“Mama! Mama! Huwag mo akong iwan, Mama! Sasama ako sa ‘yo!”
Hilam na sa luha ang mga mata ng batang lalaking humahabol sa itim na kotse. Pero hindi ito huminto at tuloy-tuloy lang ang takbo.
“Mama! Hintayin mo ko! Sasama ako!” muling sigaw ng bata habang patuloy pa rin sa pagtakbo.
Hanggang sa pagliko ng kotseng itim sa isang kurbada, tuluyan nang naiwan ang bata at hindi na nakahabol dahil sa pagkatapilok niya sa naka-usling bato.Umiiyak na sinundan na lang ng tingin ng bata ang papalayo nang sasakyan.
Umiiyak pa rin na pinagmasdan ng bata ang sugat sa tuhod niya. Umagos ang dugo mula roon, na lalong nagpa-iyak sa kanya nang mapatakan ang sugat ng sarili niyang mga luha. Lalo pa siyang nai
Hindi namalayan ni Analyn na napalayo na siya sa kalalakad. Nakaramdam na siya ng pagod at nakarating sa isang parke. Minabuti niyang maupo na muna roon. May mga batang naglalaro sa parke at naengganyo siyang manood sa paglalaro nila. Pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga impormasyon na nalaman. Nang umalis na ang mga batang naglalaro ay naiwan pa rin si Analyn doon, nakatingin lang sa kawalan. Sakto na may dumating na isang pamilyar na sasakyan at bumaba roon ang lalaking kanina pa nag-aalala kay Analyn. “Ai-Ai!” Saka lang naputol ang mga iniisip ni Analyn. Nilingon niya ang tumawag sa kanya. “Sabi ni Jiro kanina ka pa umalis sa bahay mo. Ano’ng nangyayari?”“Sinusundan n’yo ko?” Alanganin si Anthony kung sasagutin ang tanong ni Analyn. Pero sa huli ay sinabi rin niya ang totoo. “Kailangan. Ayaw na kitang mawala uli.”Si Analyn naman ang hindi nakasagot. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng tuwa sa isinagot ng lalaki. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba galit sa akin? Iniiwas
Sa unang pagkakataon, kinailangan ni Analyn na kausapin si Sixto. Nakauwi na ito sa bahay nila at nagpapalakas. “Senyor, nandito po si Mam Analyn,” anunsiyo ng mayordoma ng mga Esguerra. Nagulat man ay sabik na naghintay sila Sixto at Mercy sa pagpasok ni Analyn sa loob ng kuwarto. Nang pumasok na si Analyn sa loob ng kuwarto, hindi malaman nila Sixto at Mercy ang gagawin. Nahihiya sila kay Analyn. Sa anak nila. Kung bakit kasi hindi nila ito agad nakilala nung una pa nila itong nakita. Naglakad si Analyn palapit sa kama kung saan nakahiga si Sixto at nakaupo naman sa tabi nito si Mercy. “A-Anak…”“Huwag po muna nating pilitin. Alam kong mahirap para sa ating lahat ang tanggapin ang kung ano ang totoo. Kaya ako nagpunta rito ay para humingi ng tulong sa inyo. Pwedeng-pwede akong humingi ng tulong kay Anthony, at alam kong hindi siya magdadalawang-isip na tulungan ako. Pero pakiramdam ko, lubog na lubog na ako sa utang na loob sa kanya. At tutal naman, para kay Papa Damian naman an
“Bakit bigla kang nagka-interes sa kanya?” nagtatakang tanong ni Jiro.“Wala lang. Gusto ko lang siyang kumustahin. After all, sa kanya ako lumaki. Hindi man kami naging magkasundo, pero tinatanaw ko pa rin iyon na utang na loob. So ano? Sasamahan mo ba ako sa kanya?” BIGLANG bumalik sa isip ni Analyn ang mga magaganda at mga pangit na alaala niya sa dating lugar nila, kung saan naroroon ang bahay nila Analyn at ng pamilya ni Damian. “Nung nagising si Papa mula sa pagka-comatose, hiniwalayan na niya agad si Mama.” Napahinto sa pagmamasid si Analyn sa mga lumang bahay na narooon. Nilingon niya ang nagsalitang si Jiro. “Wala namang trabaho si Mama, at hindi siya sanay ng nagtatrabaho. Sanay siyang nasa bahay lang. Mula noon, mag-isa lang siyang nakatira riyan. Buwan-buwan ko siyang inaabutan ng pera. Huwag ka sanang magagalit.”“Bakit naman ako magagalit? Nanay mo siya, natural lang na tulungan at arugain mo siya.”“Pero huwag kang mag-alala. Nagbago na siya. Mabait na siya ngayon.
Atubiling sumagot si Eric. Kinakabahan na hindi magustuhan ni Analyn ang sagot niya.“Nagkaroon ng aksidente. Na-delay kami.”“Na-delay? Isang sasakyan lang ba ang meron ka? Ang gamit n’yo? Wala ka man lang back-up kung sakaling magka-aberya ka o ang mga tao mo?” Muling nagbuga ng hangin si Eric. “I know… alam ko… may kasalanan ako sa nangyari. Pero siguro naman hindi ko na kailangan pang sagutin ang mga tanong mo. Tapos na! Nangyari na ang dapat mangyari. Naibuko mo na si Ailyn. I mean, si Anna. Okay na ang Papa mong si Sixto, buhay siya. In the future, pwede ka ng–”“Huwag mong dibdibin, Eric. Wala kang kasalanan. Hindi ako dapat naging depende sa kung sino man sa inyong lahat. Laban ko ‘yun. Laban kong mag-isa. Hindi ko na dapat kayo idinamay lahat.” Matamang tiningnan ni Eric si Analyn. Mukha naman itong hindi galit. Kalmado lang siya. “Galit ka ba sa akin? Sabihin mo lang. O kung galit ka sa kung sino man, si Anna– sa akin mo na lang ibuhos ang galit mo. Huwag mong kimkimin.”
Ilang araw ng naging usapan sa buong Tierra Nueva si Anna. Lahat ng search topic sa mga social media sites ay tungkol kay Anna Gonzales, sa mga Esguerra at De la Merced, at sa totoong Ailyn Esguerra. Hinintay ng mga tao na lumutang o ilabas ng mga Esguerra ang totoong Ailyn, pero hindi iyon nangyari. Ni wala ring balita kung ano ang nangyari kay Anna Gonzales at kung nasaan na ito. Basta nag-isyu ng pahayag ang opisina ng DLM para sabihing walang bisa ang nangyaring kasal sa pagitan nila Anthony at Anna dahil hindi ito naka-rehistro. “Mrs. Esguerra, nag-stabilize na lahat ng vital stats ng asawa n’yo. Pwede na siyang ilipat sa regular room.”“Dok, kailan kaya siya magigising?”“Actually, iyon nga ang nakakapagtaka. Dapat sa ngayon ay gising na siya. Para kasing siya mismo, ayaw pa niyang gumising. Parang pinipigilan niyang magising.”Tahimik na tumango si Mercy at saka tiningnan ang asawa na nakapikit. Parang nahuhulaan na niya ang dahilan. Ilang araw na rin sa ospital si Analyn,
Nagtaka ang nakapikit pa ring si Analyn kung bakit tila walang masakit sa katawan niya. Pagdilat niya ng mga mata ay saka niya nakita sa harapan niya si Sixto. Nahihirapan itong huminga at namumutla ang mukha. Pagkatapos ay nakita niya ang duguang patalim na hawak pa rin ni Ernest. Sinalo ni Sixto ang dapat ay para sa kanya?“Sir Sixto!” Hindi malaman ni Analyn ang gagawin. Napatingin siya kay Ernest. Parang ngayon lang napagtanto ng lalaki ang pagkakasaksak niya kay Sixto. Namumutla rin ito at bakas ang takot sa mukha nito. Unti-unti ng bumabagsak si Sixto sa harapan ni Analyn kaya agad siyang dinaluhan ni Analyn. “Sir Sixto! Huwag kang mamamatay… lumaban ka… lumaban ka!” nagpa-panic na sabi ni Analyn sa lalaki.Panay-panay ang tulo ng mga luha niya. Sinubukan namang itaas ni Sixto ang isang kamay niya para punasan ang basang pisngi ni Analyn pero hinang-hina na talaga siya. “Ai-Ai… s-sorry…”Hindi makasagot si Analyn, hindi niya alam kung ano ba dapat ang isagot niya sa lalaki