“Cousin-in-law, I need to raise funds. Pwede mo ba akong samahan mamaya? May pupuntahan akong event. Ipagpapaalam kita kay Kuya Anthony.”“No need. Papayag naman ‘yun for sure. Hindi na natin kailangang magpaalam.” Malamang busy ‘yun kay Brittany!“Sure ka?” “Oo naman.”NAGULAT si Analyn ng sa The Jewel Hotel sila pumunta. Hindi niya alam kung aware ba si Vhance na pag-aari ni Anthony ang nasabing hotel. O maaaring alam niya kaya gusto siyang ipagpaalam nito sa pinsan. Sana lang ay wala sa lugar si Anthony ngayon o wala sanang makapagsabi sa lalaki na nandito siya ngayon.Pagpasok nila sa loob ng hotel, hindi akalain ni Analyn na si Brittany ang sasalubong sa kanila. Agad na napansin ni Analyn ang eleganteng paglalakad ng babae na palapit sa kanila ni Vhance. Bagay na bagay din dito ang kulay puting bestida na suot niya.“Vhance, hindi mo naman sinabing kasama mo ngayon si Analyn.”“Kinakabahan kasi ako, Ate Brittany. Kailangan ko ng moral support.” “Okay,” pagkatapos ay kumiling an
Kinakabahan si Analyn habang nakatayo sa labas ng pintuan ng kuwartong nilabasan nila kanina ni Vhance. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niyang maniwala sa ideya ni Brittany. Pero wala na siyang magawa kung hindi kapitan iyon at si Brittany. Alang-alang kay Vhance. Sa pag-aanalisa niya, kasalanan ni Anthony kung bakit bumagsak ang kumpanyang ipinahawak niya rin kay Vhance. Si Anthony ang puno’t dulo ng lahat ng ito, at gusto niyang tulungan si Vhance para iparating kay Anthony na hindi dapat kakompitensya ang tingin sa isang kapamilya. Suot na niya ang damit na ibinigay ni Brittany. Ganito raw manamit ang kakilala ng Papa niya.Kinuha ni Analyn ang alak mula sa dumating na waiter, at saka lakas-loob na pumasok sa loob ng kuwarto kung saan naroroon ang Papa ni Brittany.Nagulat si Analyn ng makita na maraming tao sa loob. Mga disenteng kalalakihan na naglalaro na ng baraha. Napalunok na lang si Analyn ng magtinginan sa kanya ang lahat sa pagpasok niya. Tumaas ang isang kil
Naglakad palapit si Anthony palapit kina Sixto at Analyn. “Nasaan na ang mga sugarol, Tito? Bakit walang tao?”“Pinaalis ko sila. By the way, nagpunta kanina sa akin si Vhance.”Kinabahan siAnalyn sa pagka-straight forward ni Sixto. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ni Anthony at kung paano siya magre react. Nilingon ni Anthony si Analyn. “I'm sorry to trouble you.” Hindi alam ni Analyn kung para kanino ang mga salita na iyon ni Anthony. “There was a misunderstanding,” nagbaling ng tingin si Anthony kay Sixto, “nalito siguro si Vhance sa aming dalawa ni Edward, Tito. Don't worry, aayusin ko ‘to. Hindi ko naman akalain na lalapit siya sa ‘yo.” “Okay lang, wala namang problema. It’s my honor to help a junior protege.”Nagbaling ng tingin si Anthony kay Analyn, “kasama ka ba ni Vhance?” Tumingin si Analyn kay Sixto at saka sinagot ang tanong ni Anthony, “yes.”“Hindi basta-basta tumatanggap ng bisita ang isang tulad ni Tito Sixto. Mabuti at nakipag-usap siya ngayon sa iyo. Do
Hindi inaasahan ni Anthony ang isinagot ni Analyn. Hindi rin niya alam kung ano pa ang dapat niyang sabihin sa babae. Hanggang sa binuksan na ni Analyn ang pintuan sa tapat niya at saka bumaba ng sasakyan. Hindi nagtangka si Anthony na habulin ang babae. Napasandal na lang siya sa upuan. Ipinatong niya ang ulo sa head rest at saka mariing pumikit. Dahil sa nasaksihang pag-aaway ng dalawa, hindi nakatiis na hindi magsalita ni Karl. “Bakit hindi mo sinabi sa kanya, boss?” Bahagyang nagdilat ng mga mata si Anthony at saka tumingin kay Karl. “Ano’ng sasabihin ko?”“Dapat sinabi mo sa kanya na nasa importanteng event ka kanina, at ng malaman mo na kausap niya si Sixto Esguerra iniwan mo ‘yung event para puntahan siya. Alam ko, malaki ang nawala sa iyo ngayon sa negosyo mo dahil mas pinili mo siya.” Naihilamos ni Anthony ang kamay niya sa mukha niya. Makukuha na niya sana ang project, mananalo na sana siya sa bidding, kung hindi siya nagmadaling umalis. Panigurado, kay Edward napunta
Dahil alanganing oras na, walang katao-tao sa lobby ng ospital. Maski sa elevator ay mag-isa lang na sakay si Analyn. At ng lumabas na siya ng elevator, wala ring naglipanang tao sa corridor. Nang makarating si Analyn sa labas ng pintuan ng kuwarto ng Papa niya, hindi niya nagawang pumasok agad. Huminto siya sa labas at saka pinakalma ang sarili. Parang ayaw niyang maniwala na nandito na siya sa labas ng kuwarto ng Papa niya at makikita na niya itong gising. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Hinawakan niya ang dibdib niya na para bang kakalma ang pagtibok nun kapag hinawakan niya. Panay ang buga niya ng hangin. Pakiramdam niya ay punong-puno ng hangin ang dibdib niya at anumang sandali ay maiiyak na lang siya kapag hindi niya binakante ng hangin ang dibdib. Sumilip siya sa maliit na salami sa pintuan. Gusto niyang masigurado na totoo ang ibinalita ni Jan. Nakita niya ang Papa niya na nakadilat ang mga mata at kausap ni Jan. Bahagyang nakataas ang itaas na bahagi ng kama nito at naka
Napalunok si Analyn. “Ano… nagkataong nasa business trip siya. Ilang araw din siyang mawawala. Hayaan mo, pagbalik niya, ipapakilala ko siya agad sa ‘yo.” Nagdududa si Analyn kung kaya ba niyang gawin iyon. Siguro, kailangan na naman niyang makipag-deal kay Anthony kahit ngayon lang ulit. Pero hindi agad binili ni Damian ang katwiran ni Analyn. “Ano’ng klaseng tao ang asawa mo, anak?” Nag-panic ang isip ni Analyn, hindi niya alam kung paano ide-describe si Anthony sa ama. “Huwag kang mag-alala, Papa. Mabuti siyang tao at mabait siya sa akin.”“Magkuwento ka pa ng tungkol sa kanya.”Lagot! Ano ba’ng kasinungalingan ang sasabihin ko? “Mukhang galing sa isang mabuting pamilya ang napangasawa mo. Ikinasal ba kayo sa simbahan?” Umiling si Analyn, “hindi pa. Ang sabi ng lolo niya ay hintayin ka raw muna naming magising at saka iaayos ang church wedding. Gustong-gusto ka na ngang makausap ng lolo niya.” This time, totoo naman ang sinabi ni Analyn. Tumango-tango si Damian. “Ba
“Papa, sasagutin ko lang ito.” “Sige lang, anak.” Dinampot ni Analyn ang telepono at saka lumayo. “Hello.”[“Ano ‘yun?’] Hindi alam ni Analyn kung paano sisimulang sabihin kay Anthony ang nasa isip niya. Isa pa, halata ang pagod sa boses nito. Baka kakatapos lang ng meeting nito, at hindi niya alam kung good mood ba ito o bad mood pagkatapos ng sunod-sunod na meeting niya. “Hihintayin na lang kita sa bahay. Pwede ka bang umuwi mamaya? Kahit mga 10pm na.”Hindi agad sumagot si Anthony. Tahimik ding naghintay sa sagot niya si Analyn. [“Sige.”]“Okay. See you later.”Pagkakain ng hapunan, nagpaalam si Analyn sa ama. Sinabi niyang kailangan niya munang umuwi sa bahay at babalik na lang kinabukasan. Agad namang sumang-ayon si Damian. Maaga pa para umuwi sa bahay ni Anthony. Naglakad-lakad muna si Analyn habang nag-iisip, hindi niya alam kung saan pupunta. Hanggang sa napagpasyahan niyang sa casino na pagmamay-ari ni Raymond tumuloy. “May problema ba?” agad na tanong ni Raymond pagk
Pagpasok ni Analyn sa kuwarto nila ni Anthony, ang unang tumambad sa kanya ay ang magulong higaan. Pero naalala pa niya na inayos muna niya ang kama bago siya umalis kahit na nagmamadali pa siya. Inayos niya ang kama, pinalitan ng bed sheet at ang mga punda. Paano ay amoy usok ng sigarilyo ang mga iyon. Nang natapos na siya, saka niya napansin na bukas ang pintuan ng balcony. Naglakad siya patungo roon. Nang tuluyan niyang buksan ang pintuan, ang sumalubong sa kanya ay ang masakit sa ilong na amoy ng usok ng sigarilyo.“Grabe! Ilang tao ba ang nanigarilyo rito?” tanong ni Analyn sa sarili niya. Inilibot niya ang mga mata, doon niya nakita ang ashtray sa ibabaw ng center table. Punong-puno iyon ng upos ng sigarilyo, at meron ding kalahati lang ang nakonsumo pero itinapon na. Halos hindi na sila magkasya sa ashtray. Sininop ni Analyn iyon at nag-spray ng room spray para mawala ang amoy ng sigarilyo. Nakapagligpit na siya at lahat pero hindi pa rin dumating si Anthony. Napakatahimik
Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. “Ano’ng nangyari?”Matalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. “Anthony treats you well.”Pagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.“Mabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraan…”Muling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.“Magaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.” Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.“Nilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.”Sunod-sunod na
Nang dumating ang sasakyan ni Anthony sa gate ng DLM Building, nakita niyang nakatayo roon si Ailyn. Nakasuot ito ng simpleng blouse at maong jeans. Pinahinto niya si Karl at saka nagbaba ng salamin ng bintana. “Tonton!” masayang pagbati ni Ailyn.“Ano’ng ginagawa mo rito?” “Ayaw nila akong papasukin sa loob. Ayaw nilang maniwala na magsisimula na akong magtrabaho rito.”Saka lang naalala ni Anthony ang usapan nila ni Sixto. “Sumabay ka na. Pagagawan kita ng ID sa itaas.” Pagkasabi nun ay binuksan ni Anthony ang pintuan para makasakay si Ailyn. Pagkadating sa palapag ng Executive Office, dinala agad ni Anthony si Ailyn sa opisina ng mga sekretarya niya at ipinakilala ang babae. “From now on, makakasama n’yo na rito si Ailyn. Pansamantala ko muna siyang magiging assistant. Ituro n’yo na sa kanya ang mga basic na dapat niyang matutunan.”Pasimpleng nagtinginan at nagkalabitan ang mga staff ni Anthony. Sa tinagal-tagal nila sa departamentong iyon, ngayon lang nagsama ng babaeng sekr
Sobrang nagulat si Analyn sa narinig. “Anthony, huwag.”“Mga litrato lang ‘yun, mas mahalaga ka.”Umiling-iling si Analyn. “Pero nagbalik na siya…”Nagbuga ng hangin si Anthony. “Asawa, kung sakaling hindi bumalik si Ailyn, ipapatapon ko pa rin ang mga ‘yan.” Pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin kay Damian. “Dad, wala kang ginawang kasalanan. Huwag mong pansinin itong asawa ko. Dito ka lang sa bahay ko.”“P-Pasensiya na… nalito kasi ako. Akala ko kasi–”“Papa! Ano… magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Pupuntahan na lang kita mamaya dun,” agaw ni Analyn sa sasabihin pa ni Damian, dahil ayaw niyang marinig ni Anthony ang sasabihin nito. Nag-aatubili si Damian, tila may gusto pa siyang sabihin. Pero sa bandang huli, umalis na rin siya at iniwan ang dalawa roon.Nang nakaalis na si Damian at si Edna, kinausap ni Analyn si Anthony. “Anthony, huwag mo ng ipatapon. Malay mo, baka hanapin ni Ailyn ang mga lumang litrato ninyong dalawa.”Sumimangot si Anthony. “Sincere ako sa sinabi ko.
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. “Nakakainis ‘yung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?”“Hindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.”Nang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. “Alam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.”Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. “Hindi ka galit?” tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.“Bakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala
Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.“Sigurado ba ‘yan?” tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. “The DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.”Naiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.