Share

Being With Him

Makailang ulit pang inangkin ni Miguel si Marie hanggang sa mapagod sila pareho nang husto at makatulog.

Mataas na ang araw nang magising si Marie, sigurado siya dahil sumisilip na ang sinag ni Haring araw sa bahagyang nahawi na kurtina ng sliding door patungo sa balcony ng silid na iyon. Napangiwi si Marie nang maramdaman ang kirot sa pagitan ng kanyang mga hita at nanakit na kalamnan. Wala na siyang kasama sa silid na iyon. Siguro nga ay umalis na si Miguel matapos siyang pagsawaan sa pa ulit-ulit na pag angkin sa kanya kagabi. Nanlumo si Marie, may kung anong sakit ang sumikdo sa kanyang damdamin. Sa mga sandaling kaniig at kapiling niya si Miguel Marquez ay may kakaiba na siyang nararamdaman para sa lalaki na hindi niya maipaliwanag. Komportable siyang kapiling ito. Lalo pa nang maipalasap sa kanya ni Miguel ang kaligayang hindi niya maipaliwanag na kumompleto sa kanyang pagkababae. Mangmang man siya at masyado pang bata sa kamunduhan ng pagtatalik pero hindi niya pinagsisihang k
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status