayaw ng mommy mo. Kaya naisip ko na lang naag hired ng surrogate mother."Halos hindi na magawang kumurap ni Jason habang nakikinig sa kuwento ng ama. Mukhang mas madrama ang buhay ng parents kaysa kaniya."Hindi na kami lumayo noon at willing ang katulong namin na siya ang maging surrogate mother dahil mas bata siya kaysa amin at healthy naman. Naging matagumpay ang isinagawa at nabuo ka."Hulaan ko, naging selosa si Mommy?" tanong niya sa ama.Tumango si Celso, "nagkasakit ang mommy mo at hindi ko alam kung bakit nagkaganoon siya nang mag isang taon ka na. Pinagdudahan niya ako na sumisipi
"Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay
"Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na
Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang
Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Celso at napatayo. "What?""Dad, sino po iyan?" tanong ni Felix at hinawakan ito sa kamay."Ang kapatid mo, nasa labas!" Halos takbuhin na ni Celso ang palabas sa silid ng bunsong anak.Inis na naitapon ni Felix ang unan sa sahig. Ang ina ay nasa labas at mukhang iyon ang dahilan kaya hindi pa ito bumabalik."Honey, where are you going?" tanong ni Lucy sa asawa nang makasalubong ito sa hallway."Hindi mo ba alam na nasa labas ang panganay nating anak? Nasaan si Roger?" Pagalit na tanong ni Celso habang patuloy sa paglalakad."What? Hindi ko alam, honey. Ako na ang lalabas at bumalik ka na sa silid ni Felix." Habol ni Lucy sa anak. Parang walang narinig si Celso at patuloy sa paglalakad diritso sa gate.Nang bumukas muli ang ang maliit na pinto sa gate ay saka lang umalis sa kagkasandal sa motor si Jason. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa ginang at ginoo na mukhang naghahabulan o nakipag unahan na makalapit sa kaniya."Anak ko!" Umiiyak na niyakap
"Are you sure na hindi mo kami ipakilala sa tunay mong pamilya?" tanong ni Tyron sa kaibigang si Jason."Hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ako napawalay sa kanila noon. At ayun sa pag imbistiga ko ay matapobre ang pamilya ng aking ama. Ayaw kong magustohan nila ako o tanggapin dahil sa status ng buhay ko ngayon."Nakakaunawang tumango si Tyron at hinawakan sa kanang braso ang kaibigan. "Kahit ano ang mangyari ay narito lang kami."Ngumiti si Jason at hinawakan ng mahigpit sa braso si Tyron. Suwerte ng kaibigan niya at ito ang naging asawa. Maging siya ay ginawang kapamilya. Kaya lang naman niya nahanap ang tunay na pamilya dahil may nagsagawa ng DNA test, kabilang ang lahat ng nanggaling sa bahay ampunan. At ang mga nawalan ng anak ay nakipag cooperate sa naturang organisation. "Jason, alalahanin mong may bagong tayo kanh negosyo at kailangan ka doon." Paalala ni Jesabell sa kaibigan dahil ang asawa niya ang mahirapan kapag wala ito.Muling tumango si Jason at nagpasalamat sa m
"Don’t worry, hindi na nila magugulo pa ang buhay natin. Siguraduhin kong mabubulok siya sa bilanggoan kasama si Paul."I trust you!" Tanging namutawi sa bibig niya at nagpaakay na sa binata pabalik sa silid.Naging maayos ang lahat at lumipas ang ilang araw ay nakalabas na rin ng hospital ang anak niya. Sa bahay nila Timothy na sila tumira pero bumili ito ng bago at mas malaking bahay. Ayaw umano siyang itira sa dating bahay kung saan nanirahan noon si Jona. Nasentensyahan ng twenty years na pagkabilanggo si Jona at maari pang madagdagan sa ibang kaso na ipapatong ni Timothy. Si Paul ay thirty years naman ang itatagal sa bilanggoan. Ang ama ay pinagamot niya pero sa isang nurse ipinaalaga. Napatawad na ni Janina ang ama pero hindi na kaya itong makasama pa. Ang tiyahin ay lumayas at naghanap ng ibang lalaking may pakinabang dito. Ang kasal nila ay naging mabilis ang preperasyon dahil sa tulong ng kapatid ni Timothy at iba pa niyang kaibigan."Congratulations!" Masayang bati ni Jesab