“Anong ibig mong sabihin?” lumingon naman na muna siya sa pintuan at bintana saka niya inilapit ang mukha niya sa akin.
“Hindi ka maniniwala kung nasaan tayo, nasa ilalim tayo ng lupa kaya wala kang ibang makita sa paligid kundi mga sulo lang. Nasa mundo tayo ng mga bampira.” Wika niya na ikinagulat ko, anong dahilan nila para kunin ako. Matagal na kami ni Lola na naninirahan sa paanan ng bundok na iyun pero walang nangyari sa amin.Naalala ko si Clint, hindi kaya siya ang hinahanap nila? Pero paano nila nalaman na nandun siya?Tiningnan ko naman si Ate saka ako umatras, kung puro bampira ang nasa paligid ko ibig sabihin hindi ako ligtas.“Huwag kang mag-alala hindi ako bampira. Galing din ako sa mundo ng mga tao, nag-a-outing kaming magkakaibigan ng may biglang may lumabas sa mga puno na mga lalaking nakaitim at dinala kami dito. Hindi ligtas ang kagubatan kung alam ko lang na totoo pala sila nag-ingaHalos matulala lang ako dito sa apat na sulok ng kwartong ito, hindi niya sa akin magagawa yun. Hindi ko man masyadong kilala si Clayton o Clint pero nararamdaman kong hindi siya manggagamit na katulad ng bampirang yun.Bumalik siya sa kaharian niya para hanapin ang sarili niya, sinabi pa niya sa akin na babalik siya pagkatapos. Hindi dapat ako magpapaniwala sa bampirang yun, dahil siya ang manggagamit sa mga tao para lang mabuhay sila.“Sino ba si Clayton?” tanong sa akin ni Ate, umupo naman ako sa kama at hinarap siya.“Siya yung taong lobo na tinulungan ko.”“Bakit hindi ka humingi ng tulong sa kaniya para makalabas tayo dito.” Bakas ang pagiging desperada niya pero ayaw ko namang ilagay sa kapahamakan si Clayton kung sakali. Alam kong buhay sa buhay ang nakataya dito kaya wala akong pamimilian, ayaw kong maging makasarili para lang iligtas ang sarili kong buhay.Napasapo na laman
May mga halaman man pero mga patay din, maging ang mga puno ay patay. Wala man lang bang kabuhay buhay ang lugar na ito?“Anong hinahanap mo?” tanong ni Ate Layla.“Naghahanap ako kung may makikita ba akong liwanag, gusto ko ng makakita ng sinag ng araw. Lahat ng nasa paligid ay mga patay na, wala man lang kabuhay buhay.” Anas ko, lumapit naman siya sa akin pero nasa tubig pa rin ang katawan niya.“Anong aasahan mo sa lugar na ito? paanong mabubuhay ang mga halaman at puno kung wala man lang sinag ng araw?”Tama naman siya, paano nga naman mabubuhay ang mga halaman sa ganitong klase ng lugar.“Meron naman dito.” Pareho kaming nagulat ni Ate ng may magsalita sa gilid ko, dali daling inilubog ni Ate ang katawan niya sa tubig. Inis kong binalingan ng tingin si Dracula.“Namboboso ka ba?”“Maski maghubad pa yan sa harapan ko, wala a
“Oh Ate?” takang tawag ko sa kaniya ng pumasok siya sa loob ng kwarto na walang dalang pagkain. Kapag papasok kasi siya ng mga ganitong oras ay may dala na siyang pagkain.“Sa labas ka na raw kumain, harapan mo si Dracula.” Wika niya, ano nanamang nakain ng Draculang yun at sa labas na ako pinapakain. Mas gugustuhin kong dito na lang kesa ang makita ko siyang umiinom ng dugo sa harapan ko.“Hindi ko siya haharapan, hinding hindi. Sabihin mo sa kaniya yan, kahit na magutom ako dito maghapon.” Tinalikuran ko na si Ate Layla saka naupo sa dulo ng kama ko. Rinig ko naman ang pagsarado na ng pintuan hudyat na lumabas na si Ate Layla. Ang lakas niyang ayain akong kumain kaharap niya, balak ba akong patayin nun sa pandidiri sa kaniya? Iinom siya ng dugo sa harapan ko habang kumakain? Baka gusto niyang sukaan ko siya ng kinakain ko! Maya maya pa ay bigla na lamang kumalabog ang pintuan.“Hahar
Malalaki sila, may mga sungay pa ang iba. May mga nilalang pala talaga ang nag-eexist sa mundo, may parang kalabaw pa na malaki pero maraming mga mata at may sungay. Anong klaseng mga nilalang ang inaalagaan nila?Maayos naman kaming nakarating sa dulo at halos matunaw ang puso ko sa nakita kong kalagayan nila. Hindi ko na malaman kung anong kulay na ng mga damit nila dahil puro putik na ang mga iyun. Mga tulog sila at hindi na nila namalayan ang pagdating namin. Nakita ko pa ang tira nilang pagkain na nasa isang planggana.Anong klaseng mga nilalang sila? Wala silang awa sa aming mga tao. Para silang mga hayop sa ginawa sa kanila, amoy ko na rin ang mabahong kulungan nila. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko, hindi ko kinaya ang mga nakikita ko sa kanila.Pinahid ko ang mga iyun at lumapit sa kulungan nila para gisingin.“Grace, pssst.” Mahinang gising ni Ate Layla sa kasamahan niya. “Hoy Grace.”
THIRD PERSON POVHabang sila Amara at Daryll ay tahimik na kumakain sa hapag kainan panay ang tingin ni Amara kay Daryll hindi niya alam kung paano uumpisahang sabihin ang gusto niyang mangyari sa mga taong bihag sa ilalim ng palasyong ito.“Spill it out.” Halos magulat nanaman si Amara ng biglang magsalita si Daryll. Pinunasan ni Daryll ang kaniyang bunganga saka diretsong tiningnan si Amara. “Ano bang gusto mong sabihin? Kanina pa kita nararamdamang nakatingin sa akin.” Wika niya, napalunok naman si Amara saka ibinaba ang hawak niyang kutsara at tinidor. Sasabihin ba niya o mananatili na lang siyang tahimik subalit kaawa naman ang mga kababaihang nakakulong at halos hindi na makilala dahil sa mga itsura nila.“Sa mga taong nakakulong sa ibaba, bakit hindi mo na lang sila gawing tagapagsilbi. Magtiis na lang kayo sa pag-inom ng dugo ng mga hayop kesa ang paslangin niyo pa ang mga tao
Lahat ng bampira ay sa kaniya na nakatingin, kaniya kaniya na rin silang gilid at ng makita ni Clayton ang isang bampirang nakasuot ng kappa ay alam niya ng ito si Daryll na kanilang hari.“Okay ka lang ba? Bakit ba naman kasi sinagot sagot mo pa eh. Kita mo tuloy nangyari sayo. Bakat ang kamay niya sa leeg mo.” Nag-aalalang wika ni Layla habang sinusubukang gamutin ang ilang kalmot sa leeg ni Amara. Tumayo naman si Amara at tiningnan ang sarili sa salamin, kita niya ang pagkakaroon ng pasa doon dahil sa pagkakasakal sa kaniya ni Daryll.“Mas pipiliin kong mamatay kesa ang magpakasal sa katulad niyang nilalang.” Bakas na bakas ang galit ni Amara kay Daryll dahil sa ginawa nitong pananakit sa kaniya.“Pero paano ka pa maliligtas ng mga kaibigan mong werewolf kung mamamatay ka? Ikaw na lang ang pag-asa namin dito Amara para makalabas kami at makasama pa namin ang mga pamilya namin.” napabuntong hininga naman si
Sinimulan na ng buong kaharian ng mga bampira ang paghahanda para sa gaganaping kasal ni Amara at ni Daryll. Inaayos na rin ang paggaganapan ng kasal at panay na rin ang sukat ng ilang mga mananahi ng katawan ni Amara para sa wedding gown. Hinayaan niya na ring magdesisyon para sa lahat si Daryll para sa tema ng kanilang kasal maging ang mga susuotin. Naging abala ang lahat, napalaya na rin ang tatlong babaeng nakakulong sa ilalim ng palasyo at tumulong sa paghahanda.Wala naman sa sariling sumunod si Amara sa mga mananahi, panay na lang din ang tango niya sa tuwing tinatanong siya sa mga bulaklak na idedecorate. Halos mabaliw naman sa kakasigaw si Clayton sa kaniyang kulungan.Nang matapos ang sukatan ni Amara ay dumiretso siya sa kusina para ipaghanda ng pagkain si Clayton.“What are you doing?” biglang sulpot ni Daryll sa gilid ni Amara pero hindi na nagulat si Amara dito.“I’m just preparing a food.&rdqu
“Anong nangyari sayo Amara? Are you okay?” salubong na tanong ni Layla ng makapasok si Amara sa kwarto, nandun din ang tatlong kasamahan pa ni Layla.“I don’t know, hindi ko na alam ang gagawin ko. Oras na dumating ang mga kasamahan ni Clayton sumama na kayo agad sa pagtakas kung meron man, hindi ako sigurado sa buhay ko dito.”“Anong ibig mong sabihin?” sabat na rin ni Grace.“Ang sabi sa akin ni Clayton ay mahirap ng makawala oras na napangasawa na ako ng bampira lalo na kung namarkahan na ako, hindi ko rin alam kung kakayanin ba ng katawan kong tao.”“Wala akong alam sa mga bampira pero base sa mga napapanuod at nababasa ko, kapag nagkaroon ng asawa ang bampira na tao, ginagawa niya muna itong bampira. At ang alam ko sa pagmamarka ng bampira ay sa pamamagitan ng pagkagat nito sa kahit anong parte ng yung katawan, dahil kapag nabuntis ka ng bampira bilang tao, hindi kaka