Alejandro's Babymaker

Alejandro's Babymaker

last updateآخر تحديث : 2026-09-24
بواسطة:  Athena Beatriceتم تحديثه الآن
لغة: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
6 تقييمات. 6 المراجعات
27فصول
53وجهات النظر
قراءة
أضف إلى المكتبة

مشاركة:  

تقرير
ملخص
كتالوج
امسح الكود للقراءة على التطبيق

Matagal nang pangarap ni Alejandro Maravilla na magkaroon ng sariling anak. Kaya lang, kahit ilang taon na silang kasal ni Ivy, hindi pa rin sila nabibiyayaan. Ginawa na nila ang lahat. Nagpatingin sila sa mga doktor, sumubok ng iba’t ibang paraan, at ilang beses ding umasa. Pero sa huli, nauuwi pa rin sa wala. Hanggang sa dumating ang puntong kailangan nang gumawa ni Alejandro ng mahirap na desisyon. Kailangan niya ng babaeng magsisilang ng anak niya. Doon niya nakilala si Sugar Salazar. Wala namang plano si Sugar na pumasok sa komplikadong buhay ni Alejandro pero dahil kailangan niya rin ng pera, pumayag siyang maging babymaker nito. May kontrata sila at malinaw na hanggang doon lang dapat ang lahat sa kanila pero dahil nakilala na ni Sugar kung gaano kabait at mapagmahal si Alejandro ay minahal niya ito kahit mali.

عرض المزيد

الفصل الأول

CHAPTER 1

Hindi talaga mapakali si Sugar mula nang malaman niya ang nangyari kay Cece.

Ilang beses na niyang tinangka na ibaling ang atensyon niya sa trabaho, pero kahit anong gawin niya, bumabalik sa isip niya ang narinig niyang balita. Si Cece, ang best friend niya, ang taong halos kapatid na ang turing niya, ay binugbog ng sarili nitong kinakasama.

Hindi niya maunawaan kung paano umabot sa ganoong punto ang lahat. Sising-sisi siya dahil sana, pinakelaman na lang niya ang kaibigan kaysa nangyari ang ganito sa kanya.

Alam niyang may mga problema si Cece sa relasyon nito. Ilang beses na rin nitong nabanggit na madalas silang nag-aaway ng kinakasama niya. Pero hindi niya kailanman inisip na hahantong iyon sa pananakit.

Buong gabi ring halos hindi nakatulog si Sugar.

Nang sumunod na umaga, hindi na siya nag-isip nang matagal. Kinuha niya ang bag niya at agad na pumunta sa ospital kung saan naka-confine si Cece.

Pagdating niya sa hallway ng ospital, mabilis ang tibok ng puso niya. Tahimik ang paligid, pero ang daming pumapasok sa isip niya. Habang naglalakad siya papunta sa kuwarto ni Cece, hindi niya maiwasang kabahan sa kung ano ang makikita niya.

‘Alam ko, alam ko na Cece will be okay. Mas magiging okay pa siya kung makikita niya ako.’ bulong nito sa kanyang sarili pagkatapos ay ngumiti kahit ang totoo ay may luha na sa kanyang mga mata nung mga oras na iyon.

Pagbukas niya ng p***o, agad niyang nakita ang kaibigan.

Nakahiga si Cece sa kama. May benda sa noo at may pasa sa pisngi. May maliit ding sugat sa gilid ng labi nito. Hindi man malala ang ibang nakikita niyang sugat, sapat na iyon para sumikip ang dibdib ni Sugar.

Sandali siyang natigilan sa may pintuan. Hindi iyon ang Cece na kilala niya.

Ang Cece na kilala niya, iyong laging maingay, laging tumatawa at laging nauunang mang-asar sa kanya kapag may problema siya.

Pero ngayon, tahimik itong nakahiga sa isang hospital bed. Lumapit si Sugar at maingat na umupo sa tabi nito.

Nang maramdaman ni Cece ang presensya niya, dahan-dahan itong dumilat. Nagkatinginan sila.

“Kamusta ka na? Pasensya na, hindi na ko nakapunta rito kahapon. Busy lang ako sa trabaho. Anong sabi ng doktor?”

“Uhh… Okay na ko, Su. Magiging okay din daw ako,” sagot naman nito pero alam ni Sugar na nagsisinungaling lang ang kaibigan.

“Naku, kilala kita Cece. Sinasabi mo lang iyan para hindi na ko mag-alala,” napailing siya noon.

Hindi na napigilan ni Sugar ang emosyon niya, binaba niya ang lahat ng dala niyang gamit pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at mahigpit itong kinapitan.

Hindi niya kailangang magtanong kung masakit ba. Kita niya iyon sa mukha ni Cece. Pilit niyang tinago sa kanyang kaibigan kung ano ang kanyang tunay na emosyon.

Sa isip-isip niya, mas masakit pa siguro ang nangyari kaysa sa ipinapakita nito.

Gusto niyang magalit. Gusto niyang puntahan ang lalaking gumawa nito at singilin sa lahat ng ginawa niya kay Cece. Pero pinigilan niya ang sarili niya.

Mas kailangan siya ngayon ni Cece. Kaya nanatili siyang tahimik sa tabi nito. Maya-maya, bahagyang gumalaw si Cece at napapikit ulit.

Mas lalo namang sumikip ang dibdib ni Sugar. Sa loob kasi ng maraming taon, kasama niya si Cece sa halos lahat ng bagay. Magkasama silang tumawa, umiyak, nag-away at n*****i. Kaya hindi niya kayang panoorin lang ang kaibigan niyang unti-unting nasisira dahil sa isang relasyon.

Alam niyang hindi sapat ang simpleng pagsasabing umalis na si Cece sa ganung sitwasyon. Hindi ganoon kadali iyon.

May takot. May attachment na siyang naramdaman. May mga bagay na mahirap ipaliwanag sa ibang tao, na kahit sinasaktan ka na ng taong mahal mo, tinatanggap mo pa rin sila ng buong-buo na para bang wala silang ginawang masama sayo.

Pero isang bagay ang sigurado si Sugar. Hindi niya hahayaang harapin iyon ni Cece nang mag-isa. Kung lalaban si Cece sa taong gumawa sa kanya nito, lalaban din siya para sa kanyang kaibigan.

Nang muling imulat ni Cece ang mga mata nito, ngumiti nang bahagya si Sugar kahit nangingilid na ang luha niya.

Sa pagkakataong iyon, wala siyang pakialam kung gaano katagal siyang mananatili sa ospital. Kung anu-ano na nga ang ginawa niyang pag-aalaga para lang hindi siya paalisin ni Cece sa tabi niya.

Ang mahalaga para kay Sugar, maramdaman ni Cece na may isang taong hindi siya iiwan.

Kung kailangan niyang maging sandalan nito habang binubuo nitong muli ang sarili niya, handa siyang gawin iyon. Dahil bago pa man dumating ang lahat ng problema, best friend na niya si Cece at hindi magbabago iyon dahil lang sa isang lalaking nanakit sa kanya.

“Hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na, kanina ka pa rito. Alam kong may trabaho ka pa bukas,” mahinang sabi ni Cece, wala pa siya gaanong lakas para magsalita.

“No, Cece. Di ako aalis sa tabi mo hangga't hindi ka pa nagaling. Sasabihan ko si Tita Rosalie na ako muna ang bahala sa'yo rito,” ngumiti si Sugar pagkasabi noon. Kitang-kita sa kanya na totoo iyon.

“Pero Su–”

“Wala nang pero-pero, kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo. Ganito rin ang gagawin mo, di ba? Hindi mo ko pababayaan,” sagot ni Sugar para hindi na mag-alala ang kanyang kaibigan.

Wala nang nagawa si Cece noon kung hindi tumango. Alam niyang kailangan talaga niya ang kaibigan, lalo na kung ganoon ang kanyang sitwasyon.

Nang makatulog na si Cece ay lumabas muna si Sugar para mag-isip isip. Hindi niya kasi kaya ang nangyari. Kahit matibay siya sa panlabas, durog na durog naman siya sa loob.

Dala-dala niya ang kanyang cellphone dahil balak niyang tawagan ang kapatid at isang piraso ng stick ng sigarilyo. 

Hindi niya maiwasan na hindi magyosi dahil sa stress. Iyon nga lang, nang nasa labas na siya para sana gawin iyon ay napailing na lang siya. Hindi niya kasi nadala ang lighter niya.

“Lighter ba para dyan sa yosi mo?” Nanlaki na lang ang mga mata niya nang marinig niya ang isang boses, boses ng lalaki. Napatingin siya rito at napangiti, hiyang-hiya.

“Oo, sana. Kaso, nakalimutan ko yung lighter sa loob ng kwarto. Ang tanga ko lang,” iyon na lang ang nasabi ni Sugar noon.

Nilabas ng lalaki ang lighter niya at binigay iyon kay Sugar. “O, gamitin mo muna.”

“Ha? Wag na, hindi na lang siguro ko magyoyosi. Salamat na lang.” Gustong-gusto ni Sugar na magyosi noon pero nahihiya lang talaga siya roon sa lalaki.

“No. I insist. Kitang-kita naman sa mukha mo na stressed ka na. Tara, yosi tayo parehas.” 

Napangiti na lang si Sugar noon at tinanggap ang lighter ng lalaki. Doon niya lang napagtanto na may itsura ang lalaking kausap niya.

Walang-wala ito sa lahat ng lalaking nakilala niya sa kanyang buhay. Iyong tipo ng lalaki na kaya ka na buhayin kahit dumaan pa ang isang daang taon. Iyong lalaki na parang hindi gagawa ng kahit anong kasalanan.

“Thanks. Stressed ka rin ba?” tanong ni Sugar sa lalaki.

“Yeah, you can say that. Pwede bang magyosi na lang tayo?” sagot naman nung lalaki kaya tumango lang si Sugar noon.

Maya-maya pa, nagpaalam na sa kanya ang lalaki at pumasok na sa loob ng ospital. Nilingon pa ni Sugar iyon pero agad niya ring inalis ang kanyang tingin. 

توسيع
الفصل التالي
تحميل

أحدث فصل

فصول أخرى

للقراء

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


المراجعاتأكثر

Aceisargus
Aceisargus
Highly recommended :) more reading at hindi ka magsisisi :)
2026-09-26 11:14:14
0
0
Red Angel1221
Red Angel1221
Highly recommended...must read!
2026-09-25 11:36:52
1
0
Xtine Rome
Xtine Rome
Maganda ang flow ng kwento. Must read!
2026-09-25 09:57:31
1
0
Athena Beatrice
Athena Beatrice
UPDATES WILL START ON OCT. 1, 2026. THANK YOU!
2026-09-25 00:57:46
0
0
Raine
Raine
Highly reco talaga ang story na'to 🥹
2026-09-24 22:04:27
1
0
27 فصول
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status