LOGINHindi na nag-aksaya ng oras si Westley kaagad siyang bumaba sa hagdan upang magpunta sa malaking pool. Nagpalinga-linga siya ngunit hindi niya mahagilap ang kanyang hinahanap.
“Hi.” harang sa kanya ng isang babaeng naka-two piece bikini. Hinawakan pa siya nito sa balikat ngunit mabilis niyang tinangal ang kamay nito. “Hindi ako interesado sayo.” kunot ang noo na Sabi ni Westley at nilagpasan ang babaeng humarang sa kanya. “Nasaan na kaya yun? Ang bilis naman niyang mawala!” Inis na Sabi ni Westley. Imposible na nagkamali lang siya dahil malakas ang kutob niyang ang nangnakaw ng brep niya at ang babae kanina ay iisa! Kailangan na lamang niyang makausap at malapitan ang babaeng yun! “Geraff ka ba sa past life mo? Sino bang hanap mo?” salubong sa kanya ni Thirdy may naka-angkla pang babae sa bisig nito. “May napansin ka bang naka-red bikini na babae?” “What? Totoo ba itong naririnig ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni Thirdy sa kanya. “Never mind.” Nilagpasan niya ito at halos lahat ng sulok ng bahay at pool area ay hinahanap na niya ngunit hindi niya nakita. Hangang sa mapunta ang mga mata niya sa babaeng nagsasahod ng hawak nitong grapes sa chocolate fountain. Lalapitan na sana niya ito ngunit nagpalinga-linga pa ito sa paligid na parang nagmamasid bago tuluyang lumakad at pumasok sa maliit na pintuan sa dulo. Mabilis siyang humakbang upang habulin Ang babae. Ngunit nagulat siya nang bumulaga sa kanya ang malaking balyena—este! Malaking babae. Mabilis niyang nasalo ang nadulas na babae ngunit dahil sa bigat nito ay kasama siyang bumagsak sa lupa. “Ahhhh! Sh!t” impit na ung000l niya nang tuluyan siyang madaganan nito. Pakiramdam ni Westley limang tao ang dumaan sa kanya. Pero nang napadilat siya ay nanlaki ang mata niya nang mapansin kung saan nakahawak ang kanyang isang kamay. Mabilis ang naging pagkilos niya at malakas na itinulak ang babae. “W-Walang hiya ka! Manyak!” Napangiwi siya nang hampasin siya nito ng mabigat nitong kamay. “Sandali! Hindi ko sinasadya!” Kumalma Ang babae at nahulasan siya nang makita ang mukha ng lalaking napahawak sa kanyang isang dede. “Westley? Babe?” Kunot ang noo na napatingin si Westley sa matabang babae na muntik nang dumurog sa kanya. “You know me?” “Oh my god!!! Sorry!!! Sorry!!!” Tinangka siyang hawakan ni Ms. Fushia ngunit mabilis na umiwas si Westley. Nagtawanan naman ang dalawa niyang kaibigan na Sina Brandon at Thirdy nang makita ang pangyayari. Pati ang ibang bisita na naroon ay Nakitawa na rin. Pakiramdam ni Ms. Fushia ay napahiya siya kaya pinilit niya ang sariling bumangon at umalis sa pool area patungo sa parking lot dahil sa kahihiyan. Habang abala ang mga bisita sa paghabol ng tingin Kay Ms. Fushia ay nagmadali naman si Westley na pumuslit patungo sa pinto na pinasukan ng babaeng kanina pa niya hinahanap. Pagpasok niya sa loob ay may nakita siyang dalawang banyo doon. Naglakad siya ng derecho hangang makalabas naman siya sa Isa pang pinto. At bumungad sa kanya ang sala ni Angel. May mga iilan din na bisita sa loob kaya hindi akward ang ginagawa niyang pagpasok pero nagpalinga-linga na siya sa paligid wala siyang makita hangang sa mapatingin siya sa mataas na hagdan. Umakyat siya sa itaas. Patay malisya siyang naglakad upang hindi siya mahalata ng mga makakakita sa kanya. Ilang kuwarto din ang nilagpasan niya hangang mapansin niya ang dulo ng kuwarto na may nakalagay na guest room. Hindi na siya nag-aksaya ng sandali at tinungo niya ito. Ngunit Pagbukas niya ay Patay ang ilaw sa loob. Pumasok siya sa loob at akmang bubuksan ang ilaw ngunit may kumilos sa tabi niya at sinara ang pinto. Naramdaman niya Ang pagbalya niya sa likuran ng pinto at may tal!m siyang naramdaman sa kanyang tiyan. Habang ang braso nito ay nasa kanyang dibdib. “Bakit mo ako sinusundan?” Pabulong na tanong niya. Nang masanay siya sa dilim ay saka niya Nakita ang mga mata nito dahil tumagos ang ilaw mula sa salamin ng veranda. May nakatali din na pulang panyo sa bibig nito at hindi na ito nakasuot ng bik!ni. “Magnanakaw ka hindi ba?” tanong niya na parang pamilyar sa pandinig ni Xanthe. “Oo, bakit? Isusumbong mo ako?” Sumilay ang ngiti sa labi ni Westley. “Hindi, pero kapag hindi mo binaba yang hawak mo. Mapipilitan ako.” “Mapipilitang ano?” Nanlaki ang mata ni Xanthe nang sa isang iglap siya naman ang nakapinid sa pinto at nabitawan pa niya ang hawak niyang patalim. “Bitawan mo ako!” “No, say please muna.” Utos ni Westley. “Kapag hindi mo ako binitawan magsisisi ka!” b@nta ni Xanthe. Inilapit ni Westley ang labi niya sa likod ng tenga nito. “Sino ka? Bakit ka nagnanakaw? At bakit mo ninakaw ang underw3ar ko?” bulong ni Westley na nagpatayo ng balahibo sa batok ni Xanthe. “Underw3ar? Anong sinasabi mo?” mahinang giit ni Xanthe. Gustuhin man niyang makawala. Malakas ang pagkakawak nito sa kanya at sobrang dikit pa na dibd!b nito sa kanyang likuran. “Nakalimutan mo na ba? Para Kang itim na pusa na pagkatapos mong tangayin ang und3rwear ko ay Basta ka na lamang tumalon sa terrace ng bahay ko.” Napaisip si Xanthe at malakas na tumibok ang kanyang puso sa kanyang narinig. “W-Westley?” Sambit ni Xanthe. “Kilala mo pala ako, good. Now explain to me. Bakit mo ninakaw ang brep ko?” Seryosong tanong ni Westley. Hindi niya naintindihan kung bakit ganito kabilis ang tibok ng kanyang puso. Mas malakas pa ang tibok ng puso niya kaysa kapag nakikipaglaban siya. At hindi lang yun, ang amoy nito na parang inuudyukan siyang halikan ito. Ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili. Hindi inasahan ni Xanthe na magkukrus ang landas nila ni Westley. Naalala niya tuloy kung ilang beses siyang napuyat, at tumawa sa pagsusulat niya ng love letter para dito kaya napangiti siya nang hindi niya inaasahan. “Kung may plano Kang takasan ako. Hindi mo yun magagawa. Now, sagutin mo ang tanong ko? Bakit kilala mo ako? Anong ginawa mo sa brep ko? At bakit nandito ka?” Bulong ulit ni Westley sa kanya. “Nasasaktan ako, puwede bang bitawan mo muna ako?” Malambing na tanong ni Xanthe sa kanya na ikinabigla ni Westley kaya mabilis siyang binitawan nito. “Sorry.” Ani ni Westley sa kanya. Humarap siya dito at napangiwi siyang hinaplos ang pulsuhan niyang mahigpit na hawak nito. “I didn't mean to hurt you.” nagi-guilty na Sabi ni Westley dahil alam niyang nasaktan niya talaga ito. Itinaas niya ang kamay niya upang tangalin ang nakatakip sa kalahati ng mukha nito. Kaya mabilis na kumilos si Xanthe. Humawak siya sa magkabilang balikat nito at malakas na tinuhod ang kanyang balot “Ahhh!!!” nasaktan na sigaw ni Westley. Pagkatapos ay tinulak siya ni Xanthe. Akmang patakas na siya ngunit mabilis na nahila ni Westley ang kanyang kamay at mahigpit niya itong niyakap hangang sa mawalan sila ng balance at natumba sila sa sahig. Hinawakan ni Westley ang likod ng ulo niya upang hindi ito masaktan. Mabigat ang kanilang paghinga at kapwa hiningal sa panlalaban sa isa’t-isa. “Sa tanang buhay ko…ngayon lang ako s!naktan ng isang babae!” Hingal at giit ni Westley habang nakatingin sa kanyang mukha. “Talaga? Kapag hindi ka umalis sa ibabaw ko. Hindi lang itlog mo ang babasagin ko.” hingal na Sabi ni Xanthe. Iisang hangin na lamang ang hinihingahan nilang dalawa. Dahil sa liwanag ng buwan ay mas lalong Nakita ni Westley ang mga mata nito. Inangat niya ang kamay niya at dahan-dahan na hinila ang telang nakatakip sa ilong at labi nito. Nag-iwas ng tingin si Xanthe. Ngunit hinarap ni Westley ang kanyang mukha. Sinuyod nito ng tingin ang kanyang mukha mula sa kanyang mata pababa sa kanyang ilong hangang sa labi. Napalunok si Westley sa mapulang labi nito. Ni minsan ay hindi niya naramdaman ang ganito. Ang kagustuhang manghalik ng babae. Pakiramdam ni Xanthe lalabas na sa dibdib niya ang kanyang puso sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Maski siya ay napahanga dahil hindi lang ito mabango at guwapo. Mas malakas ang appeal nito kapag ganito kalapit ang mukha nilang dalawa. Hinawakan ni Westley ang kanyang baba at nanlaki ang mata ni Xanthe nang tuluyan siyang halikan nito. Hindi niya alam kung bakit hindi man lang siya nagtangkang pigilan ito. Ngunit pakiramdam niya ay may nagdi-disco na bulate sa kanyang tiyan na sumasabay sa malakas na pigtig ng kanyang puso. Nagawa nitong mai-awang kanyang labi hangang sa ang marahan na halik ay mas naging malalim, mapaghanap at maging mapusok. Mariin siyang napapikit, ngunit biglang sumagi sa kanyang isip ang mukha ni Ms. Fushia. May hawak pa itong crispy pata at hahabulin siya. Napadilat siya ngunit mukhang dalang-dala na si Westley sa pag-ubos ng kanyang labi. Malakas niyang tinulak ito. Bago pa ito makagawa ulit ng hakbang ay inunahan na niya ito. “Ouch!!!” Napahawak ito sa kanyang noo nang malakas niyang ini-untog ang kanyang noo sa noo nito. Nagawa niyang maka-alis sa !lalim nito at mabilis siyang tumalon sa Terrace. Hindi na nagawang mahabol pa ni Westley si Xanthe dahil nagulat siya sa naging depensa nito. Hindi niya alam kung ano ang una niyang iintindihin yung bukol ba sa noo niya oh yung muntik nang mag-crack niyang sisiw. Ngunit sa huli ay hindi niya maiwasan ang mapangiti at mapahawak sa kanyang labi. “Damn it! Halik pa lang yun pero parang mababaliw na ako...” sambit ni Westley at kinagat ang sariling labi.Hindi na nag-aksaya ng oras si Westley kaagad siyang bumaba sa hagdan upang magpunta sa malaking pool. Nagpalinga-linga siya ngunit hindi niya mahagilap ang kanyang hinahanap. “Hi.” harang sa kanya ng isang babaeng naka-two piece bikini. Hinawakan pa siya nito sa balikat ngunit mabilis niyang tinangal ang kamay nito. “Hindi ako interesado sayo.” kunot ang noo na Sabi ni Westley at nilagpasan ang babaeng humarang sa kanya. “Nasaan na kaya yun? Ang bilis naman niyang mawala!” Inis na Sabi ni Westley. Imposible na nagkamali lang siya dahil malakas ang kutob niyang ang nangnakaw ng brep niya at ang babae kanina ay iisa! Kailangan na lamang niyang makausap at malapitan ang babaeng yun! “Geraff ka ba sa past life mo? Sino bang hanap mo?” salubong sa kanya ni Thirdy may naka-angkla pang babae sa bisig nito. “May napansin ka bang naka-red bikini na babae?” “What? Totoo ba itong naririnig ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni Thirdy sa kanya. “Never mind.” Nilagpasan niya ito at halos l
"Ano? Wala kang mahanap tungkol sa pagkatao ng babaeng yun?” Ulit na tanong ni Westley kay Arwin. “Sorry boss, pero sa isang linggo na pag-iimbestiga ko. Wala kahit kaunting impormasyon akong nakuha. Kahit doon sa babaeng nagnakaw ng brep niyo.” Kamot ulo niyang sagot. Napabuntong hininga si Westley at tumayo mula sa kanyang swivel chair at humarap sa salamin na wall ng opisina niya. “Arwin, gusto kitang tanungin. Sa tingin mo? Ano kaya ang dahilan kaya hindi mo mahanap ang pagkakakilanlan ng taong pinapahanap ko sa’yo? Sa lahat ng inutos ko sa'yo. Ngayon ka lang sumablay hindi kaya?” Lumingon siya kay Arwin at mariin niya itong tinignan. Napa-angat ng tingin si Arwin sa kanya. “Boss, kung iniisip niyo na hindi ko ginagawa ng maayos ang trabaho ko. Kahit magtanong kayo kay Brayan. Halos napupuyat na nga kami sa pag-iisip at pagkalap ng impormasyon tungkol sa babaeng nagnakaw ng brep niyo–”“Can you please, huwag mo nang ulit-ulitin?” “Alin po? Yung magnanakaw or Yung brep niyo?”
"Ano naman ito?” wala sa mood na tanong ni Westley sa kanyang secretary nang mag-abot na naman ito ng panibagong sobre sa kanya kinabukasan. “Sir, may nagpadala po ulit wala na naman pong address kung saan galing.” sagot ni Therese.Kinuha niya ang love letter at pumasok na siya sa kanyang opisina. Inilapag niya ang sulat sa ibabaw ng mesa at naghubad siya ng coat dahil nainitan siya. Wala siya sa mood dahil natakasan na naman sila ni Eliazar ang buong akala nila ay matatapos na rin ang problema nila ni Drake sa lalaking yun. Naupo siya swivel chair at sumandal. Napatingin siya sa love letter at binuksan niya ito para basahin.~~~My Dearest Sunlight, Itong sulat kong pangit, ingatan mong pilit.Kapag ito ay napunit. Puwede bang Ikaw ang kapalit?” Nagmamahal, your Moonlight ~~~Sumilay ang ngiti sa labi ni Westley habang paulit-ulit na binabasa ang nakasulat sa love letter. Pero nabura ang ngiti sa kanyang labi nang maisip niyang hindi tama yung reaction niya sa sulat na pinadal
"Susundin mo ba talaga ang utos ng baliw na yun?” Pangungulit ni Banjo nang makasakay na sila sa kotse. “Ewan ko, baka kapag hindi ko siya sinunod magkaroon ako ng malaking problema. Alam naman natin pareho na hindi uubra ang gayuma ni Miss Fushia na yun para magustuhan ng lalaking yun. Lalo pa nang sabihin mismo ni Miss Fushia na allergic ito sa babae. Kung puwede ko nga lang sampigahin na lamang para magising sa katotohanan ay ginawa ko na kanina.” namomoblemang sabi ni Xanthe sa kapartner niya. “Goodluck partner, kung kailangan mo ng back-up tawagan mo ako anytime.” Ani ni Banjo.Hangang sa pag-uwi niya sa kaniyang condo ay iniisip niya pa rin ang malaking problema niya. Minabuti niyang tumawag na lang muna sa probinsya upang kamustahin ang kanyang mga kapatid na halos isang buwan na niyang hindi nakikita. “Tita, kumusta po ang mga bata?” Usisa ni Xanthe nang sagutin ang kanyang tawag. “Tulog na sila, okay naman kami dito huwag mo kaming alalahanin. By the way matutuloy pa ba a
THIRD PERSON POINT OF VIEW...Pag-isipan mong mabuti, Xanthe. Walang trabaho ang nag-aalok ng million ang sweldo gaya ng trabaho mo ngayon dito sa Shadow Thieves organization ay Ikaw ang nangunguna at pinakamagaling sa lahat. Sasayangin mo ba ang oportunidad na puwede mong kitain kapalit ng pag-aalaga mo sa mga kapatid mo? Kung puwede mo naman silang ihanap ng limang Yaya para alagaan sila, hindi ba?” disappointed na sabi ni Mr. Lima nang magpasa siya ng resignation letter. Mula sa pagkakasandal sa upuan na nasa kanyang harapan ay tumayo si Xanthe. “Mr. Lima, I was 15 years old nang mag-umpisa ako dito sa organization natin. Marami akong bigatin na taong pinagnakawan. Sampung taon na rin ang nakalipas. Marami na rin naman akong nagawa para sa organization niyo at naturuan ko na rin ang mga bago. Sapat na siguro yun para palayain niyo ako. I just want a peaceful life with my siblings. Kaya please…accept my resignation letter.” Ani ni Xanthe bago tuluyang umalis. Nanghihinayang man s







