Home / Romance / I NEED YOU / Chapter 7-Sama ng loob

Share

Chapter 7-Sama ng loob

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2025-02-10 16:34:36

"Ano ang ibig mong sabihing na kay Nida ang cellphone mo?" nagtatakang tanong ni Tyron.

"Hindi ba at pinakuha mo ang cellphone ko at ayaw akong pahawakin?" Malungkot niyang sagot sa binata.

"Tyron, sa tingin ko ay nagha-hallucinate na naman siya. Dapat siguro ay hindi muna siya pinayagang makalabas." Nag aalala at mukhang takot na kumapit muli si Emily sa braso ni Tyron.

Inalis ni Tyron ang kamay ni Emily at nag aalalang lumapit kay Jesabell. Kasalanan niya kung lumala ang sakit ng dalaga dahil iniwan niya ito. "Jesabell, halika at kumain ka muna upang gumanda ang pakiramdam mo then iinum ng gamot."

Inis na sinamaan ni Emily ng tingin si Jesabell at ang bilis lumambot ng puso ni Tyron para dito.

Muli siyang humakbang palayo sa binata. "No, hindi ako baliw kung iyan ang iniisip mo. Masama bang bawiin na ang cellphone ko?" Malungkot niyang tanong sa binata.

"Jesabell, bakit kay Nida mo hinahanap ang cellphone mo? Nasa silid mo lang iyon at hindi kinukuha sa iyo." Malumanay na kausap ni Emily sa dalaga.

"Tama po si Senyorita Emily, wala sa akin ang cellphone mo. Kung gusto niyo po ay kukunin ko sa room mo." Pagmamagandang loob ni Nida.

"Pasuyo na at ibigay mo na sa kaniya." Utos ni Tyron sa katulong.

"Hindi na kailangan." Pigil ni Jesabell sa katulomg.

"Jesabell, huwag mo nang pahirapan pa si Tyron. Kukunin na ni Nida ang cellphone mo upang mapanatag na ang kalooban mo." Concern na ani Emily.

"Thank you sa concern pero huwag mo nang pagurin ang katulong. Pahiram na lang ng cellphone at ipa ring ko ang sariling numero." Inilahad niya ang kamay sa harapan ni Nida.

Biglang nag alinlangan si Nida na ipahiram ang cellphone kay Jesabell. Malakas ang kutob niyang may balak itong hindi maganda lalo na at ang kalmado nito.

"Bakit hindi mo ako mapahiram ng cellphone? Natatakot ka ba na baka biglang tumunog ang cellphone ko sa iyong silid?" Sarkastikong tanong ni Jesabell sa katulong.

"Jesabell, bakit mo ginaganyan si Nida? Alam kong hindi mo siya gusto dahil ang tingin mo sa kaniya ay kakampi ko. Pero hindi pa rin tama na pagbintangan mo siyang magnanakaw." Sermon ni Emily.

"May sinabi ba akong ninakaw niya?" Sarkastikong tugon ni Jesabell.

Napipilan si Emily, nainis siya sa sarili at napasobra yata ang sinabi niya para lang palabasing masama ang ugali ni Jesabell.

"Ako na ang tatawag sa cellphone mo upang matigil na ito." Mukhang naiirita nang turan ni Tyron.

Nakangiting sinalubong ni Emily ang tingin ni Jesabell. Pinararating niya sa babae na magmumukha lang itong baliw sa paningin ni Tyron. Ngunit natigilan siya nang sumilay naman ang makahulugang ngiti sa labi nito. Pati ang mga mata ay banaag ang nagsasayaw na kagalakan kaya kinabahan siya. Bigla siyang napatingin sa suot na apron ni Nida. Gusto niyang pigilan si Tyron ngunit huli na ang lahat.

Daig pa ni Nida ang natuklaw ng ahaw nang may tumunog na cellphone sa kaniyang apron. Napaurong siya ng hakbang nang tumingin sa kaniya ang binatang amo. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ilabas ang cellphone at magkunwaring walang narinig.

Mabilis na nilapitan ni Emily si Nida at hinawakan sa kamay. "Nida, ang akala ko ba ay ibinalik mo na ang cellphone ni Jesabell?" May kasamang panenermon na aniya sa katulong.

"So-sorry po, senyorita. Nakalimutan kong ibinigay niya sa akin ito kanina at pinahawakan." Kinakabahang tugon ni Nida kay Emily at iniiwasang mapatingin kay Tyron.

Pinigilan ni Jesabell ang sarili na mainis dahil nakagawa agad ng palusot ang dalawa. Well, nakita niya kanina ang cellphone sa kaniyang silid at narinig ang utos ni Emily. Nagawa niyang ilagay sa naiwang apron kanina ni Nida ang sariling cellphone upang mag backfire sana ang plano ng dalawa.

Si Emily na ang kumuha ng cellphone na nasa apron ni Nida at humarap sa kaagaw. "Jesabell, pagpasensyahan mo na si Nida at naging malimutin. Here's your phone."

Napaismid si Jesabell at tiningnan ang hawak ni Emily. Kinuha niya ang cellphone at nakangiting ibinalik kay Nida. "Napalitan mo naman na ang password nito kaya sa iyo na ito."

Gulat at napahiyang nagyuko ng ulo si Nida. Hindi niya alam kung ano na ang sunod na gagawin.

"Jesabell, ano ang ginagawa mo? That's is your favourite phone." Sita ni Tyron sa dalaga.

Pilit na pinigilan ni Jesabell ang pagsilay ng mapait na ngiti sa kaniyang mga labi. Hindi manlang nagtaka ang binata kung bakit na kay Nida ang phone niya. Marahan siyang nagbuntong hininga bago masayang ngumiti sa binata. "Hindi na ngayon. Isa pa ay hindi ko na kailangan iyan dahil walang importanteng tao na tatawag na diyan."

Mabilis na siyang tumalikod at umakyat sa hagdan upang bumalik sa kaniyang silid. Kumurap kurap siya upang hindi tumuloy ang pagpatak ng butis ng luha sa kaniyang mga mata. Totoong hindi na importante sa kaniya ang cellphone na si Tyron mismo ang bumili para sa kaniya. Mula nang baliwalain ng binata ang tawag niya nang gabing iyon ay wala nang kuwenta sa kaniya ang contact na nasa cellphone. Saulo naman niya ang number ni Jason kung kailangan niya itong kontakin. Alam na rin ng kaibigan na wala sa kaniya ang cellphone kaya hindi na iyon doon tatawag.

Nang makapasok sa silid ay saka lang pinakawalan ni Jesabell ang luha na kanina pang namuo sa gilid ng mga mata niya. Ang akala niya ay wala na siyang mararamdamang pait, lungkot at sakit sa puso sa isiping wala na siyang halaga sa buhay ni Tyron. Nang makarinig ng mga yabag palapit sa silid niya ay nagmamadaki siyang pumasok sa banyo. Ayaw niyang makita siya ng kahit sino pa na umiiyak.

Napabuntong hininga si Tyron nang makitang pumasok sa banyo si Jesabell. Sinundan niya ito at kinatok ang pinto ng banyo. "Kung ayaw mo na sa cellphone na ito ay papalitan ko ng bagong brand new na iphone."

Lalo lamang nagpupuyos sa galit ang puso ni Jesabell nang marinig ang sinabi ng binata. "Hindi na kailangan." Malamig niyang tugon at naghilamos upang alisin ang bakas ng luha sa mga mata.

"Look, alam kong nagtatampo ka at binaliwala ko ang tawag mo namg gabing iyon. Hindi na mauulit kaya huwag mo nang palitan ang iyong number." Mahinahon na turan ni Tyler at pilit na sinusuyo ang dalaga.

Hindi niya sinagot ang binata. Mariing naglapat ang mga labi niya at kuyom ang mga kamay. Nagagalit siya sa sarili dahil lumalambot ang puso sa panunuyo ng binata. Dapat manaig ang galit niya sa puso upang makalaya na ang sarili sa heartache.

"Alalahanin mo, hindi na ikaw ang priority niya at walang tiwala sa iyo. Kaya ka niyang abandunahin ano mang oras para kay Emily!" kausap niya sa sarili habang nakipagtitigan sa salamin.

Unti unting humulma ang ngiti sa labi niya ar tumango tango habang nanatiling nakatingin sa sariling reflection. "Tama, mula ngayon ay mag isa na lang ako. Narito lamang ako para gumanti sa bruhildang iyon!" bulong ni Jesabell sa sarili bago muling naghilamos.

Ang laki ng ibinagsak ng katawan niya dahil walang maayos na kain nang nasa hospital siya. Pakiramdam niya ay biglang tumanda ang mukha niya. Hindi niya dapat pabayaan ang sarili. Tama na ang maging talunan at durog ang kalooban. Sa panlabas na anyo ay makabawi manlang. Pinalipas pa niya ang ilang minuto at inayos ang sarili. Nang masiguro na mukha na siyang fresh muli ay saka lang siya nagpasyang lumabas ng silid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Yeng Deleon
ngayon lang ulit ako nagbasa sa good novel unlock na palang lahat ..hindi naba babalik yung my adds para mabasa ulit
goodnovel comment avatar
Carmelita Rosido
maganda sana ang kwento pero pinupotol man kaagad
goodnovel comment avatar
AJ M. Vale
full story naman po please.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 49-Araw ng kasal

    Malungkot na ngumiti si Celso nang makita ang asawa at dinalaw siya. Alam niyang may lamat na ang tiwala nito sa kaniya pero hindi siya susuko. "Honey, I'm really sorry!""Magpagaling ka na at tulungan akong makabawi sa anak natin." Malamig na tugon ni Lucy sa asawa.Lumuluhang ngumiti si Celso sa asawa at tumango. Sapat na iyon na pagsisimula nilang muli ng asawa.Napabuntong hininga si Jason habang palihim na nakikinig sa pag uusap ng mga magulang mula sa pinto. Hindi na muna siya tumuloy sa loob at umalis.Sinundan ni Crizelle ang nobyo hanggang sa makarating sa waiting area at doon muna umupo. "Babe, alam kong malalim ang sugat diyan sa puso mo dahil sa ginawa sa iyo ng sarili mong mga magulang. Pero subukan mong bigyan sila ng chance." Tumingin si Jason sa nobya bago huminga nang malalim. "I will try, salamat!"Ngumiti si Crizelle at niyakap ang binata. "Kahit ano ang mangyari, tandaang mong narito lang ako."Hinalikan niya sa noo ang dalaga saka hinaplos ang buhok nito. Gusto m

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 48-Karmq

    "Hayop ka, ano ang ginawa mo sa anak ko?" galit na tanong ni Rowena habang dahan dahang lumalapit kay Celso."Mana sa iyo ang anak mo na utak kriminal kaya huwag mo sa akin isisi kung ano man ang nangyayari sa inyong dalawa ngayon!" Pagalit ring tugon ni Celso sa babae saka pilit na bumangon kahit masakit pa ang ulo."Gago ka, anak mo rin si Felix!" Galit na sinugod ni Rowena ang lalaki at pinagsusundok ito.Pilit na sinasangga ni Celso ang kamay ng babae at pinuprotektaha ang ulo upang hindi matamaan. Nang makakuha ng tyempo ang malakas niya itong sinipa sa tiyan na ikinatumba ng huli. "Kasalanan mo kaya lumabas ang sungay ng anak mo! Hindi ka nakuntinto sa paninira sa ibang tao at pinapatay mo pa!" Singhal niya sa babae.Lalo lamang nanlisik ang mga mata ni Rowena at hinugot ang maliit na kutsilyong nakatago sa suot na sapatos. "Matapos mong magamit ang anak ko para sa pansarili mong kaligayahan ay itatapon mo na lang siyang parang basura?" Galing niyang sumbat dito.Umurong si Cels

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 47-Karamay

    "Kung hindi ka naging mahina at makasarili ay hindi ako mabuuo! Sana nga ay pinatay mo na lang ako noong nasa sinapupunan pa ng walang hiya at hayop kong ina! Hindi ko sana maranasan ang lahat ng ito ngayon!" Bulyaw ni Felix sa ama.Natigilan si Celso nang makita ang labis na galit at pagkamuhi sa mga mata ni Felix. Para itong nababali2 na rin at tumawa habang umiiyak. Ilang sandali pa ay nagwala na rin ito at lahat nang mahawakan ay tinatapon hanggang sa tamaan siya ng lampshade. Hintakutang natigilan si Felix nang makitang natumbq ang ama. Lalo siyang natakot nang makitang may dugong dumadaloy sa sahig mula sa ulo ng ama. Saka lang siya parang natauhan nang marinig ang sigaw ng katulong at nagtatakbo pababa ng hagdan habang humihingi ng tulong. "Da-dad... I'm sorry!" Umiiyak na gumapang siya palapit sa ama at takot na hinawakan ang gilid ng ulo nitong may sugat.Mabilis na rumisponde ang kapulisan na nasa labas lamang ng gate ng bahay nila Celso. Agad na hinuli si Felix na mukhan

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 46-Paninisi

    "Honey —""Kasalanan mo ang lahat ng ito kung bakit nagawa kong abandunahin ang sarili kong anak noon!" Bulyaw ni Lucy sa asawa at binato dito ang unan. "Hayop ka, hindi ko kayo mapatawad ni Rowena! Mga baboy kayo! Paano mo nagawang ipaalaga sa akin ang anak ng babae mo?"Naantig ang puso ni Jason nang humagulhol na ng iyak ang ina. Nilapitan niya ito at inalo upang kumalma pero hindi niya magawang ibuka ang bibig. Hindi niya kasi alam kung ano ang dapat sabihin upang mapagaan ang loob nito."I'm sorry, pero hindi ko babae si Rowena. I swear, biktima lang din ako ng kahayupan niya. Hinayaan kong mabuhay ang anak niya at ipalit sa anak nating nawala dahil takot akong magkasakit ka at mawala sa iyong sarili!" Umiiyak na ring paliwanag ni Celso.Yumakap si Lucy sa baywang ng anak at doon umiyak nang husto. Parang sasabog ang dibdib niya dahil sa galit. "Ano ang nagawa ko? Bakit naging tanga ako noon? Anak, kasalanan ng mommy!" Huminga nang malalim si Jason saka nagsalita. "Hindi na po

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 45-Pqghingi ng tawad

    "Okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Crizelle kay Jason. Hindi siya umaalis sa tabi nito at hinihintay nila ang result ng doctor na siyang tumitingin sa kalusugan ng ina nito.Hinawakan ni Jason ang palad ng dalaga at pilit na ngumiti. Pagtingin niya sa ama at tahimik itong nakatayo sa isang tabi habang nakayuko ang ulo. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maawa sa ama. Walang duda na sobrang mahal nito ang ina niya na hinangaan niya naman. Pero ang pagiging ama?Lumapit si Terso kay Jason ay ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "Kahit ano ang mangyari ay mga magulang mo pa rin sila."Tumingin si Jason sa matanda at blangko ang expression sa mukha."Sorry sa mga nasabi ko tungkol sa pagkatao mo. Kung ano man ang maging pasya mo sa relasyon ninyo ng apo ko ay hindi na ako mangialam pa." Pagpatuloy ni Terso."Ayaw ko pong pag usapan iyan sa ngayon." Nakagat ni Crizelle ang ibabang labi nang mahabang ang katabangan sa tinig ng binata. Natatakot siya na baka ayawan na siya ng b

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 44-Paninisi

    "May sapat pong ebedensya na sa kaniya nakaturo ang kaso kasama ang kaniyang pinsan. Bukod doon ay may iba pang kaso na kailangan niyang harapin."Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman at nakakagulat po itong balita ninyo sa amin. Kung talagang nagkasala siya ay e surrender ko siya sa inyo. Ayaw ko rin na may makasama ang mga magulang ng isang kriminal." Mukhang nag aalalang ani Felix. "Maraming salamat po, sir.""Alam ko po kung nasaan siya ngayon." Seryusong turan ni Felix. "Nasa hospital ngayon ang mga magulang ko at ang alam ko ay naroon siya upang bantayan ang mommy ko.""Maraming salamat sa cooperation, sir." Pasalamat ng pulis saka tinawag ang kasamang pulis din. "Kakusa, alam ko na kung nasaan ang suspect!"Matalim ang tingin ni Felix na nakasunod sa tumalikod ng pulis. Ngumisi siya nang makaalis na ang mga ito sakay ng police patrol car. Nang masigurong wala na ang pulis ay nagmamadali na siyang pumasok sa looob at hindi na ipinasok sa gate ang sasakyan."Sir, mabuti a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status