Maaga gumising si Analyn. Alam niya sa sarili niya na hindi uuwi si Anthony kagabi kaya paniguradong magko-commute lang siya ngayong araw pagpasok sa kumpanya ng binata.
Walang tao sa bus stop nang dumating si Analyn doon. Bigla tuloy siyang natakot para sa sarili. Pakiramdam niya, anumang oras ay susulpot doon si Jiro at sasaktan siya. Para tuloy gusto niyang magsisi na nagawa niyang galitin si Anthony. Napakalaking bagay din kapag nakasakay siya sa sasakyan ng binata. Nakatipid na siya sa pamasahe, meron pa siyang kapanatagan ng loob laban kay Jiro. Kaya dapat, hindi na niya gagalitin ulit si Anthony. Mabuti na lang at payapa siyang nakarating sa DLM.
Nagtaka si Analyn nang sundan siya ni Michelle sa mesa niya.
âAng haggard mo,â sabi ni Michelle sa kaibigan, âmay problema ba sa asawa mo? Maysakit siya, di ba
Sa isang seafood restaurant nagpa-reserve si Xian. Malapit rin ito ng dagat. Sa open air ang pinili ni Xian na puwesto nila, kaya naman ramdam ni Analyn ang malamig na simoy ng hangin at amoy niya ang natural na amoy ng dagat.“Natuwa ako sa design mo. Nakita ko na may elemento rin ng dagat doon,” nakangiting sabi ni Xian.“Mukhang may something sa iyo ang dagat, Sir Xian,” nakangiting komento ni Analyn.Nakangiting umiling si Xian, “wala akong hilig sa dagat.”Napamaang si Analyn. Nagkamali pala siya ng hula.“Si Cora lang.”Natigilan si Analyn. Mukhang hindi pa talaga nakaka-move on si Xian kay Cora.
“Have a seat, Ms. Employee,” yaya ng lalaking kasama ni Anthony sa kuwarto.Tiningnan muna ni Analyn si Anthony. Nang nakita niyang bahagya itong tumango sa kanya, tanda ng pagsang-ayon nito ay nagsimula na siyang naglakad patungo sa sofa na kinauupuan ng dalawa. Minabuti niyang maupo sa pang-isahang upuan.Nakaupo na si Analyn ay nakatingin pa rin sa kanya ang kasama ni Anthony.“Ako nga pala si Edward, Ms. Employee,” sabay abot nito ng kamay niya kay Analyn, “tutal mukhang walang balak ang boss mo na ipakilala ako sa ‘yo,” nakangiting sabi ni Edward.Napilitang abutin ni Analyn ang kamay ni Edward. Isa pa, kaibigan ito ng amo niya kaya kailangan niyang maging magalang dito.Nang magdaop ang mga kamay nila ay mabilis na sumulyap si Edward kay Antony, tila sinusubukan ang binata.“Oh? Baka pwede ko ng malaman ang pangalan mo, Ms. Employee. Nagpakilala na ako sa &ls
Hindi pa rin umuuwi si Anthony sa bahay niya. Subsob siya sa trabaho sa opisina. Ngayong hapon, may appointment siyang dinner sa may-ari ng Del Mundo Corp. Isinama niya si Vivian.Nang nasa loob na sila ng elevator, nagtaka si Vivian nang biglang pindutin ni Anthony ang 31st floor nang nasa ika-33rd floor na sila, sa halip na sa lower basement na una niyang pinindot.Nagkaroon ng hinala sa isip ni Vivian nang lumabas si Anthony ng elevator at naglakad patungo sa salaming pinto ng opisina ng Creatives, Inc.Sumilip si Anthony sa loob. Iyong mesa agad ni Analyn ang tinignan niya. Nakita nyang wala roon ang dalaga. Nagkataon naman na palabas na ng kuwarto si Michelle.“S-Sir Anthony? May kailangan po kayo?”Lumunok muna si Anthony bago nagsalita. Ayaw niya sanang hanapin si Analyn pero parang may nagsasabi sa kanya sa isip niya mapapalagay lang siya sa pupuntahan kung alam niya kung nasaan ang dalaga.“
“Magtatagal ka ba rito, Analyn? Dinner tayo,” yaya ni Jan sa dalaga.Sandaling nag-isip si Analyn. Parang gusto na niyang pagbigyan ang binata. Ilang araw na siyang kumakaing mag-isa sa bahay ni Anthony at nalulungkot siya. At least ngayon may kakuwentuhan siya at kasabay kakain.Sasagot na sana siya kay Jan nang biglang mag-ring ang telepono ni Analyn. Tiningnan ni Analyn ang screen, nakita niya ang isang hindi naka-rehistrong numero.“Sandali, Jan. Sasagutin ko lang ito.”Tumango lang si Jan. Naglakad na palabas si Analyn.“Hello?” agad na sabi niya pagkalabas niya ng pintuan.[“Miss Ferrer, hawak namin ang kapatid mo. Gusto mo bang mabuhay pa siya?”]Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Bigla siyang kinabahan. Muli niyang tiningnan ng screen ng telepono niya. Paano kaya nila nalaman ang numero niya?Muling ibinalik ni Analyn ang telepono sa tapat ng tenga
Matamis na ngumiti si Analyn sa lalaki.“Hi. Nandiyan ba si Mr. Sy? Dito ako pinapunta ng amo ko. Room 349, tama naman, di ba?” Kumindat pa si Analyn sa lalaki.Lumingon naman sa loob ng kuwarto ang lalaki.“Bosing Carlito, humingi ka ba ng babae kay Mr. Sy?”Bigla namang kinabahan si Analyn. Mabubulilyaso pa yata ang plano niya. Naisipan niyang alisin ang pangalawang butones ng pang-itaas niya kaya bahagyang lumitaw ang itaas na bahagi ng pisngi ng dibdib niya. Sakto namang muli siyang nilingon ng lalaki at sa dibdib niya ito napatingin.“Babae? Maganda ba?” sabi mula sa loob, malamang iyong Carlito na tinawag ng lalaking kausap ngayon ni Analyn.
âBoss Edward?â gulat na sabi ni Carlito sa taong nasa labas ng pintuan.Nanlaki naman ang mga mata ni Analyn. Hindi niya alam ang gagawin. Nakatingin sa kanya ngayon si Edward, ang lalaking ka-meeting ni Anthony nung nakaraang araw.Agad na nagbawi ng tingin si Analyn. Hindi niya alam kung ano ang tumatabo sa isip ngayon ng lalaki sa itsura ng make up niya ngayon at sa mapangahas niyang pagdadamit.Agad na tumayo si Carlito at sinalubong si Edward.âBoss Edward⊠anoâng masamang hangin ang nagtaboy sa iyo sa kuwarto ko?â nakangiting sabi ni Carlito sa bagong dating.âMay palabas ka raw rito, nasagap ko,â walang emosyon na sagot ni Edward.Humalakhak si Carli
Hindi pa nakaka-move on si Analyn dahil sa nalamang kay Edward ang casino na kinaroroonan niya ngayon nang tabihan uli siya ni Carlito sa sofa.Inakbayan siya ng lalaki, habang ang isang kamay ay dumampot ng stick ng sigarilyo mula sa mesa. Agad namang dinampot ni Analyn ang lighter na naroroon din sa ibabaw ng mesa sa kabila ng kabang nadarama niya. Sinindihan niya ang sigarilyong nasa mga labi ni Carlito, na ikinatuwa naman ng huli.“Michelle, eh kung sumama ka kaya mamaya sa bahay ko? Ang dami kasing istorbo rito. Doon, walang iistorbo sa atin,” nakangising sabi ni Carlito. Inilapit pa nito ang mukha niya sa mukha ni Analyn na parang gustong halikan ang dalaga.Nagkunwari naman si Analyn na nahulog ang lighter para magkaroon siya ng dahilan na yumuko at para hindi mahalikan ni Carlito.&nbs
Muling ngumisi si Carlito habang nakatingin sa kutsilyo niya na may bahid ng dugo ni Analyn. Mukhang natutuwa siya sa dugong nakikita. Habang si Analyn ay putlang-putla na ang mukha sa takot na nararamdaman.Balak sanang ulitin uli ni Carlito ang ginawa niya sa mukha ng dalaga nang biglang may ingay siyang narinig sa pintuan kaya napalingon siya roon.âDeâ De la Merced?âNakatayo lang si Anthony sa tapat ng pintuan. Matiim siyang nakatingin kay Carlito. Napansin niya ang dalawang tao na nasa tapat ni Carlito kaya lumipat ang tingin niya sa mga iyon. Doon niya nakita ang hindi okay na itsura ni Analyn at may dugong bahagyang umaagos mula sa pisngi nito.Agad na nagdilim ang awra ng mukha ni Anthony. Lumipat muli ang tingin niya kay Carlito. Agad namang n
Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. âAnoâng nangyari?âMatalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. âAnthony treats you well.âPagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.âMabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraanâŠâMuling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.âMagaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.â Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.âNilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.âSunod-sunod na
Nang dumating ang sasakyan ni Anthony sa gate ng DLM Building, nakita niyang nakatayo roon si Ailyn. Nakasuot ito ng simpleng blouse at maong jeans. Pinahinto niya si Karl at saka nagbaba ng salamin ng bintana. âTonton!â masayang pagbati ni Ailyn.âAnoâng ginagawa mo rito?â âAyaw nila akong papasukin sa loob. Ayaw nilang maniwala na magsisimula na akong magtrabaho rito.âSaka lang naalala ni Anthony ang usapan nila ni Sixto. âSumabay ka na. Pagagawan kita ng ID sa itaas.â Pagkasabi nun ay binuksan ni Anthony ang pintuan para makasakay si Ailyn. Pagkadating sa palapag ng Executive Office, dinala agad ni Anthony si Ailyn sa opisina ng mga sekretarya niya at ipinakilala ang babae. âFrom now on, makakasama nâyo na rito si Ailyn. Pansamantala ko muna siyang magiging assistant. Ituro nâyo na sa kanya ang mga basic na dapat niyang matutunan.âPasimpleng nagtinginan at nagkalabitan ang mga staff ni Anthony. Sa tinagal-tagal nila sa departamentong iyon, ngayon lang nagsama ng babaeng sekr
Sobrang nagulat si Analyn sa narinig. âAnthony, huwag.ââMga litrato lang âyun, mas mahalaga ka.âUmiling-iling si Analyn. âPero nagbalik na siyaâŠâNagbuga ng hangin si Anthony. âAsawa, kung sakaling hindi bumalik si Ailyn, ipapatapon ko pa rin ang mga âyan.â Pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin kay Damian. âDad, wala kang ginawang kasalanan. Huwag mong pansinin itong asawa ko. Dito ka lang sa bahay ko.ââP-Pasensiya na⊠nalito kasi ako. Akala ko kasiâââPapa! Ano⊠magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Pupuntahan na lang kita mamaya dun,â agaw ni Analyn sa sasabihin pa ni Damian, dahil ayaw niyang marinig ni Anthony ang sasabihin nito. Nag-aatubili si Damian, tila may gusto pa siyang sabihin. Pero sa bandang huli, umalis na rin siya at iniwan ang dalawa roon.Nang nakaalis na si Damian at si Edna, kinausap ni Analyn si Anthony. âAnthony, huwag mo ng ipatapon. Malay mo, baka hanapin ni Ailyn ang mga lumang litrato ninyong dalawa.âSumimangot si Anthony. âSincere ako sa sinabi ko.
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. âManang, ang Papa ko?ââNaroroon sa dining.âDumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.âPapa, anoâng kinakain mo?â tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. âPapa, ano âyan?âNilingon ni Damian si Analyn. âPicture mo âto.âNagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyonâAno"ng picture ko? Patingin ngaâŠâ Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. âSaan mo nakuha âyan?â tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. âNaku, Mam. Kanina pa niya hawak âyan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan âyan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw âyan, picture mo raw âyan. Ipinaliwanag
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hanggaât maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.âPapa, dumating na si Anthony,â sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. âSorry, Tito. Late na ako nakarating,â sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.âNot too late, sonâŠâ tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. âAnak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.âGanun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. âTontonâŠâ nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. âNakakainis âyung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?ââHindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.âNang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. âAlam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.âHinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. âHindi ka galit?â tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.âBakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala
Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.âSigurado ba âyan?â tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. âThe DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.âNaiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. âIha⊠huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.â Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. âSee? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.â âGrabe siya, oh⊠hindi man lang ma-appreciate âyung ginawa
âMaganda!âSinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. âHindi âyan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?âKumunot ang noo ni Edward. âHindi mo ba nakita kanina?ââHindi, eh.ââWala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.ââPero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?ââHindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.âNANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. âBakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?â tanong sa kanya ni Analyn.âSaan ka galing?â sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.