Taming the Cold Brother

Taming the Cold Brother

last updateHuling Na-update : 2026-10-15
By:  KokoyIsMyLifeIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
9Mga Kabanata
12views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Nagpanggap akong buntis para mapasaakin ang Kuya ko. Pero dahil doon, sinumpa ako ng lalaking mahal ko. "Buntis ako at si Kuya Ezekiel ang ama." Nanlaki ang mga mata ni Ezekiel. "A-anong buntis? Amie, ni hindi nga kita tinitigan! Hawakan pa kaya?!" "Totoo ba 'yon, Ezekiel?!" Sa harap ng mga magulang ni Ezekiel, nagsinungaling si Amie para lamang mapasakanya ang lalaking itinuturing niyang Kuya. Ngunit ang kasalanang iyon ang naging dahilan para ipagtabuyan siya at ganap na sirain ang buhay ng lalaking matagal na niyang minamahal. Pagkalipas ng ilang taon, nagbalik si Amie. Ang dating immature at spoiled na dalagita ay nagbago na responsable, at handang pagbayaran ang bawat pagkakamali. Ngunit si Ezekiel? Puno pa rin ng galit at poot ang puso nito para sa kanya. Sa bawat utos, panggigipit, at malamig na titig ni Ezekiel habang pinagtatrabaho siya sa farm, tinitiis iyon ni Amie. Pero sa kabila ng lahat ng galit, bakit tuwing gabi ay nahuhuli pa rin niya itong nagbabantay sa kanyang silid? Paano mabubuhay si Amie sa piling ng lalaking sinumpa siya kung ang bawat paglapit nito ay mas lalo lamang nagpapatalab sa ipinagbabawal niyang atraksyon? Hanggang kailan titigas ang puso ng kanyang Kuya Ezekiel bago nito matuklasan ang totoong dahilan sa likod ng kanyang kasalanan?

view more

Kabanata 1

KABANATA 1: PAGSIRA NI AMIE SA PLANONG PAGPAPAKASAL

"Nasaan na kaya si Kuya 'Kiel?"

"Sabi niya, susunduin niya 'ko," nakasimangot ang labing-walong taong gulang na si Amie na nakasuot pa ng school uniform habang papasok ng flower farm ng mga Alcantara.

"Amie!"

Nakakunot siyang lumingon. Patakbong lumapit sa kanya si Sedie, ang best friend niya na nagtatrabaho sa farm.

"Yes, Sedie?"

Hinihingal itong hinawakan ang braso niya.

"Alam mo na ba ang balita?"

Mas lalong lumalim ang nasa noo niya. "Balita?"

"Oo."

Inis siyang huminga nang malalim. "Sedie, wala akong pakialam sa balita. Kahit bumagyo o gumunaw ang mundo. O mabaon ang bansa natin sa korapsyon," pinalipad pa niya ang buhok at inayos ang tindig. "Ang pakialam ko ay kung nasaan si Kuya 'Kiel?"

Hinawakan niya ang dalawang dibdib at inayos ng pagkakatayo. "Iyon na nga, tungkol kay Kuya 'Kiel ang sasabihin ko-"

Agad siyang napalingon. "Anong tungkol kay Kuya?"

"Nasa loob siya, kaharap sina Sir Gary at Ma'am Anita. At si Bella, kasama ang pamilya niya."

Mas nalukot ang mukha niya. "Ano? Para saan?"

Lumunok si Sedie, pawis na pawis na pinagkatitigan siya. "Para sa PAGPAPAKASAL nilang dalawa."

"ANO?!"

Parang tinamaan ng kidlat si Amie sa narinig. Ilang beses siyang kumurap. "Namamanhikan na sila. Pagkatapos ng graduation nila Kuya 'Kiel sa college. Magpapakasal na sila at-"

"HINDI!"

"NO!"

"Hindi ako papayag!"

Namumula ang hindi lang mukha niya, kung di ang mga mata niya. Matapang siyang tumitig sa kawalan. "Hindi pwedeng magpakasal si Kuya Ezekiel sa ibang babae. Hindi!"

Mabilis niyang hinubad at binato ang suot na backpack at tumakbo. "Amie, anong gingawa mo? Saan ka pupunta?!" habol ng naguguluhang si Sedie.

Nakangiti sina Gary at Anita sa kaharap sa sala, sa mga magulang ni Bella na si Ernest at Francia.

"Masaya talaga ako na nagpag-uusapan na natin 'to, balae," nakangiting pinabitin pa ni Anita ang huling sinabi.

Nagkatawanan sila.

Sinulyapan ni Ezekiel ang nobya na si Bella na pinagigitnaan ng mga magulang.

"So, kapag ba tapos ng graduation diretso na agad tayo sa simbahan?" usisa ni Gary.

Nilinga niya ang ama. "Papa, ahmm, siguro. Next month pa. Hindi pa kasi tapos ang wedding plan para idaos na ang kasal-"

"HINDI! WALANG MAGPAPAKASAL!"

Napatingin ang lahat sa pumasok sa loob. Hingal na hingal si Amie habang nakahawak pa sa hamba ng p***o at tinitingan ang lahat ng nasa sala.

Naglinya ang noo ni Ezekiel. "Amie?"

Tinitigan niya si Ezekiel mata sa mata mula sa malayo. "Walang magpapakasal, Kuya."

Nagkatinginan ang lahat. "Ano ba 'yang sinasabi mo, Amie?" singit ni Anita.

Bumulong naman kay Bella ang ina. " Sino siya, iha?"

"Kababata at parang kapatid na po ni 'Kiel," mahinang sagot ni Bella at sinulyapan ang dalagita.

Lumunok si Amie para linisin ang nakabara sa lalamunan. Humakbang siya ng isa, agad na tumayo si Ezekiel. "Pumasok ka sa kwarto mo," tumuro ito sa hagdan. "Hindi ka kailangan dito. Usapang matatanda 'to-"

"Hindi ka magpapakasal-"

Agad na nabwisit ang mukha ni Ezekiel. "Ano bang sinasabi mo? Huwag kang makulit at magbiro, seryosong usapan 'to-"

"Seryoso din ako!"

Nilinis ni Gary ang lalamunan at seryosong sinulyapan ang dalagita. "Amie, ano bang gusto mong sabihin?"

"Oo nga, nakakagulo ka ng bata ka," dagdag ni Anita.

Tiningan niya ang mga magulang ni Bella, at si Bella mismo. Bago natuon sa mga tumayong mga magulang niya na hanggang sa mapadpad ang tingin niya kay Ezekiel na gulong-gulo ang anyo.

"Amie, umakyat ka na," mariin na ulit nito.

"Hindi."

"Amie-"

"Hindi ka pwedeng magpakasal. Buntis ako at si Kuya Ezekiel ang ama," matapang niyang bulalas.

Parang sinabugan ng bomba ang mga nasa sala. Awang ang labi ni Ezekiel na napakurap-kurap.

"B-buntis?" ulit ng nakatuptop na labi na si Anita.

"Amie, totoo ba ang sinasabi mo?" dugtong ni Gary.

"Opo, Tito, at Tita. Buntis ako," panindigan niya.

Napatayo ang mga magulang ni Bella at hinawakan sa kamay si Bella para itayo na rin.

"Sandali, saan po kayo pupunta?" harang ng natatarantang si Ezekiel.

"Nakakahiya ito," sagot ni Francia na bakas ang galit.

"Nakabuntis ng isang disi-otso na dalaga ang anak niyo," dagdag ni Ernest.

"Hindi 'yon totoo, Tito, Tita, Bella."

Akmang hahawakan ni Ezekiel ang kamay ni Bella nang iniwas ito ng mga magulang.

"Halika na, anak," hinila ito ni Francia at naglakad palabas.

Tiningan ni Amie si Bella nang lampasan siya habang hinihila ito ng mga magulang palabas. May maliit na ngisi siyang ginawa.

Nang makalabas ang mga ito at humarap siya sa direksyon ni Ezekiel at ngumiti. "Kuya-"

Tumayo ang Nanay nito. "Totoo ba ang sinabi mo, Amie?" pasinghal nitong tanong.

Napakurap-kurap siya. "O-opo, Tita-"

"Totoo ba 'to?" seryosong segunda ni Gary.

Sinulyapan niya si Ezekiel na nakatayo at nakatitig sa kanya habang ang mga mata ay tila nag-aapoy. Pilit siyang ngumiti rito at humakbang. "Kuya."

"Ezekiel, buntis sa iyo si Amie?"

"A-anong buntis? Amie, ni hindi nga kita tinitigan! Hawakan pa kaya?!" galit na sigaw nito.

"Pero Kuya-" nilapitan siya nito at hinawakan sa magkabilang balikat at inalog na para bang gusto nitong alugin ang utak niya.

"Bawiin mo ang sinabi mo!"

"Bawiin mo!"

Takot siyang napatitig sa mga mata nitong suklam na suklam sa kanya. Ang maamo nitong mukha ay parang tigre na handa siyang kagatin.

"K-kuya-"

"Ano bang pumasok sa utak mo at sinabi mo ang bagay na 'yon?!" sigaw nito sa mukha niya.

"Kuya," pilit niyang inaalis ang kamay nito sa mga balikat niyang masakit na. "Nasasaktan ako-"

"Ezekiel, tama na," hinila ni Gary ang anak na halos mangiyak-iyak sa galit habang hinihingal.

Humarap si Ezekiel sa ama. "Papa, hindi 'yon totoo. HIndi ko siya kailanman hinawakan."

Si Anita ang lumapit sa anak at hinawakan ito sa braso. "Naniniwala ako sa iyo, anak."

Sabay na binalingan ng tatlo si Amie na hawak ang sariling kamay at napahugot ng malalim na hininga.

Nagtungo sa harapan niya ang ama ni Ezekiel.

"Amie, umamin ka. Totoo ba ang sinasabi mo?" mahinahong tanong nito.

Napatitig siya sa mabait na matandang lalake.

Kung sasabihin niya ang totoo, siguradong matutuloy pa rin ang kasal. Sinulyapan niya si Ezekiel na masama ang tingin sa kanya. Bago niya muling tiningan ang kaharap. "O-opo, Tito-"

"Amie!" sikip ang boses ni Ezekiel sa loob ng bahay dahilan para mapapikit at napataas ang mga balikat niya sa gulat.

"Huwag kang magsinungaling!"

"Bakit mo ba 'to ginawa?!"

"Anak, tama na," pigil ni Anita ang paglapit ni Ezekiel sa dalagita.

"Bitawan niyo ko, Mama! Aalugin ko lang ang ulo ng batang 'yan para magising sa kalokohan niya!" nagpupumilit na pumiglas ito.

"May isang paraan para malaman natin kung totoo ang sinasabi niya," seryosong wika ni Anita.

Natigilan ang binatang hinihingal pa rin sa galit at hindi binibitawan ng mga magulang.

"Ano?" tanong ni Gary sa asawa.

Diretso tiningan ni Anita si Amie. "Pregnancy test."

Napakurap si Amie.

Pregnancy test?

Muli niyang sinulyapan si Ezekiel na nakapamewang na at hinahabol ang hininga habang masama ang tingin sa kanya.

Ramdam niya ang kaba.

Paano na ang magiging resulta ng PT test?

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Walang Komento
9 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status