Share

Chapter 67

Sa sandaling iyon ay nakadipa si Lara sa simbahan habang umuusal ng dasal, mula sa mismong pinto ng simbahan ay lumuhod siya ang dahan-dahang naglakad ng nakaluhod.

"Panginoon, iligtas mo po ang anak namin ni Leon, patawarin mo po ako sa mga kasalanan ko, ipinapangako ko pong maging isang mabuting ina sa kaniya. Panginoon, dinggin mo po ang panalangin ko." Umiiyak na sambit ni Lara sa sandaling iyon.

Sa bandang likuran naman ay tahimik na nakatayo sa may pinto si Leon. Nakatingin lang siya sa malaking krus na nasa gitna ng altar.

Kinakausap niya ito sa kaniyang isip. Nakakuyom ang mga kamao niya at tila pinipigilan na makagawa ng masama o hindi naaayon sa sandaling iyon.

Kung totoo ka man, bakit mo pinapahirapan ang anak ko?

Bakit siya ang naghihirap, kami ang may kasalanan..kami ang dapat mong parusahan.

Hindi ako naniniwala sa'yo, hindi rin ako gustong maniwala pero...kung maililigtas mo ang anak ko, pinapangako kong habambuhay kitang paniniwalaan, pipilitin kong buksan ang isip at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status